Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4751 - Chapter 4760

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4751 - Chapter 4760

5765 Chapters

Kabanata 4751

Halos lahat sila ay armado, kaya walang magawa ang gobyerno at puli sa kanila.Hindi lang iyojn, ngunit dinukot at pinatay din ng mga sindikato sa Mexico ang maraming politiko sa bansa, at matagal na nilang napasok ang militar at political system para mapunta sa itaas ng food chain ng Mexico ang mga sindikato.Hindi talaga sineryoso ng sindikato ang army o pulis sa bansa nila, o kahit ang mga pulis sa United States at Canada, pati na rin ang FBI.Ito ay dahil walang kayang kumontrol sa mga sindikato sa Mexico maliban kung mas malaking sindikato ito.Kaya, mahirap para sa American police na imbestigahan ang kasong ito nang malalim kapag naglaho sila sa Mexico. Kaya, sa huli ay nagiging mga kaso sila na hindi nalulutas.Nang inulat ni Porter ang impormasyon na ito ky Charlie, hindi mapigilan ni Charlie na ibulong sa sarili niya, “Kakaiba ito. Naiintindihan ko kung niloloko nila ang mga tao na pumunta sa Mexico para matulungan silang magbalik ng kontrabando sa United States mula sa M
Read more

Kabanata 4752

Nang marinig ni Porter ang utos ni Charlie, sumagot siya nang walang pag-aatubili, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Ipapadala ko agad ang mga pinakamalakas na elite solder ng Ten Thousand Armies sa Mexico. Pagdating ng oras, susugod sila basta’t ibibigay mo ang utos!”“Okay!” Puno ng maharlika ang tono ni Charlie, at sinabi niya nang malakas, “Sabihan mo ang mga sundalo na bibigyan ko sila ng kredito pagkatapos makumpleto ng bagay na ito! Sa sandaling iyon, magdadaos tayo ng handaan sa Mexico, at sisiguraduhin ko na papaunlarin ko ang lakas nila!”Matagal nang may layunin si Charlie na paunlarin ang kabuuang lakas ng Ten Thousand Armies. Ngayong nakatipon na siya ng malaking pondo para sa Ten Thousand Armies, ang susunod na gagawin niya ay paunlarin ang kakayahan sa pakikipaglaban ng mga sundalo ng Ten Thousand Armies.Sa ngayon, ang pinakamagandang solusyon ay pataasin ang mga cultivation level nila.Para sa karamihan ng mga sundalo, hindi nila kailangan ng buong Healing Pill dahi
Read more

Kabanata 4753

Samantala, sa Bedford Hills Correctional Facility.Pagkatapos ma-enjoy ni Elaine ang full body massage ng pito o walong tao, naging sobrang komportable siya, at pakiramdam niya na tila ba nasa langit siya.Ang dating dominante na si Chloe lang ang miserable.Isa-isa niyang minasahe ang paa ng lahat ng tao sa selda, ayon sa hiling ni Elaine.Sa sandaling pinatay na ang mga ilaw sa presinto, nasa apat o limang tao pa lang ang namamasahe niya.Nang makita ni Elaine na oras na para matulog, sinabi niya nang malamig kay Chloe, “Ipagpatuloy mo ang pagmamasahe ng paa ng lahat hanggang bukas ng umaga. Tingnan mo kung hindi kita bubugbugin kung maglalakas-loob kang maging tamad!”Umiyak si Chloe at umango habang sinabi niya nang nabubulunan, “Naiintindihan ko… Hindi ako magiging tamad…”Suminghal si Elaine at tinuro ang basang kama habang sinabi nang malamig, “Ito ang masterpiece mo, kaya matutulog ka sa kama na ito simula ngayon, at matutulog ako sa kama mo.”Hindi na nangahas si Chloe
Read more

