Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 4541 - Kabanata 4550

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 4541 - Kabanata 4550

5759 Kabanata

Kabanata 4541

Patuloy na tumutulo ang mga luha ni Serene habang nagsasalita, at sinabi niya nang nabubulunan, “Kailangan ko rin bayaran ang kumpanya ng dalawampung beses na halaga ng liquidated damage kung gusto kong umatras sa kontrata. Wala akong gano’ng kalaking pera, kaya wala akong nagawa kundi makinig sa mga utos ni Mr. Gilliot…”Kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Bakit kailangan mo ng one million Hong Kong dollars? May nakatagpo ka ba na gulo?”Tumango si Serena at sinabi sa mahinang boses, “Sa una ay balak kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko, pero may nangyari sa pamilya ko, at nagkaroon kami ng maraming utang sa ibang bansa. Kaya, hindi ko kinaya na ipagpatuloy ang pag-aaral ko…”Habang sinasabi niya ito, sinabi ulit ni Serene, “Sa una ay balak kong humanap ng trabaho para kumita ng pera para suportahan agad ang pamilya ko pagkatapos kong magtapos para matulungan ko ang mga magulang ko na bayaran ang utang sa lalong madaling panahon. Pero, hindi ko inaasahan na makilala si Mr. Gillio
Magbasa pa

Kabanata 4542

Sa sandaling ito, lumakas ang loob ni Tyson, at itinulak niya pabalik ang mga salamin niya bago siya humakbang paabante nang ilang beses.Sa opinyon niya, hindi na siya matatalo ngayong araw basta’t dumating si Solomon.Ang nag-iisang bagay na lang na natitira para sa kanya ay pahirapan si Charlie para mapawi ang galit sa puso niya.Pero, nasorpresa pa rin siya nang kaunti dahil nakaupo lang si Charlie nang kaswal sa sofa nang hindi kinakabahan.At si Shawn, na nasa tabi niya, ay nakasandal lang sa sofa sa sandaling ito.Gusto niya talagang tulungan si Tyson, pero sa kasamaang palad, malapit nang mahulog sa sentensiya niya si Tyson.Desperado niyang sinubukan na tulungan si Tyson, pero tinanggihan talaga nang direkta ni Tyson ang tulong niya.Dahil si Tyson ang nagpumilit na pigilan siya na tulungan siya, wala nang magagawa si Shawn.Hindi matagal pagkatapos nito, pumasok nang agresibo si Solomon kasama ang mahigit isang dosenang tauhan niya mula sa Order of the Star.Nang bum
Magbasa pa

Kabanata 4543

Sumigaw nang paulit-ulit si Tyson sa sakit, pero hindi siya pinansin ni Solomon at patuloy na tinapakan nang direkta ang dibdib niya habang sinabi nang mahigpit, “Tyson, ang tapang mo talaga! Si Mr. Wade ay parang isang bagong mentor sa akin, pero sinasabihan mo ako na labanan siya?! Hindi ba’t iniimbita mo ang sarili mong kamatayan?!”Hindi nagawa ni Tyson na pansinin ang matinding sakit sa buong katawan niya dahil nagulantang agad siya.Kahit ano pa, hinding-hindi niya inakala na magiging ganito ang mga bagay-bagay.Nataranta siya habang inisip, ‘Anong nangyayari? Anong nangyayari dito?! Hindi ba’t si Charlie Wade ay isang assistant lang ng isang ocean shipping company? Naiintindihan ko kung bakit gusto siyang bolahin ni Shawn. Hindi ba’t gusto niya lang kumita ng pera? Pero bakit ako sasampalin ni Solomon para sa kanya?! At saka, karaniwan ay hindi takot sa kahit ano si Solomon, pero tinawag niya pang mentro ang batang ito… Ano ba talaga ang pinagmulan ng batang ito?!’Nang mais
Magbasa pa

