Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 2431 - Kabanata 2440

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 2431 - Kabanata 2440

5678 Kabanata

Kabanata 2431

Nang marinig ang sinabi ni Charlie, sinabi ni Isaac, “Mr. Wade, sa tingin mo, sino ang nasa likod nito?”Pinag-isipan ito ni Charlie at sinabi, “Sa tingin ko ay mataas ang posibilidad na ang pamilya Schulz ang mastermind sa likod nito.”“Ang pamilya Schulz?!” Napabulalas si Isaac sa pagkagulantang. “Bakit gagalawin ng pamilya Schulz ang mga babae?! Hindi ito makatwiran…”Sinabi ni Charlie habang may seryosong ekspresyon, “Kung gusto mong maging makatwiran ito, kaya kong maka-isip ng ilan. Gustong idivorce ni Helen Dunn si Sheldon Schulz. Sapat na ang motibo na ito para dumihan ang reputasyon ng pamilya. Siguradong may sama ng loob si Sheldon sa puso niya, at ang matandang lalaki.”Tumango si Isaac at sinabi, “Para sa isang marangal na pamilya, ang isang asawa o manugang na lantarang gusto ng divorce ay siguradong magdadala ng epekto sa dangal ng pamilya, pero hindi naman sila sosobra, tama?”Sinabi ni Charlie, “Malaki at prominenteng pamilya sila. Minsan, ang reputasyon at dangal
Magbasa pa

Kabanata 2432

Kahit na walang remote summoning function ang Rolls Royce, ang ibang function nito ay nandoon, kasama na ang location tracking function. Makukuha ang lokasyon ng kotse mula sa internal software nito.Hindi matagal, ipinadala ng mga tauhan ni Isaac sa kanya ang lokasyon ng kotse.Pagkatapos itong makita, sinabi niya, “Young Master, papunta sa mga bundok si Zakir Luiz.”“Sa mga bundok?” Kumunot ang noo ni Charlie. “Saan ang eksaktong lokasyon?”Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Sa direksyon ito ng Champs Elys Resort.”“Okay!” Inutos agad ni Charlie, “Pumunta na tayo sa hotel mo ngayon at sumakay sa helicopter para maaga nating mapigilan ang kotse nila!”Sinabi ni Isaac, “Young Master, nababalot ng bomba si Zakir. Sigurado ka ba na kaya mo siyang hulihin?”Ngumisi si Charlie at sinabi nang mapanghamak, “Kung gusto ko, kaya ko pang hindi pakurapin si Zakir, lalo na ang pindutin ang detonation switch!”“Magaling!” Huminga nang maluwag si Isaac at nagmamadaling nagmaneho papunta sa
Magbasa pa

Kabanata 2433

Nang papalapit nang papalapit na siya sa lagusan, hindi maiwasan ni Zakir na mas kabahan sa sandaling ito.Ito ay dahil para kay Zakir, ito na ang mahalagang sandali para matukoy kung magiging matagumpay ba ang lahat sa kanya.Kaya, patuloy siyang nagdasal sa puso niya, ‘Lord, ako, si Zakir Luiz, ay hindi pa nagmakaawa para sa kahit saan sa buong buhay ko. Ngayon, nagmamakaawa ako sayo na gawin akong ligtas at basbasan mo ako para maging maayos ang lahat ngayong araw!’‘Lord, kung magiging maayos ang lahat, kailangan mo lang ako bigyan ng isang oras para makatakas pagkatapos kong patayin ang mag-ina!’‘Sapat na ang isang oras para mapatakas ako ng pamilya Schulz!’‘Sa sandaling ito, bukas, masisimulan ko na ang bagong buhay ko sa ibang bansa gamit ang bagong pagkakakilanlan!’Nang maisip niya ito, hindi maiwasang masabik ni Zakir.Sa parehong oras, hindi maiwasang kabahan nina Helen at Sophie na nakaupo sa likod ng Rolls-Royce.Hindi maiwasang kabahan at nerbiyosin ni Sophie. N
Magbasa pa

