Yumuko nang nagmamadali si Solomon at sinabi, “Kung gano’n, mauuna na akong umalis, Mr. Wade!”Pagkatapos nito, hinila niya paangat si Tyson at tinapon siya sa mga tauhan niya na nasa likod habang inutos, “Bantayan niyo siya at huwag niyo siyang hayaan na magsabi ng kalokohan paglabas mamaya.”“Masusunod, Mr. Star!” Sumagot nang magalang ang mga tauhan niya, at tumayo silang dalawa sa kanan at kaliwa ni Tyson para suportahan siya habang nilabas nila siya sa opisina ni Shawn.Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie kay Serene at sa isang babae, “Bumalik na rin kayong mga babae. Tandaan niyo na huwag sabihin sa kahit sino ang tungkol sa nakita o narinig niyo dito ngayong araw.”Tumango nang paulit-ulit si Serene, at tumango rin nang paulit-ulit ang babae sa tabi niya.Dalawang beses niligtas ni Charlie si Serene, kaya, hindi niya sasabihin sa kahit kanino ang tungkol kay Charlie. Ang babae rin na kasama ni Serene ay natakot kay Charlie, kaya, hindi siya mangangahas na galitin si Charlie
Natulala si Shawn dahil sa mga sinabi ni Charlie.Ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang mga ito.Kung sinabi ng iba ang mga ito, kukutyain niya lang ito at iisipin na hipokrito ang kabila.Sa Hong Kong, kung saan sobrang maunlad ang entertainment industry, sinong mayamang lalaki ang hindi magkakaroon ng ugnayan sa entertainment industry at magkakaroon ng ilang iskandalo kasama ang mga artista na nasa kabilang kasarian?May ilan pa na papakasalan ang mga artista.Pero, naramdaman ni Charlie na kahihiyan na magkaroon ng ugnayan sa entertainment industry, at malinaw na hindi ito linya sa realidad.Pero, pinag-isipan ito nang mabuti ni Shawn, at may nadiskubre agad siya na nakakagulat na katotohanan.Sa Hong Kong, kadalasan, ang mga mahilig magkaroon ng ugnayan sa mga artista ay ang mga mayamang tagapagmana.Sa kabaliktaran, ang mga taong pinayaman ang sarili nila na nagsimula sa wala ay hindi nagbigay ng kahit anong atensyon sa entertainment industry.Madalas na nangyayar
Habang nagsasalita siya, naririnig niya nag kaunting alingawngaw ng makina ng eroplano sa linya ni Kathleen. Kaya, tinanong niya, “Miss Fox, nasa eroplano ka ngayon?”“Oo.” Sinabi nang nagmamadali ni Kathleen, “Sasabihin ko na sana sayo na papunta na rin ako sa Hong Kong kasama si Jarvis pare siguraduhin na walang butas ang pagbalik ni Mr. Campbell. Inaasahan na darating ang eroplano makalipas ang dalawa’t kalahating oras, 2:30 pm. Kahit na darating kami makalipas ang kalahating oras, dahil kailangan dumaan ni Mr. Campbell sa handover procedure at customs, mauuna kaming makaalis sa customs kaysa kay Mr. Campbelll.Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga habang sinabi, “Miss Fox, tinulungan mo na ako nang sobra sa bagay na ito. Hindi mo kailangan mag-abala nang sobra dito.”Sinabi ni Kathleen nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, masyado kang seryoso. Sobrang bait mo sa akin, atito lang ang nag-iisang bagay na kaya kong gawin para sayo. Paano ito magiging abala?”Sa totoo lan
Nang marinig ni Shawn na pumayag si Charie sa hiling niya, nanabik siya nang sobra sa loob niya.Ang pinakamayamang tao na nakilala niya sa buong buhay niya ay ang pamilya Laine mula sa Hong Kong.Pero, ang pamilya Laine ay wala lang kumpara sa pamilya Fox.Kaya, naramdaman ni Shawn na malaking tagumpay para sa sarili niya kung magkakaroon siya ng pagkakataon na magkaroon ng ugnayan sa pamilya Fox.Kaya, sinabi niya nang masaya at sabik kay Charlie, “Mr. Wade, pupunta tayo sa restaurant para mananghalian mamaya. Papapuntahin ko ang asawa ko para maghanda nang maaga. Pupunta ri nsi Marianne para samahan tayong mananghalian. Pagkatapos natin mananghalian, isasama ko ang asawa ko sa airport para makipagkita kay Miss Fox!”Tumango si Charlie at sinabi, “Makatwiran na pagsasaayos ito. Kung gano’n, gagawin natin ang sinabi mo.”Ngumiti si Shawn at tinanong ulit, “Siya nga pala, Mr. Wade, saan manunuluyan si Miss Fox pagdating niya sa Hong Kong? Naalala ko na parang walang ari-arian ang
