Malinaw na nakikita ni Zakir ang dalawang itim na aninong diretsong bumubulusok patungo sa Rolls-Royce na sinasakyan nila. Ito dapat ang dalawang trak na magkakaroon ng salpukan sa entrance ng tunnel para maharangan ito!Sa ngayon, napakabilis ng takbo ng dalawang trak at magkatabi itong nagmamaneho para masakop nila ang buong daan. Ngayon, papalapit na nang papalapit ang dalawang trak na ito sa Rolls-Royce na minamaneho niya at mukhang wala itong intensyon na tumigil.Hindi mapigilang magulantang ni Zakit!Matapos ang lahat, matalas ang panramdam ni Zakir. Agad niyang napagtanto na mukhang may malaking pagbabago sa kanilang orihinal na plano!Sa pagkakataong ito, kinakabahan siyang napaisip sa kanyang sarili, ‘Bago ito, maayos naman ang takbo ng lahat ayon sa inilatag na plano ng pamilya Schulz pati na rin sa mga napagpasyahan kong eksena.’‘Kasama na rito ang bahaging mahahanap ako ng mga pulis, hahabulin ako nga mga pulis sa Treasure Pavilion, at kukunin ko sila Helen at Sophie
Ngumisi si Sophie nang magsalita siya, “Ano naman ang silbi ng takot kung mamatay rin naman ako? Makakatakas ba ako sa kamatayan kapag natakot ako?”Natahimik si Zakir sa loob ng ilang segundo.Tama si Sophie.Wala na talagang silang pagkakataon para makatakas sa ilalim ng ganitong sitwasyon.Hindi niya naman magagawang magmaneho para lagpasan ang dalawang container trucks sa harap, at magiging mas malala rin naman kung bababa sila ng sasakyan.Kung tatama ang isang mabigat na trak direkta sa katawan ng isang tao, siguradong magiging giniling na karne na lang ang katawan nito!Sa pagkakataong ito, muling nagsalita si Sophie, “Hindi ba ang sabi mo may mga nakakakabit na bomba sa katawan mo? Bakit hindi mo na lang pasabugin ang bomba? Sa ganitong paraan, mas mapapadali ang pagkamatay natin at magiging mas mabilis ang sakit!”Ngumiti nang mapakla si Zakir, “Bakit naman ako maglalagay ng bomba sa katawan ko? Kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi ko kanina.”Habang nagsasalita, d
Sa pagkakataong bumagting sa buong tunnel ang lakas ng pagkakatama ng mga sasakyan sa loob, hindi mapigilang matigilan ni Charlie sa loob ng ilang sandali.Hindi na kailangang tingnan pa ni Charlie kung gaano kalakas ang tama sa loob dahil sa lakas ng mga tunog, masasabi niya nang malala ang nangyari.Kahit ang isang matibay na Rolls-Royce ay hindi kakayanin ang ganitong klase ng malaking puwersa. Kaya, siguradong hindi maganda ang sitwasyon ng mga taong nasa loob ng kotseng ito ngayon!Sa pagkakataong ito, hindi mapigilang maawa ni Charlie para sa kanila.Kahit wala siyang relasyon kay Sophie at hindi rin sila magkaibigan, kahit anong mangyari, hindi niya naman ito kinamumuhian. Isang nakakaawang binibini lamang si Sophie na brutal na pinatay ng kanyang sariling pamilya sa malupit na paraan. Kaya, natural lang na makaramdam ng simpatya ang kahit sino sa kanyang sitwasyon.Bukod pa roon, mas mabigat ang loob ni Charlie para kay Helen.Kung tutuusin, wala namang kahit anong koneks
Kung dadanas ang isang tao ng matinding pinsala sa kanyang internal organs, magdudulot ito ng malalang internal bleeding.Agad na mawawalan ng buhay ang isang tao at siguradong mamamatay siya sa loob lang ng ilang minuto.Wala ng halos pag-asa para mailigtas siya o masagip sa ganitong kasawian.Sa pagkakataong ito, nahimatay na si Helen, pero may malay pa rin si Sophie.Naramdaman ni Sophie na matindi ang pagkakapipi ng sasakyan mula pa lang sa itsura ng front at back seat. Halos imposible nang makahinga sa ganitong punto. Ganoon din, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang buong katawan. Nanghihina siya at hindi niya maipaliwanag ang kirot na nararamdaman niya.Sa puntong ito, narinig niya ang tunog ng pagbubukas ng pinto sa likod niya.Ang dalawang trak na siyang pangunahing puwersa sa salpukan kanina ay hindi na makilala.Subalit, dahil mataas ang cockpit ng mga trak na ito, hindi nagkaroon ng pinsala ang mga drayber na nagmamaneho nito.Ganoon din, binuksan ng dalawan
