Home / LGBTQ + / Can I be Him? / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Can I be Him?: Kabanata 31 - Kabanata 40

76 Kabanata

Chapter 11.3

CHAPTER 11.3 NOONG maisipan na nilang umuwi nang lahat, nagpaalam na sila sa isa't isa at ang pinaka naunang umalis, si Alexander. Baka raw kasi hanap na ito ng asawa't anak. Ngayon, sila-sila na lamang nina Zachariel, Gian, at Leon ang naiwan. Itong mga ito, balak pa yata siyang ihatid sa motor niya bago sila umuwing tatlo e. Hindi naman kailangan pero bago pa man siya makatanggi, mabilis na um-oo si Gian. Bilang ayaw niyang tanggihan ito dahil nagmamagandang loob lang din naman ang binata, hinayaan niya itong ihatid siya tungo sa motor niya. "'Di na talaga bumalik si Henry, 'no?" Hindi niya alam kung bakit sa lahat ng pwede nilang pag-usapan, si Henry pa talaga ang naisip niyang balikan, samantalang; hindi rin lingid sa kaalaman niya kung gaano kainit ang ulo ni Gian sa isang iyon lalo na noong magtalo ang mga ito kanina. Muntik pa nga na magkapisikalan, hindi ba? "Ba't mo pa siya hinahanap e ininsulto ka nga niya kanina?" Nag-aalalang tanong ni Gia
Magbasa pa

Chapter 12.1

CHAPTER 12.1 MAGMULA noong mabanggit ni Lyle na nais pa nitong lubusang makilala si Gian, hindi na siya magkandaugaga. Ewan ba niya! Wala namang bahid ng kung ano sa sinabi noong isa pero ito si Gian, parang tangang matutulala na lang sa tuwing dadalaw sa isipan niya ang ganap noong Sabado? Kapag nga mahuhuli niya ang sarili na lumilipad ang isip, mahina niyang sasampalin ang sarili nang magising, e. Ngi, bakit siya ganito? Anong ginawa ni Lyle sa kanya? "Ah, 'di ko talaga ma-gets!" Nasisiphayong sigaw niya bago siya sumandal sa likuran ng kinauupuan. Mabuti na lang at nakakulong siya sa sarili niyang opisina ngayon. Kung mayroon mang makakita sa kanya, siguradong iisipin nilang nababaliw na si Gian. Hindi naman niya kasalanan! Si Lyle ang nagsimula! Nadadala lang siya. Gusto niyang maiyak na ewan. Kaya lagi na lang siyang nagiging tumpulan ng pang-aasar, e. Laging sinasabihang may gusto kay Lyle dahil iyong sistema rin niya, naka-program na umakto ng
Magbasa pa

Chapter 12.2

CHAPTER 12.2 "BY THE way," Zamiel trailed off before he darted curious gazes towards Gian's direction, "how about you and Lyle? When do you plan on courting him?" "Huh?" Tila ba nag-short circuit ang utak niya sa pag-iiba ng usapan ni Zamiel. Hindi kaagad rumehistro ang sinabi nito. Para tuloy siyang tangang nakatunganga at napapakurap-kurap habang inaanalisa ang sinabi nito sa isipan. Tila ba naglatag bigla si Zamiel ng puzzle pieces at kailangan niya pang kumpletuhin upang maintindihan ang nais nitong ipahiwatig. Hanggang sa wakas! Naintindihan din niya ang nais nitong sabihin. It took Gian literal seconds before he finally understood what this guy meant, and it is a shame that it took him that long! Anyway, his cheeks instantly flared the moment the idea sank in, siyang dahilan upang mag-init ang mga pisngi niya at iusog ang swivel chair palayo sa lamesa, pinapangarap na isuksok ang katawan sa kadulu-duluhan ng kinauupuan. Kahit pa naroon na siya.
Magbasa pa

