Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3541 - Chapter 3550

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3541 - Chapter 3550

5732 Chapters

Kabanata 3541

Nagtanong si Charlie, “Gaano katagal ang pre-publicity preparation?”Tumugon si Isaac, “Para sa mga malalaking auction houses gaya ng Christie’s at Sotheby’s, anim na buwan ang kailangan nila para maghanda sa isang major auction. Dahil dito, madalas gumagawa sila ng dalawang major auctions kada taon. Sa half-year period na iyon, apat na buwan ang ginugugol nila para maghanda ng iba’t ibang mga auction items. Kagaya ito ng ilang rounds ng screening para sa isang talent show. Ilang rounds ang kailangan nilang gawin para pumili ng final products na ilalagay nila sa auction lot.”Pagkatapos huminto ng ilang sandali, nagdagdag si Isaac, “Dagdag pa rito, kapag nakapili na sila ng final products, dalawang buwan ang kakailanganin nila para maghanda ng groundwork para sa publicity. Kailangan rin nilang magprint ng auction brochures na ipapadala nila sa bawat customer. Magpapadala rin ng customer representative ang auction house sa mga key figures para malaman nila kung ano ang magagandang ite
Read more

Kabanata 3542

Para sa mga mayayaman, higit pa sa kahit anong bagay ang Rejuvenating Pill sa buong mundo.Pero, bago pa ito, sa loob ng matagal na panahon, hindi tinignan ni Charlie ang Rejuvenating Pill bilang isang commodity.Ang tanging pagkakataon na nilagay niya sa auction ang Rejuvenating Pill ay sa birthday party ni Jasmine kung saan masyadong naging mapagpanggap si Dylan. Kaya, naglabas si Charlie ng isang Rejuvenating Pill para bigyan ng sampal sa mukha si Dylan.Para naman sa iba pang Rejuvenating Pills, ibinigay niya lamang ito bilang pabor para sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak.Subalit, nagbago na ang takbo ng isip ng Charlie sa kasalukuyan.Bago ito, wala siyang pagnanasang kumita ng malaking pera, at hindi niya naisip kung gaano kalaking pera ang pwede niyang magawa o kung anong klase ng tuktok ang pwede niyang abutin.Subalit, naging head na ng pamilya Wade si Charlie ngayon at nangako siyang dadalhin niya papunta sa tagumpay ang kanyang pamilya. Kailangan niya nang isipin n
Read more

Kabanata 3543

Ang isa pang tao ay ang Queen ng Northen Europe na kamakailan niya lang iniligtas.Hinihintay pa nito ang follow-up Rejuvenating Pill niya kaya natural lang na susundin niya ang lahat ng utos ni Charlie. Bukas na rin ang enthronement ceremony ni Helena kaya lahat ng royal aristocrats at mga mararangyang mga tao sa kontinente nila tutungo ng Northern Europe para masaksihan ang coronation ceremony. Basta ba magpakita ang Queen ng Northern Europe sa mga tycoons na ito, siguradong magdudulot ng malaking sensasyon ang tungkol sa Rejuvenating Pill sa puso ng mga nobles na ito.Sa pagkakataong iyon, siguradong magiging sentro ng mga mayayaman at makapangyarihang tao ang maliit na syudad ng Aurous Hill.Habang nagsasalita, nagpatuloy si Charlie, “Mr. Cameron, marami sa mga dati nating partners ang gustong gumuhit ng hangganan sa Shangri-La, hindi ba? Sa pagkakataong iyon, gagawa ka ng public announcement na lahat ng taong gustong dumalo ng auction kailangang manatili sa Shangri-La!”“Sa or
Read more