Kabanata 4544

May sobrang nandidiring ekspresyon si Solomon nang makita niyang umiiyak at nagmamakaawa si Tyson.Pero, tuwang-tuwa siya.‘Mukhang tama ang desisyon ko na pumunta dito ngayong araw! Pagkatapos nito, siguradong tataas nang sobra ang tingin sa akin ni Charlie!’Nang maisip niya ito, hindi na siya makapaghintay na ipahayag pa lalo ang saloobin niya.Kaya, tinapakan niya si Tyson habang sinabi nang malamig, “Tyson, mas seryoso na kinalaban mo si Mr. Wade kaysa sa kinalaban mo ako. Huwag mo akong sisihin sa pagiging walang awa. Sa halip, dapat mong sisihin ang sarili mo dahil ginalit mo ang maling tao!”Nasa bingit na ng pagbagsak ng emosyon si Tyson. Hindi na malaman kung saan nanggaling si Charlie sa punto na tatalikuran siya ni Solomon nang walang pag-aatubili. Patuloy na sinasabi ni Solomon na gusto niya siyang patayin.Bukod dito, kilala rin nang sobra ni Tyson si Solomon. Malupit at walang awang tao si Solomon. Kaya, nang sinabi ni Solomon na gusto niya siyang patayin, alam niy
Magbasa pa

Kabanata 4545

Ngumisi si Charlie, “Pumunta siya sa akin nang sobrang yabang at hambog. Hindi ba’t mapapahiya ako kung papakawalan ko siya nang ganito lang?”Sinabi nang nagmamadali ni Shawn, ‘Mr. Wade, hindi ko gustong sabihin na hindi mo na dapat siya parusahan. Umaasa lang ako na babaguhin mo ang pamamaraan na gagamitin mo sa kanya at kahit papaano, hayaan siyang mabuhay…”Tumango rin nang mabilis si Tyson habang nagmakaawa, “Tama, Mr. Wade… Gagawin ko ang kahit anong gusto mong ipagawa basta’t pagbibigyan mo ang hayop na buhay ko…”Pagkasabi nito, sinabi nang nagmamadali ni Tyson, “Mr. Wade, kaya kong magbayad para sa mga kilos ko! Bigyan mo lang ako ng numero at sabihin sa akin kung magkano ang ibabayad ko sayo!”Ngumisi si Charlie at sinabi, “Hindi naman sa minamaliit kita. Kaso nga lang, maraming tao na ang gustong gumamit ng pera kapalit ng kaluwagan ko, pero siguradong ikaw ang pinakamahirap sa kanila.”Habang sinasabi niya ito, sinabi ni Charlie nang may kaunting panghahamak, “Ano ang
Magbasa pa

Kabanata 4546

“Huh?”Nabigla si Shawn sa tanong ni Charlie, at sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Iwan mo lang siyang buhay… kahit na kailangan mong baliin ang mga binti niya…”Humuni si Charlie at tumawa. Pagkatapos, tumingin siya kay Tyson at sinabi, “Halika, bakit hindi mo mismo sabihin ito? Anong klaseng buhay ang gustong mong iwan ko para sayo?”Sinabi ni Tyson nang walang pag-aatubili, “Ang hayop na buhay ko! Iwan mo lang ang walang kwentang buhay ko! Mr. Wade, mangyaring pagbigyan mo ako at pagbigyan mo ang walang saysay na buhay ko!”Tumango si Charlie at sinabi, “Kaya kitang hayaan na panatilihin ang walang kwentang buhay mo dahil nagmakaawa na si Mr. Long para sayo. Bibigyan kita ng solusyon dahil maganda ang kalooban ko ngayon.”Pagkasabi nito, pinaalalahanan siya ni Charlie, “Makinig ka nang mabuti. Itong isang solusyon lang ang ibibigay ko sayo. Kung sasang-ayon ka, pagbibigyan kita sa nangyari ngayong araw, pero kung hindi ka papayag, iiwan ko si Solomon para lutasin ito para saki
Magbasa pa

Kabanata 4547

Pero kung titingnan ang sitwasyon ngayong araw, siguradong mapapahamak siya.Pero, paano siya makakatakas kung kahit si Rudy ay hindi niya katapat?Kaya, kung gusto niyang mabuhay, wala siyang magagawa kundi sumang-ayon sa mga kondisyon ni Charlie.Kaya, hindi niya mapigilan na mabulunan at sinabi, “Mr. Wade, handa ako…”Kumaway si Charlie. “Huwag mo itong sabihin sa akin. Wala akong kinalaman sayo. Kahit na pinahiya mo ako nang paulit-ulit ngayong araw, hindi ko man lang hinawakan ang kahit daliri mo, lalo na ang manghingi ng kahit isang sentimos. Ang problema ngayong araw ay sa pagitan niyo ni Solomon. Ikaw ang tumawag sa kanya para pumunta dito, at ikaw ang magbebenta sa kanya ng kumpanya mo nang kusa. Kaya, dapat maghanap kayong dalawa ng lugar para ayusin ang bagay na ito. Ayokong masangkot.”Nagulat si Shawn nang marinig ito, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga nang palihim habang inisip, ‘Grabe! Walang hiya talaga ang Charlie Wade na ito. Nagawa niyang umiwas sa lah
Magbasa pa

