Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Kabanata 541 - Kabanata 550

Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight! : Kabanata 541 - Kabanata 550

848 Kabanata

Kabanata 541

“Angeline, magpakasal na tayo. Ayaw ko nang maghintay pa,” mapait na bulong ni Jay.Umirap si Jenson kay Robbie. “Narinig mo ‘yon. Ang babaeng gusto ni Daddy ay si Angeline. Bago bumalik si Mommy, tila araw-araw iniisip ni Daddy si Angeline. Ginuguhit niya ang mga larawan ni Angeline at nakikinig sa kaniyang mga kanta. Sa tuwing naiisip niya si Angeline, tatawa nang masaya si Daddy.”Isang itsura ng pagkadismaya ang lumitaw sa mukha ni Robbie. “Gano’n pala kagusto ni Daddy si Angeline. Kung gano’n, hindi ba’t kaawa-awa si Mommy…”Walang masabi si Jenson. “Hindi kaawa-awa si Mommy. Tinago ni Daddy ang pagmamahal niya kay Angeline para kay Mommy. Sa katunayan, ang ganda-ganda ng trato ni Daddy kay Mommy.”Sa sandaling ‘yon, narinig nilang bumulong muli si Jay, “Wala akong paki kung ikaw si Rose Loyle o si Angeline Severe, ang mahalaga ay ikaw pa rin ‘yan. Ang pangalan mo at itsura mo, wala akong pakialam sa mga ‘yon. Sobrang namimiss ko lang ang masasayang panahon natin. Bumalik ka na, p
Magbasa pa

Kabanata 542

Napansin din ni Jay na may nangyari sa kaniya. Naghihinala siyang tumingin sa kaniyang mga anak at nagtanong, “Ano’ng ginagawa niyong dalawa rito?”Si Robbie ay pranka at agad na sumagot, “Daddy, kung wala ka rito, siguro ay…”Inapakan ni Jenson ang paa ni Robbie, kaya nanatili siyang tahimik.Sinabi ni Jenson, “Daddy, nauhaw kami ni Robbie, kaya noong nakita namin si Sera na nagdala ng mga prutas para sa ‘yo, pumunta kami rito kasi gusto rin namin ng prutas.”“Si Sera?” Naging malamig ang mga mata ni Jay.Siya na naman?Ang dalawang beses na nanaginip siya nang ganoon, pareho itong nauugnay kay Sera.Kahit na siya ay isang t*nga, mahuhulaan pa rin niya na pinagbabalakan siya ni Sera.“Lumabas na kayo’t maglaro,” mahinang sabi ni Jay.Naramdaman ni Jenson ang kalamigan sa mga mata ng kaniyang ama, kaya nahulaan niya na gumana ang kaniyang mga pahiwatig.Hinila ni Jenson ang kamay ni Robbie. “Tara na. Hayaan muna natin si Daddy na magpahinga.”Pagkatapos umalis ng mga bata, bumangon si
Magbasa pa

Kabanata 543

Isang kaakit-akit na gwapong lalaki na mayroong kasuotan na pang-doktor at isang gintong salamin na pumasok nang masigasig sa kwarto.Ang kaniyang mukha ay malinis habang ang kaniyang mga katangian ay matalas at malalim. Ang kaniyang ngisi ay isang nakagiginhawa. Siya ay mukhang maaasahan at matalino.Nagtanong si James, “Ano’ng pangalan mo?”“Storm!” Magalang na sagot ni Storm.“Ginoong Ares, mula ngayon, ako na ang personal mong physiotherapist. Sa susunod na tatlong buwan, tutulungan kitang itapon ‘yang tungkod mo at hahayaan kang maglakad muli gamit ang dalawa mong mga paa.” Ang boses ni Storm ay malinaw. Ang kaniyang tono ay maayos, ngunit mayroon itong kumpiyansa at pagmamalaki.Tumango si James. “Sana ay hindi mo ako bibiguin.”Ang chief physician ay inayos ang mga discharge procedure para kay James.Sina Storm at James ay magkasamang bumalik sa Rose Manor sa Tourmaline Estate.Sa Rose Manor, na dating puno ng ingay, ngayon ay wala nang laman.Sumandal si James sa kaniyang tungk
Magbasa pa

