CHAPTER 13.1
INTERACTING with Lyle had always been difficult for Gian. Hindi pa man nila napag-uusapan iyong kalokohang nabanggit ni Zamiel, aminado na siya na ang hirap manatiling nakamasid sa mga mata ng binata. Para siyang natutunaw, ang puso niya, parang sasabog. Bagamat wala namang agunyas sa kanya ang pakikipag-usap dito at kailan lang ay madalas na rin silang nagkakausap, nahihirapan pa rin siyang manatiling matatag. Nakakapanghina pa rin talaga ang presensya ni Lyle. Para itong kryptonite kahit hindi siya si Superman. Madalas, gusto na lamang ding bumigay ni Gian sa temptasyong magtago. Kung hindi lang talaga siya nahihiya sa binata at kung hindi lang niya talaga hinintay ang pagkakataon na mapalapit dito, hahayaan niyang lamunin ng kaduwagan niya.
Pero ni minsan, hindi inasahan ni Gian na darating ang araw na mas mahihirapan siyang kausapin ito. Mula nang makausap si Zamiel noong isang araw, halos kaladkarin na lamang niya ang sarili upang makausap si Lyle.
CHAPTER 13.2 MINUTO pa ang lumipas ang patuloy pa ring isinusumpa ni Gian si Zamiel sa isipan. Palagay niya, ilang beses na iyong bumahing sa kalagitnaan ng trabaho, iniisip na baka e sinisipon na ito. Dapat lang! Kung saan-saan kasi siya tinangay ng kalokohan ng kaibigan. Tignan mo nga, hindi lang ang barkada niya ang nang-aasar sa kanya ngayon! Para kay Gian, pati na rin ang buong Mabalacat City at Angeles City ang nang-aasar sa kanilang dalawa ni Lyle ngayon! Kung bakit din ba kasi niya naisip na makipagyakapan kay Lyle sa gitna ng pampublikong lugar? Tanghaling tapag pa! Ang lakas ng loob niya, a. Saan niya kaya nahugot itong kakapalan ng mukha niya? Matapos magalit sa kaibigan, saka lang rumehistro sa kanya na hindi pa rin sila bumibitaw ni Lyle sa isa't isa. Talagang sa kabila ng mga hiyawang natamasa nila e hindi sila nagpadaig at ipinagpatuloy ang ginagawa sa kabila ng nakakapasong init at mga tinging natatanggap. Pinasadahan niya na lamang tuloy ito ng tingi
CHAPTER 13.3 "BAKA ganyan dahil mas sinsero ka ro'n sa admirer ni Ridge," ani Zachariel na siyang nakapagpatahimik sa kanya. Not only physically, but also mentally. All he could hear was the stillness that his environment offered him. Nakakabingi, pero ang tanging kayang gawin lang ni Gian noon ay ang tumunganga at kumurap na parang tanga sa harapan ni Zachariel. His mind bluffed. Bumagal ang connection. Bigla na lamang niyang hindi mairehistro sa isip ang sinabi ng kaibigan. Alright, he might have probably short-circuit on that very moment. Probably. Because he was inept to respond, Zachariel also stared at him for a while. However, the realization dawned upon the other male quickly. A mischievous grin was immediately plastered on his lips and Gian still spaced out. It is taking him a while to understand that he is about to face a fate filled of- "Ops, natahimik. Mukhang nahuli a," pilyo nitong sabi n
CHAPTER 14.1 "SIR, mauuna na po 'ko! Good day po sa inyo," paalam ng isa sa mga kasamahan sa trabaho ni Gian. Awtomatikong napalingon ang binata sa gawi nito at tinanguan lamang si Anna, ngunit makalipas ang ilang segundo, bigla siyang may naalalang itatanong dito. Kaya naman bago pa man makaalis ang dalaga, agad siyang tumikhim at pinukaw ang atensyon nito. "Sandali lang, Anna, may itatanong pala ako sa 'yo!" Pigil niya rito. Mukhang didire-diretso kasi ng lakad kung hindi pa niya tatawagin. Hindi yata napansin ang maliliit na ginagawa niya para mapansin nito. When Anna heard him call her, she instantly flinched as though she did something. The reaction made Gian amused, but he did not pay too much attention over that. He has something important to inquire about, after all. It is not like it is too important, but for Gian, it matters since it served as a puzzle for him for weeks now.
