All Chapters of Nakakahumaling na Pag-ibig : Chapter 351 - Chapter 360

908 Chapters

Kabanata 352

Muntik nang masamid si Qin Lianyi sa mga salitang sinabi ni Bai Tingxin. Sa isip ni Lianyi, ‘Ako? Mangloloko? Kaloka! Hindi ko kayang gawin yun no!’Gayunpaman, sa presensya ni Bai Tingxin, akala niya ay sa ilang saglit at nagpaliwanag, “Kasi… Pinilit ako ng nanay ko makipag blind date. Itatakwil niya ako kung hindi ko ito gagawin. Sinubukan kong sabihin sakanya na may boyfriend na ako pero ginambala ako.”Hindi nagsisinungaling si Lianyi tungkol dito.“Pinilit ka ng nanay mo makipag blind date?” tanong ni Bai Tingxin habang tumataas ang kilay niya.“Oo!” matamlay na ngumiti si Lianyi. Sa madaling salita, mapilit talaga ang nanay niya na makipag blind date siya sa mga lalaki. Siya yung tipo na gustong gusto ka niyang nahihirapan.“Hindi mo sinabi sa pamilya mo na may boyfriend ka na?” tanong ni Bai Tingxin.Biglang nakonsensya si Qin Lianyi. Sabihin sakanyang nanay at tatay? Paano niya ito masasabi sakanila? Sabihin palang siguro niya ang pangalan ni Bai Tingxin ay matatakot na a
Read more

Kabanata 353

Para siyang isang matakaw na baboy.Hindi sigurado si Bai Tingxin kung anong restaurant ang masarap kainan sa lugar na ‘yon pero hindi ito naging dahilan para tumigil si Qin Lianyi na dalhin si Bai Tingxin sa gusto niyang restaurant.“Mayroon silang mga special dishes dito sa restaurant na ‘to na hindi mo makikita sa ibang restaurants, dito lang meron.” Noong nasa loob na sila ng restaurant, kinuha ni Qin Lianyi ang menu at masayang nag order ng pagkain.Pinakita niya isa isa ang mga putahe habang siya ay nag oorder. Nang nasa kalagitnaan, nakita niya na tinitingnan siya ni Bai Tingxin.“Hmm… Sorry, ang dami kong sinasabi.” Sabi ni Lianyi.“Okay lang. Ituloy mo lang, makikinig lang ako.” Sabi ni Bai Tingxin.Hinawakan ni Qin Lianyi ang kanyang ilong at hindi na alam kung anong susunod niyang sasabihin. “Hmm.. bakit pala nandito ka ngayon sa lugar na ‘to?” tanong niya dahil hindi na nga niya alam ang kanyang sasabihin. Pero, gusto na niyang kagatin nalang ang dila niya nung sinabi
Read more

Kabanata 354

“Iniisip ko…” bigla siyang kinilig, ang kanyang mga mata ay diretsong nakatingin sa tao sa harapan niya. Kung iisipin mo, si Bai Tingxin ang patriyarka ng Bai Family. Syempre mayroon siyang mga bigating koneksyon sa industriya. Kung tutulungan siya ni Bai Tingxin sa kaso ni Yiran, mas mapapadali ang paghahanap ng impormasyon tungkol dito.Pagkatapos ay nagkaroon nang liwanag sakanyang mga mata. Tiningnan niya si Bai Tingxin na para bang bagong lutong pandesal.“Alam ko na may nagawa akong mali sa’yo at aaminin ko lahat nang sinabi mo. Pangako ko naman sa’yo na gagawin ko lahat ng gusto mo, pero… Pwede ba ako humingi ng pabor habang nagda-date tayo?” tiningnan siya ni Qin Lianyi nang hindi ito inaasahan.“Pabor? Anong pabor?” Nagulat si Bai Tingxin sa sinabi niya. “Anong ‘maliit’ na pabor naman yang gusto mong ipagawa sakin?” base sa panghuhusga sa itsura nito, hindi lang ito isang maliit na pabor.“Eh kasi yung bestfriend ko, si Yiran, yung tao na naghanap sa akin kasama si Yi Jinl
Read more

