“Malapit na rin naman ang samin,” bulalas ko sa gitna ng katahimikan namin. Galing kaming convenience store at bumili siya ng tubig para sa amin. Palubog na ang araw na kita sa salamin ng tindahan at dun lang siya gumalaw nang nagsalita ako. Tahimik kaming naglalakad, ramdam kong hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kanina. Maski naman ako pero mas nagaalala ako sakanya kase baka matrauma siya. “Sorry sa n-nangyari. Uhm, first time mo ba ‘yon?” maingat na tanong ko sakanya at nagangat ng tingin. He stopped walking, and then he faced me harshly. “Oo,” pag amin niya. “Nako pasensya na, hindi mo na dapat-“ “Ano?” he spat angrily. “Ba’t ka humihingi ng dispensa? Sa sinasabi mo parang sanay ka na. Bakit nangyari na ba sayo ‘to?” Shocked by his confrontation, nangapa ako ng sasabihin, hindi na makatingin. “Isang b-beses, oo.“ “Anong kinuha sayo?” Halos magdugtong na ang mga kilay niya. “Pera, pero konti lang ‘yu
Last Updated : 2021-11-05 Read more