Sa isang kurap ng mata, naging prisoners of war ang 15,000 na elites ng Ten Thousand Armies.Para makontrol sila at hindi sila magkagulo, pinaghiwa-hiwalay sila ng gobyerno sa iba’t ibang batch o grupo. Sa tuwing naitatali nila ang isang grupo, ipinapadala nila ito sakay ng mga trak para dalhin sa capital.Matagal nang nakapagpasya ang nakatataas ng gobyerno kung ano ang mangyayari sa 15,000 na prisoners of war bago pa dumating ang iba nilang mga kasamahan para suportahan sila.Dadalhin ng mga trak ang bawat batch o grupo sa mga military prisons, barracks, o kaya municipal prisons sa iba’t ibang bahagi ng siyudad para makontrol at masuri nila ang kilos nito.Sa ganitong paraan, mapipigilan nilang magkaisa o magrebelde laban sa kanila ang 15,000 na sundalo ng Ten Thousand Armies.Habang tinatangay ng mga trak paalis ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies, lumapit ang government supreme commander na si Sayid at magalang niyang kinausap si Charlie, “Master Wade, nahuli na namin ang 1
Read more