Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4601 - Chapter 4610

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4601 - Chapter 4610

5762 Chapters

Kabanata 4601

Tumanggi nang nagmamadali si Daryl at sinabi, “Janus, pinaghirapan na pera mo ito! Paano ko ito matatanggap? At saka, medyo maayos na ang sahod ko ngayon, at hindi ko na kailangan ng tulong para bayaran ang mga gamot sa hinaharap dahil gumaling na si Mama. Pwede mong gamitin ang pera na ito para sa sarili mo!”Ngumiti si Janus at sinabi, “Makakabili ka lang ng isang kotse gamit ang napakaliit na pera sa Hong Kong. Hindi ako gano’n kagaling, at may mga limitadong abilidad ako. Pwede mong tanggapin ang perang ito nang walang pag-aalala. Mag-isa lang ako, at hindi ko kailangan masyado ng pera, kaya walang saysay ang pera na ito para sa sarili ko. Kung tinitingala ako ni Young Master Wade, magiging kuntento na ako kahit na pagkain at tirahan ang ibigay niya sa akin. Kung wala na akong saysay kay Young Master Wade, magtatayo na lang ako ng isang roast goose restaurant sa Sham Shui Po, at hihingi ng ilang kapital sayo pagdating ng oras. Pwede mo itong tratuhin na tinatago mo muna ang pera n
Read more

Kabanata 4602

Medyo nalito si Janus, pero sinabi niya pa rin nang sobrang galang, “Mr. Long, hindi mo na talaga kailangan bumawi sa akin. Hindi kita sinisi mula sa umpisa hanggang sa huli. Sobrang kuntento na ako na hinayaan mo akong bumalik at makasama ang pamilya ko!”Tumalikod si Shawn at inabot ang kanyang kamay kay Jenna, na nasa tabi niya.Nagmamadaling nilabas ni Jenna ang isang dokumento mula sa kanyang Hermes handbag at binigay ito kay Shawn.Pagkatapos ay kinuha ni Shawn ang dokumento at sinabi kay Janus sa nambobolang paraan, “Janus, ito ang titulo para sa Halbert Mansion na nasa tabi ng villa ko. Binili ko ito kaninang hapon, at simula ngayon, sa iyo na ang ari-arian na ito. Maliit na tanda lang ito mula sa akin!”Tumingin si Janus kay Shawn sa pagtataka. Ang unang naisip niya ay wala talagang dahilan si Shawn para gawin ito.Una sa lahat, sobrang labo para kay Shawn na bayaran siya.Pangalawa, kahit na gusto talaga siyang bayaran ni Shawn, hindi kailangan ni Shawn na bilhin ang vi
Read more

Kabanata 4603

Sa una ay naisip ni Shawn na i-alok ang villa na ito kapalit ang isang pabor.Dahil, daang-daang milyong Hong Kong dollars din ang halaga nito, kung magiging barya ito at itatapon sa karagatan, medyo aangat ang sea level. Kaya, hindi niya dapat ibigay ang villa na ito kay Janus nang gano’n lang.Pero, matalinong tao si Janus, at nakita niya ito sa isang tingin. Kaya, nagbago agad ang kahulugan ng bagay na ito sa isang pangungusap lang.Kung tatanggapin ni Janus ang villa ngayon, hindi si Janus ang magkakaroon ng utang na loob sa kanya, sa halip, si Shawn ang magkakaroon ng utang na loob kay Janus.Sobrang linaw ng kahulugan sa mga sinabi ni Janus.Kahit na tanggapin niya ang villa, ito ay dahil gumagawa siya ng pabor kay Shawn.Kung hindi, magkakaroon ng malaking problema si Shawn kung hindi niya maipapaliwanag ang mga bagay-bagay kay Charlie.Nakumbinsi rin si Shawn. Alam niya na talo ang panig niya, kaya nagpasya siya na tanggapin na lang ito.Kaya, bumuntong hininga siya at
Read more

