Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3501 - Chapter 3510

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3501 - Chapter 3510

5732 Chapters

Kabanata 3501

“Hindi lamang iyan. Pagdating ng araw, pwede rin akong mag-apply sa korte para sa enforcement ng contract. Sa pagkakataong iyon, lahat ng assets nila kukunin ng korte para sa auction saka mapupunta ang perang iyon para sa Ten Thousand Armies.”“Gaya ng kasabihan, wala namang masama sa pagiging handa. Sa ganitong paraan, masisiguro natin na walang mangyayaring mali.”Lahat ng miyembro ng collateral families ng pamilya Wade namutla sa puntong ito. Hindi nila inaakalang papahirapan sila nang ganito ni Charlie. Higit sa lahat, sa dami ng demand ni Charlie, para bang hindi niya binibigyan ng pagkakataon ang mga collateral families na ito na makaluwag.Kapag pinirmahan nila ang agreement, katumbas ito ng pagbebenta ng sarili nilang mga katawan para sa kontrata! Wala na silang magagawa sa hinaharap! Hindi na nila pwedeng baliktarin pa ang sitwasyon!Saka lamang napagtanto ni Porter na komprehensibong pinag-isipan ni Charlie ang isyung ito kumpara sa kanya. Kaya, hindi siya nag-alangan, “W
Read more

Kabanata 3502

Sa pagkakataong naayos ni Charlie ang installment contracts ng mga miyembro ng collateral families ng pamilya Wade, nagawa namang bayaran ng pamilya Rothschild ni Walliot ang halagang pinagkakautangan nila kay Charlie.Nakatanggap si Charlie ng 5 billion euros, 200 billion Oskian dollars, at may utang pa sa kanya ang collateral families sa principal amount na 300 billion Oskian dollars sa loob ng limang taon maliban pa sa interes na 200 billion Oskian dollars. Nagawa niya ang lahat ng ito sa iisang ancestor worship ceremony lang.Naunawaan na rin ni Charlie sa wakas kung bakit maraming emperor sa kanilang kasaysayan ang mahilig manamantala ng mga vassal kings. Hindi lamang nito inaalisan ng mga tahanan ang mga vassal kings kundi hinahalughog rin nila ang mga pamamahay nito. Ito ay dahil maraming kayamanan ang mga vassal kings.Ayos lang naman sana kung matapat ang loob ng vassal kings sa monarch, pero wala silang ganitong klase ng pakikisama. Ano pa ba ang pwedeng gawin ng emperor m
Read more

Kabanata 3503

Sa kanilang opinyon, mas masahol pa si Charlie kumpara sa isang traydor.Sa pagkakataong ito, lumapit si Porter sa collateral families saka siya nagsalita sa isang malakas na boses, “Makinig kayong lahat sa akin. Ibibigay ko kay Charlie ang kapangyarihang magdesisyon dito. Kailangan niyong gawin ang lahat ng sasabihin niya at hindi niyo siya pwedeng suwayin! Kung hindi, hindi ko kayo papakawalan!”Nang sabihin ito ni Porter, halos maglupasay sa tindi ng emosyon ang mga miyembro ng collateral families. Noong una, akala nila sumuko lang si Charlie sa Ten Thousand Armies at naging alila na lamang siya nito. Subalit, hindi nila inaakalang seryoso pala ang pakikitungo ni Porter sa kanya.Habang gulat na gulat sila, naglakad si Charlie sa tabi ni Porter saka ito nagsalita, “Kayong lahat na mga supling ng pamilya Wade, binalewala niyo ang mga ancestors niyo na nakalibing sa ancestral grave at inuna niyo ang pagsiguro ng inyong kaligtasan sa isang kritikal na punto. Kung hindi ko kayo pap
Read more

