Kung dadanas ang isang tao ng matinding pinsala sa kanyang internal organs, magdudulot ito ng malalang internal bleeding.Agad na mawawalan ng buhay ang isang tao at siguradong mamamatay siya sa loob lang ng ilang minuto.Wala ng halos pag-asa para mailigtas siya o masagip sa ganitong kasawian.Sa pagkakataong ito, nahimatay na si Helen, pero may malay pa rin si Sophie.Naramdaman ni Sophie na matindi ang pagkakapipi ng sasakyan mula pa lang sa itsura ng front at back seat. Halos imposible nang makahinga sa ganitong punto. Ganoon din, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang buong katawan. Nanghihina siya at hindi niya maipaliwanag ang kirot na nararamdaman niya.Sa puntong ito, narinig niya ang tunog ng pagbubukas ng pinto sa likod niya.Ang dalawang trak na siyang pangunahing puwersa sa salpukan kanina ay hindi na makilala.Subalit, dahil mataas ang cockpit ng mga trak na ito, hindi nagkaroon ng pinsala ang mga drayber na nagmamaneho nito.Ganoon din, binuksan ng dalawan
Sa pagkakataong ito, biglang napagtanto ni Zakir na niloloko lang siya ng pamilya Schulz.Bukod pa roon, matindi ang natamo niyang pinsala at nag-aagaw buhay na siya. Ilang minuto na lang ang natitira sa kanyang buhay ngayon. Kaya, natural lang na puno siya ng galit at pagkamuhi kay Matteo na isang aso ng pamilya Schulz.Gulat na gulat si Matteo at takot na takot rin siya sa puntong ito. Kumilos siya ayon sa utos ni Lord Schulz at ginaya niya rin ang parehong paraan na ginamit ng European royal family para patayin si Helen.Isang car accident rin sa loob ng tunnel ang kumitil sa buhay ng isang European princess. Pumanaw siya sa Paris kasama ng kanyang fiancé at ang batang nasa kanyang sinapupunan.Magandang paraan nga talaga ang isang car accident sa loob ng tunnel para lokohin ang publiko. Kaya, naghanap si Matteo ng isang kagaya ni Zakir na siyang gagamitin nila para magmalinis sa nangyari.Sa hindi inaasahang pagkakataon, kasama pala ang eldest young lady na si Sophie sa loob n
Nang makita ito ni Matteo, agad siyang bumulalas, “Bilisan niyo! Bilisan niyo at maghanap kayo ng paraan para mailabas agad ang eldest young lady mula sa kotse!”Sa pagkakataong ito, isang tao ang biglang galit na sumigaw sa kanila, “Tigilan niyo ang ginagawa niyo!”Nagulantang si Matteo at napaatras siya nang marinig niya ang boses ng taong ito.Walang daan sa tunnel na ito sa kasalukuyan. Nahaharangan ang magkabilang dulo nito ng mga container trucks. Natural lang na walang makakapasok rito sa puntong ito. Kaya, nakaramdam ng kaba si Matteo nang bigla siyang makarinig ng isang hindi pamilyar na boses.Ito rin ang naramdaman ng tatlo niya pang kasama.Sinundan nilang apat ang direksyon ng pinanggagalingan ng boses. Napasulyap sila sa iisang direksyon sa parehong pagkakataon. Nakita nila ang isang lalaking malamig ang dating at walang emosyon ang mukha. Naglalakad ito papunta sa kanila mula sa exit ng tunnel.Ang lalaking ito na nakamamangha ang aura ay wala ng iba kundi si Charl
Sa totoo lang, alam ni Charlie na nanggaling ang apat na lalaking nasa harap niya mula sa pamilya Schulz.Dahil pinadala sila ng Schulz para gawin ang isang mahalagang misyon ngayong araw, sapat na ito bilang ebidensya na mga katiwala ng Schulz ang apat na lalaking ito.Kaya, gusto ni Charlie na ilantad nila ang buong kuwento pati na rin ang katotohanan sa harap ng camera para magamit niya ang video na ito para sa publiko.Sa ganitong paraan, tuluyang masisira ang reputasyon ng pamilya Schulz.Matapos ang lahat, minsan nang pinagtaksilan ng mga Schulz si Rosalie. Nagdala na ng malaking mantsa ang insidenteng iyon sa reputasyon at imahe ng Schulz. Kahit ibinunton ni Lord Schulz ang lahat ng sisi sa kanyang pinakamatandang anak na si Sheldon, hindi ibig sabihin na wala ng responsibilidad ang buong pamilya Schulz para sa nangyari.Kapag naihayag ang katotohanan sa nangyaring aksidente ngayon, at kung hindi lamang ang manugang ng Schulz ang sinusubukan nilang patayin kundi pati na rin