Sa pagkakataong ito, biglang napagtanto ni Zakir na niloloko lang siya ng pamilya Schulz.Bukod pa roon, matindi ang natamo niyang pinsala at nag-aagaw buhay na siya. Ilang minuto na lang ang natitira sa kanyang buhay ngayon. Kaya, natural lang na puno siya ng galit at pagkamuhi kay Matteo na isang aso ng pamilya Schulz.Gulat na gulat si Matteo at takot na takot rin siya sa puntong ito. Kumilos siya ayon sa utos ni Lord Schulz at ginaya niya rin ang parehong paraan na ginamit ng European royal family para patayin si Helen.Isang car accident rin sa loob ng tunnel ang kumitil sa buhay ng isang European princess. Pumanaw siya sa Paris kasama ng kanyang fiancé at ang batang nasa kanyang sinapupunan.Magandang paraan nga talaga ang isang car accident sa loob ng tunnel para lokohin ang publiko. Kaya, naghanap si Matteo ng isang kagaya ni Zakir na siyang gagamitin nila para magmalinis sa nangyari.Sa hindi inaasahang pagkakataon, kasama pala ang eldest young lady na si Sophie sa loob n
Nang makita ito ni Matteo, agad siyang bumulalas, “Bilisan niyo! Bilisan niyo at maghanap kayo ng paraan para mailabas agad ang eldest young lady mula sa kotse!”Sa pagkakataong ito, isang tao ang biglang galit na sumigaw sa kanila, “Tigilan niyo ang ginagawa niyo!”Nagulantang si Matteo at napaatras siya nang marinig niya ang boses ng taong ito.Walang daan sa tunnel na ito sa kasalukuyan. Nahaharangan ang magkabilang dulo nito ng mga container trucks. Natural lang na walang makakapasok rito sa puntong ito. Kaya, nakaramdam ng kaba si Matteo nang bigla siyang makarinig ng isang hindi pamilyar na boses.Ito rin ang naramdaman ng tatlo niya pang kasama.Sinundan nilang apat ang direksyon ng pinanggagalingan ng boses. Napasulyap sila sa iisang direksyon sa parehong pagkakataon. Nakita nila ang isang lalaking malamig ang dating at walang emosyon ang mukha. Naglalakad ito papunta sa kanila mula sa exit ng tunnel.Ang lalaking ito na nakamamangha ang aura ay wala ng iba kundi si Charl
Sa totoo lang, alam ni Charlie na nanggaling ang apat na lalaking nasa harap niya mula sa pamilya Schulz.Dahil pinadala sila ng Schulz para gawin ang isang mahalagang misyon ngayong araw, sapat na ito bilang ebidensya na mga katiwala ng Schulz ang apat na lalaking ito.Kaya, gusto ni Charlie na ilantad nila ang buong kuwento pati na rin ang katotohanan sa harap ng camera para magamit niya ang video na ito para sa publiko.Sa ganitong paraan, tuluyang masisira ang reputasyon ng pamilya Schulz.Matapos ang lahat, minsan nang pinagtaksilan ng mga Schulz si Rosalie. Nagdala na ng malaking mantsa ang insidenteng iyon sa reputasyon at imahe ng Schulz. Kahit ibinunton ni Lord Schulz ang lahat ng sisi sa kanyang pinakamatandang anak na si Sheldon, hindi ibig sabihin na wala ng responsibilidad ang buong pamilya Schulz para sa nangyari.Kapag naihayag ang katotohanan sa nangyaring aksidente ngayon, at kung hindi lamang ang manugang ng Schulz ang sinusubukan nilang patayin kundi pati na rin