Kabanata 4754

Sa gabing iyon, pabalik-balik lang si Chloe sa banyo at sa bawat kama. Kailangan niyang masahihin ang paan g lahat ng halos kalahating oras ayon sa hinihingi ni Elaine.Kahit hindi na banggitin na wala siyang tulog ngayong gabi, ngunit marahil ay wala ring libreng oras si Chloe bukas.Para naman sa mga dati niyang kasamahan, wala silang nagawa kundi magpaikot-ikot sa basang kama nila.Hindi sila nangahas na humiga sa isang posisyon nang matagal dahil hindi pwede na matagalan masyado ang katawan nila sa basang kama dahil lalamig at sasakit ang mga katawan nila.Kaya, ang nagawa na lang nilang ay gumulong sa mga kama nila na tila ba mga sausage sila na nilagay sa ihawan na palaging iniikot at iniihaw.Nakakagulat, si Elaine, na naging boss na, ay hindi rin natulog.Kinabukasan ng umaga, si Elaine, na hindi natulog buong gabi, ay mukhang mas masigla kumpara sa kahit sino sa selda.Nang bumangon siya sa kama, sinusubukan pa rin ni Chloe ang lahat ng makakaya niya para masahihin ang
Read more

Kabanata 4755

Kapag may tumutulong kay Charlie, kailangan niya rin alagaan ang kabila, hindi gaanong maganda kumpara kung mag-isa siya.Bukod dito, balak pasukin nang mag-isa ni Charlie ang kampo ng kalaban sa pagpunta niya sa Mexico. Magpapanggap siyang mahina kahit na makapangyarihan siya, at kung sasama si Kathleen, kailangan niyang kumilos nang sobrang maingat.Sa una ay hindi alam ni Kathleen kung ano talaga ang balak gawin ni Charlie as Mexico. Nang marinig niya na papalitan ni Charlie ang lugar ng isang posibleng biktima at palihim na papasok sa kampo ng kalaban, alam niya na wala siyang madadala na kahit anong positibong epekto bukod sa pagiging pabigat kay Charlie kung susundan niya siya.Kaya, sumuko na lang siya nang may hinanakit.Nang tumigil ang kotse sa entrance ng airport, sinabi ni Charlie kay Kathleen, “May espesyal na katayuan ka, kaya huwag kang lumabas sa kotse.”Sinabi nang nagmamadali ni Kathleen, “Bigyan atensyon mo ang kaligtasan mo, Mr. Wade!”Tumango nang marahan si
Read more

Kabanata 4756

Malinaw na medyo kakaiba ang ekspresyon ni Hugo nang binanggit ang trabaho.Sa totoo lang, ipinagmamalaki niya ang katayuan niya bilang isang estudyante na na-sponsor ng gobyerno, pero biglang may mababang pagpuri siya sa sarili niya nang binanggit na pupunta siya sa Mexico para magtrabaho.Napansin ni Charlie ang mga pagbabago na ito. Kasama na ang katotohanan na palagi siyang nagpapalit ng trabaho nang maraming taon at pababa nang pababa ang sahod niya bago siya nawalan ng trabaho ng mahigit isang taon, nahulaan ni Charlie na pupunta lang siya sa Mexico ngayon dahil wala na siyang magawa at wala na siyang ibang pagpipilian.Kaya, bumuntong hininga siya nang malambot at sinabi, “Sa tingin ko ay wala kang magawa nang nagpasya ka na pumunta sa Mexico para magtrabaho, tama? Sa totoo lang, katulad mo ako. Hindi ako pupunta sa Mexico maliban kung huling paraan ko na ito.”Tinanong siya nang mausisa ni Hugo, “Anong gagawin mo sa Mexico?”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “hindi ko alam ku
Read more

Kabanata 4757

Kung gano’n, tinadhana talaga sila.Kaya, nagpakita ng isang tapat na ngiti si Hugo na bihira niyang ipinapakita at sinabi nang nagmamadali, “Oh, tinadhana nga tayo! Halika, halika, umupo ka!”Tumango si Charlie. Pagkatapos itabi ang suitcase niya, umupo siya sa tabi ni Hugo at sinabi nang nakangiti, “Mukhang may makakausap ako sa paglalakbay.”Hindi na rin nagpatuloy si Hugo na maging mapagbantay kay Charlie at tinanong siya nang mausisa, “Siya nga pala, may mga kakilala ka ba susundo sayo pagkatapos mong dumating sa Mexico?”Tumawa nang kaswal si Charlie at sinabi, “Wala akong kakilala doon. Maglilibot lang ako at titingnan kung may kahit anong angkop na negosyo na magagawa ko. Babalik ako sa Oskia kung wala akong magagawa doon.”Tinanong nang mausisa ni Hugo, “Hindi ka ba natatakot na hahanapin ka ng mga pinagkakautangan mo kung babalik ka?”Kumaway si Charlie at sinabi, “Malaking lugar ang Oskia. Pagdating ng oras, maghahanap ako ng lugar para magtago. Baka may pagkakataon ak
Read more

