Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 4571 - Kabanata 4580

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 4571 - Kabanata 4580

5759 Kabanata

Kabanata 4571

Kaya, lumuhod ulit siya sa harap ni Charlie at nagmakaawa, “Mr. Wade, tama si Marianne. Wala talaga akong ginawa na kahit nong sobrang sama para saktan ang kahit sino, kahit gaano pa ako kasama, at hindi ako nararapat na mamatay. Pagbigyan mo sana ang hayop na buhay ko! Ibibigay ko sayo ang lahat ng pera na gusto mo mula sa akin!”Sa sandaling ito, biglang lumuhod din si Marianne at yumuko habang sinabi, “Mr. Wade, materyal na bagay lang ang pera. Basta’t handa kang bigyan ang ama ko ng pagkakataon na magsisi, hindi kami mag-aatubili na ibigay sayo ang kahit anong laki ng pera na hihingiin mo!”Hindi inaasahan ni Charlie na luluhod din si Marianne. Kaya, nagmamadali niyang inabot ang kanyang kamay habang tinulungan niya siyang tumayo.Pero, lumaban si Marianne at sinabi nang walang ekspresyon, “Mr. Wade, hindi ako tatayo kung tatanggi ka sa hiling ko. Patayin mo rin sana ako kung gusto mo talagang kunin ang buhay ng ama ko.”Tiningnan ni Charlie ang ekspresyon sa mga mata ni Marian
Magbasa pa

Kabanata 4572

Matagal nang nasira ni Charlie ang kalooban ni Shawn. Hindi na niya iniisip ang kalamangan o pagkalugi ngayon, at ang hiling niya na lang ay hindi mamatay.Kaya, handa siyang pumayag sa lahat ng mga kondisyon na sasabihin ni Charlie nang walang pag-aalangan.Nang makita ni Charlie na tuluyan nang sumuko si Shawn at nakamit na niya ang layunin niya na disiplinahin siya, sinabi nang malamig ni Charlie, “Shawn, makinig ka nang mabuti sa akin. Ang unang bagay na gusto kong gawin mo ay bayaran si Uncle Janus ng dalawampung taon na sahod ayon sa pinakamataas na sahod ng mga professional manager sa Hong Kong. Pagkatapos nito, dapat magbayad ka pa ng dalawang beses. Ang una ay gagamitin para sa nawalang kabataan ni Uncle Janus, at ang isa ay maituturing na kabayaran para sa emosyonal na hinanakit ng pamilya ni Uncle Janus.”Pagkasabi nito, sinabi ulit ni Charlie, “Ang ibig sabihin ay babayaran mo si Uncle Janus ng animnapung taon na halaga ng sahod nang sabay-sabay ayon sa sahod ng mga pina
Magbasa pa

Kabanata 4573

Masama na nga na kailangan niyang maging kapitbahay ang pamilya ni Janus, pero kailangan niya pang tumira sa Steerlain Island ng dalawang daang araw kada taon. Hindi ba’t pinapahirapan niya siya, kung gano’n?!Sa sandaling ito, nagpatuloy si Charlie, “Bukod dito, pwede mong ilipat ang driver mo sa ibang posisyon. Magpapadala ako ng isang sundalo mula sa Ten Thousand Armies para maging bodyguard at driver mo. Tutulungan niya rin akong bantayan ang pang araw-araw na kilos mo. May multa ka na 100 million dollars sa bawat araw na hindi ka titira sa Steerlain Island sa isang taon.”Naging miserable nang sobra si Shawn.Hindi niya talaga inaasahan na magiging sobrang higpit ni Charlie at pupuwersahin niya siya nang hindi nagbibigay ng kahit anong daan palabas.Pero, kahit na malungkot siya, hindi siya naglakas-loob na kalabanin si Charlie. Kaya, tumango na lang siya nang may sama ng loob at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Gagawin ko ang sinasabi mo… siguradong gagawin ko ito…”
Magbasa pa