Kabanata 355

Tiningnan ni Bai Tingxin ang mga kamay ni Lianyi. Ngayon ay mahigpit na itong nakahawak sa kamay ni Bai Tingxin na para bang pinapakita nilang masaya sila.Tumingala si Bai Tingxin at nahuli ang masayang ngiti ni Lianyi. Bigla nalang siyang nakaramdam nang pagseselos dahil ang ngiti ni Lianyi ay hindi dahil sakanya kundi dahil kay Yiran.Malinaw naman na mas importante si Ling Yiran para kay Qin Lianyi kaysa kay Bai Tingxin!Sa loob ng kotse, sumandal si Gu Lichen sakanyang upuan at minasahe ang gilid ng kanyang ulo.Ang secretary, na nasa loob din ng kotse, sinabi agad kay Gu Lichen pagkatapos makatanggap ng tawag, “Mr. Gu, ang alahas na pinili ni Miss Ling ay nagkakahalagang 20 million dollars. Gusto mo bang kuhain ito ni Miss Ling?”Malaking halaga ng pera ang 20 million dollars, ang may-ari ng jewelry store ay tumawag para magtanong tungkol dito.“Dahil nakapili na siya, pwede na niya itong kuhain.” Sabi ni Gu Lichen."All right," replied the secretary. Then, he replied to th
Read more

Kabanata 356

Kung iisipin mo, palagi niyang iniisip si Ling Luoyin ang bata na nakilala niya noong bata pa siya. Ang mga labi nito ay kapareho nung babae na naalala niya noong bata pa siya.Ngunit, dahan dahang nagbago ‘yon. Minsan kapag siya ay naguguluhan, parang nagiging kalmado siya sa pamamagitan lamang nang pakikinig sa mga kwento ni Ling Luoyin tungkol kay Ling Yiran.Malinaw na hindi si Ling Yiran ang maliit na batang babae na nagligtas sakanya noon.Siguro dahil kamukha ni Ling Yiran ang babaeng ito. Kaya ganon nalang ang pagtrato niya dito. Hindi niya mapigilan na mapalapit sakanya noong nakita niya ito.Gayunpaman, ginusto ni Jinli ang babae at hindi kinakailangan na masaktan niya si Jinli para sa isang babae. Pagkatapos nang lahat, hindi siya ang taong hinahanap niya.Nang umaandar na ang kotse, hindi napigilang tumingin ni Gu Lichen sa kalsada. Hindi niya napansin na tinitingnan na niya pala ang uniform ng mga sanitation worker.Trabaho ni Ling Yiran ang pagwawalis sa kalsadang i
Read more

Kabanata 357

…Si Ling Luoyin, ang babae na may suot ng kwintas na nagkakahalagang 20 million dollars ay mukhang masayang-masaya. Para bang pakiramdam niya na pareho sila ng halaga nung kwintas na suot niya. Hindi na niya nakikita ang sarili niya na isang ordinaryong tao ngayon.Siya ay nasa isang bagong film crew kung saan siya ang gaganap na bidang babae. Kahit na ang production crew at ang director ay hindi kasing galing nung dati, kapag tiningnan mo, hindi na rin naman ito masama. Siya naman ang gaganap na bidang babae kaya sa paggalang nito, nasiyahan si Ling Luoyin sa mga magpakukunang ibinigay sakanya ni Gu Lichen.Gayunpaman, hangga’t mahusay siyang sumisipsip kay Lichen, hindi niya kailangang matakot na walang mapagkukunan ng yaman sa hinaharap.Pero, sa pagkabigo niya, tuwing niyayaya siya ni Lichen lumabas, palagi niyang hinihiling na pag usapan nila at kwentuhan siya tungkol kay Ling Yiran. Sinabi na niya lahat ng nalalaman niya tungkol kay Ling Yiran.May mga oras na nararamdaman
Read more

Kabanata 358

Sa katunayan, ang mga babae na gustong sumubok na akitin ang pansin ni Gu Lichen ay nakatingin sa kwintas na nakasuot sa leeg ni Ling Luoyin. Pagkatapos nilang marinig ang sinabi nito, ang mga mata nila ay para bang kumislap sa selos at inggit. Sa huli, naglakad na sila palayo.Ngumiti si Ling Luoyin. Alam niyang nakuha niya ang gusto niyang mangyari.Sinabi ni Ling Luoyin sa isang malambing na boses pagkatapos nilang umalis, “Lichen, masisisi mo ba ako dahil gusto ko ng isang mahal na kwintas?” Para siyang marupok at mahinang babae. Kinakagat niya ang ilalim ng kanyang labi upang magmukha pa siyang nakakaawa at maliit.Bilang isang artista, alam niya kung paano niya gawin na ang itsura niya ay mas nakakaawa sa pamamagitan ng kanyang ekspresyon sa mukha. “Gusto ko lang naman na mas maging bagay ako sa’yo. Ayoko namang mapahiya ka kapag katabi mo ako.” Sabi ni Ling Luoyin.Tiningnan ni Gu Lichen ang babae. Bagay? Akala niya ba ay mas magiging bagay sila kapag sinuotan niya ang kataw
Read more