Kabanata 4604

Naintindihan ng ina ni Janus kung ano ang nakasalalay dahil sa analohiya ni Janus. Gumaan din nang ganap ang kalooban niya para sa kaligtasan ng anak niya sa hinaharap.Huminga siya nang maluwag at siabi, “Kung gano’n, wala na akong kailangan alalahanin pa.”Habang sinasabi niya ito, tinanong niya nang medyo hindi sigurado, “Janus, lilipat ba talaga tayo buka sa villa na binigay ni Shawn?”Tumango si Janus at sinabi nang seryoso, “Syempre pupunta tayo. Ito ang pagsasaayos ni Young Master Wade, at kumikilos lang si Shan ayon sa utos ni Young Master Wade. Sa totoo lang, ang villa kung saan tayo lilipat bukas ay ang villa talaga na binigay ni Young Master Wade.”Pagkasabi nito, tumingin siya sa kanyang ina pati na rin sa mga nakababatang kapatid niya at sinabi, “Sobrang laki ng mga villa sa Steerlain Island. Siguradong sapat na ang laki nito para tirahan ng buong pamilya natin. Kaya, mag-impake na dapat ang lahat, at lilipat tayo doon bukas ng umaga.”Tumingin sa isa’t isa ang dalawa
Read more

Kabanata 4605

Nang marinig ito ni Charlie, ngumiti siya nang taos puso at sinabi, “Uncle Janus, may ilang industriya ako, at hindi ko kayang pamahalaan ang mga ito nang mag-isa. Kaya, gusto kitang papuntahin at tulungan akong bantayan sila kung ayos lang sa iyo.”Sinabi ni Janus nang walang pag-aatubili, “Syempre gusto ko! Young Master Wade, kailan mo ako gustong magsimula?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi mo kailangan mag-alala. Pwede mong samahan ang pamilya mo sa mga susunod na araw. Babalik ako sa United States bukas. Pwede kang pumunta sa Aurous Hill pagkatapos kong bumalik, at pwede nating pag-usapan ang mga bagay-bagay nang harapan.”“Okay!” Sinabi agad ni Janus, “Kung gano’n, magkita tayo sa Aurous Hill!”“Okay, magkita tayo sa Aurous Hill!”Biglang mas naging relax si Charlie pagkatapos ibaba ang tawag.Hinihintay niya na sabihin ni Janus ang mga salitang ito.Hindi lang magaling si Janus sa pagtingin sa kabuuang sitwasyon, ngunit sobrang masigasig at tiyak din siya sa pagkontro
Read more

Kabanata 4606

Sa umaga sa sumunod na araw, nakatanggap ng nakakagulat na balita ang buong Hong Kong.Ang balita na si Shawn, ang top tycoon sa Hong Kong, ay binili talaga ang Halbert Mansion sa Steerlain Island at nag-imbita ng mga media reporter doon para pumunta sa housewarming ceremony!Bukod dito, ang mas nagpagulat sa media ay binili talaga ni Shawn ang manyon na ito para ibigay kay Janus, ang dating karibal niya sa pag-ibig at kanang kamay niya!Kahit na walang masyadong pera si Janus, may kahanga-hanga at malaking reputasyon siya sa Hong Kong.Ang Hong Kong ay isang lugar na mahilig sa tsismis, at ang siyudad na ito na may ilang milyong tao ay nag-ambag sa mahigit kalahati ng tsismis ng bansa sa Oskia at Hong Kong sa peak period ng 1990s at sa simula ng siglo na ito.Kaya, alam ng halos lahat ng tao sa Hong Kong ang love triangle sa pagitan nila Shawn, Jenna, at Janus.Bukod dito, alam din ng lahat ng tao sa Hong Kong na gustong patayin ni Shawn si Janus kahit sa panaginip niya.Pero n
Read more

Kabanata 4607

Tumingin siya sa ibaba at napagtanto na tumatawag si Charlie. Nabigla siya dahil nakokonsensya siya, kaya tumingin siya sa paligid ng kotse habang iniisip kung naglagay ba si Charlie ng isang kamera sa kotse.Pero, mabilis siyang kumalma, sinagot ang tawag, at tinanong nang magalang, “Mr. Wade, ano ang mga utos mo dahil tinawagan mo ako nang napakaaga?”Sinabi ni Charlie, “Kakakita ko lang sa balita. Mukhang maraming media reporter ang pumunta sa Steerlain Island para gumawa ng live coverage. Binanggit ng mga media reporter na hindi ka nila nakita, Mr. Long. Hindi ka ba pupunta at pamamahalaan ang housewarming ceremony ngayong araw?”Sinabi nang nagmamadali ni Shawn, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Inimbita ko na si Master Yaleman mula sa Mystery Court para pangasiwaan ang housewarming ceremony. Pupunta rin ako bilang organizer ng housewarming ceremony, pero papunta ako sa Sham Shui Po para sunduin ang pamilya ni Janus ngayon, kaya marahil ay kailangan ko pang maghintay na makabali
Read more