Kabanata 3544

Dahil sa inspirasyong nakuha ni Charlie mula sa auction, hindi niya mapigilang makaramdam rin ng sabik.Pagkaalis ng Shangri-La, hindi muna siya dumiretso ng uwi, sa halip, pumunta siya ng Emgrand Group para hanapin si Doris.Sa pagkakataong ito, may long-term plan na siya sa loob ng kanyang puso.Gusto niyang gamitin ang pagkakataong ito para palakasin ang business layout ng pamilya Wade sa Aurous Hill.Basta ba maging matagumpay ang takbo ng auction na gagawin nila, siguradong tataas ang atensyon ng mundo sa Aurous Hill. Sa pagkakataong iyon, tataas rin ang commercial value ng syudad nila.Ganoon din, tataas ang presyo ng mga lupa sa Aurous Hill pati na rin ang housing prices. Maliban dito, tataas rin ang foreign investments at overall consumption power at economic development level nila.Sa madaling salita, kung gagawin nila nang maaga at maayos ang adjustments sa business layout ng pamilya Wade, siguradong magagamit nila nang mabuti ang oportunidad na ito para umunlad!Kaya,
Read more

Kabanata 3545

Agad na tumugon ang secretary, “Vice Chairman Young, nandito ang young master. Sinabi niyang gusto niya kayong makausap, pero…”Agad na kumaway si Doris, “Sige, nauunawaan ko. Pwede ka nang umalis. Pupuntahan ko na lang ang young master pagkatapos kong ihatid si Chairman Wilson.”Kahit naramdaman ng secretary na may mali sa kilos ni Doris, hindi siya nagtanong ng kahit ano bilang isang propesyunal. Sa halip, agad siyang tumugon, “Sige, Vice Chairman Young. Kung iyan ang kaso, aalis na ako at aasikasuhin ko muna ang trabaho ko.”Pagkatapos itong sabihin, tumalikod ang secretary saka siya umalis.Nakahinga nang maluwag si Doris. Pagkatapos makabalik sa kanyang huwisyo, agad niyang kinausap si Claire, “Chairman Wilson, tara na.”Tinanong ni Claire si Doris sa isang mababang boses na puno ng pagtataka, “Vice Chairman Young, ang young master na sinasabi ni Lynette ngayon lang, siya ang chairman ng Emgrand Group, hindi ba?”Tumango na lamang si Doris, “Tama ka. Siya ang chairman namin.
Read more

Kabanata 3546

Sa sandaling iyon, kumatok si Doris sa pinto sa labas ng reception lounge. “Young Master, mangyaring pumasok ka sa opisina ko.”Binuksan ni Charlie ang pinto at tinanong, “Umalis na ba si Claire?”Tumango si Doris at sinabi, “Bumaba na ang young mistress. Huwag kang mag-alala.”“Okay.” Huminga nang maluwag si Charlie at pumunta sa opisina ni Doris habang tinanong niya, “Bakit ka pinuntahan ni Claire?”Sumagot si Doris, “Tungkol ito sa progreso ng Emgrand Hotel. Tapos na ang second phase ng proyekto na kinuha ng young mistress, at aayusin na ng supervisor namin ang acceptance sa susunod na dalawang araw.”Tinanong ni Charlie, “Maayos naman ang ginagawa ni Claire, tama?”Tumango si Doris at sinabi, “Magaling ang ginagawa ng young mistress. Mas maganda pa sa inaasahan namin ang kalidad ng proyekto at ang progreso ng construction. Siya ang pinaka etikal at propesyonal na B-party na nakatrabaho ng Emgrand Group sa mga nagdaang taon. Hindi siya naging matipid sa mga construction materi
Read more

Kabanata 3547

Sinabi ni Charlie sa pagsang-ayon, “Gano’n din ang nakikita ko, at hinanap din kita para dito.”Pagkatapos itong sabihin, tinanong siya ni Charlie, “Gaano kalaki na ang kapital ng Emgrand Group ngayon?”Sinabi nang nagmamadali ni Doris, “Ang magagamit nating pondo ngayon ay nasa 13 billion dollars, pero pwede pa rin tayong humiram ng 40 billion dollars sa bangko kahit kailan. Ang buong kapital na mayroon tayo ay nasa 50 billion dollars.”Tumango si Charlie at sinabi ulit, “Magpapadala ako ng 100 billion dollars na pera mula sa pamilya Wade. Magbibigay din ako ng 50 billion dollars para mabuo ang 200 billion dollars na pera. Pagkatapos, gamitin mo ang pinakamabilis na paraan para makabili ka ng magandang lupa o kahit anong lupa na may mga development prospect sa Aurous Hill!”Sinabi ni Doris, “Young Master, gusto mong mag-invest ng 200 billion dollars nang buo?! Hindi ba’t medyo sobra na ito?”Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Dahil gusto natin samantalahin ang pagkakataon,
Read more

