Sinabi ng kausap ko na nasa Muntinlupa ang pamilya na naghahanap ng nawawala nilang anak. Nag-ayos na ako ng mga kailangan ko. Simpleng itim na t-shirt lang at denim jeans ang sinuot ko. Para mas komportable ang mga gagawin ko ngayong araw, nag-suot na lang ako ng isang rubber shoes. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang 7:30 na nang umaga. May pasok ako dapat ngayong araw pero aabsent na muna ako. Tinawagan ko na lang si Lily para ipaalam ang gagawin ko. "Lily," bungad ko sa kaniya. "Hello, Ms. Morint. Malapit na pong mag-alas otso nang umaga," paalala niya. "Yes, yes, I know. I called you because I won't go to work today. I have some important things to do," sabi ko
Last Updated : 2021-05-08 Read more