Home / Romance / The Mafia Boss Pretending Wife / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of The Mafia Boss Pretending Wife: Chapter 31 - Chapter 40

51 Chapters

XXX - Tyron's Help

Elaine's Point of ViewHindi ko alam pero sinubukan kong tumayo upang pumasok sa loob dabul siguradong hinihintay na ako ni Kaizer ngunit, sobrang sakit ng mga paa ko kung kaya't wala akong nagawa kundi maupo na lang sa harap ng mga halaman at umiyak nang umiyak.Ano bang nagawa kong mali upang itrato ako ng ganito ni Louis?Ang hindi ko lubos na matanggap ay kung paano niya ako sabihan ng masasakit na salita na para bang wala kaming pinagsamahan na dalawa ngunit, bakit gano'n hindi man lang ako makaramdam ng galit sa kanya?Nagulat ako ng may marinig akong pamilyar na boses mula sa likod, halatang galit na galit na ito sa kausap niya sa cellphone dahil nanginginig na ang boses nito sa inis.“As I told you, dad. I don't want to marry Leverah, she is definitely not my type,” wika ni Tyron, hanggang ngayon ay hindi niya pa 'rin napapansin na magkatalikod lang kami sa isa't isa habang nasa gitna namin ang isang maliit na pa-square na kinal
Read more

XXXI - Confused Heart

Elaine's Point of ViewNagising ako nang maramdaman kong may dumampi sa balat ko na malamig na bimpo. Agad akong napadilat ng mata upang tingnan kung sino ang kasama ko.Ang huling natandaan ko lang ay nasa bisig ako ni Kaizer habang palabas na kami ng venue sa Desire Island. Kung tama ang hinala ko ay narito ako sa mansion niya. Naalala ko rin ang nasabi ko kay Louis, siguradong nainis siya sa winika ko, pero ano'ng magagawa ko? Masyado akong nadala sa mga ginawa niya sa akin kaya't nasabi ko ang bagay na iyon.Nang idilat ko ang mata ko ay nakita ko si Kaizer na dahan-dahang pinupunasan ang pisngi ko ng bimpo. Seryoso lamang siyang nakatingin dito, pero nang makita niyang idinilat ko ang mga mata ko ay sumilay ang ngiti sa labi niya.“Mabuti naman at gising ka na, Ely,” sambit ni Kaizer. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil parang naputol ang dila ko dahil sa hiya. Masyado ko siyang binibigyan ng sakit sa ulo. Nakita ko ang black eye niya sa
Read more

XXXII - Escape

Third Person's Point of View“Louis, baby. Hayaan mo na ang babaeng 'yon,” sambit ni Penelope. Hinawakan niya sa braso si Louis, ngunit nagulat siya nang bigla siya nitong itulak nang malakas na ikinatumba niya sa sahig.“How dare you!” singhal niya sa binata. Binigyan lamang siya nito ng masamang tingin bago siya tuluyang tapunan ng pera.“Get out of my sight, I don't like whores,” wika ni Louis. Agad naman nanlaki ang mga mata ni Penelope sa galit. Bago siya tumayo upang harapin ang binata ay pinulot niya muna ang mga pera na itinapon nito sa kanya.“Aba't napakakapal mo naman para sabihin sa akin ang bagay na 'yan!” sigaw ni Penelope. Akmang sasampalin niya si Louis nang bigla itong harangin ng binata gamit ang kanang kamay niya.“Do you really think that a whore like you can lay her hand on my face?” nakangising tanong ni Louis. Ang akala niya siguro ay hindi mahahalata ng binata na ni
Read more

