Nang makita ni Charlie na puno ng luha ang mukha ni Jiro, tinapik niya ang balikat nito at marahan siyang nagsalita sa isang seryoso at matapat na tono, “Jiro, kung magtatrabaho ka nang mabuti rito, hindi ka namin pakikitunguhan nang masama ni Albert.”Yumuko nang paulit-ulit si Jiro dahil sa matinding pagpapasalamat. Sumunod, nasasamid siyang nagsalita, “Maraming salamat, Mr. Wade! Gagawin ko iyan! Magtatrabaho ako nang mabuti! Hindi ko kayo bibiguin ni Don Albert! Pakiusap, huwag kayong mag-alala!”Nakita ni Charlie na paulit-ulit na yumuko si Jiro. Magulong-magulo na tuloy ang itsura ng kanyang mahaba at hindi naaalagaang buhok. Sumunod, napangiti si Charlie, “Hindi na rin masama. Hindi na masama. Ramdam ko ang katapatan mo.”Pagkatapos, napatitig si Charlie kay Albert, “Albert, bigyan mo si Jiro ng dagdag na 2,000 dollars na allowance. Mula sa araw na ito, kung may gusto si Jiro, o kung may gusto siyang kainin o inumin, magpautos ka na lang ng tao na bibili nito para sa kanya. I
Magbasa pa