Sinabi ni Charlie sa pagsang-ayon, “Gano’n din ang nakikita ko, at hinanap din kita para dito.”Pagkatapos itong sabihin, tinanong siya ni Charlie, “Gaano kalaki na ang kapital ng Emgrand Group ngayon?”Sinabi nang nagmamadali ni Doris, “Ang magagamit nating pondo ngayon ay nasa 13 billion dollars, pero pwede pa rin tayong humiram ng 40 billion dollars sa bangko kahit kailan. Ang buong kapital na mayroon tayo ay nasa 50 billion dollars.”Tumango si Charlie at sinabi ulit, “Magpapadala ako ng 100 billion dollars na pera mula sa pamilya Wade. Magbibigay din ako ng 50 billion dollars para mabuo ang 200 billion dollars na pera. Pagkatapos, gamitin mo ang pinakamabilis na paraan para makabili ka ng magandang lupa o kahit anong lupa na may mga development prospect sa Aurous Hill!”Sinabi ni Doris, “Young Master, gusto mong mag-invest ng 200 billion dollars nang buo?! Hindi ba’t medyo sobra na ito?”Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Dahil gusto natin samantalahin ang pagkakataon,
Tumango nang paulit-ulit si Doris pagkatapos marinig ang plano ni Charlie at sinabi, “Young Master, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin. Pagdating ng oras, kukuha ako ng tao para gumawa ng professional business plan, at maghahanap pa ako ng design studio na sikat sa buong mundo para tulungan sayong idisenyo ang blueprint na siguradong magsisimula sa pinaka engrande at pinakamataas na direksyon.”“Mm.” Sinabi ni Charlie, “Ikaw na ang mamamahala dito. May tatlo akong kailangan dito. Ang una ay dapat mabilis ito, pangalawa, maganda dapat ito, at pangatlo, dapat kumpleto ito! Alam mo ba ang Dubai Mall? Ito ang pinakamalaking shopping center sa buong mundo, at ang gusto ko ay gano’ng uri ng pakiramdam, pero gusto ko na mas high-end at pino ito kumpara sa kanila.”“Masusunod!” Sinabi agad ni Doris, “Sisimulan ko na agad ito.”Tumango nang kuntento si Charlie at sinabi, “Bukod dito, ang high-end community rin.”Pagkatapos itong sabihin, nag-zoom si Charlie sa mapa at tiningnan ang kap
Pagdating ng oras, bibigyan niya lang siya ng isang pirasong gold bar bilang regalo at hayaan siyang paglaruan ito.Sa ganitong paraan, hindi niya na kailangan mag-alala na kukunin ni Elaine ang mga gold bar at ibebenta ito para sa pera.Kung dati ito, hindi na kailangan sabihin na siguradong ilalabas nang maaga ni Elaine ang gold bar bukas ng umaga para ibenta ito.At bago siya umalis, marahil ay pupunta pa siya sa kwarto nina Charlie at Claire para nakawin ang natitirang siyam na piraso na gold bar para ibenta sila nang sama-sama.Pero ngayon, mas tapat na talaga si Elaine, at hindi madaling gumalaw sa mga binti niya. Hindi makatotohanan para sa kanya na lumabas at ibenta ang gold bar.Bukod dito, tapat din niyang iingatan ang gold bar para iwasan na wala siyang malabas na gold bar sa tuwing gugustuhin ni Charlie na suriin bigla.Kaya, binibigyan siya ni Charlie ng isang sobrang mahal na regalo na hindi niya maipagpapalit sa pera para lang hawakan ang estado ng isipan niya.Na
Nang makita ni Claire ang sabik at nambobolang hitsura ng kanyang ina sa harap ni Charlie, bigla niyang naramdaman na wala siyang magawa, at hindi niya mapigilan na ibulong, “Ma… Bakit bigla kang napreskuhan at naging sabik sa sandaling bumalik si Charlie?”Sinabi nang nagmamadali ni Elaine, “Kalokohan! Hindi ako biglang napreskuhan. Nababaliw na kasi ako sa pagkayamot sa mga nakaraang araw, at hinihintay ko ang mabuting manugang ko na bumalik para makapagluto ako para sa kanya!”Bumuntong hininga si Claire at sinabi, “Wala man lang kahit isang itlog sa kusina. Kaya, ano ang iluluto mo para kay Charlie?”“Ahh? Gano’n ba?” Nasorpresa si Elaine at tinanong, “Wala na rin bang gulay sa ref?”Umirap si Claire at sinabi, “May dalawang maliit na repolyo na lang ang natira, kaya, sinabihan ko si Papa na gamitin ito para lutuin ang mga noodles niya kaninang umaga.”Galit na minura ni Elaine, “Ang g*gong Jacob Wilson na iyon! Sinong nagbigay sa kanya ng karapatan na kainin ang mga reployo n