Kabanata 3548

Tumango nang paulit-ulit si Doris pagkatapos marinig ang plano ni Charlie at sinabi, “Young Master, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin. Pagdating ng oras, kukuha ako ng tao para gumawa ng professional business plan, at maghahanap pa ako ng design studio na sikat sa buong mundo para tulungan sayong idisenyo ang blueprint na siguradong magsisimula sa pinaka engrande at pinakamataas na direksyon.”“Mm.” Sinabi ni Charlie, “Ikaw na ang mamamahala dito. May tatlo akong kailangan dito. Ang una ay dapat mabilis ito, pangalawa, maganda dapat ito, at pangatlo, dapat kumpleto ito! Alam mo ba ang Dubai Mall? Ito ang pinakamalaking shopping center sa buong mundo, at ang gusto ko ay gano’ng uri ng pakiramdam, pero gusto ko na mas high-end at pino ito kumpara sa kanila.”“Masusunod!” Sinabi agad ni Doris, “Sisimulan ko na agad ito.”Tumango nang kuntento si Charlie at sinabi, “Bukod dito, ang high-end community rin.”Pagkatapos itong sabihin, nag-zoom si Charlie sa mapa at tiningnan ang kap
Read more

Kabanata 3549

Pagdating ng oras, bibigyan niya lang siya ng isang pirasong gold bar bilang regalo at hayaan siyang paglaruan ito.Sa ganitong paraan, hindi niya na kailangan mag-alala na kukunin ni Elaine ang mga gold bar at ibebenta ito para sa pera.Kung dati ito, hindi na kailangan sabihin na siguradong ilalabas nang maaga ni Elaine ang gold bar bukas ng umaga para ibenta ito.At bago siya umalis, marahil ay pupunta pa siya sa kwarto nina Charlie at Claire para nakawin ang natitirang siyam na piraso na gold bar para ibenta sila nang sama-sama.Pero ngayon, mas tapat na talaga si Elaine, at hindi madaling gumalaw sa mga binti niya. Hindi makatotohanan para sa kanya na lumabas at ibenta ang gold bar.Bukod dito, tapat din niyang iingatan ang gold bar para iwasan na wala siyang malabas na gold bar sa tuwing gugustuhin ni Charlie na suriin bigla.Kaya, binibigyan siya ni Charlie ng isang sobrang mahal na regalo na hindi niya maipagpapalit sa pera para lang hawakan ang estado ng isipan niya.Na
Read more

Kabanata 3550

Nang makita ni Claire ang sabik at nambobolang hitsura ng kanyang ina sa harap ni Charlie, bigla niyang naramdaman na wala siyang magawa, at hindi niya mapigilan na ibulong, “Ma… Bakit bigla kang napreskuhan at naging sabik sa sandaling bumalik si Charlie?”Sinabi nang nagmamadali ni Elaine, “Kalokohan! Hindi ako biglang napreskuhan. Nababaliw na kasi ako sa pagkayamot sa mga nakaraang araw, at hinihintay ko ang mabuting manugang ko na bumalik para makapagluto ako para sa kanya!”Bumuntong hininga si Claire at sinabi, “Wala man lang kahit isang itlog sa kusina. Kaya, ano ang iluluto mo para kay Charlie?”“Ahh? Gano’n ba?” Nasorpresa si Elaine at tinanong, “Wala na rin bang gulay sa ref?”Umirap si Claire at sinabi, “May dalawang maliit na repolyo na lang ang natira, kaya, sinabihan ko si Papa na gamitin ito para lutuin ang mga noodles niya kaninang umaga.”Galit na minura ni Elaine, “Ang g*gong Jacob Wilson na iyon! Sinong nagbigay sa kanya ng karapatan na kainin ang mga reployo n
Read more
PREV
1
...
353354355356357
...
574
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status