Chapter 12.3

CHAPTER 12.3 NATIGILAN si Gian sa kalagitnaan ng pakikipagtalo sa kaibigan noong oras na bigla na lamang umismid si Zamiel. Nang tignan niya ito, nakahalumbaba na ulit ito at bumalik na rin sa dati ang ekspresyong nakapinta sa mukha – nakasimangot na naman, akala mo e masama ang loob sa mundo. "Ba't ka nakatingin sa 'kin ng ganyan?" Natatakot siya, a. Sa lahat ng kabarkada niya, si Zamiel na yata ang pinakanakakatakot sa tuwing ito na nga ang nang-aanalisa. Bagamat mukha itong anghel ayon sa nakararami, iba pa rin ang awrang ine-emit nito. Sa tuwing ipupukol nga nito ang mga mata sa kanya, para siya nitong binabalatan ng buhay kahit na malayo ang orihinal nitong iniisip mula sa mga ideyang pumapasok sa isipan niya! Ang sama niya, ano? Pinagmumukha niya lalo na masama ang ugali ni Zamiel. "Alam mo, walang may alam sa 'min kung ano ang ginagawa mo t'wing attracted ka na sa isang tao. 'Di ka masikreto tulad ni Leon, pero ang hirap mong basahin da
Magbasa pa

Chapter 13.1

CHAPTER 13.1 INTERACTING with Lyle had always been difficult for Gian. Hindi pa man nila napag-uusapan iyong kalokohang nabanggit ni Zamiel, aminado na siya na ang hirap manatiling nakamasid sa mga mata ng binata. Para siyang natutunaw, ang puso niya, parang sasabog. Bagamat wala namang agunyas sa kanya ang pakikipag-usap dito at kailan lang ay madalas na rin silang nagkakausap, nahihirapan pa rin siyang manatiling matatag. Nakakapanghina pa rin talaga ang presensya ni Lyle. Para itong kryptonite kahit hindi siya si Superman. Madalas, gusto na lamang ding bumigay ni Gian sa temptasyong magtago. Kung hindi lang talaga siya nahihiya sa binata at kung hindi lang niya talaga hinintay ang pagkakataon na mapalapit dito, hahayaan niyang lamunin ng kaduwagan niya. Pero ni minsan, hindi inasahan ni Gian na darating ang araw na mas mahihirapan siyang kausapin ito. Mula nang makausap si Zamiel noong isang araw, halos kaladkarin na lamang niya ang sarili upang makausap si Lyle.
Magbasa pa

Chapter 13.2

CHAPTER 13.2 MINUTO pa ang lumipas ang patuloy pa ring isinusumpa ni Gian si Zamiel sa isipan. Palagay niya, ilang beses na iyong bumahing sa kalagitnaan ng trabaho, iniisip na baka e sinisipon na ito. Dapat lang! Kung saan-saan kasi siya tinangay ng kalokohan ng kaibigan. Tignan mo nga, hindi lang ang barkada niya ang nang-aasar sa kanya ngayon! Para kay Gian, pati na rin ang buong Mabalacat City at Angeles City ang nang-aasar sa kanilang dalawa ni Lyle ngayon! Kung bakit din ba kasi niya naisip na makipagyakapan kay Lyle sa gitna ng pampublikong lugar? Tanghaling tapag pa! Ang lakas ng loob niya, a. Saan niya kaya nahugot itong kakapalan ng mukha niya? Matapos magalit sa kaibigan, saka lang rumehistro sa kanya na hindi pa rin sila bumibitaw ni Lyle sa isa't isa. Talagang sa kabila ng mga hiyawang natamasa nila e hindi sila nagpadaig at ipinagpatuloy ang ginagawa sa kabila ng nakakapasong init at mga tinging natatanggap. Pinasadahan niya na lamang tuloy ito ng tingi
Magbasa pa