“Wala na.” Sinabi nang walang interes ni Charlie, “Binigyan niya ako ng sampung piraso, at tantya ko na nasa four million dollars ito.”“Jusko!” Sinabi nang masaya ni Elaine, “Kung tatanungin mo ako, mukhang medyo katamtaman lang ang four million dollars. Hindi ito masyadong maliit, pero hindi rin ito sobrang laki…”Habang sinasabi niya ito, mukhang ngumingiti ang mga mata niya habang hinawakan niya ang isang piraso ng gold bar at sinabi, “Pero, pakiramdam ko na nakakagulat na ipagpalit ang mga gold bar na ito para sa four million dollars na pera. Sobrang ganda talaga ng ginto at kumikinang na hitsura ng gold bar!”Tumango si Charlie at sinabi, “Sa una y balak kong ipagpalit ang gold bar sa pera bago ko ito ibalik. Pero, pagkatapos ko itong pag-isipan, wala tayong kahit anong mahalagang metal reserve sa bahay. Kaya, mas mabuti na itago natin ang sampung gold bar na ito bilang deposit sa bahay para matiis din nito ang inflation.”Tumango nang paulit-ulit si Elaine at sinabi sa pagsa
Sa gabing iyon, hindi iniwan ng mga kamay ni Elaine ang dalawang gold bar na binigay sa kanya ni Charlie.At dahil nasa kritikal na yugto na ang Emgrand Hotel project, sobrang abala rin ni Claire sa mga dumaang araw.Dahil nakabalik na si Charlie, nagkusa siyang kunin ang trabaho ng paghatid at pagsundo ulit kay Claire.Sa sumunod na umaga, hinatid ni Charlie si Claire sa construction site ng Emgrand Group Hotel. Pagkatapos, nakatanggap siya ng tawag mula kay Isaac.Sa tawag, sinabi ni Isaac kay Charlie na dinala na ni Porter ang halos isang daang sundalo mula sa Ten Thousand Armies sa Shangri-La.Pagkatapos itong marinig ni Charlie, tinanong niya si Isaac, “Mr. Cameron, wala na bang laman ang administrative building?”Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Young Master, tinanggal na ang mga tao dito kagabi. Ang mga bisita na nandoon dapat ay binayaran ng doble ng room fee, at nilipat namin sila sa ibang building.”“Mabuti.” Nakuntento si Charlie at inutos niya, “Bakit hindi mo ito
Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi nang seryoso, “Dahil nalibing na ulit ang mga magulang mo, huwag mo na silang pahirapan pa sa hinaharap. Bukod dito, tandaan mo rin na magbigay respeto sa libingan nila kada taon.”Habang sinasabi ito ni Charlie, naglabas siya ng isang buntong hininga habang sinabi nang mapanglaw, “Sa totoo lang, sobrang magkaparehas ang sitwasyon natin.Sa nakaraang dalawampung taon, hindi ako nakapunta sa libingan ng mga magulang ko para magbigay respeto sa kanila dahil sa pagkakakilanlan at sitwasyon ko. Nahiya ako at napuno ng pagsisisi sa nakaraang dalawampung taon. Naniniwala ako na naramdaman mo rin ang ganitong pakiramdam, at sana ay subukan mong bumawi sa hinaharap.”Tumango nang paulit-ulit si Porter at sinabi nang nahihiya, “Mr. Wade, totoo ang sinabi mo. Sa mga taon nasa ibang bansa ako, palagi akong nasasaktan, at puno ako ng pagsisisi sa tuwing Tomb Sweeping Festival o anibersaryo ng pagkamatay ng mga magulang ko. Kaya, siguradong hindi ko na uul
