"Salamat, Ate Mina. Maraming, maraming salamat."
"Walang anuman, Sam. O, siya, maglinis ka na ng sarili mo. Tapos, magpahinga ka na."
Sabay silang pumasok sa mga kuwarto nila.
Kinabukasan, maaga siyang naghanda sa pagsisimula ng trabaho. Hindi na niya ginising ang kapatid. Nag-almusal siyang mag-isa habang hinihintay ang pagdating ng mga ka-appointment.
Dakong tanghali nang matapos ang mabusising business interviews sa mga ahensiya na kukunin niyang gagawa sa bahay ni Lyon.
"Good morning, ate," bati ni Sam sa kanya habang nag-iinat at naghihikab.
"Mabuti't nagising ka na. May mainit na kape pa rito," wika niya habang kumukuha ng isa pang tasa. Isinalin niya ang natitirang laman ng porcelain kettle. "Um-order ka na ng almusal. Tapos, ibigay mo sa akin ang resulta ng mga nilakad mo kahapon."
Nagkamot ng ulo ang binata. "Nakapagpahinga ka na ba nang husto niyan, ate? Pulos trabaho na naman ang nasa isip mo, a?" reklamo nito bago b
Napapikit si Mina nang muntik na silang bumangga sa puwitan ng sinusundan na truck na biglang nagpreno sa stoplight. Ngunit wala pa ring numulas na ingay sa kanyang bibig. Nananakit na ang kanyang lalamunan dahil halos hindi na siya humihinga. "You can open your eyes now, Mina," utos ng baritonong tinig ni Lyon. Naramdaman niyang huminto na ang takbo nila. Biglang naghari ang katahimikan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. "N-nasaan na tayo?" she asked him faintly. "Nandito na tayo sa garahe ng townhouse," ibinitin nito ang susunod na sasabihin, "natin." "Natin!" ulit niya, pabulalas. "Hindi ako pumapayag na tumira dito, Mr. Zavala!" Pinihit niya ang doorknob ngunit ayaw gumalaw niyon. "Nandito ang lock niyan. Hindi ka makakalabas dito hanggang hindi ka pumapayag," salo ni Lyon. Mina was feeling harrassed. "Will you, please, drop this crazy idea? Hindi mo ako mapapapayag sa gusto mo. My God, I can sue you for sexual harra
Pinahalagahan ni Mina ang mga gintong pangungusap ng magulang dahil iyon lang ang naipamana nito sa kanya. Kaya nga marahil naging matatag siya sa pakikibaka at matibay sa mga pagsubok nitong mga nagdaang taon... Nakatulugan ni Mina ang pag-iisip ng tungkol sa mga nakaraan. Nakaramdam siya ng gutom ngunit mas gusto ng kanyang katawan at diwa ang magpahinga kaysa kumain. Parang pagud na pagud na siya. I miss you, Mama... bulong niya habang papahimbing ang kanyang pagtulog. Siya lang ang may malinaw na alaala ng butihing babae na nagluwal sa kanilang magkapatid. Sampung taon siya at apat naman si Sam nang mawala ang kanilang ama sa dagat. Seaman ito at bihira nilang makita. Nagkasakit ang kanilang ina sa pagdadalamhati. Di-nagtagal, iniwan na rin sila nito. For the first time in years, she admitted to herself that she longed to feel the warmth of her mother's love. Inaako niya ang responsibilidad ng isang magulang sa kanyang bunsong kapatid na
"Hindi mo pa sinasagot kung bakit dito ka natulog, Lyon," pakli ni Mina nang huminto ito sa pagsasalita. Tumikhim ang lalaki. Lumakad itong palapit sa kanya. Ngunit agad ring huminto nang umatras naman siyang palayo. Ibinulsa nito ang mga kamay na nakakuyom bago tumugon. "Inantok na si Sam kaya naiwan akong mag-isa sa labas. Sisilipin lang sana kita bago ako umalis pero nananaginip ka at umuungol. I thought you're having a bad dream kaya nilapitan kita para gisingin pero -- " "Pero--ano?" "You smiled at me warmly, Mina. Your open arms enticed me to lie down beside you. Hindi ko magawang tumanggi sa paanyaya ng ngiti mo kaya nahiga na rin ako sa tabi mo," pagsasalaysay nito. "For God's sake, how can that be true? I was fast asleep!" she protested. Tumango ang lalaki. "Alam ko. Kaya nga niyakap lang kita. Hinihintay kong magising ka sa mga haplos at halik ko sa iyo pero inantok lang ako," pagtatapos nito. "Dapat ay inalog mo na l