Kabanata 4608

Sinadya ni Charlie na bigyan ng daan palabas si Shawn dahil kay Marianne.Kung hindi bibigyan ni Charlie ng daan palabas si Shawn, siguradong pagtatawanan si Shawn ng mga tao sa Hong Kong sa hinaharap.Kung bibigyan ni Charlie ng daan palabas si Shawn, matutulungan niya si Shawn na mamagitan nang kaunti at iwan si Shawn ng isang positibong imahe na kayang suklian ang lahat ng sama ng loob gamit ang kabutihan.At saka, dahil nandito na si Kathleen, hindi masamang ideya na gawan ng pabor ni Charlie si Shawn.Sa una ay nag-aalala si Shawn tungkol sa kung paano siya pagtatawanan ng lahat ng tao sa Hong Kong, pero bigla niyang naramdaman na parang sumigla siya nang sobra nang marinig niya ang mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang sabik, “Mr. Wade, seryoso ka ba?!"Magaan na sabi ni Charlie, "Kailangan bang tawagan kita sa umaga para lang asarin ka?!"Malapit nang bumagsak ang mga luha ni Shawn dahil sa pananabik niya, at sinabi niya habang nanginginig ang boses, “Maraming salamat,
Read more

Kabanata 4609

Sinasabi na ang ugali ng isang tao ay kayang mahulaan sa ugali niya sa batang edad. Ayon sa sitwasyon niya, halos wala nang pag-asa para makabawi.Makalipas ang ilang sandali, pumasok ang convoy ni Shawn sa Sham Shui Po.Ang convoy na gawa sa lahat ng Rolls-Royce ay gumawa ng isang malakas na kaibahan sa luma-lumang kalye sa Sham Shui Po.Halos lahat ng residente ay nilabas ang mga ulo nila sa mga masisikip na bintana at nagulantang habang nakatingin sa walang hanggan na marangyang convoy na ito.Ilang dekada nang hindi nakikita ang ganitong eksena sa isang lugar tulad ng Sham Shui Po.Bilang resulta, maraming tao ang naglabas ng mga cellphone nila at kumuha ng mga litrato at video habang nilabas sa mga short video platform ang mga laman nito, pati na rin sa mga self-publishing news platform.Mabilis na dumating ang convoy sa harap ng Campbell Mansion.Si Janus, kasama na ang kanyang ina, mga nakababatang kapatid, at ilang miyembro ng pamilya nila ay naghihintay na sa loob ng si
Read more

Kabanata 4610

Samantala, umalis na sina Charlie at Kathleen sa hotel at papunta na sila sa Steerlain Island.Alam ni Kathleen na umaasa si Charlie na magbigay siya ng talumpati para i-endorse si Shawn sa housewarming ceremony ngayong araw. Nalito siya nang kaunti, at pagkatapos magduda sa puso niya sa daan, hindi niya mapigilan na itanong, “Mr. Wade, hindi ko maintindihan kung bakit mo gustong i-endorse ko si Shawn ngayong araw?”Tumingin si Charlie kay Kathleen, ngumiti nang kaunti, at sinabi, “Ikaw ang pinakamatalinong tao na nakilala ko. Hindi mo ba naiintindihan ang pamamaraan ng mga ninuno natin na parusahan nang malupit ang isang tao bago sila bigyan ng paraan para pagaanin ang pakiramdam nila?”Tumawa nang kaunti si Kathleen at sinabi, “Naiintindihan ko ang estratehiya ng pagkuha ng hustisya gamit ang awa simula noong bata pa ako, pero pakiramdam ko na tinuruan mo na ang magandang leksyon si Shawn at siguradong kikilos na siya nang mas tapat ngayon. Hindi mo na siya kailangan bigyan ng daa
Read more
PREV
1
...
459460461462463
...
577
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status