Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4391 - Chapter 4400

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4391 - Chapter 4400

5756 Chapters

Kabanata 4391

Nakikiramay si Charlie sa pagkamatay ni Merlin.Iniimbestigahan ni Merlin ang Ten Thousand Armies, pero ginawa niya lang ito dahil responsibilidad niya ito. Maraming taon siyang naging isang mabuting pulis. Hindi dapat natapos nang ganito ang buhay niya.Pero, hindi maiiwasan ang kapus-palad na pagkamatay ni Merlin.Sa puntong ito, lampas na sa abilidad ni Charlie ang pagligtas kay Merlin. Kahit na gusto itong gawin ni Charlie, wala siyang paraan para gawin ito. Hindi ito maiiwasang sakuna sa buhay ni Merlin.Sa parehong oras, may malabong nararamdaman si Charlie na wavelength sa katawan ni Merlin. Kaya, naglabas agad si Charlie ng mas maraming Reiki para mag-imbestiga. Bilang resulta, nasorpresa siya nang malaman niya na hindi pa ganap na patay ang utak ni Merlin.Marahil ay hindi naubusan ng oxygen ang utak ni Merlin sa loob ng dalawa o tatlong minuto. Marahil ay nanatiling buhay ang utak niya hanggang ngayon dahil sa malakas na pagnanais ni Merlin na mabuhay.Sa madaling salit
Read more

Kabanata 4392

Lumubog ang puso ni Christian dahil sa malamig na utos ni Charlie.Sa paglaki niya, si Merlin ang matalik na kaibigan ni Christian. Pero, namatay ang matalik na kaibigan niya dito ngayong araw dahil sa pamilya niya. Gayunpaman, hindi man lang masabi ni Christian sa pamilya ni Merlin ang tungkol sa pagkamatay niya. Paano ito matatanggap ni Christian?Pero, hindi musmos na bata si Christian, at hindi rin siya tanga. Alam niya na wala na sa kontrol niya ang kasalukuyang sitwasyon.Pinagpala siya dahil nabuhay siya sa sakuna. Ano pang mahihingi niya?Ang magagawa niya na lang pagkapos ng mga pangyayari ngayong araw ay bumawi sa pamilya ni Merlin.Tumango nang masunurin si Christian. “Salamat. Naiintindihan ko. Gagawin ko ang sinabi mo!”Ginamit ni Charlie ang hindi matututulan na tono niya para pigilan is Christian na gawin ang ibang iniisip niya. Pinakilos niya si Christian ayon sa gusto niya.Malugod siya na makita na tinanggap ni Christian ang realidad, kaya, sinara niya na lang
Read more

Kabanata 4393

Hindi alam ni Quinn ang mga nangyari sa VIP area. Lumitaw siya sa stage sa isang futuristic na warrior costume, at sumigaw nang mabangis ang mga tagahanga niya sa audience dahil sa pananabik.Malugod din si Charlie nang makita na nagsimula nang maayos ang concert nang walang problema.Ang pinakamagandang solusyon para sa nangyari ngayong gabi ay linisin ang gulo habang nangyayari ang concert. Hindi dapat sila kumuha ng kahit anong atensyon mula sa mga tagalabas at sa pulis.Kung hindi, marahil ay kumalat sa mga manonood ang pagkataranta. Kung libo-libong tao ang tatakbo para tumakas, magiging stampede ito, at marahil ay marami ang masugatan at mamatay.Kaya, dapat kunin ni Charlie at ng mga taong kasangkot dito ang pagkakataon na ito para linisin ang gulo sa lalong madaling panahon. Hahayaan nila na i-anunsyo ni Dorothy na isasara ang venue para ma-upgrade. Pagkatapos, sisirain nila ang VIP area, kasama na ang mga sahig, pader, at kisame, at ililibing ang lahat. Masyadong maraming
Read more

