Lahat ng Kabanata ng All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1: Kabanata 21 - Kabanata 30

44 Kabanata

Chapter 21

           Maaliwalas na ang kalangitan  tanda na lumipas na ang bagyo. Pupunta sana siya kina Miles ngunit napansin niya ang nagsitumbahang mga puno sa parke. Agad niyang pinuntahan ang puno ng rambutan na itinanim nila ni Enzo na anila ay tanda ng kanilang pagmamahalan.              Nanlumo siya nang makita nabunot ang ibang ugat nito. Kakaunti na lang ugat ang nag - uugnay dito at sa lupa.              Nanghihinang napaupo siya swing doon. Ilang taon. Ilang taon niyang hinintay at minahal si Enzo. Si Enzo lang, walang iba. Nang maging maayos naman lahat sa kanila, saka sila magkakaroon ng matinding problema. Parang itong puno lang. Noong panahong bata pa ay hindi man lang nagupo ng bagyo. Ngayong kung ilang panahon nang nakatanim, Bagyong Andoy lang pala ang magpapasuko dito. Sa kaso nila ni Enzo, isang Natalie na kailan lang nito nakilala ang magpapabago sa la
Magbasa pa

Chapter 22

        Maaga pa lang ay nasa kanila na si Martin para sunduin siya. Ngayon sila nakatakdang mag ocular visit sa Tierra Verde Nature Resort sa bayan ng Cuenca, Batangas.        "Ingatan mo ang anak namin Martin ha." bilin pa ng kanyang ama bago sila umalis.       "Opo, Tito." nakangiting tugon ng binata.       "Mabuti naman."        Matapos ang ilan pang katakot takot na habilin ay nakaalis rin sila. Sakay siya sa kotse ni Martin habang convoy naman sa kanila sina Miles at Jim na isinama na rin sina Mhelrose at Jerson.          Halos kalahating oras lang ay narating na nila ang nasabing resort. Magalang naman silang agad  na sinalubong ng staff doon.            Iginiya sila ng mga ito buong lugar upang ipakita na ang accommo
Magbasa pa

Chapter 23

        Hindi maiwasang mapangiti ni Athena habang tinitignan si Martin na kasalukuyang nag - aabot ng pagkain sa mga batang kumatok sa sasakyan nito kani - kanina lang pagkalabas nila ng convenience store. Aarangkada na sana ito nang biglang katukin ng dalawang bata ang windshield ng sasakyan. Namamalimos ang mga ito at sa halip na pera ang ibigay ng binata ay ang binili nitong pagkain para sa sarili ang iniabot nito sa dalawa. Sinabihan pa nito ang mga bata na hangga't maari ay sa kani - kanilang tahanan na lang sila at delikado ang kanilang ginagawa.        Nakita niya ang sarili niya sa mga batang ito noong panahong helpless din siya. Si Martin, bukod sa kanyang mga kaibigan ang umalalay sa kanya at nagpangiti sa kanya. Hindi siya nito iniwan sa panahong kailangan niya ng karamay. Alam niya na busy din ito ngunit kahit gaano ito ka busy ay naglalaan ito ng oras sa kanya.           Nang makapagp
Magbasa pa

Chapter 24

        Nagising si Athena na parang may pumupukpok sa kanyang ulo. Pakiramdam niya'y hilong hilo siya. Masakit din maging ang kanyang lalamunan. Maging ang buong katawan niya ay sumasakit. Pinilit niyang imulat ang mata.         Napasinghap siya nang magisnan ang katabing si Martin.  Paano silang nakarating doon? Agad niyang sinilip ang sarili sa ilalim ng kumot. Naitakip niya ang mga palad sa kanyang mukha. Sa hitsura pa lamang nila at nararamdaman ng katawan niya parang alam na niya kung ano ang nangyari.          'Oh no.. Oh no.. ' paulit ulit na sigaw ng isip niya. 'Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga magulang at kuya ko?'         Tinignan nya sa wall clock kung anong oras na. Alas diyes trenta na ng gabi. Kumilos siya upang umalis sa kama na kipkip ng comforter sa dibdib. Dali - dali niyang pinulot ang mga damit at agad na nagbihis. Walan
Magbasa pa

Chapter 25

        Walang kibo at tahimik lang na nakatanaw sa bintana ng sasakyan si Athena. Ganundin si Martin na diretso lang ang tingin sa daan habang nagmamaneho. Kasalukuyan silang bumibiyahe pauwi  sa kani-kanilang mga tahanan.        "Ehem.. ehem..Ang init!" patay malisyang sabi ni Miles na nararamdaman ang tensiyon sa pagitan nila ni Martin.         Si Jerson naman ay panay ang sulyap sa kanila sa rearview mirror.          Habang daan ay ramdam nila ang tensiyon sa isa't isa. Maraming bagay ang pumapasok sa isip niya. Matagal niyang iningatan ang sarili niya ngunit sa isang iglap lang ay naibigay niya kay Martin ang pinakakaingatan gayung ni hindi naman sila. Magkaibigan lang sila.  Pero gawain ba ng magkaibigan yun? Hayss.. sumasakit ang ulong hinilot niya ang sentido.        "Masakit bang ulo mo Best?" tanong ni Miles sa kanya n
Magbasa pa

