Sinadya ni Charlie na bigyan ng daan palabas si Shawn dahil kay Marianne.Kung hindi bibigyan ni Charlie ng daan palabas si Shawn, siguradong pagtatawanan si Shawn ng mga tao sa Hong Kong sa hinaharap.Kung bibigyan ni Charlie ng daan palabas si Shawn, matutulungan niya si Shawn na mamagitan nang kaunti at iwan si Shawn ng isang positibong imahe na kayang suklian ang lahat ng sama ng loob gamit ang kabutihan.At saka, dahil nandito na si Kathleen, hindi masamang ideya na gawan ng pabor ni Charlie si Shawn.Sa una ay nag-aalala si Shawn tungkol sa kung paano siya pagtatawanan ng lahat ng tao sa Hong Kong, pero bigla niyang naramdaman na parang sumigla siya nang sobra nang marinig niya ang mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang sabik, “Mr. Wade, seryoso ka ba?!"Magaan na sabi ni Charlie, "Kailangan bang tawagan kita sa umaga para lang asarin ka?!"Malapit nang bumagsak ang mga luha ni Shawn dahil sa pananabik niya, at sinabi niya habang nanginginig ang boses, “Maraming salamat,
Sinasabi na ang ugali ng isang tao ay kayang mahulaan sa ugali niya sa batang edad. Ayon sa sitwasyon niya, halos wala nang pag-asa para makabawi.Makalipas ang ilang sandali, pumasok ang convoy ni Shawn sa Sham Shui Po.Ang convoy na gawa sa lahat ng Rolls-Royce ay gumawa ng isang malakas na kaibahan sa luma-lumang kalye sa Sham Shui Po.Halos lahat ng residente ay nilabas ang mga ulo nila sa mga masisikip na bintana at nagulantang habang nakatingin sa walang hanggan na marangyang convoy na ito.Ilang dekada nang hindi nakikita ang ganitong eksena sa isang lugar tulad ng Sham Shui Po.Bilang resulta, maraming tao ang naglabas ng mga cellphone nila at kumuha ng mga litrato at video habang nilabas sa mga short video platform ang mga laman nito, pati na rin sa mga self-publishing news platform.Mabilis na dumating ang convoy sa harap ng Campbell Mansion.Si Janus, kasama na ang kanyang ina, mga nakababatang kapatid, at ilang miyembro ng pamilya nila ay naghihintay na sa loob ng si
Samantala, umalis na sina Charlie at Kathleen sa hotel at papunta na sila sa Steerlain Island.Alam ni Kathleen na umaasa si Charlie na magbigay siya ng talumpati para i-endorse si Shawn sa housewarming ceremony ngayong araw. Nalito siya nang kaunti, at pagkatapos magduda sa puso niya sa daan, hindi niya mapigilan na itanong, “Mr. Wade, hindi ko maintindihan kung bakit mo gustong i-endorse ko si Shawn ngayong araw?”Tumingin si Charlie kay Kathleen, ngumiti nang kaunti, at sinabi, “Ikaw ang pinakamatalinong tao na nakilala ko. Hindi mo ba naiintindihan ang pamamaraan ng mga ninuno natin na parusahan nang malupit ang isang tao bago sila bigyan ng paraan para pagaanin ang pakiramdam nila?”Tumawa nang kaunti si Kathleen at sinabi, “Naiintindihan ko ang estratehiya ng pagkuha ng hustisya gamit ang awa simula noong bata pa ako, pero pakiramdam ko na tinuruan mo na ang magandang leksyon si Shawn at siguradong kikilos na siya nang mas tapat ngayon. Hindi mo na siya kailangan bigyan ng daa