Hindi nagtagal, sumuka ng dugo si Matteo. Bukod sa dugong isinuka niya, may nakahalo ring mga nalaglag na ngipin. Nakakagulantang ang eksenang ito kaya nasorpresa rin ang tatlong lalaking nasa gilid.Hindi nila maunawaan kung bakit biglang galit na galit ang binatang nasa harap nila.Dahil ba masyadong mapagpanggap ang kanilang captain na si Matteo?Gulat na gulat rin si Matteo at hindi siya makapaniwala. Nang mapansin niyang wala nang natitirang ngipin sa kanyang bibig, halos mahimatay siya habang humihiyaw sa sakit, “Ikaw… Ikaw… talagang gusto mo na yatang mamatay… Ako… Ako si… Ako si… Eastcliff…”Ngumisi si Charlie at direkta niyang pinutol ang sinasabi nito, “Alam ko kung ano ang gusto mong sabihin. Hindi ba sasabihin mo sa akin na nagtatrabaho ka para sa pamilya Schulz ng Eastcliff? Dahil bigla mong binanggit ang bagay na ito sa akin ngayon, ibig sabihin inisip mong matatakot ako kapag nalaman kong nasa likod mo ang pamilya Schulz?”Namangha si Matteo nang marinig ang sagot n
Habang umaakyat siya sa Mount Turtle Back at nakita ang ilang tolda at isang dosenang kabataan sa malapit, kumunot nang kaunti ang mga kilay niya.Nakatingin ang mga taong ito sa direksyon kung saan sisikat ang araw, malinaw na gusto itong hangaan. Hindi nagduda si Fleur sa kanila, pero nainis at nadismaya siya nang kaunti dahil masyadong malapit ang mga taong ito sa libingan ng kanyang senior, si Elijah.Ang layunin ng pagbisita niya sa lugar na ito ay para alalahanin ang nakaraan sa libingan ni Elijah, at magsalita nang kaunti mula sa kailaliman ng puso niya sa kanyang senior.Pero, ang posisyon ng mga taong ito ay nasa dalawa o tatlong daang metro lang mula sa libingan ni Elijah, at siguradong makukuha niya ang atensyon nila kung didiretso siya doon. Mahihirapan siyang kausapin ang senior niya dahil dito.Sa sandaling ito, nasulyapan ni Charlie ang isang bata at mature na babae na kalilitaw lang sa malayo. Kayang makita ni Charlie ang hitsura niya gamit ang kanyang pambihirang p
Sa sandaling ito, nang sampung minuto na lang bago sumikat ang araw, nagdagdag ang lahat ng ilang sangay sa bonfire at nagsimulang hintayin ang sandali na sisikat ang araw mula sa likod ng bundok.Makalipas ang halos sampung minuto, ang dating maputlang langit ay nagsimulang lumiwanag ng ginintuang tingkad. Ito ang bakas na malapit nang sumikat ang araw sa abot-tanaw.Habang sabik ang lahat na makita ito, biglang naramdaman ni Charlie na may tao sa malayo na mabilis na papalapit sa lokasyon nila. Dahil nag-aalala siya na madidiskubre siya ni Fleur, sinanay ni Charlie ang mental cultivation method na tinuro sa kanya ni Ruby simula kagabi, mahigpit na kinulong ang sarili niyang Reiki sa loob ng katawan niya.Para sa mga cultivator, ang bawat tao ay parang isang submarine na naglalakbay sa malalim na karagatan, umaasa sa sonar detection para mahanap ang isa’t isa. Gamit ang analohiya na ito, ang isang tao na may mas mataas na cultivation ay parang isang mas advanced na submarine na may
Hindi katagalan, tuluyan nang lumubog ang araw, sinindihan na ng lahat ang bonfire at ang barbecue pit. Dahil naghanda ng sangkap ang lahat at nagdagdag pa si Charlie, medyo marami ang hapunan nila.Bukod dito, bumili rin si Charlie ng maraming wine, kaya mas sumigla ang paligid at atmospera. Sa madaling salita, nagpasya ang lahat na uminom at magsaya sa gabing iyon.Kaya, naglagay si Charlie ng ilang Reiki sa wine. Hindi kaya ng Reiki na palakasin ang katawan nila o gamutin ang mga sakit nila, pero sinisigurado nito na kahit gaano pa karami ang inumin nila sa gabing iyon, hindi man lang sila hihikab.Bukod dito, sa sandaling pumasok ang Reiki sa katawan nila, hindi ito mag-iiwan ng bakas. Kahit na pumunta si Fleur, wala siyang mapapansin.Ang Yorkshire Hill ay matatagpuan sa isang talampas, at medyo malaki ang pagkakaiba ng temperature sa umaga at gabi. Kasam na ang taas ng Mount Turtle Back, bumaba nang sobra ang temperature pagkatapos maggabi. Kaya, umupo ang lahat sa paligid ng