Kabanata 3504

Mahalaga para kay Porter ang pagkakapatiran o kaya ispiritu ng pamilya, iyan ang ginamit niya para dalhin sa tagumpay ang Ten Thousand Armies.Matindi ang pagpapasalamat na nararamdaman niya kay Charlie dahil nagkaraoon ito ng malasakit at simpatya para sa kanyang mga magulang. Kaya ngayon, hindi niya mapigilang makaramdam ng galit sa kanyang puso nang makita niya na walang hiya ang mga miyembro ng collateral families ng pamilya Wade.Dahil rin sa galit na naramdaman ni Porter kaya nasabi niya ang mga salitang ‘Mr. Wade’ nang dalawang beses.Agad na naramdaman ng mga miyembro ng collateral families na may mali.Kung ang pamilya Wade ang sumuko sa Ten Thousand Armies, parang wala namang mali na tanggapin ni Porter si Charlie bilang kanyang alila.Subalit, nang tawagin ni Porter si Charlie na ‘Mr. Wade’, para bang may mali at hindi ito maunawaan ng mga miyembro ng collateral families.Ganoon pa man, sa gitna ng kanilang pagkasorpresa, ilan sa mga sundalo ng Ten Thousand Armies ang
Read more

Kabanata 3505

“Lumuhod si Porter Waldron sa harap ni Charlie?!”“Tinawag niya bang tagasunod ang kanyang sarili?! Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi kaya ang Ten Thousand Armies ang sumuko kay Charlie?!”Nakaramdam ng matinding gulat ang mga miyembro ng collateral families ng pamilya Wade.Wala ni isa sa kanila ang nag-aakalang aabot sa ganitong direksyon ang lahat.Ito ang bahaging pinaka hindi nila inaasahan sa lahat ng pwedeng mangyari.Maihahambing ang ganitong pakiramdam sa pagkakataong naglaglag ka ng isang semento mula sa isang mataas na gusali na may sukat na 100 metro ang taas. Akala mo tatama ang semento sa mga tao o kaya sasakyan o kaya hayop o damo. Pero, sino naman ang mag-aakalang hindi pala mahuhulog ang sementong ito kundi lilipad ito pabalik sa taas habang nilalabag ang physics ng gravity?Ganito ang nararamdaman ng mga miyembro ng collateral families ng pamilya Wade sa puntong ito.Hindi sapat ang salitang gulat para ilarawan ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang isip. Nags
Read more

Kabanata 3506

Nang sabihin ni Charlie na masyadong malambot ang kanyang puso, naramdaman ng mga miyembro ng collateral families na masyadong walang hiya si Charlie.Subalit, nang pumayag si Porter at mukhang pareho rin ang kanyang nararamdaman gaya ni Charlie, takot na takot ang mga miyembro ng collateral families sa puntong matutumba na sila sa sahig.Naunawaan nila ang isang bagay ng marinig nila ang mga sinabi ni Porter at iyon ang katotohanang handa si Porter na gawin ang kahit ano gaya ng walang awang pagpatay sa kanila kung gugustuhin ito ni Charlie.Higit sa lahat, dahil isang mercenary organization ang Ten Thousand Armies, at marami itong koneksyon sa ibang bansa, wala itong konsepto ng batas. Kung may mangyayari sa kanilang hindi inaasahan, pwede silang tumakbo papunta sa mga bansang nasasadlak ng digmaan at walang kahit sino ang makakagalaw sa kanila.Hindi nila alam kung sino ang nagsimula sa kanila, pero lumuhod ang mga miyembro ng collateral families sa sahig habang nagmamakaawa.“
Read more

Kabanata 3507

Tumango si Charlie at nagsalita siya nang walang emosyon, “Naasikaso ko na ang lahat ng mga dapat kong gawin sa Northern Europe. Kapag si Helena na ang uupo sa trono, magkakaroon ng business collaboration ang pamilya Wade sa Northern European royal family. Sa pagkakataong iyon, magpapadal ako ng isang business team na kakausap kay Helena.”May pagkamangha sa ekspresyon ng mukha ni Lord Wade nang magsalita siya, “Charlie, kaya mong baguhin ang uupo sa trono ng Northern Europe pati na rin ang buong pattern at dynamics ng Northern European royal family sa loob lang ng maiksing panahon. Natatakot akong sa buong mundo ikaw lang ang may kayang gumawa ng ganitong bagay!”Hindi sineryoso ni Charlie ang papering ibinigay ng matanda, sa halip, wala pa ring emosyon sa kanyang mukha, “Ang Northern European royal family ang magsisilbing tulay ng pamilya Wade sa Europe sa hinaharap. Kailangan nating simulang agad ang collaboration at dapat natin itong isagawa agad sa pinakamabilis na paraan. Hind
Read more