CHAPTER 14.2"HE… hello, Lyle?"Para bang nabunutan ng tinik sa dibdib si Lyle noong oras na marinig niya ang boses ni Gian. Ang tagal na mula noong huli silang mag-usap na dalawa. Ilang linggo rin ang lumipas! Hindi na siya nakapunta sa café nito magmula nang maging abala sa trabaho, wala ring oras na mai-text o matawagan ang binata dahil nilamon siya ng mga gawain. Kaya nga, hindi niya itinago ang pagkaginhawang naramdaman noong sagutin nito ang tawag niya.Nagpakawala siya ng malalim na hininga at napahawak sa dibdib.It took them long, but at least, he's here now.Marahil, ang overreacting niya sa iba, pero mayroong mas malalim na dahilan bukod sa ilang linggo nilang hindi pag-uusap ng binata. Noon kasing nagsisimula nang lumuwang ang schedule niya, ilang beses niya itong sinubukang tawagan ngunit ni minsan, hindi ito sumagot. Ngayon pa lamang, samantalang limang araw na rin mula noong simulan niya ang pag-contact dito. Mula pa no
CHAPTER 15.1 ALAS otso na ng umaga nang dumating si Lyle sa kwartong ipinahiram sa kanila ng dati niyang boss. Naabutan niya ang mga kasama na noo'y abala nang kumpletuhin ang mga dapat gawin, at nakaramdam siya ng kaunting konsensya dahil naisip niya talagang magpa-late. "Mukhang nahuli ka ng gising ngayon, sir? Maganda rin naman 'yan, ilang araw ka nang hindi natutulog." Natigilan siya sa pasimpleng pag-iinspeksyon ng mga damit na kasalukuyan pang inaayos nang marinig ang boses ni Kaleb sa tabi niya. Awtomatiko siyang tumingin sa gawi nito at marahang tumango, nginitian niya rin ang binata bago mahinang tumawa. "Hindi naman. Na-late lang ako dahil mayroon akong kinausap. Pasensya na kayo." Umangat ang mga kilay ni Kaleb. "Ah, oo nga pala, sir… nakausap mo na ba iyong kaibigan mo? Nitong minsan, nag-aalala ka na hindi mo ma-contact." Napahimig siya. Hindi mapigilang mas lumawak ang pagkakangiti at kinuha naman na iyong sapat na sagot
CHAPTER 15.2"SIR Gian, nailagay na po namin 'yong bagong coffee grinder sa kitchen. Pina-set ko na rin po kay Miguel nang mai-check kung walang problema. May ipapagawa pa po ba kayo?" Pagbabalita sa kanya ni Anne."Ah, wala na. Pakisabi nalang sa kanila, magtanghalian muna. Balik na lang kayo ng alas dos kasi parating na rin 'yong isa pang machine na in-order ko.""Sige po, sir. Thank you po!"Nakangiting tinanguan ni Gian si Anne bago siya nito tinalikuran at tuluyang umalis. Noong wala na ito sa paningin niya, saka pa lamang pinakawalan ng binata ang buntong hininga na kanina pa niya pinipigilan.Kanina pa niya gustong bumuntong hininga ngunit hindi rin talaga siya nagkaroon ng pagkakataon. Ayaw niya kasing makita iyon ng crew niya at baka isipin, pagod na siya. Samantalang wala pa naman siyang ginagawa liban sa pag-aasikaso rin ng deliveries at paminsan-minsang pagtulong sa mga ito.Isa pa, hindi naman iyong panghihinayang sa mga nawalan
CHAPTER 15.3 "NAKAPAG-SORRY na nga 'ko! Ba't ka ba nagdududa sa 'kin? Parang walang tiwala, a! Balak nga naming mag-coop 'pag na-build na niya 'yong Klee niya sa Genshin. Kaswerte pa yata no'n at maganda 'yong party niya," kwento ni Keegan kay Lyle. Dahil maagang nagising si Lyle ngayon at ngayon din ang most dreadful day nila — ang araw ng event! — mas maaga siyang nagising kaysa sa mas madalas na nakasanayan. Ala singko pa lamang ng umaga at hinihintay niya ang agahan niya sapagkat nagpahatid nalang siya sa customer service, pagkatapos nito, didiretso na siya sa trabaho. Pero maaga pa at may oras siya, kung kaya naman habang naririto pa sa suite niya, naisip ni Lyle na makipag-video call kay Keegan. Noong isang araw kasi... o kahapon yata, sinabihan niya itong kumustahin si Gian para sa kanya. Hindi niya ito sinabihang pumasok sa café nito pero ang unexpected na iyon ang ginawa ni Keegan. Ayaw pa naman sana n
CHAPTER 16.1 "ARE you sure he's not coming?" Lyle paused from watching his models walk by the runway when he heard Eutalia ask. Nahigit pa sandali ang hininga niya noon ngunit mabilis din siyang kumalma. Marahan siyang lumingon sa dating boss. Nakangiti ito ngunit wala sa kanya ang mga mata. Sa halip, nakatuon ang buong atensyon sa line up niya. "What do you mean, miss?" Aniya. Napahalakhak ang ginang. "You know what I mean, Mr Villariza. I'm talking about your new inspiration." "Oh." Ibinalik ni Lyle ang mga mata sa sariling line up bago tumikhim. "No, he won't be coming. I don't think he'll catch up either, something came up and he's... probably not interested in watching fashion events." As miss Eutalia hummed, Lyle brought his gaze back to the stage and watched as to how models walked down the runway, exhibiting the clothes they are wearing. Dito pumwesto si Lyle dahil ipinatawag din siya ng hukom. Bagamat, tinanggihan niya
EPILOGUE 16 years ago… "H-HUH?! I-interviewhin ko po iyong mga members ng basketball team? Bakit po ako?!" Nagugulantang na tanong ni Gian sa adviser ng broadcasting. Natigilan siya nang mapansin ang pagtigil din ng adviser nila. Hindi maintindihan ang pagkagulat na nadama niya. Kinukumpirma lang naman niya ang unang assignment para sa darating na Intrams. Hindi sinasadyang magtunog galit o ano. Mukha lang. Halos dumulas sa ilong niya ang makapal na salamin nang malaman ang designated task niya sa intrams. Nakakagulat lang talaga na sa lahat ng assignment, doon pa talaga siya sa pinaka mahirap na gawin na-assign! Gian isn't an extrovert and he is struggling with human interactions, so he knows that there is a huge probability that he may fail this assignment. As much as he does not want to, he expects himself to mess up if he does this task... and he does not want to fail.