Kabanata 2434

‘Bukod dito, malaki ang posibvilidad na may kinalaman ito sa kung bakit siya pumasok at pumunta sa Treasure Pavilion ngayong araw!’Nang maisip niya ito, nakagawa ng konklusyon si Sophie. ‘Siguradong may tao na nasa likod niya tungkol dito. Kung gano’n, hindi nagkataon na pumasok siya sa Treasure Pavilion ngayong araw!’‘Kung hindi ito nagkataon, hindi rin nagkataon na kinidnap niya kami ng ina ko!’‘Maaari ba… maari ba na kami talaga ni mama ang target niya?!’Biglang mas nataranta si Sophie!‘Kung nagkataon lang talaga na pumasok si Zakir sa Treasure Pavilion dahil hinahabol siya, basta’t makikipagtulungan kami kay Zakir, pagkatapos niyang makatas at maging ligtas, may malaking posibilidad na mabubuhay kami ng aking ina. Dahil, nilantad na niya ang sarili niya sa pulis. Kaya, hindi niya kailangan na patayin kami ng ina ko para mas lalong galitin ang pulis at gumawa ng opinyon ng publiko tungkol dito. Mas magiging masama ito sa kaso niya…’‘Pero, kung may nag-utos kay Zakir na g
Magbasa pa

Kabanata 2435

May dalawang dahilan kung bakit gusto gumamit ng pera ni Sophie para suhulan si Zakir.Una, kung epektibo na gumamit siya ng pera para suhulan siya, mas mabuti kung ipapadala niya na lang ang pera sa kanya para siguraduhin ang kaligtasan nila.Pangalawa, kung walang epekto ang pera sa kanya, kahit papaano, malalaman ni Sophie ang iniisip ni Zakir at ang layunin niya gamit ang mga salita niya.Sa puntong ito, nakakuha na ng ilang bakas si Sophie ayon sa mga sinabi ni Zakir gamit ang isang set ng magandang pangungusap na naisip niya.‘Una, hindi maniniwala ang ordinaryong tao na nasa dalawampung taon na kaya niyang mag-alok at bayaran siya ng sampu-sampung milyong dolyar o kahit isang daang milyong dolyar nang gano’n lang. Aakalain niya lang na sinasabi niya ang kahit ano para makaalis sa sitwasyon an ito. Pero, hindi nagduda si Zakir sa abilidad niya na bayaran siya ng limampung milyong dolyar, walumpung milyong dolyar, o kahit isang daang milyong dolyar!’‘Pinapatunayan nito na al
Magbasa pa

Kabanata 2436

…Sa parehong pagkakataon, isang helicopter ang kakaalis lamang sa siyudad papunta sa bulubunduking bahagi ng lugar.Nasa loob ng helicopter si Isaac kasama si Charlie. Nagbigay ng ulat si Isaac, “Young Master, halos sampung kilometro lang ang layo ng target sa atin ngayon. Didiretso lang tayo. Dahil kailangan nilang dumaan sa paikot-ikot na kalsada ng bundok, siguradong mahahabol rin natin sila.”Tumango si Charlie, “May isa pa akong bagay na hindi nauunawaan.”Agad na napatanong si Isaac, “Young Master, ano iyon?”Sumagot si Charlie, “Hindi ko maintindihan kung ano ang plano ni Zakir para makatakas sa sitwasyong ito. Masyadong malaki ang ginawa niyang gulo. Naniniwala akong naghanda na ang mga pulis para sugurin siya o kaya nagsagawa na sila ng roadblock sa isang intersection kahit hindi pa sila nakakahabol. Kahit mamahalin ang Rolls-Royce na minamaneho ni Zakir, kotse pa rin ito. Sa ganitong klase ng sitwasyon, mahihirapan pa rin siyang tumakas kahit magkaroon pa ng pakpak ang
Magbasa pa

Kabanata 2437

Sa pagkakataong ito, walang alam si Zakir na natuklasan na ni Charlie mula sa langit ang kanilang lokasyon.Patuloy ang kanyang pagtitig sa navigation system habang determinado siyang nagmamaneho.Makikita sa navigation system na hindi hihigit sa limang kilometro ang layo nila mula sa kanilang destinasyon. Ito ang tunnel na napag-usapan nila ng pamilya Schulz.Mula sa kanyang driving speed na nasa 180 kilometers per hour, dalawang minuto lamang ang kakailangan niya para marating ang tunnel!Hindi mapigilang makaramdam ng matinding pagkasabik ni Zakir nang maisip ito.Habang papalapit nang papalapit siya sa tunnel, naghalo ang kaba at saya sa kanyang puso. Hindi niya mapigilang muling tapakan ang accelerator para mas pabilisin pa ang kotseng sinasakyan nila.Sa pagkakataong ito, nagmamaneho si Zakir ng Rolls-Royce sa fast lane.Habang papalapit siya sa tunnel, nakita ni Zakir ang ilang mababagal na trak sa kalsada, isa pagkatapos ng isa ang nasa kanang bahagi ng daang nasa harap
Magbasa pa