XXXIII - Noah Escalde

Elaine's Point of ViewIlang araw na ang nakalilipas simula noong tangkain kong maglayas sa mansion ni Louis gamit ang tulong ni Blaire, ngunit naudlot ang lahat ng iyon nang mahuli kami.*** “And where do you think you will go?” tanong ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki. Kaagad naman akong napapikit nang mariin dahil sa kabang naramdaman ko.Naramdaman ko ang pagpisil ni Blaire sa kamay ko kaya't wala akong nagawa kundi mapalunok.“Ang sabi ko, saan kayo pupuntang dalawa? Care to explain?” tanong nitong muli. Wala naman akong nagawa kundi humarap upang tingnan kung sino ang nagsalita.Siguradong malalagot kami ni Blaire sa oras na si Louis ang binatang ito.Nang humarap ako ay halos malaglag ang panga ko nang makita si Tyron na nakakunot ang noo. Bakas sa mukha niya ang pagtataka kung bakit kami aalis ni Blaire.“Tyron?” gulat na tanong ko. Kaagad nagbago ang ekspr
Read more

XXXIV - Jealousy

Elaine's Point of ViewNanlaki naman ang mga mata ko sa gulat dahil siya pala ang makakasama kong lumaban sa competition.Ang ine-expect ko kasi ay totally nerd na kagaya ko, ngunit mukhang tama ang lagi kong naririnig na malakas ang dating niya. Hindi lang iyon, masyado rin siyang hot tingnan kahit naka-uniform lamang.“P'wede naman tayong dalawa na lang maging mag-partner, baby,” usal ni Baklang Elena at hinawakan ang kamay ni Noah na ino-offer sa akin.“Gaga, ano'ng isasagot n'yo sa competition? Siguradong kapag ikaw ang lalaban ay talo na ang school natin,” wika ni Venice na ikinataas ng kilay ni Baklang Elena.“Excuse me, ako kaya lagi ang wagi sa gay pageant. Kahit tanungin mo pa ako ng pangmalakasan, mala-Catriona, ganern!” sambit ni Baklang Elena habang nagkukunwari pang kumakaway sa mga audience.Nakita ko ang pagsimangot ni Noah nang bigla siyang lapitan ni Baklang Elena at marahang pisilin ang b
Read more

XXXV - The Enemy of Louis

Third Person's Point of ViewIlang oras na simula nang magmukmok si Elaine sa silid nang iwan siya roon ni Louis nang mag-isa. Hindi niya lubos maisip kung ano ba ang nagawa niyang mali upang hindi suklian ng binata ang kanyang nararamdaman para dito.Walang tigil ang pagbagsak ng mga luha ni Elaine habang sinusubukan niyang hanapin ang pangalan ni Venice sa kanyang contact list upang makapaglabas ng hinaing mula sa sinabi sa kanya ni Louis. Buong akala talaga noon ni Elaine ay kay Kaizer lamang siya mahuhulog, kaya't hinanda niya ang sarili na masaktan dahil sigurado siyang hanggang kaibigan lamang s'ya nito kung ituring, ngunit mas malala pa pala ang mararanasan niya kay Louis.Nais niyang magtungo sa isang lugar kung saan mare-relax muna ang isip niya kahit ngayong gabi lamang.“Hello, Ela, napatawag ka?” panimulang tanong ni Venice. Bakas sa mukha ang pag-aalala niya kay Elaine dahil minsan lang ito kung tumawag.&ldquo
Read more

XXXVI - Drunk Kiss

Third Person's Point of ViewNanatili ang ilang saglit na katamikan sa pagitan nina Kaizer at Elaine, walang nagnanais na maunang magsalita sa kanila dahil kapwa silang kinakabahan sa kung ano ang iisipin ng isa't isa.Hanggang sa hindi na nakayanan ng binata ang katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa, kaya't bumuntonghininga siya upang makuha ang atensyon ni Elaine.“Come on, Ely, we shouldn't waste our time here. I will bring you home, baka nag-aalala na sa 'yo si Louis,” usal ni Kaizer dahilan upang mas lalong makaramdam si Elaine ng kalungkutan sa nasaksihan niya.Napakamot na lamang ng ulo si Elaine dahil ayaw niyang sumama kay Kaizer. Hindi niya kasi ninanais umuwi kaagad lalo na't nakita niya si Louis na may kasamang ibang babae.“A...a-no kasi,” nauutal na sambit ni Elaine. Nais niyang ipaliwanag kung bakit ayaw niya pang umuwi, ngunit walang lumalabas na boses mula sa kanya.“Let's enjoy here for a
Read more

