Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1161 - Chapter 1170

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1161 - Chapter 1170

5621 Chapters

Kabanata 1161

Pinanood ng tatlong lalaki si Charlie, na nakababad sa ginintuang sikat ng araw, nang gulat na gulat at namamangha! Wala silang masabi!Talagang binaliktad ng mga ginawa ni Charlie ngayon ang dating impresyon nila sa kanya!Ngayong araw, talagang naging isang mala-diyos si Charlie sa kanila!Hindi nila maintindihan kung paano nangyari ang lahat! Madaling napatay ni Charlie ang Big Eight nang mag-isa! Sa proseso nito, hindi siya nasugatan, sa halip, tumawag siya ng kidlat, gumawa ng avalanche para ilibing nang buhay ang Big Eight!Nakatayo si Charlie kasama sila habang may avalanche pero sumulpot siya nang walang sugat.Habanag papalapit nang papalapit si Charlie sa kanila, lumuhod si Liam sa niyebe at yumuko kay Charlie. “Master Wade, mangyaring tanggapin mo ang paggalang ko. Sasambahin kita habang buhay sa buong buhay ko!”Sumunod si Albert. “Ako rin, Master Wade. Habang buhay kitang sasambahin!”Sumunod si Isaac. Lumuhod siya sa sahig, nanginginig ang mga kamay niya, “Young Ma
Read more

Kabanata 1162

Inakala ng pamilya Webb na oras na para kunin ng big Eight ang mga Weaver, kaya hindi sila nangahas na abalahin sila nang sobra.Tiningnan ni Lord Webb ang oras paglipas ng halos isang oras. Sobrang galing ng Big Eight, at sapat na ang isang oras sa kanila para patayin ang lahat doon at iligtas ang mga Weaver, kaya sinabi niya, “Donald, tawagan mo si Mr. Flores at tanungin mo ang balita tungkol sa kanila.”“Okay!” Tumango agad si Donald at nilabas ang kanyang cellphone para tawagan si Emiliano. Tumunog nang ilang sandali ang cellphone pero wala pa ring sumagot.Sinabi nang mausisa ni Donald, “Pa, walang sumasagot. Baka ginagawa pa rin nila ang misyon?”Tumango si Lord Webb. “Oo, posible ito. Hintayin natin sila kung gano’n.”Paglipas ng sampung minuto, nagbuntong hininga ulit si Lord Webb, “Donald, tawagan mo ulit si Mr. Flores!”Ginawa ni Donald ang inutos sa kanya, pero walang sumagot sa tawag.Sumimangot nang nagdududa si Lord Webb. “May mali. Hindi dapat sila matatagalan sa
Read more

Kabanata 1163

Nang sumakay si Charlie sa eroplano pabaalik sa Aurous Hill mula Mount Golmin, talagang naging magulo ang buong pamilya Webb.Sumugod ang Big Eight sa Mount Golmin ngayong gabi para sa isang misyon—iyon ay, para iligtas ang mga Weaver—pero hindi agad nila sila matawagan pagdating nila doon.Tinawagan sila nang paulit-ulit ni Donald hanggang sa halos mawalan na ng battery ito pero hindi niya sila matawagan.Sa sandaling ito, tumunog ang cellphone niya—may tumatawag!Ang tawag ay galing sa lalaking tumakas sa Mount Golmin kagabi.Nagtatago pa rin siya sa siyudad ng Mount Golmin. Balak niyang maghintay hanggang sa natapos ng Big Eight ang misyon nila at bumalik sa Sudbury kasama nila, pero ang dumating lang sa kanya ay isang napakasamang balita!Kanina lang, ipinalabas sa lokal na TV station ng Mount Golmin ang emergency na balita. Sinabi sa balita na may isang avalanche na nangyari sa paananan ng Mount Golmin, sampu-sampung libong tonelada ng niyebe ang bumaba sa bundok at inilibin
Read more

