Home / LGBTQ + / Not Another Song About Love [BL] / Kabanata 81 - Kabanata 90

Lahat ng Kabanata ng Not Another Song About Love [BL]: Kabanata 81 - Kabanata 90

131 Kabanata

Chapter 31.2: Keeping out of the way

 Keeping out of the way     "D-Dennis, maayos naman tayo, hindi ba? Dennis, ba..." Nanginginig ang kamay na napahilamos ng mukha si Raymond. Binalik niya ang tingin kay Dennis na nakayuko ngayon. "B-Bakit break up ang sinasabi mo? Ang ayos pa nating dalawa, ’di ba? Bakit ganyan ang sinasabi mo? Ipaliwanag mo naman, o."Huminga siya nang malalim at kinagat ang nakakuyom na kamao bago binalik ang nanlalabong tingin kay Dennis. "Dennis, bakit gusto mong makipaghiwalay? D-Den... anong dahilan? Mama mo ba? Ano? Sabihin mo naman! Hindi ako manghuhula, Dennis. Bakit ngayong nakipagkita ka, ayan ang sasabihin mo sa akin? Dennis? Ano? Joke lang ito, ’di ba? Sumagot ka naman, please?"Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Dennis ngunit tinabig siya nito. Pagtingala ni Dennis, halata ang pamumula ng mga mata nito, tanda na nagpipigil din itong umiyak."Raymond, please let me go..."Naikuy
Magbasa pa

Chapter 31.3: Friends

Friends          Nanatiling nakatitig si Raymond kay Dennis at nakatingin din ito pabalik sa kanya. Alanganing nakangiti si Dennis sa kanya at mukhang tinatantsa kung ano ang mood niya. Napahugot ng hangin si Raymond at nagsalita. "Ano sa tingin mo? Mukha bang ayos ako, Dennis? Hindi ba’t parang nakakaloko ’yang tanong mo?" Napayuko si Dennis habang kagat-kagat nito ang pang-ibabang labi. Gustong matawa ni Raymond. Kasi... bakit lumalapit pa si Dennis sa kanya? Hindi ba’t hiwalay na sila? Parang naglolokohan silang dalawa, e!  Kahapon lang sila naghiwalay. Hula nga ni Raymond, hindi pa lumilipas ang bente kuatro oras mula noong hiwalayan tapos ito ang bungad nitong tanong? Kung ayos lang siya? Nagbibiruan ba silang dalawa? Mukha ba siyang maayos?  Ni isang malinaw na rason nga mula kay Dennis, wala pa rin siyang maisip bukod sa sinabi nitong dahil sa pangarap niya. Tanginang pangarap ’yan! Dahil lang
Magbasa pa

Chapter 32.1: Process of moving on, the Raymond’s way

Chapter Thirty Two Process of moving on, the Raymond’s way      "Umuwi lang tila bang lahat nagbago na..."Malakas na kumatok si Raysen sa pinto ng kwarto ni Raymond at sumigaw, "hindi mo ba ililipat ’yang kantang pinatutugtog mo? Ang aga-aga, puro pambasag na puso! Hindi kami brokenhearted dito! Ilipat mo nga!"Bagot na pinindot ni Raymond ang next sa music player ng cellphone at nalipat ang kanta na nasa bluetooth speaker. "Ipikit ang iyong mata at ihanda ang iyong sarili... paumanhin..."Isang malakas na sipa ang ginawa ni Raysen sa pinto ng kwarto, pinapahiwatig na itigil niya ang kanta. Sinulyapan ni Raymond ang pinto at pinindot uli ang next sa music player. "Halata sa iyong mata ang pagod na iyong dala na parang bang ayaw mo na... Mga luha na pilit mong tinatago...""Raymond! Naririndi na kami!"Bumuntong hininga si Raymond at inalis
Magbasa pa

Chapter 32.2

    Accompaniment       Pinagbabalat ngayon ni Raymond ng mansanas ang lolo niya. Nakasemento ang binti nito at naka-elavate dahil sa pagkakahulog daw nito sa hagdan. Iyong lola naman niya ay kagigising lang mula sa pagkakahimatay nito. At ang una nitong ginawa noong makitang ayos ang lolo niya? Pinagalitan ang matandang lalaki.    "...Sinabi ko naman kasi sa’yo, Martin ka, na huwag kang magpumilit na umakyat na sa bubong! Anong nangyari, ha? Nahulog ka! Walanghiya ka talagang matanda ka! Akala ko lalabas na iyong puso ko kanina noong makita kitang mahulog?! Ano ang gusto mo, ako ang atekihin dahil sa kalokohan mo? Ang linaw-linaw ng sinabi ko na hayaan mo muna ang antena ng telebisyon kung hinangin man! Magtawag na lang tayo ng magkukumpuni! Ayun, nagpasikat ka pa at piniling suwayin ako! Saan ka dinala ng kayabangan mo, ha? Ayan, may bali ka binti!"   "Ma, tama na," mahinang sit
Magbasa pa

Chapter 33.1

      Chapter Thirty Three   Fickleness       "Talagang sinabi mo kay Raymond na inaaya mo siyang kaibigan? Really, dude? You really did that?"   Nag-iwas ng tingin si Dennis at piniling ibaling ang atensyon sa labas ng bintana. Ngunit anong iwas niya kay Syrius, hindi ito tumigil. Ang ginawa nito, pinihit siya paharap at tinitigan nang masama.    "Ginawa mo talaga iyon?"   "Oo na. Happy now?" singhal niya.    Ngumiwi si Syrius. "Fuck, dude. Akala ko tanga ka lang. May mas itatanga ka pa pala. What a moron."   "Could you please stop it? I know I’m stupid, okay? No need to rub it on my face."   Nangyari na. Bakit kailangan pang ipamukha na tanga siya? Alam naman niyang oo nga, tanga siya sa parteng iyon. Sinong matinong tao ang aayain ang taong hiniwalayan niya
Magbasa pa

