Share

Kabanata 3510

Author: Lord Leaf
Wala ni kahit sino man ang nag-aakala na gagawing kada taon ni Charlie ang ancestor worship ceremony sa halip na panatilihin ito kada 12 na taon.

Matapos ang lahat, kahit mahalaga ang ancestor worship ceremony, matrabaho ito at magastos.

Kaya, nagsalita ang isa sa matatandang miyembro ng collateral families ng pamilya Wade, “Charlie… Ang mga ancestors mismo natin ang nagset ng rule na gagawin lang ang ancestor worship ceremony kada 12 na taon. Kung babaguhin mo ito at gagawin mo itong kada taon, masyado itong mapapadalas, hindi ba? Sa totoo lag, mas maganda kung hindi natin masyadong aabalahin ang kapayapaan ng mga ancestors natin! Mas nakakabastos kung gagawin natin ito nang madalasan dahil siguradong hindi sila matutuwa!”

Napatitig si Charlie sa lalaking nagsalita at malamig siyang tumugon, “Ang pagsasagawa ng ancestor worship ceremony kada 12 na taon ang dahilan kung bakit nakakalimutan niyong lahat ang mga ancestors natin kahit Wade pa ang apelyido niyo! Lahat kayo tumakas paali
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Isidro Ambrad
update please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3511

    Sa pagkakataong ito, isang binata ang nagsalita, “Nauunawaan ko kung bakit kailangan nating gawing kada taon ang ancestor worship ceremony, pero bakit kailangan naming pumunta ng Eastcliff para sa debriefing at magbigay ng ulat sa’yo kada tatlong buwan?”Tinanong ni Charlie pabalik ang binata, “Kumukuha ng resources sa pamilya Wade at kumikita ka rin sa tulong ng pera ng pamilya. Ano naman ang problema kung hihingi ako ng report sa’yo kada tatlong buwan?”Agad na tumugon ang binata, “Matagal nang lumipat sa ibang bansa ang pamilya namin at nagbago na rin ang focus ng business namin sa mga nakalipas na taon. Wala nang kinalaman ang business namin ngayon sa pamilya Wade.”Tumango si Charlie saka siya nagtanong, “Ano ang pangalan mo?”Tumugon ang binata, “Theodore Wade ang pangalan ko.”Tumango nang bahagya si Charlie saka siya nagsalita, “Sige. Tatanungin kita, anong klase ng business ang pinapalakad ng pamilya mo sa ibang bansa?”Sumagot si Theodore, “Nagpoproduce at nagbebenta ka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3512

    Nang mabanggit ang mga salitang ito, nanginig si Theodore sa takot.Ang dahilan kung bakit sinabi niya ang lahat ng ito ay dahil gusto niyang ipaunawa kay Charlie na hindi nakadepende ang kasalukuyan nilang business sa pamilya Wade, at hindi rin nila kailangan ng kahit anong resources mula kay Charlie. Kaya, hindi niya kailangang pumunta ng Oskia kada tatlong buwan para magbigay ng report kay Charlie.Subalit, hindi inaakala ni Theodore na pagkatapos niyang sabihin ang maraming bagay, papakiusapan siya ni Charlie na manatili ng Oskia para tulungan siya.Nakaramdam agad ng matinding panghihinayang si Theodore at para bang gusto niyang sampalin ang sarili niya!Pagkatapos, naging miserable ang ekspresyon sa kanyang mukha at agad siyang nagsalita, “Mr. Wade… Pakiusap, huwag niyong masyadong seryosohin ang sinasabi ko dahil nagyayabang lang ako…”Kalmado ang ekspresyon sa mukha ni Charlie saka siya nagtanong, “Oh? Talaga ba?”Tumango nang ilang beses si Theodore na para bang nagdidi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3513

    Napatitig si Charlie kay Herman at seryoso siyang nagtanong, “Ikaw ba talaga?”Tumango nang paulit-ulit si Herman habang nagngingitngit ang kanyang ngipin, “Oo… Ako talaga…”“Sige.” Tumugon si Charlie, “Dahil ikaw ang gumawa ng desisyong iyon, manatili ka rito sa Oskia. Marami pa tayong dapat asikasuhin sa pamilya ngayon at kritikal rin ang puntong ito kung kukuha tayo ng mga taong magtatrabaho sa atin mula sa labas. Para naman sa core members, mananatili sila sa Mount Wintry sa susunod na tatlong taon. Kaya, ito na ang oras para magbigay ng kontribusyon ang collateral families sa pamilya Wade.”Nang marinig io ni Theodore, agad siyang nagprotesta, “Mr. Wade, kahit pareho ang apelyido natin, matagal na kaming hindi umaasa sa inyo. May sarili na kaming business. Bakit naman namin iiwan ang business namin para lang pagsilbihan ang pamilya Wade?! Maliban dito, maliit lang naman ang negosyo namin hindi gaya ng inyo. Hindi ba mas magiging mahirap para sa amin kung hindi namin aalagaan a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3514