Pagkatapos itong sabihin, ayaw na ni Kathleen na patuloy na maguluhan si Charlie sa paksa na sinimulan niya. Kaya, sinabi niya, “Siya nga pala, Mr. Wade, nagpadala ako ng tao para bumili ng dalawang mansyon sa Steerlain Island. Magkakaroon ka rin ng madaling lugar na matutuluyan kung pupunta ka nang madalas sa Hong Kong sa hinaharap. Gusto mo bang ipakita ito sayo pagkatapos ng housewarming ceremony?”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Bakit gusto mong bumili ng mga mansyon sa Steerlain Island?”Ngumiti si Kathleen at sinabi, “Para lang madali sa hinaharap. Dahil, international metropolis din ang Hong Kong. Hindi mo maiiwasan na pumunta dito para palawakin ang negosyo mo o pumunta sa mga business summit dito sa hinaharap. Dahil, ang pananatili sa hotel ay hindi kasing ganda ng pananatili sa sarili mong bahay.”Pagkasabi nito, sinabi ulit ni Kathleen, “Sobrang laki ng dalawang mansyon. Sinabihan ko ang tao na gamitin ang pangalan ng grupo para bilihin ang mga ito. Aayusin ko ang mga r
Nang makita ni Kathleen ang masigasig na hitsura ni Aivan, kumunot nang bahagya ang noo niya, pero tumango pa rin siya nang magalang at sinabi, “Hello, Mr. Yaleman.”Ito ang unang pagkakataon na nakilala ni Aivan ang isang high-ranking na babae, at nananabik siya nang sobra at sinabi sa nambobolang paraan, “Hindi ko talaga inaasahan na makita ka dito, Miss Fox. Malaking karangalan talaga ito!”Pagkasabi nito, tinanong niya ulit nang nagmamadali, “Miss Fox, si Mr. Long ba ang nag-imbita sayo na pumunta sa Hong Kong?”Tumango nang magaan si Kathleen. “Oo.”Sinabi nang sabik ni Aivan, “May sobrang malapit na relasyon ako kay Mr. Long. Kami ang may hawak ng lahat ng mga Feng Shui ni Mr. Long simula noong panahon pa ng ama ko.”Pagkasabi nito, sinabi ulit ni Aivan, “Siya nga pala, Miss Fox, pwede mo akong tawagan sa kahit anong oras sa hinaharap kung may kailangan ka sa Feng Shui. Ibibigay ko sayo ang pinaka propesyonal na serbisyo nang libre!”Pagkatapos, nilabas ni Aivan ang isang b
Pinagdaup agad ni Aivan ang mga kamay niya sa paggalang sa malayo at sinabi, “Umalis sa Hong Kong ang maa ko noong nakaraang taon, at pumunta siya para maghanap ng isang kakaibang lugar para mabuhay nang mag-isa at i-cultivate ang sarili niya.”“Mabuhay nang mag-isa?” Ngumiti si Charlie at sinabi nang mapaglaro, “Dahil ito na ang paksa, nakilala ko ang ama mo kailan lang.”Tinanong ni Aivan sa sorpresa, “Nakilala mo ang ama ko?”“Oo.” Ngumiti si Charlie at sinabi, “Nakaraang taon lang.”Nagulat si Aivan at sinabi, “Nakaraang taon?! Saan mo siya nakita?!”Sinabi nang walang bahala ni Charlie, “Sa Aurous Hill.”Nagulantang si Aivan habang nakatingin kay Charlie at sinabi, “Pumunta nga sa Aurous Hill ang ama ko noong nakaraang taon. Sa oras na iyon, sinabi niya sa akin na sasali siya sa isang auction para mag-bid sa isang Tridacna. Maaari ba na nakilala mo siya doon?”“Tama?” Ngumiti si Charlie at sinabi, “May kahanga-hanga na presensya talaga si Master Yaleman sa auction, at nag-i
Natakot si Aivan sa kaswal at magaan na mga salita ni Charlie sa punto na namutla siya sa takot. Hindi niya mapigilan na sabihin, “Paano iyon posible?! Ang maa ko ay may napakagaling na antas sa metaphysics, at kahit kailan ay hindi niya nakilala ang kahit sino na naging karibal niya sa industriya sa loob ng napakaraming taon! At saka, hindi ko pa naririnig ang kahit sino na kayang tawagin ang isang heavenly thunderbolt. Kalokohan ito! Sa tingin mo ba ay isang pelikula ito sa Hollywood? Sa tingin mo ba ay makakagamit ka ng isang martilyo para tawagin ang heavenly thunderbolt sa earth?!”Ngumiti si Charlie at siabi, “Iyon ang katotohanan. Wala akong magagawa kung hindi ka maniniwala sa akin.”Pagkasabi nito, sinabi ulit ni Charlie, “Oh, siya nga pala. May ilang tadhana ako sa Mystery Court. Hindi ko lang nakilala ang ama mo, si Jack, ngunit nakilala ko rin ang master mo, si Falco Xanthos!”“Ano?!” Tinanong ni Aivan habang may takot na ekspresyon, “Nakilala mo si Master Xanthos?!”“T