Kabanata 4394

“Ano?!” Nagulat si Kathleen nang marinig ang sinabi ni Charlie.Hindi niya ito maintindihan. Bakit ayaw ni Charlie na makipag-ugnayan muli sa kanyang lolo, kay Keith Acker?Sa parehong oras, nakatanggap si Kathleen ng tawag mula sa isa sa mga tauhan niya. Sinabi ng lalaki, “Miss, dumating na ang leader ng Ten Thousand Armies. Pinapasok namin siya.”“Okay,” sumagot si Kathleen, bago ipinaalam kay Charlie, “Mr. Wade, nandito na si Mr. Waldron.”Habang nagsasalita siya, umilaw ang mga ilaw sa elevator. Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang pinto. Lumabas si Porter habang nakasunod sa likod niya ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies.Nang makita niya si Charlie, pinagdaup niya agad ang mga kamay niya at binati nang magalang si Charlie, “Mr. Wade, pasensya na sa pagiging mabagal ko.”Pinagdaup ng mga sundalo ang mga kamay nila at sabay-sabay na humingi ng tawad, “Patawarin mo kami!”Sinabi nang walang interes ni Charlie, “Hindi naman, mabilis kayong nakapunta.”Tinanong ni Porte
Read more

Kabanata 4395

Tumango si Charlie. “Mabuti naman. Salamat sa pagsusumikap mo.”Tinanong ni Porter, “Siya nga pala, Mr. Wade. May apat na martial artist sa loob. Ano ang ranggo nila? Paano sila namatay nang kalunos-lunos?”Sumagot nang walang bahala si Charlie, “Isang six-star martial artist, dalawang seven-star martial artist, at isang eight-star martial artist.”“Isang eight-star martial artist?!”Bumagsak ang panga ni Porter sa gulat.Tulang ng alam ng lahat, ang pinakamataas na ranggo bilang martial artist ay eight stars, na tugma sa eight meridian channel. Ang mga taong may eight meridian channel ay kilala bilang mga eight-star martial artist.Ang kasalukuyang lakas ni Porter ay medyo mas malakas sa isang eight-star martial artist. Hindi niya inaasahan na makakita ng isa pang eight-star martial artist na namatay nang kalunos-lunos, kaya nakakagulat para sa kanya na makita ito mismo.Nakita ni Charlie ang nasorpresang tingin ni Porter at tinanong, “Hindi mo ito inaasahan, tama? Paano namata
Read more

Kabanata 4396

“Mr. Wade… P-Pinapa-freeze mo ba sa akin si Chief Lammy?!”Natulala si Kathleen sa mga sinabi ni Charlie. Nakakagulat ito, hindi niya alam kung paano ito sagutin.Pero, si Charlie, ay sumagot na may tunay na tingin, “Hindi ba’t may freezing center ka? Maliit na bagay lang para sayo na ibalik ang katawan niya at i-freeze siya, hindi ba?”Pinagmukha ni Charlie na madaling gawain lang ito. Nang marinig ito, pinaalalahanan siyan i KAthleen, “Mr. Wade, isang konsepto pa lang ang human body freezing technology. Kahit na ilang dekada na itong iminungkahi ng mga scientist, wala pang kuwento na nagtagumpay…”Pagkatapos ay tumingin siya kay Merlin, na nakahiga sa sahig, bago siya nagpatuloy, “Mr. Wade, magiging prangka ako. Sa totoo lang, walang kayang mabuhay muli kung i-freeze mo ang katawan sa kasalukuyang teknolohiya…”Kumaway si Charlie sa pagpapawalang bahala. “Hindi mo na kailangan mag-alala dito. I-freeze mo na lang muna siya.”May dahilan si Charlie para ipadala si Merlin sa freez
Read more

Kabanata 4397

Sa utos ni Kathleen, tinanggal ng mga tauhan niya ang lahat ng carpet at binalot sila sa mga sealed bag para sunugin.Habang nililinis ng mga tauhan niya ang carpet, isa pang agos ng mga tao ang pumasok dala-dala ang mga lighting equipment, building material, cleaning supply, at mga water pumps.Pagkatapos nito, ang mga dalubhasa sa mechanical at electric system ay nagsimulang ayusin ang mga nasirang spotlight at inayos ang mga ilaw. Gumamit ang iba ng mga water barrier at styrofoam para palibutan ang buong corridor, gumawa sila ng hindi mapapasok na harang na nasa sampung sentimetro.Pagkatapos nito, gumamit sila ng high-pressure water gun ng mga bombero at malakas na detergent para linisin ang dugo sa corridor. Mabisang nilinis ng grupo ang mga mantsa ng dugo, at binomba ang mga maduduming tubig papasok sa washroom drain.Hindi matagal pagtapos nito, naayos na nang ganap ang mga ilaw sa corridor. Makikita rin na mas lumilinaw na rin ang pamumuo ng dugo sa mga tubig. Sa sandaling
Read more