Kabanata 1164

Hindi pa rin matawagan ni Claire ang cellphone ni Charlie nang sinubukan niya ulit sa alas diyes, kaya nabalisa siya nang sobra.Ang unang pumasok sa isipan niya ay ang Feng Shui gig ni Charlie. Kailan lang ay marami siyang tinulungang VIP dahil sa Feng Shui na trabaho niya, at ang kapalit, malaki ang nakuha niyang pera, regalo, at kahit ang villa ng Thompson First na ito. Dahil dito, nag-alala siya nang sobra.Simula noong nalaman niya ang Feng Shui na trabaho niya, palagi siyang natatakot na balang araw, tulad ng pagbagsak ng mapanlinlang na Ponzi scheme, malalantad ang kasinungalingan ni Charlie at masisira ang reputasyon niya.Kapag dumating ang oras, siguradong hindi siya pakakawalan nang madali ng mga VIP na ito.Nang nag-aalala na nang sobra si Claire, tumawag si Charlie.Sinabi nang natataranta ni Claire sa sandaling sinagot niya ang tawag, “Charlie, saan ka nagpunta?”Kabababa lang ni Charlie sa eroplano at pasakay na siya sa helicopter. Sinabi niya, “Mahal, tinulungan k
Read more

Kabanata 1165

Pinanood ni Charlie na nag iika-ika si Elaine sa bakuran gamit ang mga saklay niya at may malaking shoulder bag siya sa likod, malinaw na puno ito ng mga bagay dahil mukhang malaki ang bag. Alam niya na agad na may masamang plano nanaman ang biyenan na babae niya.Tinanong ni Claire sa sorpresa, “Ma, saan ka pumunta? Hindi kita mahanap kahit saan sa bahay sa buong umaga.”Sumagot si Elaine habang tumatawa, “Ah, pumunta ako sa wholesale market kaninang umaga at may binili ako!”Sinumbat ni Claire, “Ma, kailangan pa ng oras para gumaling ang mga binti mo. Dapat magpahinga ka muna sa bahay, baki ka gumagala?”“Hindi, ayos lang ako,” kumaway nang walang pakialam si Elaine at sinabi, “Iniisip mo na hindi ako makakapunta kahit saan dala-dala ang mag saklay na ito, tama? Sanay na ako ngayon dito at saka, hindi na sumasakit ang binti ko. Napapagod lang ako nang kaunti sa mga saklay, iyon lang. Ayos lang ako.”Tinanong ulit ni Claire, “Ma, ano bang binili mo? Siguradong pagod ka na sa pagb
Read more

Kabanata 1166

Ayos lang naman ito kay Hannah. Medyo masama ang loob niya sa kalupitan ni Christopher, pero medyo nakokonsensya siya sa kailaliman ng puso niya.Dahil, nagloko siya sa kanya at iyon ang totoo, kahit ano pa ang dahilan niya. Siguradong nabalisa siya nang sobra nang makita siya na hindi pa ipinapalaglag ang bata.Sa sandaling ito, kagigising lang ni Christopher.Mayroon pang ilang side effect pagkatapos niyang palabasin sa hospital, at isa sa kanila ay panghihina at pagiging matamlay.Hindi pa sapat ang tulog niya, dahil habang natutulog siya, palagi siyang nakakaramdam ng isang matalas na pangangati sa ibabang bahagi niya at nagising siya para kamutin ito.Sobrang kakaiba ng pangangati. Sa una, medyo makati ito, pero nang hindi niya mapigilang kamutin ang lugar na iyon, mas lalo itong nangati, at nang kinamot niya ito nang medyo mas malakas, nangati na ito nang sobra!Kaya, kinamot niya na ito sa punto na halos masira na ang balat niya.Hindi niya mapigilang isipin kung anong ma
Read more

Kabanata 1167

Medyo nalabuan si Lady Wilson. Hindi niya alam kung bakit ang unang gustong gawin ng anak niya pagkatapos gumising ay harapin si Elaine, kaya tinanong niya nang nagmamadali, “Christopher, anong kailangan mo kay Elaine?”Galit na sinabi ni Christopher, “Nagsabit ang p*tang Elaine na iyon ng dose-dosenang berdeng sumbrero sa balkonahe niya! Sabihin mo, sinadya niya iyon, hindi ba?!”Napanganga si Lady Wilson sa gulat at sinabi, “Ano? Seryoso ka ba?”Nagngalit si Christopher sa galit. “Sundan mo ako at makikita mo.”Lumabas agad silang dalawa sa pinto.Totoo nga, sa sandaling lumabas si Lady Wilson, nakita niya ang dalawang pung berdeng sumbrero na sumasayaw sa hangin sa balkonahe sa kwarto ni Elaine.Nagalit agad siya nang makita ito at sinigaw nang malakas, “Elaine! Ang p*tang iyon! Siguradong pinanood niya ang video sa hospital at nilalait tayo!”Galit na tumango si Christopher at sinabi, “Oo, Ma, iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya pwedeng pakawalan! Letse, mapang-api siy
Read more

