Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3401 - Chapter 3410

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3401 - Chapter 3410

5717 Chapters

Kabanata 3401

Para kay Charlie, hindi na naman sa hindi niya binigyan ng pagkakataon si Cadfan. Pero, dahil hindi kinuha ni Cadfan ang pagkakataon na iyon, hindi naging malupit at walang awa si Charlie.Kahit na hindi rin maunlad ang ekonomiya ng Maldives, kahit papaano, isa pa rin itong destinasyon para sa bakasyon. Para naman sa Madagascar, isa ito sa pinaka hindi maunlad na bansa sa Africa, at ang kondisyon doon ay isang milyong beses na mas mahirap kumpara sa Maldives.Nang marinig ito ni Cadfan, nabalisa agad siya, at sinabi niya, “Ikaw… Paano mo binago ang isip mo nang gano’n lang?! Narinig ng napakaraming tao ang sinabi mo kanina, at malinaw na sinabi mo ang Maldives. Paano biglang nagbago ang isip mo ngayon at sinabi mo na Madagascar?! Ikaw… Hindi ba’t nabigo mo lang na tuparin ang pangako mo?”Sumagot nang walang interes si Charlie, “Hindi mo ba naiintindihan kung ano ang floating price? Parang stocks lang ito, at ang Maldives ang presyo kanina lang. Sa ngayon ay Madagascar. Payo ko na b
Read more

Kabanata 3402

Inisip niya, ‘Kahit na sobrang hirap ng Africa, mabubuhay pa rin ako nang komportable basta’t may pera ako. Kung gano’n, bibilhin ko na lang ang lahat ng kailangan ko sa ibang bansa! Sa lakas ng pananalapi ng pamilya ko, hindi ako magyayabang na sabihin na kaya kong bilhin ang Madagascar, pero hindi ba’t sobrang dali para sa akin na makakuha ng manor na may daang-daang hektarya? Kuntento na ako basta’t hindi ako maghihirap at komportable akong magreretiro at mabubuhay!’Nang makita ni Charlie na sumuko na nang tuluyan si Cadfan, tumingin siya kay Sophie at sinabi, “Miss Schulz, mangyaring pumunta ka dito saglit.”Medyo kinabahan si Sophie habang tumingin siya kay Charlie, at wala siyang masabi.Nang gumawa ng direktang mungkahi si Charlie para kay Cadfan na ibigay kay Sophie ang posisyon bilang pinuno ng pamilya Schulz, nangamba nang sobra si Sophie sa kailaliman ng puso niya.Una, hindi niya alam kung bakit gusto siyang tulungan ni Charlie sa ganitong paraan. Pangalawa, hindi niya
Read more

Kabanata 3403

Hindi rin balak ni Charlie na takutin si Cadfan.Bago ngayong araw, sa una ay balak talaga ni Charlie na patayin sina Porter at Cadfan.Nagbago lang ang isip ni Charlie pagkatapos umakyat ni Porter sa Mount Wintry.Alam niya na kahit mayabang si Porter, kahit papaano, tapat siya sa mga magulang niya at makatarungan siya sa mga tauhan niya.Inisip din ni Charlie kung paano nakakaluwag na magkaroon ng malakas na team kapag nakipagsapalaran siya sa Europe at America sa hinaharap, kaya nagpasya siya na gamitin ang Ten Thousand Armies at si Porter.Dahil ginawa na niyang tauhan si Porter, hindi mahalaga para kay Charlie na patayin ang isang matandang lalaki tulad ni Cadfan. Kaya, inisip ni Charlie na mas mabuti para sa kanya na puwersahin si Cadfan na ibigay kay Sophie ang posisyon bilang pinuno ng pamilya Schulz para matapos na niya ang malaking problema sa pamilya Schulz.Naniniwala si Charlie sa pagkatao ni Sophie, at naniniwala rin siya sa abilidad ni Sophie. Naniniwala siya na ka
Read more