Kabanata 4574

Biglang huminga nang maluwag si Shawn nang marinig ang huling hiling ni Charlie.Sa sandaling ito, naramdaman niya talaga kung ano ang ibig sabihin ng mabuhay sa isang sakuna.Dahil ito na ang huling bagay na pinapagawa sa kanya ni Charlie, ang ibig sabihin ay hindi niya lang nagawang mabuhay, ngunit napanatili niya rin ang mga asset na may halagang 20 billion US dollars sa susunod na sampung taon.Ang halaga na kailangan niyang bayaran kay Janus ay parang isang patak lang kumpara dito.Para naman sa villa, maliit na bagay lang ito para kay Shawn.Kahit na kailangan niyang pumunta sa Eastcliff para magsisi ng tatlong buwan, maituturing ito na magaan na parusa para kay Shawn, na katatanggap lang kanina ng isang banta sa kamatayan niya.Kaya, hindi siya nangahas na magkaroon ng kahit anong sama ng loob sa puso niya.Sa kabaliktaran, sa wakas ay pwede na siyang mag-relax nang kaunti.Kaya, ipinahayag niya agad nang malinaw ang saloobin niya kay Charlie at sinabi nang tapat, “Huwag
Magbasa pa

Kabanata 4575

“Okay, ilalabas ko ang mensahe ngayon din para ipaalam sa lahat na binawi ang bounty. Ibabalik sayo ang 30 million US dollars sa parehong paraan sa loob ng 24 na oras.”***Samantala, maraming killer na ang balisang naghihintay sa labas ng Hong Kong International Airport.Karamihan sa mga killer na ito ay hindi kilala ang isa’t isa, pero lahat sila ay nagtatago malapit sa airport sa sandaling ito. Lahat sila ay gustong makuha ang bounty na 30 million US dollars, kaya hindi na sila makapaghintay at naghahanda na sila na umatake agad sa sandaling lumabas si Janus sa airport.Ang ilang tao ay nakapag-ayos na ng mga sniper rifle sa dilim, ang iba ay nagpapanggap na mga turista habang may dala-dalang mga pistol at naghihintay sa labas ng exit ng airport, at ang ilan pa ay nakaparada sa tabi ng kalsada habang naghahanda silang sagasaan nang direkta si Janus sa sandaling lumabas siya.Habang nag-aayos sila at hinihintay na atakihin siya, bigla silang nakatanggap ng isang mensahe, at ang
Magbasa pa

Kabanata 4576

Pagkatapos mahulog ng kiler na iyon, ilang killer na nagtatago sa kalagitnaan ng mga tao sa labas ng airport ay bigla ring hinuli ng ibang sundalo mula sa Ten Thousand Armies na may disguise.Ang killer na nagtatago sa kotse at naghihintay ng pagkakataon ay wala man lang oras para kumilos at nahuli agad ng mga sundalo mula sa Ten Thousand Armies na nakaposisyon ang mga kotse sa harap at likod ng kotse ng killer. Pagkatapos ay pinasok ng mga sundalo mula sa Ten Thousand Armies ang kotse niya at direkta siyang kinuha.Doon lang napagtanto ng mga killer na ito na matagal na silang binabantayan ng mga sundalo mula sa Ten Thousand Armies. Hindi pinahirapan ng mga sundalo ng Ten Thousand Armies ang mga killer na umalis nang direkta doon pagkatapos matanggap ang balita na binawi na ang bounty. Pero, agad naging mga bilanggo ng Ten Thousand Armies ang mga taong ayaw umalis agad.Sa sandaling ito sa VIP lounge ng airport, naluwagan si Shawn habang sinabi niya kay Charlie, “Mr. Wade, binawi k
Magbasa pa

Kabanata 4577

Pinigilan ni Marianne ang mga luha sa dalawang pares ng mga malalaking mata niya, at tumingin siya nang galit kay Carlie. Parang may gusto siyang sabihin, pero wala siyang sinabi sa huli.Nagmamadaling pinaalalahanan siya ni Shawn sa mahinang boses, “Marianne! Kinakausap ka ni Mr. Wade! Bakit ka nakatayo diyan nang t ulala? Bilis at sagutin mo siya!”Binaling ni Marianne ang mukha niya sa gilid at itinaas ang kanyang kamay para punasan ang mga luha sa kanyang mga mata.Nakonsensya si Charlie, pero hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sarili niya. Kaya, sinabi niya kay Shawn, “Mr. Long, hindi mo ito kailangan puwersahin dahil ayaw akong kausapin ni Miss Marianne.”Tumawa nang nahihiya si Shawn at sinabi, “Hindi marunong sa etiketa ang anak ko. Pasensya na, Mr. Wade…”Bahagyang umiling si Charlie at humarap kay Kathleen at sinabi, “Miss Fox, salamat sa pag-aabala na pumunta dito mula sa malayo kasma si Master Yant. Ililibre kita sa hapunan kung hindi ka nagmamadaling bumalik.
Magbasa pa