CHAPTER 30 WALANG araw na hindi naisip ni Gian ang ginawang paghalik kay Lyle. Pero nagsisisi ba siya? Syempre, hindi. Natatakot, oo. Baka sa susunod kasing makita niya si Lyle, baka mangatog talaga ang tuhod niya't matumba siya. Hindi pa nakatulong na mabilis lumipas ang weekends. Pipikit ka lang sandali, Lunes na naman. Pupwede rin naman siyang lumiban ngayon sa trabaho pero ayaw niyang iwan ang negosyo. Ayaw niyang pa-distract kahit mahirap. Hindi naman niya makausap si Zamiel dahil may problema pa rin sila ni Ridge. Kaya ang kinausap niya, ang kakambal nito. Ang sabi naman sa kanya ni Zachariel, umamin na siya lalo na't itatanong at itatanong daw ni Lyle kung bakit niya ito hinalikan. Bakit nga ba kasi niya hinalikan? Noong Sabado, nalunod si Gian sa tuwa na suotin ang mga damit na ginawa sa kanya ni Lyle. May kung ano rin na bumulong sa kanya na halikan ito noong magkalapit ang mga mukha nila. Nag
CHAPTER 29.2 OH God, what have they done? Pagkatapos nilang maghalikan ni Gian, naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Pareho silang nagugulat sa presensya ng isa't isa. Hindi mapakali sa tuwing nagkakatinginan o masasagi ang isa't isa. Hindi pa nakatulong na mukhang may balak na mag-celebrate ang mga magulang niya para i-welcome si Gian sa pamilya! Samantalang… hindi naman sila! Ngunit sa kabila ng lahat, nairaos naman nila ang lahat. Nalunok niya rin ang pride para kuhanan ng litrato si Gian. "Pasensya ka na sa komosyon," paghingi ng paumanhin ni Lyle habang inihahatid si Gian sa labas ng bahay nila, tungo sa sarili nitong kotse. Naglakas loob siya kahit na tumatanggi ang binata kanina. Pero frick, hindi dapat iyong pamilya niya ang ikakahingi niya ng paumanhin. Iyong halikan kamo dapat nila! Matapos sumigaw ng ganoon ng kapatid niya, hindi na sila nakaakto ng m
CHAPTER 29.1 NEVER did Lyle ever thought that Gian would agree to his request almost immediately. Matapos nilang mag-usap ni Ridge, dumiretso siya sa café ni Gian sa kagustuhang makita ito. Anyway, it's exhausting to confess your old feelings towards the person you used to like. It drains a lot of energy and courage. And as lame as it may sound, kay Gian siya humuhugot ng "enerhiya" nitong nakaraan. The male's presence would automatically fill him with energy. Gaganahan na siya magtrabaho. Bonus nalang na ito rin ang personal na naghahanda ng mga in-order niya. Noong dumating siya, hindi niya naiwasan na magtaka nang makita itong namumutla. Nababalisa na nakatayo sa harap ng entrance ng café. Hindi naglalakad pero halatang nag-aalala at malalim ang iniisip. Mukhang kaunti nalang, malulunod na sa anxiety. And Lyle can still remember how relieved Gian was when he saw him. It st
CHAPTER 28.2 "YOU know for yourself that you've fallen hard for Gian, right?" Ridge asked. Nanlalaki ang mga matang tumigil siya sa paghinga. Bagamat sandali lang, pakiramdam niya pa rin e nakalimutan niya kung paano bumawi. He also has a lot to say, but no words escaped his mouth after the sudden slap of reality he received. "I- I know…" mahinang aniya. Tumango si Ridge. "Then why tell me this? Kanina ko pa iniisip kung bakit, pero 'di ko pa rin malaman kung ano bang gusto mong makamtan sa ginagawa mo ngayon." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Closure lang, Ridge. Closure talaga ang gusto ko kaya kita inaya ngayon." Nang sabihin niya ang totoong pakay, si Ridge naman ang nawindang at nagulat. Ipinilig nito ang ulo ngunit kalaunan ay naghalumbaba. Isinasabalewala ang pamahiin at nais nalang na makinig sa dahilan niya. They never dated, yes, but Lyle thinks that his younger self deserved to have this closure to en