Chapter 13.3

CHAPTER 13.3 "BAKA ganyan dahil mas sinsero ka ro'n sa admirer ni Ridge," ani Zachariel na siyang nakapagpatahimik sa kanya. Not only physically, but also mentally. All he could hear was the stillness that his environment offered him. Nakakabingi, pero ang tanging kayang gawin lang ni Gian noon ay ang tumunganga at kumurap na parang tanga sa harapan ni Zachariel. His mind bluffed. Bumagal ang connection. Bigla na lamang niyang hindi mairehistro sa isip ang sinabi ng kaibigan. Alright, he might have probably short-circuit on that very moment. Probably. Because he was inept to respond, Zachariel also stared at him for a while. However, the realization dawned upon the other male quickly. A mischievous grin was immediately plastered on his lips and Gian still spaced out. It is taking him a while to understand that he is about to face a fate filled of- "Ops, natahimik. Mukhang nahuli a," pilyo nitong sabi n
Magbasa pa

Chapter 14.1

CHAPTER 14.1 "SIR, mauuna na po 'ko! Good day po sa inyo," paalam ng isa sa mga kasamahan sa trabaho ni Gian. Awtomatikong napalingon ang binata sa gawi nito at tinanguan lamang si Anna, ngunit makalipas ang ilang segundo, bigla siyang may naalalang itatanong dito. Kaya naman bago pa man makaalis ang dalaga, agad siyang tumikhim at pinukaw ang atensyon nito. "Sandali lang, Anna, may itatanong pala ako sa 'yo!" Pigil niya rito. Mukhang didire-diretso kasi ng lakad kung hindi pa niya tatawagin. Hindi yata napansin ang maliliit na ginagawa niya para mapansin nito. When Anna heard him call her, she instantly flinched as though she did something. The reaction made Gian amused, but he did not pay too much attention over that. He has something important to inquire about, after all. It is not like it is too important, but for Gian, it matters since it served as a puzzle for him for weeks now.
Magbasa pa

Chapter 14.2

CHAPTER 14.2"HE… hello, Lyle?"Para bang nabunutan ng tinik sa dibdib si Lyle noong oras na marinig niya ang boses ni Gian. Ang tagal na mula noong huli silang mag-usap na dalawa. Ilang linggo rin ang lumipas! Hindi na siya nakapunta sa café nito magmula nang maging abala sa trabaho, wala ring oras na mai-text o matawagan ang binata dahil nilamon siya ng mga gawain. Kaya nga, hindi niya itinago ang pagkaginhawang naramdaman noong sagutin nito ang tawag niya.Nagpakawala siya ng malalim na hininga at napahawak sa dibdib.It took them long, but at least, he's here now.Marahil, ang overreacting niya sa iba, pero mayroong mas malalim na dahilan bukod sa ilang linggo nilang hindi pag-uusap ng binata. Noon kasing nagsisimula nang lumuwang ang schedule niya, ilang beses niya itong sinubukang tawagan ngunit ni minsan, hindi ito sumagot. Ngayon pa lamang, samantalang limang araw na rin mula noong simulan niya ang pag-contact dito. Mula pa no
Magbasa pa

Chapter 15.1

CHAPTER 15.1 ALAS otso na ng umaga nang dumating si Lyle sa kwartong ipinahiram sa kanila ng dati niyang boss. Naabutan niya ang mga kasama na noo'y abala nang kumpletuhin ang mga dapat gawin, at nakaramdam siya ng kaunting konsensya dahil naisip niya talagang magpa-late. "Mukhang nahuli ka ng gising ngayon, sir? Maganda rin naman 'yan, ilang araw ka nang hindi natutulog." Natigilan siya sa pasimpleng pag-iinspeksyon ng mga damit na kasalukuyan pang inaayos nang marinig ang boses ni Kaleb sa tabi niya. Awtomatiko siyang tumingin sa gawi nito at marahang tumango, nginitian niya rin ang binata bago mahinang tumawa. "Hindi naman. Na-late lang ako dahil mayroon akong kinausap. Pasensya na kayo." Umangat ang mga kilay ni Kaleb. "Ah, oo nga pala, sir… nakausap mo na ba iyong kaibigan mo? Nitong minsan, nag-aalala ka na hindi mo ma-contact." Napahimig siya. Hindi mapigilang mas lumawak ang pagkakangiti at kinuha naman na iyong sapat na sagot
Magbasa pa
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status