"Salamat, Ate Mina. Maraming, maraming salamat." "Walang anuman, Sam. O, siya, maglinis ka na ng sarili mo. Tapos, magpahinga ka na." Sabay silang pumasok sa mga kuwarto nila. Kinabukasan, maaga siyang naghanda sa pagsisimula ng trabaho. Hindi na niya ginising ang kapatid. Nag-almusal siyang mag-isa habang hinihintay ang pagdating ng mga ka-appointment. Dakong tanghali nang matapos ang mabusising business interviews sa mga ahensiya na kukunin niyang gagawa sa bahay ni Lyon. "Good morning, ate," bati ni Sam sa kanya habang nag-iinat at naghihikab. "Mabuti't nagising ka na. May mainit na kape pa rito," wika niya habang kumukuha ng isa pang tasa. Isinalin niya ang natitirang laman ng porcelain kettle. "Um-order ka na ng almusal. Tapos, ibigay mo sa akin ang resulta ng mga nilakad mo kahapon." Nagkamot ng ulo ang binata. "Nakapagpahinga ka na ba nang husto niyan, ate? Pulos trabaho na naman ang nasa isip mo, a?" reklamo nito bago b
Read more