Kabanata 3404

Hindi na nagsalita si Charlie. Sa halip, tumingin lang siya nang kaswal kay Yashita, na nakatayo sa tabi ni Rosalie, mula sa sulok ng mga mata niya.Nang makita niya ang ninenerbiyos at kinakabahang ekspresyon sa mukha ni Yashita sa sandaling ito, alam ni Charlie na siguradong mahal niya pa rin nang sobra si Sheldon.Dahil, sinakripisyo niya ang isang braso niya para kay Sheldon at nanganak ng isang babae para sa kanya. Kaya, siguradong mahal na mahal niya siya sa puso niya.Nang maisip niya ito, bumuntong hininga nang kaunti si Charlie at sinabi kay Sheldon, “Okay, sige. Hindi kita ipapadala sa dog farm.”Pagkatapos itong sabihin, tumingin si Charlie kay Holden at sinabi, “Lord Harker, pagkatapos pumunta ni Sheldon Schulz sa Aurous Hill, mag-aayos ang pamilya Harker ng mga tao para bantayan siya nang mabuti.”Hindi inaasahan ni Holden na ibibigay ni Charlie si Sheldon sa kanya, at tinanong niya nang nagmamadali si Charlie, “Mr. Wade, ano kaya ang mga kailangan mo at inaasahan?”
Read more

Kabanata 3405

Syempre ay hindi malalaman ni Sheldon at pinakaloob na layunin in Charlie sa sandaling ito.Alam niya lang na parang malaya at magiging maginhawa na siya ngayon.Kahit na mabubuhay siya sa ilalim ng pagbabantay ng pamilya Harker sa Aurous Hill, siguradong labing-walong beses na mas maganda ito kumpara sa Syria.Kaya, nanabik si Sheldon, at hindi na siya makapaghintay na pumunta sa Aurous Hill.Nagpapasalamat din nang sobra si Sophie kay Charlie sa sandaling ito.Bumuntong hininga siya at inisip, ‘Hindi ko talaga inaasahan na handa ang benefactor ko na bayaran ng kabutihan ang sama ng loob sa pamamagitan ng pagbibigay sa pamilya Schulz ng magandang resulta na lampas sa inaasahan ko ngayong araw…”‘Ligtas na makakaalis si Lolo sa Mount Wintry, makakabalik ang ama ko sa bansa para mabuhay nang payapa sa pagretiro niya, at opisyal kong mapapamahalaan ang pamilya Schulz at magiging pinuno ng pamilya Schulz…’‘Akala ko talaga na mamamatay dito ngayong araw ang lolo ko nang makita ko n
Read more

Kabanata 3406

Ang huling malaking pasanin sa puso ni Porter ay bumagsak agad sa sandali ng narinig niya ang mga sinabi ni Charlie. Syempre, sobrang nagpapasalamat siya sa sandaling ito.Nang hindi nalalaman, ang lahat ng pride, kumpiyansa sa sarili, at pagiging mapaghimagsik niya ay naayos na ni Charlie.Sa sandaling ito, tinuring na ni Porter si Charlie bilang isang dakilang tao na hindi lamang niligtas ang buhay niya, ngunit ang buong lahi ng pamilya Waldron.Nahihiya lang ng sobra si Porter sa kailaliman ng puso niya, at sinabi niya kay Charlie, “Mr. Wade, bilang tauhan mo, siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko sa buong buhay ko para bayaran ang kabaitan mo sa akin…”Habang sinasabi niya ito, hindi mapigilan ni Porter na bumuntong hininga habang sinabi niya nang nagsisisi, “Sa kasamaang palad, walang kwentang tao na ako ngayon pagkatapos masira ng mga meridians ko. Kaya, natatakot ako na kahit gawin ko ang lahat ng makakaya ko, marahil ay wala akong abilidad o kakayahan na gumawa ng
Read more

Kabanata 3407

Pagkatapos maayos ni Charlei ang pang-apat na meridian ni Porter, hindi na makita ni Holden ang cultivation base ni Porter.Ang natitirang tao na lang na kayang makita ang cultivation base ni Porter sa sandaling ito ay ang ilang five-star War General na natitira sa Ten Thousand Armies.Para naman kina Hunter at Zayne, na mga basura na ngayon, tapos na sila.Sa sandaling naayos ang panglimang meridian ni Porter, bukod kay Charlie, wala nang iba sa eksena ang kayang makakita sa totoong cultivation base ni Porter.Pagkatapos, isa-isang naayos din ang mga natitirang meridian ni Porter.Para bang ganap nang bumalik sa dati ang walong meridian ni Porter na nasira kanina lang.Ang mas hindi inaasahan para kay Porter ay tila ba nakatanggap ng biyaya ang walong meridian niya. Pagkatapos maayos isa-isa ng lahat ng meridian niya, ang lahat ng meridian niya ay naabot ang estado ng great perfection.Ang kasalukuyang Porter ay hindi na isang eight-star martial artist, ngunit nakapasok na siya
Read more

