All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 2321 - Chapter 2330
2479 Chapters
Kabanata 2321
Pagkatapos balaan si Madeline, nagsimulang maglakad palayo si Naya nang hindi humihinto. Para bang natatakot siya na baka mahalata siya ni Madeline kapag binagalan niya. Subalit, alam na ni Madeline ang totoo. Sadyang natatakpan lang ito. “Mula sa pagiging arogante niya. Tingin ko sigurado siyang hindi siya ibubuking ng lalaking sumalo ng sisi.” Dahan-dahang lumapit si Ava. Lumingon si Madeline at inabot ang phone kay Ava. “Ava, tawagan mo muna si Dan at tanungin mo kung nasaan siya.” “Tingin ko hindi na ‘yan kailangan.” Suminghal si Ava nang nakangiti. “Ang paglitaw ni Naya ay nangangahulugang hindi na ako makikita ni Dan. Ang lahat ng ito ay kasalanan ni Naya.” “Kung ganoon, tingin ko kailangan nating makahanap ng ebidensya sa krimen ni Naya nang maaga.” Medyo naging seryoso din ang mukha ni Madeline. “Ang naunang ebidensya ay hindi tumalab dahil biglang umamin ang taong tumanggap ng pera ni Chloe. Ibig-sabihin nito may kumausap sa kanya.” Parang may natukoy si Ava sa san
Read more
Kabanata 2322
Nalaman ng nanay ni Daniel na may kakaiba nang tingnan niya ang mga mata ni Naya. “Anong nasa isip mo?” Nagtatakang tanong ng nanay ni Daniel. Inilayo ni Naya ang kanyang titig at sinuguradong nakaakyat na si Daniel. Pagkatapos ay lumapit siya sa nanay ni Daniel at sinabi nang mahina ang boses. “Mrs. Graham, tingin ni Dan engaged na ako sa kanya, kaya gagamitin natin ito at magtatakda tayo ng wedding date. Basta ikasal kami ni Dan, wala nang kwenta kahit gumawa pa ng gulo si Ava.” Pagkatapos pakinggan ang alok ni Naya, mukhang nagdalawang-isip ang nanay ni Daniel. May sarili siyang plano sa isipan niya. Ang dahilan kung bakit pumayag siyang kasamahin ni Daniel si Ava noon ay dahil alam niyang ang nanay ni Ava ang pinakamayamang tao sa F Country. Talagang mabuting bagay ang magkaroon ng isang mayamang manugang. Subalit, naaksidente si Daniel, at dahil sa pagrereklamo ni Old Master Graham, nagsimula na naman ang nanay ni Daniel sa paninisi kay Ava. Salungat nito, pakiramdam
Read more
Kabanata 2323
Sa loob ng kwarto, nakaharap si Raegan at Neil sa isa’t isa. Tinitigan nila ang pagkain sa lamesa, ngunit kanina pa silang hindi nagsisimulang kumain. “Siguro narinig ni Ava ang lahat ng sinabi natin dito noong araw na iyon.” Nagsalita si Raegan. Bumuntong-hininga nang bahagya si Neil. “Tingin ko rin. Alam na ni Ava na ako ang tunay niyang ama sa mga oras na iyon. Hindi niya sinabi dahil siguro hindi niya alam kung paano ako haharapin.” Habang nagsasalita siya, nagsisising tinignan ni Neil sa mata si Raegan. “Umigi na ang relasyon niyo ni Ava, pero nasira na naman ‘yun ng paglitaw ko. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko para mapagaan ang sitwasyong ito…” “Huwag mo masyadong sisihin ang sarili mo.” Pinagaan ni Raegan ang loob niya. “Matigas si Ava sa labas pero malambot ang loob niya. Sa totoo nga, napakabait ng batang iyon. Madalas mukha siyang walang pakialam, pero napakaatentibo at mahinhin niya.” Sinabi ni Raegan nang mukhang nagmamalaki. “Ikinararangal ko talag
Read more
Kabanata 2324
Biglang dumiretso sa usapan si Ava. Napahinto sandali si Raegan at Neil. Pagkatapos magtinginan ng dalawa, pareho nilang ibinaba ang tingin nila nang tahimik. Mukhang sinisisi nila ang sarili nila at nagsisisi sila dito, ngunit kasabay nito, hindi nila alam kung paano silang magsisimulang magpaliwanag. Lalong nagtaka si Ava sa reaksyon nila. “Maraming taon na akong mag-isa. Tuwing makikita ko ang ibang mga estudyanteng sinusundo ng mga magulang nila tuwing pupunta at uuwi ako galing ng school, nagtataka ako kung bakit ako iniwan ng mga magulang ko.” Lalong napaisip sila Raegan at Neil sa sinabi ni Ava. Pagkatapos ay lalo silang nagsisi. “Nitong mga nagdaang taon, kinamuhian ko talaga kayong dalawa at hindi ko kailanman binalak na makipagbati sa inyo. Bakit niyo ako inabandona noong gusto niyo at kikilalanin niyo ako ulit kung kailan niyo gusto? Para akong laruan na dumadating at umaalis kung kailan niyo gusto.” “Hindi, Ava. Paanong mangyayari ‘yun? Paano ka magiging isang larua