Kabanata 544

Kahit pagkatapos ng napakaraming taon, ang madam ay kinailangang tiisin ang malamig niyang trato. Walang sinuman ang nakakaintindi sa sakit niya.”“Mali ang ginawa ko sa kaniya,” bulong ni James.“Old Master, bawiin mo si Madam,” sabi ni Casey.Masigasig na tumingin si James kay Storm at sinabi sa kaniya, “Storm, dalhin mo nga ako sa Fragrant Vessel Court.”Pagkatapos makinig ni Storm sa pangit na love story na ‘yon, tuliro siyang tumayo roon.Noong bigla niyang marinig ang boses ni James, siya ay nagising. Ang kaniyang mga labi ay napangiti.P*ta, ninais niyang ipaalala sa matandang ‘yon na siya ay hindi alipin ni James at isa lamang physiotherapist niya.Gayunpaman, dahil ang matandang lalaki na ‘yo ay ninais na pumunta sa Fragrant Vessel Court, isinantabi muna ni Storm ang kaniyang dangal.Sinamahan niya si James patungo sa Fragrant Vessel Court.“Jay Ares, lumabas ka sa sandaling ‘to,” sumigaw si James noong dumating siya sa harap ng bahay.Ngumisi si Storm. Dahil may lakas ng loob
Magbasa pa

Kabanata 545

Tinulak ni Storm si James patungo sa sala.Si James ay nakatulog na sa wheelchair.Ngumiti si Jay at sinabi, “Gumagaling na ang kakayahan mo, ah.”Nainis si Storm, sinasabi, “Kung alam kong magiging bastos siya sa ‘yo, binigyan ko sana siya ng mas matapang na gamot.”Sumagot is Jay, “Kahit na ang droga ay walang anumang kulay o lasa, nag-iiwan pa rin ito ng bakas kapag nanatili iyon sa katawan mo. Ang iyong hypnotism ay palaging nakakatulong. Pwede ‘tong makatulong bilang kapalit sa paggamit mo ng droga sa susunod.”“Opo, Ginoong President.”“Pinatawag kita rito kasi mayroon akong emergency na kailangan kong ipagawa sa ‘yo.”“Sabihin mo sa ‘kin, Ginoong President.”“Noong naaksidente ang asawa ko sa Tourmaline Estate, si Josephine ay kasama niya. Gayunpaman, nakalimutan ni Josephine ang lahat ng ‘yon pagkatapos. Hula ko na iyon lamang ang pinili niyang kalimutan. Kaya, kailangan ko ang hypnotism mo para tulungan siyang maalala kung ano ang nangyari noong gabi na ‘yon.”“Opo, Ginoong Pr
Magbasa pa

Kabanata 546

Ang ekspresyon sa mga mata ni Jay ay nagdilim. “Nagtatago lang pala ‘to sa harap ko.”“Ginoong President, mukhang ang taong ‘yon ay kilalang-kilala ka,” sabi ni Storm.Sumagot si Jay, “Kaya siguro niya nagawang magtago sa harap ko.”Mahina ang boses niya, ngunit ang kaniyang tono ay parang nanggaling sa impyerno. Parang gusto na niyang sakalin ang kaniyang biktima.Napakuyom ng kamao si Storm, sinisigaw, “Ginoong President, ako na ang bahalang palabasan ang mga duwag na ‘to sa pinagtataguan nila!”Nagging kalmado si Jay. “Pumunta ka sa Sycamore Annex. Ang mga bata ay nananatili roon kasama ang kanilang lolo’t lola. Ilayo mo sila mula rito ngayong gabi.”“Ginoong President?” Ayaw ni Storm na iwan ang presidente sa sandaling ito kung kailan kailangan ng presidente ng kasama.“Maging mabuti ka.”“Opo.” Yumuko si Storm at nag-aatubiling umalis sa Fragrant Vessel Court.Tumayo si Jay sa tabi ng bintana, ang kaniyang mga mata ay nakatingin sa gabing langit na para bang naghahanap siya ng mal
Magbasa pa

Kabanata 547

“Magnanakaw ka man ng pera o babae, sa tingin ko ay maling lugar ang napuntahan mo,” malamig na sabi ni Jenson.Napalunok si Storm. Siya ay natuliro kay Jenson.“Hindi ako nagnanakaw ng pera at tiyak na hindi rin ng mga babae.” Hindi mapigilan ni Storm na umabot upang kurutin ang mukha ni Jenson.Simula noong bata pa ang mga miyembro ng Ghost, pakiramdam nila na ang kanilang presidente ang pinakamalapit nilang kamag-anak, ngunit ang presidente ay palaging may malamig na itsura, kaya walang sinuman ang may lakas ng loob na lumapit sa kaniya.Kaya, noong nakita niya ang dalawang bata na kamukha ang presidente, hindi mapigilan ni Storm ang kaniyang pagnanais na mapalapit sa kanila.At saka, si Jenson ay nakuha ang malamig na pag-uugali ng kaniyang ama.Nilayo ni Jenson ang malamig niyang mukha, kaya walang nakurot si Storm.Sa halip, itinuon naman ni Storm ang kaniyang mga kamay kay Robbie. Hinayaan lamang siya ng bata. Si Storm naman ay natuwa, kaya ngumiti siya nang abot-tainga. “Ang ba
Magbasa pa