Kabanata 4578

“Ahem, ahem… Miss, sinabi mo ba na minamahal mo ang isang bagay para sa iba?”Tumingin si Jarvis kay Kathleen sa sorpresa dahil hindi niya inaasahan na sasabihin ito nang magaan ni Kathleen.Nang makita ni Kathleen ang nalilitong ekspresyon ni Jarvis, ngumiti siya at sinabi, “Master Yant, mapagbantay na martial arts expert ka. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kahit na sobrang linaw na nang pagkakasabi ko nito?”Sinabi nang nagmamadali ni Jarvis, “hindi, hindi, hindi ko lang inaasahan na sasabihin mo ang mga ito, miss. Medyo nasorpresa lang ako…”Ngumiti si Kathleen at sinabi nang seryoso, “Master Yant, hindi mo kailangan masorpresa. Hindi lang ako ang may gusto kay Mr. Wade. Hindi mo ba napansin kung paano tumingin si Miss Long kay Mr. Wade habang may malungkot na ekspresyon sa mga mata niya? Ang laki ng lungkot na mayroon ang isang babae kapag nakatingin sa isang lalaki ay isang ekspresyon kung gaano niya siya kamahal.”Tumango si Jarvis at ngumiti habang sinabi, “Tama ka…”Hin
Magbasa pa

Kabanata 4579

Bumuntong hininga si Janus at sinabi, “Matanda na ang ina ko, at nasa 80s na siya. Natatakot ako na hindi na masyadong maganda ang sitwasyon niya ngayong na-stroke siya sa ganitong edad.”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, walang magiging problema.”Tumango nang bahagya si Janus, pero mayroon siyang sobrang nag-aalala na ekspresyon.Mabilis na nagmaneho si Porter at dumating agad siya sa Church Hospital.Nagmamadaling binuksan ni Janus ang pinto ng kotse para lumabas at hindi na hinintay na huminto ang kotse. Pagkatapos nito, tumakbo agad siya papunta sa lobby.Lumapit siya sa desk ng nurse para itanong ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kanyang ina, at mabilis na nahanap ng nurse ang department at ward number ng matandang babae.Mabilis na sinundan ni Janus ang direksyon at tumakbo agad sa ward kung nasaan ang kanyang ina.Nang dumating siya sa pinto, huminto siya at kumatok nang marahan sa pinto.Isang boses ng babae ang narinig sa loob,
Magbasa pa

Kabanata 4580

Sa sandaling ito, nawalan na ng abilidad ang matandang babae na makaramdam, at sobrang hina na rin ng paghinga niya.Dalawampung taon nang hindi nakikita ni Janus at ng ina niya ang isa’t isa, at sa wakas ay nagsama na ulit sila ngayon. Pero, hindi inaasahan ni Janus na mamamatay na ang kanyang ina at mahihirapan na siya na tumingin man lang sa kanya.Inisip ni Janus ang nakaraang dalawampung taon at kung paano siya nabigong gawin ang mga gawain niya bilang anak sa mga magulang niya. Ganap na bumagsak ang emosyon ni Janus habang hinawakan niya ang kamay ng kanyang ina at umiyak na parang isang bata.Nalula rin ng emosyon ang mga nakababatang kapatid niya, at umiyak din sila sa harap ng kama ng kanilang ina.Nang makita ito ni Charlie, sadya siyang naglabas ng isang Healing Pill bago siya lumapit at binigay ito kay Janus habang sinabi, “Uncle Janus, magagamot nito ang iyong ina. Pwede mo na itong ibigay sa kanya ngayon.”Tumingin si Janus sa pill, at may naisip aga siya. Kaya, kina
Magbasa pa
PREV
1
...
456457458459460
...
576
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status