Chapter 26

                 Kahit anong pilit na mag concentrate sa binabasang nobela ay hindi magawa ni Athena. Kasalukuyan niyang binabasa ang Trojan War Chapter ng Greek Mythology habang nakikinig sa Your Love Cover ng favorite artist niya na si Michael Pangilinan at hinihintay ang pagdating ng kaibigang si Miles sa Reading Nook.         'Haysss... Martin. Get lost!' naiinis na sambit niya sa isip.         Kahit saan siya tumingin mukha ni Martin ang nakikita niya. Sa CAS Building, sa Reading Nook, sa kantina. Ganun na lang ba talaga siya kadali naka move on upang mabaling ang pansin sa binata? O tama ang mga kaibigan na obsess  lang siya noon sa ideya na inlove at ideal ang relationship nila ni Enzo.  Obsess lang siya sa memories na meron sila. Nasaktan siya dahil matagal niyang inalagaan at pinangarap ang relationship nila ni Enzo.&
Magbasa pa

Chapter 27

                "Hijo.. nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ng abuela mo." anang kanyang Lolo Naciano.         "Lolo, you're here."         Mabilis na itinago ni Marting ang hawak hawak niyang singsing sa bulsa ng suot na denim shorts habang nasa nakaupo sa may veranda ng Residencia De Villa.         Iniisip niya kung paano niya mapapapayag si Athena na magpakasal sa kanya sa lalong madaling panahon. Pinahahalagahan niya ito at ang nangyari ay isang bagay na hindi dapat ipagsawalang - bahala. Hindi lang niya mapigilang  hindi maghinampo sa ginagawa nitong pag - iwas ng dalaga sa kanya. Sa dinami - dami naman ng babaeng nagpapalipad hangin sa kanya, kay Athena naman siya nagkagusto na ni ang sumulyap man lang ay hindi kayang gawin sa kanya ngayon.          Agad siyang nagmano sa kanyang Lolo Naciano.
Magbasa pa

Chapter 28

       "Athena, let's go." yaya ni Jigs sa kaniya.        "Bye po 'ma, pa."        "Enjoy anak. Just be yourself."        "Call us if you need us. We'll be there right away." anang kanyang ama bago sila tuluyang umalis. Maaga pa lamang ay sinundo na si Athena ng mga kaibigan bago magtungo sa tahanan ng mga Trevino.          "Wag na po kayo mag - alala. Okay lang po ako."          "Don't worry po Tito. Babantayan at aalagan po naming mabuti si Athena." ani Jigs sa ama.           Nang marating nila ang lugar ay agad siyang luminga upang hanapin sina Enzo at Natalie. Sa totoo lang iilan lang naman silang bisita - ilang kamag - anak at mga kaibigan lang.         "Oh kids nandito na pala kayo." bati ni Tito Mac nang makita sila. "Hanap na lang kayo ng kumportab
Magbasa pa

Chapter 29

        Nagmistulang ukay - ukay shoppe ang silid niya nang i raid nina Bing, Eden at Karren ang closet niya sa paghahanap ng corporate attire na kakailanganin ng mga ito. May final demonstration teaching kasi ang mga ito para sa application sa isang private school sa makalawa.         "Okay ba? Bagay ba sa akin?" tanong ni Karren na lumabas mula sa comfort room ng silid niya. Suot nito ang isang silk wrap blouse at brown pencil cut na skirt.         "Nice. Bagay sa iyo." nag thumbs up na wika ni Miles. Patuloy naman sa paghahanap sina Bing at Eden.          Napakunot ang noo ni Mhelai nang may mapansin sa bandang puwitan ng short ni Bing.         "Bing, may stain ka oh. May regla ka. May baon ka bang napkin?" tanong ni Mhelai sa kaibigan.         Sinilip naman ni Bing ang kanyang likuran. "Naku, wala eh. Hindi ko naman
Magbasa pa

Chapter 30

After six years...         "Mom, can I have these?" tanong kanyang anak na si Martheena habang hawak - hawak sa kamay ang ilang may iba't ibang kulay na sticky notes. Kasalukuyan silang nasa Book Store para bumili ng school supplies na gagamitin nito para sa pagpasok sa private school sa tapat ng bahay slash shop na inuupahan nila. Sa takot sa magiging reaksiyon ng mga magulang, mas pinili niyang magpakalayo - layo sa San Diego.          Nagpakatatag siya kahit walang Martin sa kanyang tabi sa buong durasyon ng kanyang pagbubuntis. Wala naman siyang sinisisi sapagkat choice naman niya iyon. Sa tulong ni Caroline at kaunting naipon mula sa pagdi DJ ay nakakita siya ng magandang puwesto para sa kanyang Image & Digital Photography Shop kung saan may tatlo siyang tauhan, sina Bazzti, Sean at Vera. Ang ikalawang palapag naman ay ang siyang nagsilbing tirahan nila ng anak at tagapag - alaga nito na si Rosie. Nagpapasalamat n
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status