Kabanata 1168

Gayunpaman, nasa likod ni Hannah si Donald. Hindi siya nangahas na suwayin si Donald, kaya hindi niya siya mahiwalayan kahit na niloko siya ni Hannah.Mailalarawan na ang pinakamasakit na mangyayari sa isang lalaki ay hindi niya mahihiwalayan ang asawa niya kahit na nahuli niya siyang nagloloko. Sa totoo lang, naramdaman niya mismo ang sakunang ito!Ngayon, dumagdag pa ang insulto ni Elaine sa sugat niya. Naramdaman niya na sinampal siya nang isang libong beses sa mukha.Nabalisa rin nang sobra si Lady Wilson sa sinabi niya. Palagi siyang proud at mayabang na babae sa buong buhay niya, kaya hindi niya matanggap na nadudumihan at nasisira ang reputasyon ng pamilya Wilson.Kahit na lumabas ang iskandalo sa sirkulo nila noong sila Wendy at Kenneth pa, walang magawa si Lady Wilson dahil siya ang natalo. Bukod dito, karaniwan lang na maging magkasintahan ang mga batang babae at mayayamang lalaki, kaya hindi masyadong tumagal ang mga biro at tsismis.Pero iba si Hannah. Talagang dinumih
Read more

Kabanata 1169

Nainis si Christopher sa pang-aasar niya. Tumalon siya at galit na nagmura, “Hoy, Elaine, p*ta ka, gusto mo bang mamatay?”Tumawa nang masaya si Elaine at sinabi, “Chris, huwag ka nang magsalita. Gumastos ako ng daang-daang dolyar para sa mga sumbrero na ito at gusto kong ibigay ang lahat ng ito sayo”.Pagkatapos, kinuha ni Elaine ang isang berdeng Teenage Mutant Ninja Turtle na manika at sinabi nang malakas, “Tingnan mo, Chris, hindi ba’t kamukha mo ang manika na ito? Hindi lang berde ang ulo niya, ngunit matiyaga rin siya dahil isa siyang ninja! Jusko, ito na ang pinakamagandang paglalarawan mo! Hahaha…”Galit na galit si Christopher, nanginginig nang sobra ang katawan niya, kasama na ang bibig niya habang sumisigaw, “P*ta, bakit hindi ka pa mamatay? Nararapat na mapunta sa impyerno ang masamang tao na tulad mo!”Tumawa si Elaine at sinabi, “Ah, Chris, mabait kong ibinigay ang mga sumbrero na ito sayo, pero sinumpa mo na pumunta ako sa impyerno. Ganito mo ba gustong bayaran ang p
Read more

Kabanata 1170

”Sa opinyon ko, pinapatikim lang ni Mama ang mga ginawa nila sa atin dati. Sa tingin ko ay nararapat lang na mangyari ito sa kanila.”Gustong tanggalin nina Lady Wilson at Christopher ang ulo ni Elaine, pero dahil wala silang magawa tungkol dito, tumalikod sila at galit na umalis.Minura ni Christopher habang naglalakad siya, “Letse, kung may pagkakataon ako, papatayin ko siya!”Galit na sinabi ni Lady Wilson, “Huwag mo na siyang pansinin, dalhin mo si Hannah bukas at tanggalin mo ang sanggol sa tiyan niya! Malaking kahihiyan talaga ito sa pamilya Wilson natin!”Pumangit ang hitsura ni Christopher at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Ma, dadalhin ko siya bukas sa hospital sa umaga!”Pag-uwi nila, kababangon lang nina Harold at Wendy at naghihintay sila sa sala, hinihintay nilang matapos magluto si Hannah.May tira pang ilang pera si Hannah sa pagbenta ng coffee machine noong isang araw, kaya gumastos siya nang marangya ngayong araw sa malaking bag ng preskong abalone at naghanda ng
Read more
PREV
1
...
115116117118119
...
563
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status