Kabanata 2438

Sa parehong pagkakataon, personal na nasaksihan ni Charlie ang pagpasok ng kotse sa loob ng tunnel mula sa kanyang sinasakyang helicopter sa itaas. Nakita niya ring may nakasunod na dalawang trak sa kotse. Pagkatapos, nasilayan niya rin ang salpukan ng dalawa pang trak sa entrance ng tunnel.Masasabi ni Charlie sa isang sulyap lang na sadya ang salpukan na nangyari sa entrance.Kaya, agad niyang inutusan si Isaac, “Halatang sadyang hinaharangan ng dalawang trak na iyan ang daan. Sa tingin ko, balak nilang gawin ang patayin sila Zakir sa loob ng tunnel. Bilisan natin! Tumungo tayo sa kabilang dulo ng tunnel!”Hindi nagpatumpik-tumpik si Isaac, agad niyang ginawa ang utos ni Charlie, “Sige, Young Master! Pupunta tayo sa kabilang dulo at doon tayo mababa! Ngayon din!”***Sa pagkakataong ito, habang nasa loob ng tunnel, biglang nadiskubre ni Zakir na may harang na rin ang daan sa kanilang harap. Dalawang container trucks ang magkatabing nakaparada dito. Sa pagkakataong ito, agad niya
Magbasa pa

Kabanata 2439

Malinaw na nakikita ni Zakir ang dalawang itim na aninong diretsong bumubulusok patungo sa Rolls-Royce na sinasakyan nila. Ito dapat ang dalawang trak na magkakaroon ng salpukan sa entrance ng tunnel para maharangan ito!Sa ngayon, napakabilis ng takbo ng dalawang trak at magkatabi itong nagmamaneho para masakop nila ang buong daan. Ngayon, papalapit na nang papalapit ang dalawang trak na ito sa Rolls-Royce na minamaneho niya at mukhang wala itong intensyon na tumigil.Hindi mapigilang magulantang ni Zakit!Matapos ang lahat, matalas ang panramdam ni Zakir. Agad niyang napagtanto na mukhang may malaking pagbabago sa kanilang orihinal na plano!Sa pagkakataong ito, kinakabahan siyang napaisip sa kanyang sarili, ‘Bago ito, maayos naman ang takbo ng lahat ayon sa inilatag na plano ng pamilya Schulz pati na rin sa mga napagpasyahan kong eksena.’‘Kasama na rito ang bahaging mahahanap ako ng mga pulis, hahabulin ako nga mga pulis sa Treasure Pavilion, at kukunin ko sila Helen at Sophie
Magbasa pa

Kabanata 2440

Ngumisi si Sophie nang magsalita siya, “Ano naman ang silbi ng takot kung mamatay rin naman ako? Makakatakas ba ako sa kamatayan kapag natakot ako?”Natahimik si Zakir sa loob ng ilang segundo.Tama si Sophie.Wala na talagang silang pagkakataon para makatakas sa ilalim ng ganitong sitwasyon.Hindi niya naman magagawang magmaneho para lagpasan ang dalawang container trucks sa harap, at magiging mas malala rin naman kung bababa sila ng sasakyan.Kung tatama ang isang mabigat na trak direkta sa katawan ng isang tao, siguradong magiging giniling na karne na lang ang katawan nito!Sa pagkakataong ito, muling nagsalita si Sophie, “Hindi ba ang sabi mo may mga nakakakabit na bomba sa katawan mo? Bakit hindi mo na lang pasabugin ang bomba? Sa ganitong paraan, mas mapapadali ang pagkamatay natin at magiging mas mabilis ang sakit!”Ngumiti nang mapakla si Zakir, “Bakit naman ako maglalagay ng bomba sa katawan ko? Kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi ko kanina.”Habang nagsasalita, d
Magbasa pa
PREV
1
...
242243244245246
...
568
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status