CHAPTER 28.1JUST as what Ridge promised him, he really made time for Lyle. Hindi niya iyon inaasahan dahil alam niyang abala si Ridge. Pero ang ayon sa binata, wala itong gagawin ngayon. Tinatamad din daw siyang bisitahin si Zamiel sa trabaho at nagsabi naman daw siya na importante ang pag-uusapan nila.He nearly choked at the "important conversation" term. Hindi naman talaga importante para kay Ridge na marinig ang gusto niyang sabihin. Kung tutuusin, pupwede nitong ipagsakibit balikat ang maririnig mula sa kanya. Natutuwa lang siya na bininyayahan siya nito ng kakarampot na oras at atensyon."So… what are we gonna talk about?" Tanong ni Ridge habang tinitignan ang menu ng korean restaurant na kinaroroonan nila.Nahirapang lumunok si Lyle nang maramdaman ang pagbara ng laway sa lalamunan niya. But in the long run, he still managed to choke out some words to reply."I&hell
CHAPTER 27.3 "ANG bilis ng meet and greet the parents stage niyo? 'Di naman kayo saka 'di ba? Si Ridge ang pinili mo," Keegan commented while sipping from his can of coke. Naniningkit ang mga matang pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan, pero hindi ito pinatulan. Sa halip, ibinalik nalang ang mga mata sa nilalakaran. Lunes noon ng hapon nang mag-aya si Keegan na mag-SM daw sila sa San Fernando. Change of scenery dahil lumang-luma na ang SMC sa kanila. Paulit-ulit nalang ang nakikita nila at wala namang bagong stores na mabibisita. Pumayag din si Lyle dahil wala siyang ginagawa. Well, he is supposed to spend the afternoon with Gian but Keegan texted him to hang out. Hindi naman niya matanggihan ang kaibigan dahil matagal-tagal na rin mula noong huli silang magkausap at magkita. And alright, maybe this really a better thing because he and Gian did spend the rest of the day yesterday in his room.
CHAPTER 27.2 GIAN hates it here. In this place, in this luxurious restaurant rented by his batch mates with people he does not want to interact with. Gusto na niyang umuwi at maglaro ng video games. If not, he would rather spend the whole day talking to Lyle over the phone or surprising him with a visit - which, he is not sure if he can do since it may appear that he was intruding Lyle's privacy and day off. Nagsisisi siyang pumunta siya rito samantalang mas maraming paraan para sayangin ang araw. Pwede naman siyang magpaka-productive kaysa sa... "Uy Gian, balita namin, single ka pa rin?" Puna ng isa sa mga kaklase niya noong mapansin ang pananahimik niya. If he is not mistaken, his name is Kenneth? Nabitin mula sa pagsimsim ng tequila si Gian noong marinig ang pagpuna ito. Tapos, alanganin siyang tumawa. Ayaw niyang i-entertain ang tanong nitong si Kenneth. Ayaw niya kasing marinig kung anong susunod
CHAPTER 27.1 "COME to think of it, bukas na 'yong reunion ng batch niyo noong senior high," ani Lyle habang nilalaro ang toy poodle ni Gian. Kinakarga niya gamit ang dalawang paa iyong aso tapos pasasayawin sa mga hita niya. Pinasadahan niya rin ng mabilis na tingin ang kaibigan at natagpuang nakamasid ang binata sa kanila ni Whitney. Nang mahimasmasan, awtomatikong tumuwid sa pagkakaupo ni Gian. Matapos kasi nitong bumalik mula sa kusina, ang ina nito ang nag-take over para magluto. Hindi rin naman binawi ng binata lahat ng album na naglalaman ng baby photos niya kaya tinapos niya iyong tignan. But he is embarrassed for sure. He was amused of how Gian almost hid himself behind the couch while he busied himself looking over his photos. And to save some face for his friend, he decided to finish scouring through his baby photos quickly. Kaya nga sa ngayon, nilalaro na