The one with the question Nakailang tingin na si Raymond sa sarili niya sa salamin pero hindi pa rin siya kontento sa itsura. Nang lingunin niya si Ramiel na nakatingin sa kanya, hindi mawari ni Raymond kung ngiti ba o ngiwi ang nasa labi ng bata. "Gwapo na ba si Papa, ’nak?" "Papa, ilang tanong mo na sa ’kin ’yan, e!" reklamo nito at tinapunan ng tingin ang mga nagkalat na damit sa ibabaw ng kama niya. Kahit siya, napangiwi noong makita ang halos isang dosenang damit na nakakalat. Tae. Hindi na nga siya magpapalit at baka kahit hindi niya pa nakikitang mag-tantrums si Ramiel, makita niya na dahil sa tagal ng ginagawa niya. Pota. Dami niya na palang pinagbihisan? Kaya pala nagrereklamo na itong bata, e. Napakamot si Raymond sa ulo. "Last na talaga ’to, Miel. Ayos na ba ang suot ni Pa
Read more