Habang nagsasalita siya, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya. Sinabi niya, “Leni, mangako tayo sa isa’t isa. Subukan muna nating mabuhay ngayong taon. Kung sa susunod na taon, may mangyaring himala at walang namatay sa atin, pwede kang pumunta sa Oskia at makilala ang mga magulang ko para makuha ang basbas nila. Pagkatapos, pupunta ako sa United States kasama ka.”Si Leni, na kanina pa masaya, ay biglang naging mukhang pagod. Binulong niya, “May apat na buwan pa hanggang sa susunod na taon. Natatakot ako na kahit na hindi ako mamatay sa sandaling iyon, hindi ako makakapunta sa Oskia para makita ka.”Namula ang mga mata ni Shermaine, pero ngumiti siya at sinabi, “Ayos lang. Araw-araw na lang tayo mag-video call. Online na ang lahat ngayon. Kahit ang mga korte ay may hearing sa online. Kung kailangan, pwede na lang tayo kumuha ng isang pari, at pakakasalan kita sa online.”Pinigilan ni Leni ang mga luha niya, tumango nang marahan, at ngumiti habang sinabi, “Okay, deal. Kapa
Hindi inaasahan ni Charlie na habang nagca-camping siya sa mga bundok ng Yorkshire Hill, matatagpuan niya ang dalawang batang pasyente na may cancer. Ang nagpasorpresa sa kanya ay gustong sumali ng dalawang ito sa mga clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical sa Aurous Hill, pero tinanggihan silang dalawa.Ang mas nagpahanga pa sa kanya ay ang taong ito, si Leni, ay kilala pa si Jameson.Habang iniisip ang iba ang tungkol kay Jameson, na dating pinapangunahan ang buong FDA, na kusang umalis at nagsimula ng charity sa Aurous Hill, tinanong nang mausisa ni Charlie si Leni, “Helron, sobrang pamilyar ka ba kay Jameson Smith?”Sumagot nang kalmado si Leni, “Hindi naman. Dahil, bago siya umalis, isa siyang mataas na opisyal sa United States, at ang mga taong nakakausap niya sa FDA ay mga matataas na biopharmaceutical company at mga negosyante sa buong mundo. Ang isang tao tulad ni Jameson ay kahanga-hanga kahit sa mataas na lipunan. Paano magkakaroon ng pagkakataon ang isang ordinaryong
Sinabi ni Shermaine, na nasa gilid, “Hindi naman gano’n. Ang pamamahagi ng mga pwesto para sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical ay hindi base sa kung sino ang may pera at kapangyarihan, ngunit kung sino ang pinaka nangangailangan ng gamot. Ang lahat ng sumali para sa clinical trial ay mga pasyente na may cancer. Halos tatlumpung porsyento sa kanila ang idineklara ng mga doktor na may anim na buwan na lang para mabuhay. May daang-daang pasyente na may advanced pancreatic cancer, at marami sa kanila ay mga bata. Ang mga taong katulad namin na nasa 20s na ay mahihirapan na makakuha ng pwesto.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Shermaine, sumali ka rin ba sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical?”Tumango si Shermaine at sinabi, “Oo, pero hindi ako napili. Ang pamamaraan ng pagpili ng Apothecary Pharmaceutical ay parang pagkukumpara ng mga paghihirap. Una, ikukumpara nila kung sino ang may pinakamalalang sakit, pagkatapos ay kung sino ang pinakabata, kung sinong pamilya
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na