Kabanata 3508

Hindi lamang si Clayton at Felix ang mga miyembro ng pamilya Wade na nakaramdam ng matinding panghihinayang.Bawat miyembro ng pamilya Wade na nakaluhod sa puntong ito, nakaramdam ng matinding pagsisisi sa loob ng kanilang puso.Kung alam lang nila na ganito pala ang kakayahan ni Charlie, hindi sana nila sinubukang galitin ito kahit mamatay pa sila, lalo naman ang sikretong bumili ng mga damit panlamay nang may kasamang intensyon na sumuko na lang kay Porter.Ngayon, maihahalintulad sila sa mga traydor sa isang digmaan. Maliban sa panghihinayang, pakiramdam nila wala silang silbi.Sa pagkakataong ito, may dalawa pang taong nakaluhod sa likod maliban sa mga miyembro ng pamilya Wade.Ang dalawang ito ay si Cadfan at ang kanyang anak na si Sheldon mula sa pamilya Schulz.Sa totoo lang, tapos na talaga ang kanilang oras dahil buong araw at gabi na silang lumuhod kasama ang Ten Thousand Armies. Subalit, hinatak pa rin ni Cadfan si Sheldon na ituloy ang kanilang pagluhod hanggang sa du
Read more

Kabanata 3509

Puno ng emosyon si Charlie habang nakatitig sa litrato ng kanyang mga magulang. Hindi niya mapigilang magsalita nang banayad, “Papa, ako na ang head ng pamilya Wade ngayon. Kung ibinigay sana ni lolo ang posisyong ito sa’yo nang maaga dati, sa tingin ko hindi kayo aalis ni Mama para pumunta ng Aurous Hill, at hindi sana kayo malalagay sa isang aksidente. Kung gano’n lang sana…”“Papa, Mama, pakiusap magtiwala kayo sa akin. Bilang anak niyo, sisiguraduhin kong aalamin ko kung sino ang pumatay sa inyong dalawa at ipaghihiganti ko kayo!”Nang sabihin ito, napatitig si Charlie sa makisig na mukha ng kanyang tatay sa litrato. Nasamid siya nang magsalita, “Papa… alam kong gusto mong tulungan ang pamilya Wade na umunlad at dalhin ito sa tuktok ng mundo. Ngayon, napagpasyahan kong dalhin ang pangarap mo. Sisiguraduhin kong magiging top family sa buong mundo ang pamilya Wade!”Pagkatapos itong sabihin, napatitig naman si Charlie sa litrato ng kanyang nanay. May hiya sa kanyang boses nang mag
Read more

Kabanata 3510

Wala ni kahit sino man ang nag-aakala na gagawing kada taon ni Charlie ang ancestor worship ceremony sa halip na panatilihin ito kada 12 na taon.Matapos ang lahat, kahit mahalaga ang ancestor worship ceremony, matrabaho ito at magastos.Kaya, nagsalita ang isa sa matatandang miyembro ng collateral families ng pamilya Wade, “Charlie… Ang mga ancestors mismo natin ang nagset ng rule na gagawin lang ang ancestor worship ceremony kada 12 na taon. Kung babaguhin mo ito at gagawin mo itong kada taon, masyado itong mapapadalas, hindi ba? Sa totoo lag, mas maganda kung hindi natin masyadong aabalahin ang kapayapaan ng mga ancestors natin! Mas nakakabastos kung gagawin natin ito nang madalasan dahil siguradong hindi sila matutuwa!”Napatitig si Charlie sa lalaking nagsalita at malamig siyang tumugon, “Ang pagsasagawa ng ancestor worship ceremony kada 12 na taon ang dahilan kung bakit nakakalimutan niyong lahat ang mga ancestors natin kahit Wade pa ang apelyido niyo! Lahat kayo tumakas paali
Read more
PREV
1
...
349350351352353
...
574
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status