    Simula nang magpasya si Charlie na buhatin ang legacy ng kanyang tatay na si Curtis, handa na siyang maging bastos sa kahit sinong may apelyidong Wade.Ito ay dahil alam niya sa loob ng kanyang puso na kahit mukhang kamag-anak niya ang mga taong ito, mas malala pa sila kumpara sa isang kalaban.sMadali lang maging prinsipe, pero mahirap maging hari.Kapag naging hari ka na at gusto mong magtagumpay sa pagiging lider, kailangan mong iwaksi ang lahat ng koneksyon mo sa pamilya mo.Mula sa pagkakataong umupo ka sa trono, wala ka ng tatay at anak, nanay o kapatid, lolo o pinsan, ate o kuya.Ikaw na lang bilang hari at ang mga tagasunod mo!Iisang tao lang ang pwedeng maging hari!Pero ilang libong tao ang magiging tagasunod niya!Kaya, natural lang para kay Charlie na hindi maging magalang sa miyembro ng collateral families ng pamilya Wade. Sa kanyang huling analisis, isang pangungusap lang ang kailangan niya.Ang sa’yo ay akin, ang akin ay akin!Nakita niyang rasyunal mag-isip

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3515

    Tumango nang paulit-ulit si Herman saka siya nagbigay ng utos, “Mananatili muna ako para pagsibilhan ang core family. Pagdating ng araw, ikaw muna ang pumalit sa posisyon ko bilang chairman…”Habang nagsasalita si Herman, bumuntong hininga siya at naging emosyonal ang kanyang boses, “Kaya lang masyado ka pang bata at kulang pa ang mga karanasan mo. Nag-aalala ako kung magagawa mo ba ang responsibilidad mo lalo na kung gagawa ka ng isang bagay na higit pa sa abilidad mo…”Agad na tumugon si Theodore ayon sa mga salita ng kanyang tatay, “Papa, huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Hindi ko sasabihin na magagawa kong paunlarin nang ilang beses ang business natin, pero kahit papaano, gagawin ko ang makakaya ko para mapanatili ito habang hinihintay ang pagbalik mo sa kumpanya…”Bumuntong hininga si Herman habang puno ng emosyon ang mukha, “Hay! Responsibilidad ko na pagsibilhan ang core family, kaya sa pagkakataong ito, wala ka nang ibang pwedeng gawin kundi matuto!”

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3516

    Halos bumagsak na si Theodore sa pagiging emosyonal.Sa wakas ay naintindihan na niya na master ng pag-arte si Charlie.Walang laban silang mag-ama at hindi sila maikukumpara kay Charlie.Sa una ay balak ni Theodore at ng ama niya na gumawa ng palabas para mapalitan sila at bumalik sa pagpapaktabo ng sarili nilang negosyo.Sa hindi inaasahan, hindi lang siya pinabalik ng ilang salita mula kay Charlie, ngunit ginalit pa nila ang isang tao na hindi nila kayang labanan.Nalungkot din nang sobra si Herman. Wala siyang ideya kung paano ayusin ang mga bagay-bagay sa sandaling ito.Kahit na gamitin niya ang pagkakataon na ito para hayaan ang anak niya na manatili, sobrang liit na ng tsansa ngayon.Ito ay dahil sa sandaling nangyari iyon, para bang inamin na nila na nagsinungaling sila kay Charlie.Mga makasalanan na sila sa harap ng pamilya Wade, at bilang resulta, niloloko pa rin nila si Charlie sa sandaling ito. Kung sisisihin talaga sila ni Charlie dito, wala na talagang matitirang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3517

    Kung may magbebenta sa kanya ng 50 million dollar na villa na may 20 million dollar na renovation sa halagang 100 million dollars, iisipin niya rin na magandang deal ito.Bukod dito, kailangan niyang bumili ng iba’t ibang bagay, kasama na ang iba’t ibang pang araw-araw na pangangailangan pati na rin mga kotse, yacht, at kahit mga helicopter pagkatapos bumili ng villa.At saka, kailangan niya rin ng maraming tao at materyales bilang sustento para siguraduhin na makakapunta siya doon at makakatira kahit kailan niya gusto at palaging may mga kasambahay na magseserbisyo sa kanya sa kahit anong oras.Kaya, gumagastos siya ng 100 million dollars para bumili ng villa at pagkatapos ay bibili ng kotse, yacht, at helicopter na marahil ay may halagang sampu-sampung milyong dolyar.Bukod dito, sobrang taas ng depreciation cost, at madaling aabot sa 10 million dollars kada taon ang pagbaba nito. Hindi lang iyon, ngunit ang maintenance cost ng buong villa at ng iba’t ibang sasakyan ay nasa sampu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3518

    Sa opinyon ni Charlie, sa una pa lang, ang mga collateral family na ito ay mga second-class citizen kumpara sa core family.Bukod dito, kasama ang masamang kasaysayan nila ng kawalan ng utang na loob at kawalan ng katarungan, mas lalong imposible para kay Charlie na tratuhin sila na parang mga tao sa hinaharap.Ang dahilan kung bakit sinasabi niya na pumili ng dalawang batang supling ang mga pamilyang ito para pumunta at pagsilbihan ang core family ng pamilya Wade bilang tauhan ay para ipaalam sa kanila na ang misyon nila ay pagsilbihan ang core family.Nang marinig ito ng mahigit pitong daang miyembro ng collateral family ng pamilya Wade, napuno sila ng hinaing at reklamo sa puso nila, pero ayon sa leksyon na natutunan nila sa pamilya ni Theodore, walang nangahas na magsalita sa sandaling ito.Nang makita ni Charlie na walang tumutol dito, sinabi niya, “Dahil wala kayong opinyon, tapos na ang bagay na ito.”Habang nagsasalita si Charlie, kinuha niya ang listahan ng mga pangalan p

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status