Kahit ano pa, magsisimula ang laban nila ni Shawn sa sandaling lumabas si Janus sa airport customs sa hapon. Kaya, walang mali kung nandoon ang asawa ni Shawn para makita ito.Pero, ayaw ni Charlie na sumama si Marianne.Dahil, pagkatapos makilala si Marianne sa nakaraang dalawang araw, mas nakilala niya nang mabuti si Marianne. Ayaw niya na makita niya mismo ang away nila ng kanyang ama.At saka, may tinatago si Charlie noong pumunta siya sa Hong Kong at nilapitan si Shawn. Kaya, ayaw niyang tanggalin ang disguise na ito sa harap ni Marianne.Ayon sa plano niya, hindi na siya magkakaroon ng ugnayan kay Shawn at sa pamilya Long pagkatapos ayusin ang mga problema sa airport. Matatapos na rin ang interseksyon nila ni Marianne pagkatapos nilang kumain ngayon.Hindi alam ni MArianne kung ano ang iniisip ni Charlie. Sa una ay umaasa siya na makakasama siya sa kanila, at hindi mahalaga kung sino ang susunduin nila. Ang pinakamahalagang bagay ay makakasama niya si Charlie.Pero, nang ma
2:00 pm.Dumating sa Hong Kong Airport sa oras ang flight ni Janus.Sa sandaling ito, nakaupo si Janusa as tabi ng bintana, at halo-halo ang nararamdaman niya.Matagal na siyang wala sa Hong Kong, at hindi na pamilyar ang tanawin sa labas ng bintana sa kanya. Ang nag-iisang bagay lang na pamilyar siya ay ang mga tradisyonal na letra ng diyalekto sa Hong Kong na makikita kung saan-saan.Pinaalala sa kanya ng mga tradisyonal na letra sa diyalekto ng Hong Kong na sa wakas ay nakabalik na siya sa sarili niyang bayan makalipas ang dalawampung taon.Pero, ang pinagsisisihan niya ay marahil ay wala siyang pagkakataon na makilala ulit ang Hong Kong na dalawampung taon na niyang iniwan. Marahil ay magkakaroon ng oras ang buhay niya sa sandaling bumaba siya sa Hong Kong.Sa sandaling ito, isang lalaking flight attendant ang lumapit sa kanya at pinaalalahanan siya, “Mr. Campbell, ayon sa mga regulasyon, hindi ka dapat bumaba agad sa eroplano. Kailangan mong hintayin na bumaba muna ang lahat
Samantala, sila Charlie, Shawn, at Jenna ay dumating na rin sa Hong Kong Airport.Tumigil ang convoy sa labas ng arrival hall ng Hong Kong Airport, at sabik na sinabi ni Shawn kay Charlie, “Mr. Wade, malapit nang dumating si Miss Fox, tama?”Tumingin si Charlie sa oras at sinabi nang walang bahala, “Malapit na. May sampung minuto pa.”Ngumiti si Shawn at tinanong, “Sa tingin mo ba ay dapat tayong maghintay sa kotse o maghintay sa loob?”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Pumasok tayo at maghintay.”Pagkatapos nito, binuksan niya muna ang pinto ng kotse at lumabas sa kotse.Lalabas na sana si Shawn sa kotse nang lumingon ang driver at sinabi sa mahinang boses, “Boss, katatanggap ko lang ng balita na pumasok na sa customs si Janus.”“Oh, dumating na siya?” Tumango si Shawn at binulong, “Sa totoo lang, gusto ko talagang makita ang g*gong iyon at makita kung ano na ang estado niya ngayon… Pero nandito ang asawa ko ngayon, kaya mas mabuti na huwag natin siyang makita.”Sinabi nang nagm
Kahit na naabot na nina Shawn at Jenna ang rurok ng pyramid sa Hong Kong, malayo pa sila pagdating sa buong mundo.Ang lakas ng pamilya Fox ay wala na sa listahan ng mga ordinaryong mayaman na tao. Sa halip, ang lakas nila ay nabibilang na sa mga tagong pinakamayamang pamilya. Ang komprehensibong lakas nila ay maraming beses na mas malakas kumpara kay Shawn.Si Kathleen din ang head ng pamilya Fox, at mas hindi ito matatamo nina Shawn at Jenna.Sa sandaling ito, ang mentalidad nila ay ang mentalidad ng pinakamayamang tao sa isang maliit na baranggay na nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang pinakamayamang tao sa buong bansa. Sa kabaliktaran, sobrang relax si Charlie, at nakalagay sa bulsa niya ang mga kamay niya habang naglakad siya sa arrival hall.Maraming tao ang nagsusundo sa iba sa arrival hall sa sandaling ito, pero hindi sinuot ni Jenna ang salamin niya at maskara tulad noong sinundo niya si Charlie kasama si Shawn. Wala rin ang mayabang na kilos niya ng isang mayamang a
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl