- THALIA'S P.O.V - "TITA, hindi ko na po kailangan pumunta kay Steve, ayos lang po ako!" pagpipigil ko kay Tita na tawagin si Steve sa telepono. "No, hindi na magbabago ang isip ko, Thalia." Napasinghap nalang ako, anyways. Hindi niyo pa kilala si Steve 'noh? Well, Steve is my childhood best friend. Since pagkabata, kasama ko na siya. Sinu-suportahan niya ako kahit ano man ang naiisip ko. Parang iisa nga lang ang utak namin eh. And also, whenever I face gloomy days, siya at si Jamie ang laging tumutulong sa'kin. Ayoko tawagan siya ni Tita kasi alam kong pagod na siya at madaming inaasikaso. He even supported me being an undercover agent, basta sabi niya, gawin ko daw ang mga ninanaais ko, huwag lang daw masobrahan.
Последнее обновление : 2021-05-05 Читайте больше