Pikit-matang humakbang palabas ng silid si Mina. Two pairs of measuring eyes focused on her as she appeared in the sitting room. "Good morning, madames," bati niya sa mga ito. Her smile was wide ang plastic. "I am pleasantly surprised to see you here," dugtong niya, awkwardly. Kumiling ang regal na ulo ni Mrs. Arogante. Para bang hindi nito ikukurap ang mga mata hanggang hindi siya nawawala sa harapan nito! "Pasensiya ka na kung masyado kaming maaga sa pagbisita sa 'yo, iha." Si Doña Corazon ang nagsalita nang manatiling tahimik ang kasama. "Inaya kasi ako ni Lucita dito agad. Kagabi lang kami nakarating dito. Galing kami sa Davao. Nagbakasyon kami sa Hacienda Arogante ng ilang araw. Balak talaga naming magdaan dito bago umuwi dahil gustong makita ni Lucita ang bahay-Kastila na ipinareretoke ko sa iyo." "Uhm, k-kaya po pala walang sumasagot sa telepono n'yo, Doña Corazon. Ilang beses ko kayong kinontak nung dumating kami dito, Medyo nagkaroon kami ng
"Of course. Ganoon naman ang gusto kong maging relasyon natin, Mina. We will live together but we still have our personal freedoms. Ang tanging kaibahan lang ngayon ay mayroon tayong kapirasong papel." "Your solution was a good idea but--it didn't seem right. What about love? Do you love me?" "Love! What is love? It's just a word that was often misused to express lust. A guy would say 'I love you' when he really meant 'I want to make love with you'! Gusto mo ba ng mga ganoong kasinungalingan, Mina?" Umiling si Mina. She was dizzy with the crazy proposal. "Paano magiging maganda ang pagsasama natin kung walang pag-ibig na namamagitan sa atin?" "We have a compatible chemistry," salo ng lalaki. "We have passion and desire, Mina. Those ingredients are more than enough." "I--I don't think--" Pautal na inumpisahan ni Mina ang pagsasabi ng pagtutol ngunit pinigilan siya ng lalaki. "Just think about this first, Mina. Our relationship would enh
"Alright. Let's have our breakfast!" Lyon sighed in frustration. It was a small victory for Mina but she relished it. Kailangan niya ng kaunting panahon at distansiya mula sa lalaki habang sinasanay niya ang sarili sa mga pagbabagong magaganap sa buhay niya. Nasa sitting room si Sam nang lumabas sila ni Lyon sa silid niya. Napahinto si Mina. Muntik nang bumunggo sa kanya ang lalaking kasunuran niya. Tumindig ang binata nang makita sila. Nagtatanong ang mga mata nito. Nagsususpetsa. Hindi makapagsalita si Mina. Naninigas ang dila niya. Nilinga niya si Lyon upang humingi ng tulong. "Magandang umaga, Sam," ang kaswal na bati ng lalaki. "Mabuti't gising ka na. Isasabay ka namin sa almusal." Napalitan ng pag-aalinlangan ang pang-uusig sa mukha ni Sam. "Nagising ako nang tumunog ang doorbell," wika nito, while giving them a furtive glance. "Si Mr. Zavala ba ang dumating?" Si Lyon ang tumugon. "I stayed the night here, Sam. In your si
May kumatok sa pinto ni Mina kaya nahinto ang pagmumuni-muni niya. "Ate? Gising ka na ba? Alas nuwebe na," tawag ni Sam mula sa labas. "O-oo, gising na ako," tugon niya sa pinalakas na boses. Lumapit siya sa pinto upang pagbuksan ang kapatid. May iniabot itong isang tasa ng umuusok na kape. "Salamat. Mauna ka na sa paggamit ng banyo. Iinumin ko muna ito." Tumango ang binata. "Sandali lang akong magsa-shower, ate," anito bago tumalikod sa kanya. Inilapag ni Mina ang puswelo sa ibabaw ng tokador upang mailabas ang bestidang isusuot niya. Lyon wanted a frothy creation for her wedding dress pero tumanggi siya. Hindi niya tipo ang mga ruffles and chiffon. Mas gusto niya ang mga simpleng tabas. Pinili niya ang isang disenyo na mayroong straight cut at yari sa white silk. May mga palamuting maliliit na perlas ang kasuotan. Bumili rin siya ng mga puting lace gloves at isang dress hat. Parang mas maliit na version ng sumbrero ni Kate Winslet sa
Mina was feeling jumpy by the time lunch was over. Iuuwi na siya ni Lyon sa townhouse nito. Kinakabahan na siya, hindi pa man sila napapag-isa. Natatakot siya pero nasasabik din para sa isang bagay na hindi pa niya nararanasan. "Kuya, ihahatid ko na lang mamaya ang mga gamit ni Ate," wika ni Sam sa asawa niya. "Naka-impake na naman ang mga iyon, e." "Salamat sa concern mo, bayaw. Pero areglado na ang tungkol sa bagay na iyan. Ipinahatid na ng manager ang mga iyon sa townhouse ko kaninang pag-alis ninyo sa hotel," pahayag ni Lyon. Inakbayan siya nito upang igiya patungo sa kotse. "Magtataksi na lang kami, iho," wika ni Tita Cora. "May bibilhin pa kami ni Lucita sa shopping mall. Ikaw, Sam? Gusto mo bang sumabay sa amin? Idadaan ka na lang ng taksi sa hotel," aya nito sa binata. Nagkamot muna ng ulo si Sam bago nagdesisyon. "Ate, sa kanila na ako sasabay," anito nang hindi umimik ang mag-asawa. Tumango si Mina. Nakangiti pa rin siya kahit na nan