Kaya, mas lalo siyang nag-atubili na pakawalan ang gintong pagkakataon na ito na isang beses lang dumadaan sa buhay.Habang naglalakad si Charlie papunta sa villa, biglang sumugod si Aivan sa harap ni Charlie, hinarangan siya, at sinabi nang malamig, “Bata, inimbento mo ang mga ito at ininsulto mo ang ama at master ko. Sa tingin mo ba ay makakapaglakad ka palayo nang ganito lang?”Hindi mapigilan ni Charlie na matawa at itanong, “Anong problema? I-blackmail mo ba ako?”“I-blackmail ka?!” Sinabi ni Aivan habang may mahigpit na ekspresyon, “Ako, si Aivan Yaleman, ay walang pakialam sa pangingikil at blackmail. Kailangan ko lang na bigyan mo ako ng magandang paliwanag para sa sinabi mo. Kung hindi, huwag mong sisihin na magiging walang awa ako!”Umiling nang walang magawa si Charlie, tinapik ang balita ni Aivan, at sinabi nang tapat, “Mr. Yaleman, hayaan mong bigyan kita ng taos pusong salita. Namatay talaga nang kalunos-lunos ang ama mo, at bilang anak at nag-iisang tagapagmana niya,
Naantig nang sobra si Vera sa kilos ni Charlie. Pagkatapos nito, tapat na sinabi ni Charlie sa tatlong matandang lalaki, “Mga ginoo, pagkatapos inumin ang Rejuvenating Pill ngayon, lalampas ng isang daang taon ang buhay niyo. Para maiwasan ang hinala mula sa labas na mundo, dapat pag-isipan ni Mr. Carrick na mag-invest sa isang medical research institution. Sa ganitong paraan, kapag tinanong ng mga tao kung bakit hindi kayo tumatanda, may makatwiran na paliwanag.”Sumagot si Logan nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na siguradong mag-iinvest ako sa ilang parehong enterprise at institusyon.”Tumango si Charlie at sinabi kay Emmett, “Mr. Sandsor, bilang isang tao na nasa mataas na posisyon, dapat asikasuhin nang maingat ang biglaang pagbabago na ito para hindi makakuha ng masyadong malaking hinala.”Sumagot si Emmett nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, nagpasya na ako na huwag bumalik sa Eastcliff. Sa hinaharap, mananatili ako sa tabi ni Miss kasama si Mr. Raven para
Kinuha ni Logan ang kutsilyo at mabilis na ipinahayag ang pasasalamat niya habang nagbabalak na hatiin nang direkta ang pill.Sa sandaling ito, nagsalita si Charlie, “Mr. Carrick, hindi mo na ito kailangan gawin.”Nabigla nang bahagya si Logan at tumingin nang hindi namamalayan kay Charlie. Pagkatapos ay naglabas si Charlie ng isa pang Rejuvenating Pill at binigay ito kay Logan, sinasabi, “Para ito sa asawa mo. Maaari mo ba itong ipasa sa kanya para sa akin?”Hindi lang si Logan ang nagulat dito, ngunit kahit si Vera ay nagulat. Hinding-hindi niya inaasahan na maglalabas si Charlie ng isa pa ang Rejuvenating Pill para ibigay sa asawa ni Logan, na hindi niya pa nakikilala.Binisita na ni Charlie ang Scarlet Pinnacle Manor nang ilang beses, at palagi siyang iniiwasan ng asawa ni Logan, hindi nakipagkita sa kanya sa personal.Ito rin ang unang pagkakataon na nagbigay si Charlie ng isang Rejuvenating Pill sa isang estranghero. Ang dahilan para dito ay dahil lang sa pasasalamat niya ka