Kabanata 359

Habang iniisip niya ang mga bagay na ‘yon, mas lalo siyang kinilig at natuwa.Pagkatapos niyang makaramdam ng saya ay bigla nalang siyang may naramdaman sa kanyang mga daliri na parang may matigas na bagay siyang nahawakan. Tiningnan niya ito ay nakita ang isang silver bracelet na palaging suot ni Lichen.Ang bracelet na ‘yon… Tinitigan ni Ling Luoyin ang silver bracelet na nasa dibdib niya. Isa lang itong ordinaryong bracelet. Bakit palagi niya itong suot? Tinatrato niya ito tulad ng isang uri ng mahalagang kayamanan.Kinuha ni Ling Luoyin ang bracelet at tiningnan ito nang maigi.Pero, pagkatapos nang ilang segundo, may humawak sa kamay niya. Naramdaman niya na parang may tumusok sa kanyang kamay. Wala siyang nagawa kundi bitawan ang bracelet.Sumigaw sa sakit si Ling Luoyin. Nagkatinginan sila ni Lichen.Nalasing si Lichen, pero sa oras na ito, ang mata niya ay hindi mukhang nalasing at maraming nainom na alak, nakakatakot ang tingin niya.“Hindi mo pwedeng hawakan ‘to.” Mala
Read more

Kabanata 360

Sa sandaling ito, tiningnan ni Ling Luoyin ang painting na nasa harapan niya. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya.Bago ito, nang dumaan siya sa atelier na ito at nais sumilip, napahinto siya kay Gu Lichen.Hindi niya ulit napigilan ang kanyang pagtataka kaya naman tinulak niya ang pintuan at pumasok sa loob.Hindi niya inaasahan na makita ang larawan ni Ling Yiran.Ang larawan na ito ay hindi si Ling Yiran noong siya ay matanda na ngunit ang larawan na ito ay siya noong bata pa.Mayroong isang maliit na batang babae na bitbit ang isang maliit na batang lalaki sa kanyang likuran sa painting. Ang maliit na batang babae na ‘yon ay si Ling Yiran noon siya at bata pa.Ang floral dress na suot ng maliit na batang babae… Naalala ito ni Ling Luoyin na kapareho ito ng suot ni Ling Yiran sa isang photo album.‘Anong nangyayari? Bakit may larawan si Ling Yiran sa atelier ni Lichen? Anong relasyon ang meron silang dalawa?’ sa isip ni Luoyin.Ang daming tanong sa utak ni Ling Luoyin. Si
Read more

Kabanata 361

Makalipas ang ilang oras, narinig niyang bumuntong hininga siya. Tapos, inayos niya ang kanyang likod. Tiningnan niya si Yiran at sinabing, “Ikaw lang.”Siya lang. Siya lang ang gustong makasama ni Jinli. Si Yiran lang. Siya lang ang nakagawa nito kay Jinli matapos matanggihan. Para bang hindi na siya si Jinli kapag nasa harapan siya ni Yiran.“Tulungan mo akong patuyuin yung buhok ko.” Sabi niya. Tapos, inabot niya ang tuwalya kay Yiran dahil plano na niya itong gawin nung una palang.Nagulat niyang tiningnan si Jinli habang binababa nito ang kanyang ulo na parang nakapuwesto na patuyuin ang buhok niya.“Bakit? May problema ba? Hindi ba lagi mo naman pinapatuyo yung buhok ko nung nasa rented house tayo?” tanong niya habang tinaas ang kanyang kilay.Magkakaiba ang mga bagay noon! Pinagdikit ni Ling Yiran ang kanyang mga labi. Maya-maya, nagsimula na siyang patuyuin ang buhok ni Jinli.Dahil natakpan ng tuwalya ang mukha nito, gumaan ang pakiramdam niya.Para siyang isang masunur
Read more
PREV
1
...
3435363738
...
91
DMCA.com Protection Status