Mesmerizing Eyes - Chapter20"AT last, Mrs. Romulo!" bulalas ng butihing duktor ni Arizona, si Dr. Pierrie. "You shall be able to see how handsome I look!" dugtong pa, pabiro.Excited di si Arizona ngunit ayaw niyang bumigay agad.Paano kung hindi naman pala tagumpay ang operasyon?She killed the ugly thought right away.Hindi dapat mabigo ang lahat ng mga pinaghirapan ni Tyler.Oh, Tyler...! daing ng puso niya. Bakit hindi ka dumating ngayon?She had a series of short but delicate eye operation by laser technology, in the past few weeks.The last one was major. And her husband had remained beside her even though she was unconscious with drugs.Ngunit nang matiyak na wala siya sa peligro, nagpaalam ito na 'sasaglit' lang sa farm para kumustahin si Terry.Ang 'saglit' na iyon ay halos isang linggo na.Nagpadala na raw ng email si Dr. Aguilar. At tumaw
Mesmerizing Eyes - Chapter19 SINIKRETO ni Arizona ang katulong na si Chedeng, bago siya nagtungo sa kumedor. Hinanap niya ang lumang maleta niya na kinalalagyan ng mga tunay na damit. "Dadalhin ko ang mga iyon, Chedeng. Pakisigurado mong naikarga iyon sa sasakyan ng Sir Tyler mo, bago kami umalis, ha?" Ginaya niya ang tono ni Terry kapag nag-uutos sa mga katulong. Magiliw na may kaunting tigas. "Opo, Ma'am Arizona," ang magalang na tugon naman ng kausap. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito bilang pasalamat. Naghihintay na ang magkapatid sa hapagkainan nang makarating siya sa kumedor. "Nandito na pala si Ate. Puwede na tayong mag-umpisa," pahayag ni Terry. "Sorry I'm late," wika ni Arizona habang nauupo sa silyang hinila ni Tyler para sa kanya. "It's alright. You look very lovely tonight," papuri ng baritonong tinig ni Tyler. "I like your dress, darling," dugtong
Mesmerizing Eyes - Chapter18 ARIZONA was having a fantastic dream. Tyler was making love with her so exquisitely. His intense kisses were explicitly sensual. His caresses were thoroughly erotic. Iba ang sidhi ng pagnanasang ipinalalasap sa kanya ng mga labing pangahas at dilang mapusok. The fires of passion devoured her inhibitions mercilessly. Her insistent lover was demanding her complete and absolute surrender. I love you... Mula sa kungsaan, biglang sumulpot ang mga katagang iyon. She was longing to hear those sweet words. Walang kasintamis ang pakiramdam niya nang maulinigan ang mga iyon. Para bang napalis na naman ang dilim na nakabalot sa kanya. You're mine, my beautiful goddess... Hindi makapaniwala si Arizona sa mga naririnig. Nananaginip pa ba siya? Pinilit niyang palisin ang mabigat na lambong ng antok. But she d
Mesmerizing Eyes - Chapter17THE days had passed blissfully. And the nights tempestously erotic.Payapa ang mga araw na sumunod, matapos ang simpleng kasal.Their daily routine had developed naturally.Sa umaga, isinasama siya ni Tyler sa paglilibot nito sa farm.Nakasakay sila pareho sa malaking kabayo nito. Ngunit malimit ay sa landrover na minamaneho ng isang tauhan.Basta't ang importante para sa asawa, laging nakayapos sa kanya ang mga bisig at laging magkadikit ang kanilang mga katawan.He introduced her to the lush and rich nature that surrounded them through vivid descriptions. Inilalarawan nito maging ang mga ibon na masisiglang nagliliparan sa mangasul-ngasul na kalangitan.O di kaya'y, mahihiga sila sa gitna ng parang. At magtatalik sa ibabaw ng mga bulaklak at mga damong ligaw.Anupa't ang bawa't sandali ay naging tigib ng tamis at ligaya dahil lagi silang magk