Tumingin si Charlie sa tatlong matandang tao na may puting buhok sa harap niya, at hindi niya mapigilan na tumingin kay Vera na nsa tabi niya, na parang dalaga pa rin. Medyo nalito siya nang ilang sandali.Sobrang tanda na nga ng tatlong lalaki at may limitadong ugnayan pa. Malinaw na sobrang dami na nilang karanasan at matalino sila.Pero, sa harap ni Vera, ang tatlong ito ay parang mga bata na pinapagalitan ng kanilang magulang, sinusunod ang bawat utos niya nang walang tanong. Kahit na mukhang bata si Vera, nanatiling mahigpit ang kilos niya sa tatlong nakakatanda na ito, kaya medyo kakaiba ang naging pakiramdam niya.Gayunpaman, mabilis niyang isinantabi ang pakiramdam na ito at sinabi nang magalang sa tatlo, “Mangyaring tumayo kayo.”Hindi tumayo ang tatlo, pero tumingala sila para tumingin kay Vera.Mukhang walang pakialam si Vera sa mga matatandang lalaki na nakaluhod sa harap niya, at kaswal siyang tumango bago sinabi, “Dahil nagsalita na si Master Wade, maaari na kayong t
Tumango si Vera at ngumiti, sinasabi, “Nangako si Young Master Wade dati na bigyna kayo ng pagkakataon, at pumunta siya ngayong araw para tuparin ang pangako na iyon. Bilis at sabihin niyo ang pasasalamat niyo!”Nang marinig ito, tumingin ang tatlong lalaki sa isa’t isa nang sabik at lumuhod agad.Nang makita ni Charlie ang tatlong lalaki, na halos tatlong daang taon na ang edad kung pagsasamahin, na lumuhod sa harap niya, hindi niya ito natiis. Mabilis niyang sinubukan na tumayo para tulungan sila at sinabi nang tapat, “Young Master Wade, hindi mo kailangan tumayo. Tama lang na yumuko sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Mga ginoo, matatanda na kayo. Hindi niyo dapat gawin ang ganitong kilos. Hindi ito angkop…”Sinabi nang matatag ni Vera, “Young Master Wade, makasisiguro ka, walang hindi angkop dito. Ang kilos nila ay hindi lang para pasalamatan ka ngunit para sa sarili nila!”Nagpatuloy siya, “Pinalaki ko silang tatlo simula noong bata pa sila. Alam ko ang pagkatao at m
Hindi masyadong inaral ni Charlie ang tadhana.Sa Apocalyptic Book, may kayamanan ng iba’t ibang kaalaman, pero kulang ito sa mga paliwanag tungkol sa tadhana. Dati ay akala niya na ang tadhana ay parang caste system ng India, kung saan kapag mas mataas ang tadhana, mas mataas ang caste, ang ibig sabihin ay ang taong may mataas na caste ay may mataas na katayuan lang sa lipunan, pero wala silang malakas na lakas. Maaari pa ring magkasakit, tumanda, at maaksidente ang mga taong may mataas na caste tulad ng iba. Pero, ipinapahiwatig ng mga sinabi ni Vera na mas komplikado pa sa iniisip niya ang tadhana.Kaya, tinanong niya si Vera, “Kung may kapalaran ng dragon ang aking ama, hindi ba siya mapapatay ni Mr. Chardon?”Sinabi nang kampante ni Vera, “Tama! Ang kapangyarihan ng tadhana ay nasa ganap na herarkiya nila. Basta’t hindi naghahanap ng kamatayan ang taong may kapalaran ng dragon, paano mapapatay ni Mr. Chardon, na may kapalaran lang ng isang tigre, ang isang tao na may kapalaran
Tumango si Vera, “Ayon sa Book of Changes at Eight Diagrams, para sa mga buhay na hindi nalampasan ang sakuna, totoo na wala na ang Reiki, pero pagkatapos makalampas sa sakuna, lilitaw ang Reiki.”Tinanong ni Charlie sa pagkalito, “Parang hindi naman iyon makatotohanan…”Ngumiti si Vera at sinabi, “Akala ko rin sa una. Naisip ko pa na marahil ay mali ang pagkakaintindi ko sa Book of Changes at Eight Diagrams, pero pagkatapos ng World War II, nakatagpo ko ang modernong teknolohiya gamit ang mga radio wave. Biglaan, naging makatwiran ang lahat ng ito sa akin. Hindi ito mararamdaman ng mga ordinaryong tao gamit ang katawan nila, pero sa sandaling nagkaroon sila ng kondisyon na matanggap ang mga radio wave, patuloy nilang malalaman ang laman ng mga radio wave na iyon. Marahil ay ganito rin ang Reiki.”Lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at sinabi, “Ang ibig sabihin ba ay hindi pa talaga katapusan ang Degenerate Age of Dharma?”Ipinaliwanag ni Vera, “Ang Degenerate Age of Dharma ay