Nang maisip ni Charlie ang ideya na baguhin ang Ten Thousand Armies, pabor na pabor si Porter dito.Ang inaalala niya na lang sa puso niya ay ang kikitain ng Ten Thousand Armies pagkatapos nitong sumailalim sa pagbabago.Hindi iniisip ni Porter na kumita ng pera ngayon, pero mayroon pa ring sampu-sampung libong sundalo sa Ten Thousand Armies na kailangan niyang pakinin at suportahan, at sobrang taas ng gastusin para sa mga taong ito. Kung hindi maaabot ng Ten Thousand Armies ang kinakailangan, mahihirapan siya nang sobra na maging responsable para sa mga sundalo ng Ten Thousand Armies.Pero, pagkatapos makinig sa paglalarawan ni Charlie ng hinaharap, bumalik agad ang kumpiyansa ni Porter sa puso niya.Kaya, tinanong niya si Charlie, “Mr. Wade, alam mo ba ang sitwasyon ng sahod ng dalawang uri ng international security? Gusto kong kalkulahin ang humigit-kumulang income fluctuation ng Ten Thousand Armies sa hinaharap.”Sinabi ni Charlie, “Hindi rin ako masyadong nalinawan sa mga det
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter
Nang maisip ito, agad bumalik ang isipan ni Fleur sa taong 1650, na mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas.May isang hindi sarado at ipinagbabawal na lugar sa Mount Tason. Walang mga tao sa loob ng isang daang milya, at ang dahilan ay mayroong kakaibang miasma doon simula noong daang-daang taon na ang nakalipas.Nanatili ang miasma at hindi ito nawala, at ang kahit sinong pumasok doon ay magkakaroon ng sakit ng ulo, pagkahilo, at pagkawindang. Kahit saang direksyon sila pumunta, sa huli ay mapupunta sila sa labas ng miasma.Bukod dito, ang mga nakalanghap ng miasma ay magkakaroon ng malalang sakit ng ulo at pagkahilo ng ilang buwan, at maghihirap sila nang sobra. Ang ilang taong matigas ang ulo ay determinado pang lakbayin ang gitna ng miasma, at namatay sila sa loob.Bilang resulta, sa paglipas ng panahon, dumistansya sa lugar na ito ang mga tao sa paligid ng bundok at itinuring ito na ipinagbabawal na lugar.Pero, hindi alam ng mga tao na ito na ang gitna ng miasma na ito
Natakot nang sobra si Tarlon sa tingin ni Fleur sa punto na nanginig ang buong katawan niya, mabilis siyang lumuhod habang inuntog nang malakas ang kanyang ulo sa sahig, nagpakita ng matinding takot, “Nararapat akong mamatay! Nagmamakaawa ako na sana ay mapatawad mo ako, British Lord!”Suminghal nang malamig si Fleur at sinabi, “Simula ngayon, kung magsasabi ka ng isa pang salita, pwede ka nang bumalik sa Linix at bantayan ang ancestral tomb natin!”Ang ancestral tomb ng mga Griffin ay matatagpuan sa Linix.Pero, para sa mga miyembro ng pamilya Griffin sa Qing Eliminating Society, kung uutusan siya ng British Lord na bumalik sa Linix para bantayan ang ancestral tomb, katumbas ito sa pagpapatalsik sa kanya sa sinaunang panahon. Sa sandaling pumunta sila doon, wala silang magagawa kundi igugol ang buong buhay nila doon.Nataranta nang sobra si Tarlon. Mabangis niyang sinampal nang dalawang beses ang sarili niya, patuloy na lumuhod at yumuko habang sinasabi, “Nagkasala ako! Nagkasala
Nagngalit si Fleur at sinabi, “Paano iyon posible?! Kung may kahit anong koneksyon siya kina Ashley at Curtis, hindi siya manonood lang noong inatake sila ni Mr. Chardon dalawampung taon na ang nakalipas!”Kumunot ang mga noo ni Tarlon at sinabi, “British Lord, may punto ka. Pakiramdam ko na maraming kakaibang aspeto sa bagay na ito na may hindi mabilang na posibilidad, pero ang bawat isa ay parang may hindi maipaliwanag na elemento…”Nang maisip niya ito, nag-isip nang matagal si Tarlon, pagkatapos ay tumingin siya kay Fleur at tinanong, “British Lord, sa tingin mo ba ay may isa pang posibilidad?”Sumagot si Fleur, “Sabihin mo!”Sinabi nang nagmamadali ni Tarlon, “British Lord, sa tingin ko ay posible na marahil ay wala talagang kahit anong koneksyon ang kabila sa master mo. Posible rin na nagkataon niya lang nakuha ang painting at nagkataon na nalaman ang pagkakakilanlan mo kay Miss Dijo o Vera. Sadya niyang ginagamit ang painting na ito para takutin ka dahil alam niya na disipul