Mesmerizing Eyes - Chapter16IBAYONG pagkapahiya ang nadarama ni Arizona sa mga sandaling dapat ay napakaligaya niya.Paano'y napagtanto niyang hindi siya ipinakilala ni Tyler bilang isang bulag.Ang buong akala ng huwes, kumpletung-kumpleto siya.She heaved a deep sigh. Parang gusto niyang umiyak ngunit hindi naman niya magawa. Wala naman siyang tiyak na dahilan.Kung tutuusin nga, she was now in an enviable position.Tyler was one of the most eligible bachelors in this place. O kahit na saan mang lugar.Simpatiko na, mayaman pa.Napakasuwerte na para sa isang bulag na katulad niya ang makasilo ng ganitong klaseng lalaki.Ngunit bakit hindi na niya magawang sumaya?"Penny for your thoughts?" Nakalapit na pala sa kinaroroonan niya si Terry. "Tila napakalalim naman ng iniisip ng aking bagong hipag?"She summoned a smile on her stiff lips. "H-hindi naman," she
Mesmerizing Eyes - Chapter15NAWALAN ng malay-tao ang dalaga, dahil ibig niyang takasan ang humiliyasyon.Ngunit nang magising siya matapos ang ilang minuto, naghihintay sa kanya ang mga problema.At ang matinding kahihiyan na ayaw niyang harapin.Somebody was fanning her face with a piece of carton.While another was dangling an ammonia-wet cotton-ball near her twitching nose.She protested mutely. She did not like the pungent smell of the first-aid medicine.Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata."Gising na siya," anang tinig ni Terry, kasabay ng pagkawala ng mabahong amoy.Maya-maya, may gumagap na mainit na palad sa kanyang kamay.Si Tyler."Kumusta na ang pakiramdam mo, sweetheart?"There was a protesting gasp from Terry.Nailang tuloy si Arizona. "Uh, m-mabuti na," tugon niya habang pilit na ibinabangon ang sarili.Maagap na umala
Mesmerizing Eyes - Chapter 14NAKAPIKIT pa rin si Arizona kahit na naihiga na siya ni Tyler sa malambot na kama.Diyos ko, nababaliw na ba ako? usal niya sa sarili. Pumayag akong magpakasal sa isang lalaking hindi ko pa nakikita!Hindi ba tatanaw lang siya ng utang na loob kay Tyler Romulo?Bakit ipapatali niya ang sarili sa lalaking ito?"Arizona?" he murmured her name. Nahiga rin ito sa tabi niya.Ngunit pareho silang walang imik at walang tinag sa loob ng maraming minutong nagdaan.Lumundo ang kama nang kumilos ang lalaki.Naramdaman niya ang pagdapo ng mga titig nito sa kanya kaya napilitan siyang magmulat ng mga mata.Kahit na hindi naman niya ito makikita.Hinaplos ng masusuyong daliri ang mahabang buhok na nakalatag sa unan."Masyado kang tahimik," wika ni Tyler. "Having regrets already?"Umiling si Arizona."Bakit ako magsisisi?" sambit niya.Lumipat sa kanyang
Mesmerizing Eyes - Chapter13SINO ba namang lalaki ang hindi mahihibang sa kabigha-bighaning kariktan na ganito? bulalas ni Tyler sa sarili.Hindi niya maialis ang mga mata sa hubad na kagandahan.Nakaluhod sa Arizona sa ibabaw ng kama. Wala pa ring saplot sa buong katawan.Her naked body was exquisitely alluring. So utterly provocative. Maybe because she was unaware of her nudity as she begged at him with her beautiful eyes."Oh, Tyler!" she murmured imploringly. "You don't h--""I insist, Arizona," pakli niya. "Kung gusto mong ituloy ko ang pagpapaopera sa mga mata mo, pakasalan mo ako."Bumadha ang matinding pagkabigla sa mukha ng babae. "P-pero bakit--?"Gusto nang sumingasing ni Tyler. "I don't have to explain, Arizona. And I don't even have to insist," he expressed wrathfully. "Isa pa, hindi ka na dapat tumanggi dahil nakuha ko na ang lahat-lahat sa 'yo!"The woman f
Mesmerizing Eyes - Chapter12SOMEBODY was staring at her as she slept.Nararamdaman ni Arizona ang mga matang nakatitig sa kanya habang siya ay nahihimbing.She opened her eyes slowly.She was wont to move. Her limbs were feeling sluggish. In fact, her whole body was heavy and lethargic."W-who's there?" she murmured huskily.Pumikit uli siya. Gusto pa niyang matulog. Para bang napagod siya nang husto...She decided to snuggle back to her favorite pillow. Her hand groped for the big comforter.She stopped immediately when her palm encountered a hard and warm thing.The thin and curly hair on a masculine chest tickled her fingers.Nang mapagtantong hindi na panaginip ang nagaganap, tinangka ni Arizona na bumalikwas ng bangon."S-sino ka--?" she cried chokingly. Her unseeing eyes were full of misgivings."T-tyler?" Hindi siya makapaniwala. "A-ano'ng gina