Napukaw ang pagkamausisa ni Charlie dahil sa mga sinabi ni Vera. Tinanong niya nang mabilis, “Kayang balewalain ng taong may kapalaran ng ascending dragon ang mga batas ng kalikasan. Ang ibig sabihin ba ay katulad ito ng sinasabi ng mga tao sa ascension, kung saan umaangat sila sa mas mataas na mundo tulad sa mga alamat?”Humagikgik si Vera at sinabi, “Young Master, masyado mo itong pinapalalim. Ang ascension ay isang haka-haka lang na nagmula sa pagkaunawa ng mga tao sa Book of Changes at Eight Diagrams. Madalas na naniniwala ang mga tao na kung magcu-cultivate sa isang punto, kaya nilang umangat sa ibang mundo, tulad ng mga tinatawag ng mga Easterner na immortal realm o tinatawag ng mga Westerner na divine realm. Pero, ayon sa pagkaunawa ko sa Book of Changes at Eight Diagrams, kahit gaano ka pa mag-cultivate, ang esensya lang nito ay ang paghaba ng buhay at paglakas ng isang tao.”Tinanong nang mapagpakumbaba ni Charlie, “Miss Lavor, maaari mo ba itong ipaliwanag nang mas detalyad
Sinabi ni Charlie, “Kapupunta ko lang sa pamilya ng lola at lolo ko. Binanggit ng tito ko na nagkataon na nakakuha ang aking ama ng isang libro na tinatawag na Preface to the Apocalyptic Book. Kahit na hindi alam ng tito ko kung ano ang nakasulat sa libro, naalala niya na madalas binabanggit ng aking ama ang mga salita na ‘kapalaran ng ascending dragon’. Dati ay narinig ko na sinabi ni Master Lennard na ang mga tadhana ng mga tao ay maaaring hatiin sa kategorya ng iba’t ibang tadhana tulad ng kapalaran ng python at kapalaran ng dragon, pero hindi ko alam kung ano ang kapalaran ng ascending dragon.”Hindi sinagot ni Vera ang tanong ni Charlie pero tinanong nang mausisa, “Nang binanggit mo ang Master Lennard, sinong Master Lennard ang tinutukoy mo? Anong pangalan niya?”Sumagot si Charlie, “Siya si Chandler Lennard, ang direktang supling ng Feng Shui master, si Mater Brize Lennard…”Binulong ni Vera, “Solido ang ginto, matibay ang kahoy, malinaw ang tubig, nasusunog ang apoy, matigas
Sa gabi sa Scarlet Pinnacle Manor, umatras na ang lahat bukod kay Vera. Pagkatapos dumating ni Charlie gamit ang kotse, dumiretso siya sa courtyard at umakyat sa mga batong hagdan.Sa sandaling pumasok siya sa courtyard, nandoon na si Vera. Nang makita si Charlie, binati niya siya nang may masaya at nahihiyang ekspresyon, “Young Master…”Sa sandaling iyon, may suot na puting dress si Vera, at ang kanyang mahabang buhok, na bumaba sa mga balikat niya, ay mukhang medyo basa pa. Puno rin ng mga lumulutang na talutot ng bulaklak ang katabing hot spring pool, nagbibigay ng kaunting bango ng bulaklak sa buong courtyard.Naghulaan ni Charlie na katatapos lang maligo ni Vera, kaya nagpigil siyang tumingin sa hot spring pool at nag-focus sa kanya. Sinabi niya nang may bakas ng kaba, “Miss Lavor, pasensya na at inabala kita sa gabi. Bukod sa pangako ko sa tatlong matandang ginoo kanina, may ilang bagay din ako na gusto kong lutasin gamit ang tulong mo.”Yumuko nang bahagya si Vera kay Charli