Kabanata 3408

Pero, hindi lang hahayaan ni Charlie si Porter na makamit ang lahat ng ito para sa wala.it o ay dahil simula ngayon, hindi na pagmamay-ari ni Porter ang sarili niyang buhay.Gagamitin ni Porter ang lahat ng oras at enerhiya niya sa buong buhay niya para pagsilbihan at manatiling tapat kay Charlie.Kaya, tumingin si Charlie kay Porter, tumango nang bahagya, at sinabi nang walang bahala, “Tandaan mo lang na sinabi mo ito. Kung hindi, kung kaya kong ibigay sa iyo ang pagkakataon na ito, kaya ko rin na ibalik ka sa orihinal na anyo mo!”Sobrang tapat ni Porter habang sinabi, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Bilang tauhan mo, kung mangangahas akong sirain ang panunumpang ito sa hinaharap, siguradong magiging masama ang katapusan ko!”Tumango si Charlie, at pagkatapos ay tumingin siya kay Hunter, na baldado na, at kay Zayne, na nakakulong sa sarili niyang kamalayan bago sinabi nang walang bahala, “Dapat magnilay-nilay din kayong dalawa s sarili niya sa susunod na ilang araw. Pagkatapos
Read more

Kabanata 3409

Pumayag na rin ang lahat nang marinig ito.Alam nila kung anong klase ng tao si Charlie at alam rin nilang gusto nitong manatiling low profile. Dahil ayaw ni Charlie na ipaalam sa publiko ang nangyayari, natural lang na walang balak ang iba na suwayin siya.Napatitig si Charlie kay Cadfan saka siya nagsalita, “Kailangan mong i-anunsyo sa publiko na ibibigay mo ang posisyon mo bilang head ng pamilya kay Sophie. Kung hindi, natatakot akong hindi magiging madali para sa kanya na magkaroon ng awtoridad sa pamilya Schulz.”Agad na tumango si Cadfan at nagsalita, “Oo naman! Tama lang ang sinabi mo! Hihingi ako ng tawad at aaminin ko ang lahat ng pagkakamali ko sa harap ng puntod ng mga magulang mo ngayong araw. Hindi problema para sa akin na i-anunsyo sa publiko na si Sophie na ang papalit sa akin simula bukas!”“Sige.” Tumango si Charlie nang makontento siya, “Pagkatapos mong pirmahan ang agreement, i-anunsyo ang tungkol sa pagpapalit ng head ng pamilya niyo, at kapag nalipat mo na rin
Read more

Kabanata 3410

Ang mga taong may kaunting koneksyon sa pamilya Rothschild na kilala niya ay sina Edmund at ang kanyang tatay na si Salem na kasalukuyang nakakulong sa dog farm ni Albert.Masasabing malayong kamag-anak ng pamilya Rothschild ang pamilya Whittaker.Masyadong malayo ang kanilang relasyon sa puntong kahit matagal na silang nawawala sa loob ng Aurous Hill, wala ni kahit isang miyembro o tauhan ng pamilya Rothschild ang nag-abalang hanapin sila.Halata namang sa mga mata ng pamilya Rothschild, ang mga malalayong kamag-anak gaya ng pamilya Whittaker ay dapat lang nilang iwasan.Subalit, hindi mapigilan ni Charlie na magkaroon ng interes nang marinig niya na isang miyembro ng pamilya Rothschild ang magpapakasal kay Olivia.Kaya, agad na nagsalita si Charlie at nagtanong siya, “Bakit naman biglang naisipan ni Olivia na magpakasal sa puntong ito? Hindi ba sinabi mong hindi na magtatagal ang buhay ng Queen niyo? Hindi ba mali yata kung magpapakasal siya ngayon?”Agad na tumugon si Helena,
Read more
PREV
1
...
339340341342343
...
572
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status