Kabanata 4548

Ito ay dahil hindi nakatanggap si Charlie ng kumpletong mataas na edukasyon, kaya naiintindihan niya ang kagustuhan na mag-aral pero walang pagkakataon na gawin ito.Ito ang dahilan kung bakit tinutulungan niya si Serene na ipagpatuloy ang pag-aaral niya hanggang sa ayaw na niya mag-aral.Nagpapasalamat nang sobra si Serene kay Charlie. Kaya, sinabi niya nang nagpapasalamat, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Magsisikap ako na tapusin ang pag-aaral ko, at hindi kita bibiguin.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Hindi mo kailangan mag-alala sa mga nararamdaman ko basta’t hindi mo bibiguin ang sarili mo.”“Naiintindihan ko!” Tumango nang mabigat si Serene.Sinabi ni Charlie at tinanong siya, “Dahil balak mong bumalik sa school, hindi mo kailangan manatili sa Hong Kong, tama?”“Oo…” Sinabi ni Serene, “Natanggap ko na ang acceptance letter, kaya kailangan ko na lang tapusin ang registration process sa loob ng binigay na oras at i-renew ang visa ko bago ako pumunta.”“Okay.” Tumango si C
Magbasa pa

Kabanata 4549

Yumuko nang nagmamadali si Solomon at sinabi, “Kung gano’n, mauuna na akong umalis, Mr. Wade!”Pagkatapos nito, hinila niya paangat si Tyson at tinapon siya sa mga tauhan niya na nasa likod habang inutos, “Bantayan niyo siya at huwag niyo siyang hayaan na magsabi ng kalokohan paglabas mamaya.”“Masusunod, Mr. Star!” Sumagot nang magalang ang mga tauhan niya, at tumayo silang dalawa sa kanan at kaliwa ni Tyson para suportahan siya habang nilabas nila siya sa opisina ni Shawn.Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie kay Serene at sa isang babae, “Bumalik na rin kayong mga babae. Tandaan niyo na huwag sabihin sa kahit sino ang tungkol sa nakita o narinig niyo dito ngayong araw.”Tumango nang paulit-ulit si Serene, at tumango rin nang paulit-ulit ang babae sa tabi niya.Dalawang beses niligtas ni Charlie si Serene, kaya, hindi niya sasabihin sa kahit kanino ang tungkol kay Charlie. Ang babae rin na kasama ni Serene ay natakot kay Charlie, kaya, hindi siya mangangahas na galitin si Charlie
Magbasa pa

Kabanata 4550

Natulala si Shawn dahil sa mga sinabi ni Charlie.Ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang mga ito.Kung sinabi ng iba ang mga ito, kukutyain niya lang ito at iisipin na hipokrito ang kabila.Sa Hong Kong, kung saan sobrang maunlad ang entertainment industry, sinong mayamang lalaki ang hindi magkakaroon ng ugnayan sa entertainment industry at magkakaroon ng ilang iskandalo kasama ang mga artista na nasa kabilang kasarian?May ilan pa na papakasalan ang mga artista.Pero, naramdaman ni Charlie na kahihiyan na magkaroon ng ugnayan sa entertainment industry, at malinaw na hindi ito linya sa realidad.Pero, pinag-isipan ito nang mabuti ni Shawn, at may nadiskubre agad siya na nakakagulat na katotohanan.Sa Hong Kong, kadalasan, ang mga mahilig magkaroon ng ugnayan sa mga artista ay ang mga mayamang tagapagmana.Sa kabaliktaran, ang mga taong pinayaman ang sarili nila na nagsimula sa wala ay hindi nagbigay ng kahit anong atensyon sa entertainment industry.Madalas na nangyayar
Magbasa pa
PREV
1
...
453454455456457
...
576
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status