Kabanata 4398

Hindi matagal pagkatapos nito, dinala ng tauhan ni Kathleen ang nababalisang si Dorothy.Kinakabahan at ninenerbiyos si Dorothy. Nasorpresa siya nang sobra dahil sa mga kakaibang lalaki na humarang sa buong VIP area nang walang naririnig. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nila, at kung sino sila.Nawala nang walang bakas ang staff niya. Nagkaroon din siya ng masamang pakiramdam dito.Pero, nawala nang bahagya ang kaba niya sa sandaling nakita niya si Charlie. Tinanong niya siya nang nagmamadali, “Mr. Wade, anong nangyayari dito? Mga tauhan mo ba sila?”Tumingin si Charlie kay Kathleen at sinabi nang walang bahala, “Mga tauhan sila ni Miss Fox. Humingi ako ng tulong sa kanya.”Nalito is Dorothy. “May nangyari ba?”Hindi sinagot ni Charlie ang tanong niya. Sa halip, tinanong niya pansamantala, “May ibang tao ba na alam na nandito ngayong gabi ang pamilya Acker?”“Wala,” sumagot si Dorothy. “Kami lang ni Quinn ang nakakaalam. Walang ibang may alam.”Pagkatapos, idinagdag niya
Read more

Kabanata 4399

‘Idinagdag ni Dorothy, “Hinala mo na may tanim na tao na tumutulong sa kalaban, pero duda ako na galing sa team namin ang nakatanim na tao. Marahil ay alam ng mga staff namin kung nasaan ang pamilya Acker, pero ito lang ay pagkatapos nilang dumating. At saka, kailan lang dumating ang pamilya Acker dito.”Naisip ni Charlie na naka-block ang signal at tinanog, “May pumunta bang staff sa palapag na ito kaninang umaga? Maaari ba na palihim silang naglagay ng isang maliit na shielding device?”Kumunot ang noo ni Dorothy. “Binigyang atensyon lang namin ang stage at backstage sa umaga. Hindi kami masyadong nagbigay ng atensyon sa VIP area. Hindi ako sigurado, pero pwede mong suriin ang surveillance video ng VIP area.”Pagkatapos, idinagdag niya, “Tulad ng sinabi ko kanina, wala kaming sinabihan ni Quinn tungkol dito. KAhit na may pumunta sa umaga para maglagay ng shielding device, hindi nila alam kung saan ito ilalagay. At saka, may mahigit dalawampung kwarto dito. Naglagay ba sila sa bawa
Read more

Kabanata 4400

Sa parehong oras, ang pamilya Acker na nabuhay sa trahedya ay nakaupo nang tahimik sa sofa. Malubha ang hangin sa kwarto. Nanunumbalik pa rin ang mas batang henerasyon at mga apo sa gulat. Malungkot din ang mga tao na nasa hustong gulang.Habang nililinis ng mga tauhan ni Kathleen ang crime scene sa labas ng kwarto, abala ang tatlong uncle ni Charlie sa pag-aanalisa ng mga pangyayari kasama si Keith. Nagtalo pa sila nang sobra habang nag-uusap.Gusto nilang malaman kung anong nangyaring mali, sa punto na halos naubos pa ang buhay ng pamilya Acker.Sa una, pinaghinalaan ni Kaeden ang uncle-in-law ni Charlie, ang asawa ni Lulu, bilang pinaka kahina-hinala na tao. Nandoon ang lahat ngayong gabi, pero wala siya.Nakasalalay ang kaligtasan ng buong pamilya sa pangyayaring ito. Habang sinasabi ni Kaeden ang mga hinala niya, hindi siya nagpigil sa pagsasalita kahit na nandoon si Lulu.May parehong ugali si Jaxson at ang second brother niya, si Kaeden. Madalas silang nagtutulungan sa trab
Read more
PREV
1
...
438439440441442
...
576
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status