XXXVII - Ledger

Elaine's Point of ViewNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga talukap ko.“Good morning, Ma'am Elaine, nagdala ako ng hot coffee para mawala ang hangover mo,” usal ni Blaire habang dahan-dahang ibinababa ang isang tasa na may design na happy face sa side table.“Ano ka ba, Elaine na lamang ang itawag mo sa akin, at saka salamat pala rito sa dinala mong kape, ha,” nakangiti kong sagot at bumangon sa pagkakahiga. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa sobrang dami kong nainom na wine.“Hindi kasi ako sanay na hindi ma'am at sir ang tawag sa mga pinagsisilbihan ko. Alam mo na, naging habit na rin,” pagpapaliwanag ni Blaire. Iniabot niya sa akin ang isang basang bimpo.Nang matapos ako magpunas ng mukha ay kinuha niya ang bimpo mula sa kanang kamay ko at saka itinuro ang kape. “Inumin mo na ito bago lumamig. Mukhang naparami ka ng nainom,” usal niya na ikinakamot ko na lang ng ulo dahil wala
Read more

XXXVIII - The Call from Mariella

Third Person's Point of ViewNang makalabas si Louis sa mansion ay agad siyang sumakay sa Honda Jazz na nakaparada sa kanyang garahe. Isa ito sa natanggap niyang regalo galing sa Tiyo Alexander niya noong siya ay naging ganap na 21 years old.Sa totoo lang, nais na itong itapon ni Louis dahil ilang taon na ang sasakyan. Halos nag-uumapaw na rin ang garahe niya dahil sa sobrang dami niyang sasakyan na natatanggap taon-taon. Ang iba ngang hindi niya tipo ang style ay pinapamigay na lamang niya sa mga pinsan niyang babae.Hindi lubos maisip ni Louis ang dahilan ng kanyang ama kung bakit kinakailangan niya pang pakasalan si Elaine, gayong apo ito ng mahigpit nilang kalaban sa organisasyon. Hindi lang iyon, kung proteksyon lang naman ang habol nito sa kanya, sana binigyan na lamang niya ito ng mga bodyguard.Nang makaupo siya sa driver's seat ay walang humpay niyang pinagsusuntok ang manibela dahil sa inis. Hindi niya lubos matanggap kung bakit sinusubukang ma
Read more

XXXIX - Torn Between Two Lovers

Third Person's Point of ViewNang makarating si Louis sa Mansion kung saan nakatira si Mariella ay kaagad siyang pinagbuksan ni Mang Kernel ng gate dahil hanggang ngayon ay natatandaan pa nito ang kanyang car plate number.“Long time no see, Sir Louis,” usal ni Mang Kernel habang sumasaludo pa ito kay Louis na ipinaparada ang sasakyan nang mabuti sa loob ng garahe.Isa kasi itong loyal na bodyguard ng pamilyang De Vera kahit noong magkasintahan pa silang dalawa ni Mariella. Kung kaya't halos lahat yata ng sasakyan niya ay tanda pa ng matandang guwardya.“Yeah, it's been a long time, Mr. Kernel,” sagot ni Louis at bumaba na sa kanyang sasakyan.Nang makapasok si Louis sa loob ng mansion ay una niyang napansin ang mga disensyo na wala pa ring pinagbago. Marahil ay hindi na masyadong nagde-decorate ng bahay ang dalaga dahil abala ito sa kanyang career.Napadako naman ang tingin ni Louis sa mga maid na nakayuko sa kanya s
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status