Kabanata 4758

Nang makita ni Charlie ang ekspresyon ni Hugo na puno ng kahihiyan, nagbago nang kaunti ang unang tingin niya sa kanya.Sa una ay akala niya na egoista lang si Hugo na sakim para sa kabantugan at kayamanan, pero kung titingnan ngayon, may ilang konsensya pa rin siya.Para naman kay Hugo, hindi niya pa sinasabi ang mga taos pusong salita na ito sa kahit sino sa mga nagdaang taon.Kahit siya mismo ay hindi inaasahan na magkaroon ng magandang kapalaran kay Charlie sa punto na kaya niyang sabihin ang mga salita na nakatago sa kailaliman ng puso niya.Sobrang tagal na niyang tinatago ang mga salitang ito sa puso niya at hindi niya talaga maipahayag ang sarili niya dahil wala siyang mahanap na angkop na tao na kaya niyang pagtapatan.Pinagaan ni Charlie ang kalooban niya at sinabi, “Palaging mapagparaya ang inang bayan natin sa sarili niyang mga anak. Kaya, palaging tatanggapin nang buo ng inang bayan natin ang mga tao na tulad mo, na babalik.Ang dahilan kung bakit nagpapadala ng mga ta
Read more

Kabanata 4759

Pagkatapos nito, nakita niya rin ang maraming pambihirang senior niya na bumalik sa Oskia dala-dala ang kapital mula sa pakikipagsapalaran nila sa United States, at nag-invest sila ng malaki sa mga enterprise at naging sikat na sikat sa Oskia. Hindi lang nila tinulungan ang mga kumpanya na maging top enterprise sa buong mundo, ngunit tinulungan din nila ang sarili nilang investment bank para kumita ng malaki. Lahat sila ay nakakuha ng katanyagan at kayamanan, at ang ilan sa kanila ay itinuring pa na top invest na naglathala ng mga libro at talambuhay pagkatapos pasikatin ang pangalan nila.Sumigla nang sobra si Hugo sa narinig at nakita niya.Ayaw niyang bumalik sa Oskia para maging isang empleyado ng isang enterprise na pagmamay-ari ng estado o magtrabaho bilang isang civil student pagkatapos makumpleto ang mga pag-aaral niya sa United States. Gusto niya rin na maging katulad ng mga taong iyon na dinaig ang iba at bumalik sa Oskia bilang isang tao na nagtagumpay nang sobra. Gusto ni
Read more

Kabanata 4760

Si Charlie, na nagpasya na isama si Hugo, ay inisip agad ang sunod na sasabihin niya pati na rin ang dalawang posibleng sitwasyon na maaaring mangyari sa kanya.Una, balak niyang hilingin kay Hugo na maging seaman kasama siya. Kung tatanggi si Hugo, ipapadala niya ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies para sundan si Hugo hanggang sa destinasyon niya pagkatapos niyang bumaba sa eroplano at alamin ang lungga ng kalaban.Kung papayag si Hugo, titingnan niya kung papayag ang kasabwat ni Martha na kunin siya. Kung papayag ang kabila, masusundan niya nang madali si Hugo at tagumpay na makakapasok sa lungga ng kabila.Pero, kung tatanggi ang kabila, ang unang gagawin niya ay gawing pain si Hugo at palihim siyang sundan.Kaya, nagpanggap siya na maging padalus-dalos at sinabi kay Hugo, “Wala naman akong gagawin sa Mexico, kaya bakit hindi mo rin ako ipakilala sa contact mo? Pupunta ako at magtatrabaho bilang isang seaman kasama ka.”Naramdaman ni Hugo na si Charlie ay isang binata na kay
Read more
PREV
1
...
474475476477478
...
577
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status