Kabanata 548

Tinanggap ito ni Storm at bahagya itong inamoy, ang kaniyang ekspresyon ay nagbabago. “Saan mo ‘to nakuha?”“Ano ba ‘yan?” Tanong ni Jenson.Ayaw ni Storm na turuan ang mga bata ng mga bagay na hindi dapat tinuturo sa kanila, kaya binulsa niya iyon.Si Jenson ay hindi natutuwa. “Sa’min ‘yan!”Sumagot si Storm, “Itatago ko ‘to para sa inyo.”“Bakit naman?” Si Jenson ay hindi natutuwa.“Kasi mas matanda ako kaysa sa inyo,” sagot ni Storm.“Matandang inaaway ang bata.”“Walang hiya.”Walang masabi si Storm.Matalinong sabi ni Jenson, “Kahit na hindi mo sabihin, alam ko kung ano ‘yan.”Tumitig si Storm kay Jenson at matalinong tinanong, “Dahil alam mo na kung para saan ito, bakit gusto mo pa ring ilagay ko ‘to sa almusal ng lolo mo?”May bakas ng galit na lumitaw sa mga mata ni Jenson. “Binibigyan ko lang siya ng lasa ng sarili niyang medisina.”Natuliro nang sandali si Storm. “Jens, ano’ng ibig mong sabihin? May plano ba si Jack na gawin ‘yon sa ama mo?”Tumango si Jenson.Si Storm ay nag
Magbasa pa

Kabanata 549

Tumayo siya at marahang nilapitan si Sera.“Old Master Jack? May problema ba?” Pakiramdam ni Sera na ang tingin ni Jack ay nakakatakot, kaya mabilis siyang napaatras.“Sera Severe, ang lakas naman ng loob mong maglagay ng droga sa pagkain ko!” Si Jack ay punong-puno ng galit, ngunit ang kakaibang pakiramdam na nabubuo sa loob niya ay nagsasanhi sa galit na unti-unting humina. Ito ay napalitan ng pagnanais.Ang mukha ni Sera ay naging kasing puti ng papel. Hindi niya naintindihan kung ano ang nangyari kanina. Si Jay ang binigyan niya ng droga, ngunit siya ay ayos lang habang si Jack naman ang nakakaranas ng mga epekto noon.Tumalikod siya upang tumakbo palabas ng kwarto. Sa sandaling ‘yon, iisa lang ang layunin niya, iyon ay ang protektahan ang kaniyang kalinisang-puri dahil gusto niyang panatilihin ito para kay Jay na isang taong ayaw sa marumi.Sa kasamaang palad, ang study ay nakakandado. Siya ay nag-aalala na may makakaalam na siya ay nakikipagsabwatan kay Jack, kaya kinandado niya
Magbasa pa

Kabanata 550

Nang maisip na ang lalaking ‘to ay sinusubukang patayin si Rose ay nagsanhi kay Jay na magalit. “Sino ka?” Unti-unti niyang nilapitan ang lalaki.“Gusto mong malaman?” Tanong ng lalaki.Tumingin si Jay sa mala-multo na mukha ng lalaki at naintindihan na ang lalaking ‘to ay bihira lamang magpasinag sa araw. Kinutya niya ang lalaki, sinasabi, “Sa tingin ko ay wala kang lakas ng loob na harapin ang isang tao na tulad ko pagkatapos mamuhay na parang isang multo nang hindi nakikita ang araw buong buhay mo.”Ang lalaki ay nagalit kay Jay at sinubukang abutin ang leeg ni Jay, ngunit nagawa naman ni Jay na abutin ang kaniyang kamay. Inangat siya ni Jay at hinampas siya sa lupa. Ang mga kilos na ‘to ay mabilis na nangyari.“Jay Ares, ikaw dapat ang taong nagtatago. Narito lang ako para sa ‘yo.” Ang lalaki ay nakahiga sa lupa, ang maputla niyang mukha ay tila tinatagusan ng sinag ng araw.“Alam mo ba kung gaano kitang kinamumuhian?” Ang magandang mga mata ng lalaki ay mukhang seryoso, ngunit kaa
Magbasa pa
PREV
1
...
5354555657
...
85
DMCA.com Protection Status