Chapter 33.2

 Wrong call      Parang walang buhay na bumalik sa klase si Dennis. Wala siyang maramdaman. Pakiramdam niya, namamanhid ang buong katawan niya at naninikip ang dibdib niya. Ang sakit pala kapag binalewala ka ng taong mahal mo? Tangina. Hindi niya maipaliwanag nang maayos ang nararamdaman ngunit parang may nakadagan sa loob ni Dennis na nahihirapan siyang huminga. Iba ang boses ni Raymond noong kausap niya. Taliwas sa maayos nitong pakikipag-usap, ramdam niyang ayaw nitong makausap siya. Iyong taong dating laging nariyan sa tabi niya, ngayon ay ayaw na kahit kausapin lang siya. Pero sino ba ang dapat sisihin? Siya naman, hindi ba? Anong karapatan niyang magreklamo?  "Dennis, you looked pale," ani Syrius sa kanya. Nanatiling diretso ang tingin niya sa binder na nakapatong sa desk. Pero kahit na naroon ang mga mata niya, hindi rumerehistro sa
Magbasa pa

Chapter 33.3

 Transferred      Gumising si Dennis na masakit ang ulo. Nang pupungas-pungas siyang bumangon sa kama kung nasaan siya, sinapo niya ang nananakit na ulo at mukha. Hindi niya alam kung bakit makirot ang kaliwang parte ng mukha kaya hinawakan niya iyon. "Ano, gising ka na?" Hinanap ni Dennis kung saan nagmumula ang boses. Nang makita niya si Syrius na nasa kaliwang gilid niya na umiinom yata ng kape, agad na nilibot ni Dennis ng tingin ang lugar kung nasaan siya.  Nasa isang malaking kwarto siya na tanging kama at table na gamit ni Syrius ang naroon. Fuck. Where is he?!  When he realized that he’s not in his apartment or anything that he’s familiar with, he looked at Syrius with guarded eyes.  Mukhang nabasa nito kung ano ang tumatakbo sa isip niya kaya pinaikutan siya nito ng mga mata at n
Magbasa pa

Chapter 34.1

Selfish      Matagal na nakatingin si Dennis sa kisame ng apartment niya. Bumabalik sa isip niya ang napag-usapan nila Raysen tungkol kay Raymond. Ayaw nito na kausapin pa niya si Raymond kung hindi naman niya aayusin ang kung anong gusot sa pagitan nila. Aasa lang daw kasi si Raymond kapag kinausap niya pa ito ngunit hindi magsasabi ng estado talaga nila. Pero ganoon ba kadali iyon? Fuck it. He really wants to go back to Raymond. Fuck his fears! Fuck his future! Fuck everything! Tangina. Lahat na lang yata ng desisyon niya sa buhay, puro mali. Laging palpak! Wala na siyang ginawang tama!  Siguro tama nga sila na mali iyong pang-iiwan niya na lang basta kay Raymond. Pero iyon ang tingin niyang tama. It’s all about Raymond’s future. Akala ba nila, madali sa kanya iyong ginawa niyang desisyon? Fuck. It’s not. Kasi kung
Magbasa pa

Chapter 34.2

Realizations Dennis never thought he will hear Syrius saying this to him. Paano siya naging selfish? Pagiging makasarili na ba kung iniisip niya lang ang kapakanan ni Raymond kaya siya nakipaghiwalay? "Y-You don’t understand me, Sy!" "I do, Dennis. Kilala kita kaya alam ko ang ugali mo. You want him back now, right? Why? Kasi alam mong nawawala na si Raymond sa’yo. Pero kung hindi mo naman nararamdaman iyon, hindi ka kikilos, ’di ba?" Iniling niya ang ulo. "N-No, t-that’s not true." Parang pagod na tumingin si Syrius sa kanya.  "Iyon ang ginagawa mo ngayon, Dennis. When you decided to break up with Raymond, I told you to think about it carefully but you didn’t listen. You went on with your plan. I was fine with that. Raymond tried to talk to you but you told him that you wanted the two of you just t
Magbasa pa

Chapter 34.3

  Comfort         Nang maayos na si Syrius, sinabi nito ang problema. At noong malaman ni Dennis kung ano ang dahilan nito sa pag-inom, napanganga na lang siya.  Syrius looked at Dennis. Hinihintay nito ang magiging reaksyon niya sa ibinunyag nito. Nanatili naman siyang nakanganga at nang hindi mapigil, nagsalita na siya habang iniiling ang ulo.  "Tangina, Sy?! Paano kang nagkagusto sa kanya, e hindi n’yo nga kilala ang isa’t-isa? At saka may girlfriend iyong tao. Bakit ka humahabol doon? Siya ba talaga iyong Zen na sinasabi mo?" Sinulyapan siya nito. "You got it wrong, I know Zen. He’s the one who doesn’t know me." Ngumiwi si Dennis. Akala niya, malala na ang problema niya. Hindi niya akalain na ang problema ni Syrius, mas seryoso pa kaysa sa kanya.  
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
14
DMCA.com Protection Status