Hindi nagtagal, sumuka ng dugo si Matteo. Bukod sa dugong isinuka niya, may nakahalo ring mga nalaglag na ngipin. Nakakagulantang ang eksenang ito kaya nasorpresa rin ang tatlong lalaking nasa gilid.Hindi nila maunawaan kung bakit biglang galit na galit ang binatang nasa harap nila.Dahil ba masyadong mapagpanggap ang kanilang captain na si Matteo?Gulat na gulat rin si Matteo at hindi siya makapaniwala. Nang mapansin niyang wala nang natitirang ngipin sa kanyang bibig, halos mahimatay siya habang humihiyaw sa sakit, “Ikaw… Ikaw… talagang gusto mo na yatang mamatay… Ako… Ako si… Ako si… Eastcliff…”Ngumisi si Charlie at direkta niyang pinutol ang sinasabi nito, “Alam ko kung ano ang gusto mong sabihin. Hindi ba sasabihin mo sa akin na nagtatrabaho ka para sa pamilya Schulz ng Eastcliff? Dahil bigla mong binanggit ang bagay na ito sa akin ngayon, ibig sabihin inisip mong matatakot ako kapag nalaman kong nasa likod mo ang pamilya Schulz?”Namangha si Matteo nang marinig ang sagot n
Nang banggitin ito ni Charlie, hindi mapigilang manginig sa takot nila Matteo sa puntong iyon!Hindi nila maintindihan kung bakit masyadong malupit ang binatang nasa harap nila. Hindi nila maunawaan kung bakit gusto nitong tortyurin sila sa pamamagitan ng African hyenas. Tao ba siya?! Bakit napakasama niya at wala siyang awa?!Bilang resulta, isa sa kanila ang hindi na makatiis. Agad itong napahiyaw, “Magsasalita na ako! Sasabihin ko sa’yo ang lahat!”Nang magsalita ang isa, agad na ipinahayag ng dalawa pang lalaki ang kanilang posisyon, “Sasabihin rin namin ang lahat sa’yo!”Tumango si Charlie sa tuwa, “Sige, dahil nagboluntaryo kayong sabihin ang katotohanan, bibigyan ko kayo ng kaunting pagkakataon para ipaliwanag sa akin ang lahat ng detalye mamaya.”Pagkatapos magsalita, napatitig naman si Charlie kay Matteo at hindi niya mapigilang mapangisi, “Mukhang may isang matatag sa inyo na kayang pangatawanan ang kanyang mga prinsipyo. Napapaisip ako kung mahihirapan ba ang mga Africa
Habang nagsasalita, itinaas nang bahagya ni Charlie ang kanyang boses saka niya pinagalitan si Cadfan, “Wala bang moral na prinsipyo ang matandang aso na si Cadfan Schulz? Handa siyang gumawa ng isang terror attack na malaki ang kahahantungang pinsala para lang sa sarili niyang benepisyo at dahil lang sa isang maliit na insidente sa loob ng kanyang pamilya? Wala bang respeto si Cadfan Schulz sa social security, protection of properties, at sa kaligtasan ng mga mamamayan sa kanyang bansa?”Nagulantang si Matteo at napatulala siya nang marinig niya ang mga sinabi ni Charlie.‘Ang lalaking ito… ano ang ginagawa ng lalaking ito?! Balak niya ba talagang galitin ang pamilya Schulz?! Nilalagay niya ang lahat ng sisi at responsibilidad sa balikat ni Lord Schulz ngayon. Kapag naihayag ang video na ito sa publiko… siguradong magiging katatawanan at magiging g*go si Lord Schulz sa mata ng lahat ng nasa bansa! Kagagalitan siya ng masa!’‘Sa pagkakataong iyon, siguradong kikilos ang mga awtorida
Malapit nang mahimatay si Matteo sa puntong ito.Hindi niya inaakalang walang awa si Charlie. Talagang balak nitong gamitin ang insidenteng ito para tuluyang wasakin ang reputasyon ni Lord Schulz pati na rin ang buong pamilya nito.Nakikita n ani Matteo sa kanyang isip kung anong klase ng sitwasyon at pagdurusa ang pagdaraanan ng pamilya Schulz kapag nailantad ang insidenteng ito!Masasabing ito ang pinakamalaking delubyo sa pamilya Schulz na hindi pa nila na-eengkuwentro sa loob ng maraming dekada!Hindi namalayan ni Matteo na tumugon siya, “Hindi… hindi mo pwedeng ng ganyan ang katotohanan!”Ngumisi ulit si Charlie saka siya nagsalita, “Nag-aalala ka pa rin sa master mo ngayon? Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong aalisin ko ang bahaging sinusubukan mong depensahan ang matandang aso na si Cadfan Schulz bago ko ilabas ang video. Sa ganitong paraan, magiging malaki ang kontribusyon mo sa pagbagsak at pagkawasak ng reputasyon ng pamilya Schulz.”Namutla ang mukha ni Matteo sa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo
Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas
Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par
Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m