Read more
Kabanata 2325
Masasabi bang sinadyang pang-iiwan ang nangyari noong taon na iyon?Siguro nga oo. Gustong umalis ni Madeline pagkatapos niyang ihatid si Ava pabalik ng apartment. Subalit, nakatanggap siya ng tawag mula kay Jeremy, kaya nagsimula siyang kausapin ito sa phone. Sa hindi niya inaasahan, nakita niya si Ava na tumatakbo palabas ng apartment habang umiiyak. Kaagad na ibinaba ni Madeline ang tawag at tumakbo patungko kay Ava pagkatapos bumaba ng kotse. “Ava!”Hindi inakala ni Ava na nandoon pa si Madeline. Subalit, nang marinig niya ang boses ni Madeline sa sandaling ito, kaagad na bumuhod ang lungkot sa puso niya. “Maddie!”Kaagad na tumakbo si Ava papunta kay Madeline at nagsimulang umiyak. “Ava, anong nangyari? Bakit ka umiiyak nang ganito?” Naninikip ang dibdib ni Madeline. “Anong nangyari? Wala ba sa bahay ang nanay mo? O hindi mo ba nagustuhan ang sagot niya?” “Inamin nilang hindi sila nag-alala man lang noong sinadya nila akong iwan sa kalye noon!” Sigaw ni Ava habang u
Read more
Kabanata 2326
Hindi nagdalawang isip si Madeline at mabilis na sinagot ang tawag. Malumanay na medyo garalgal ang boses ni Raegan sa kabilang linya, “Mrs. Whitman, pasensya na kung naabala kita. Ako ang ina ni Ava.” “Alam ko po, Ms. Xander. Meron po ba kayong gustong sabihin sa akin?” Magalang na tanong ni Madeline, dahil alam niya na malamang tumawag si Raegan dahil kay Ava. Bumuntong hininga si Raegan. “Nakita ko kayo ni Ava sa baba ng apartment kanina. Hindi na ako nangahas na gambalain pa siya uli, kaya hindi na ako lumapit. Gusto ko lang magtanong kung ayos na ba ang pakiramdam ni Ava ngayon?” “Mukhang kumalma naman na si Ava ngayon. Kakatapos lang niyang malligo at sabi niya ay medyo pagod na siya, kaya gusto na niyang magpahinga.” Sinabi ni Madeline ang totoo. “Mabuti naman.” Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Raegan. Pagkatapos, humingi siya ng pabor, “Mrs. Whitman, kung maaari sana ay pwede ba akong makahingi sa iyo ng isang pabor, sana naman ay meron kang oras na makipagkita
Read more
Kabanata 2327
Mukhang maganda naman na ang lagay ng isipan ni Ava. Binati niya si Madeline ng may ngiti, “Maddie, gising ka na pala. Ang cute naman ni Pudding. Noon ay gusto kong magkaroon ng anak na babae kapag kinasal na ako, ngunit ngayon sa tingin ko ay hindi na rin masama na maging lalake ang panganay ko.” Napangiti si Madeline ng marinig niya ito. “Kung ganun edi mag-anak ka ng kambal ng sa gayon ay magkaroon ka ng anak na babae at lalake ng sabay. Ngunit, huwag kang magrereklamo kung gaano kahirap magpalaki ng bata kapag nangyari yun.” “Magiging mahirap man yun, ngunit ang hirap naman na iyon ay sulit dahil ang cute ng mga bata.” Ngumiti si Ava at nilaro ang munting bata na nasa kanyang mga bisig. Naging mas masigla ang ngiti ni Ava ng makita niya na humagikgik ang munting bata. Nakaramdam din ng init si Madeline ng makita niya ang eksenang ito. “Tama ka. Makakaramdam ka ng saya sa tuwing maikita mo ang sanggol na nagmula sayo. Hangga’t nasa mabuting kalagayan ang bata, tayo, bilang
Read more
Kabanata 2328
Totoo, pinakiusapan ni Raegan si Madeline na makipagkita sa kanya at kausapin ito tungkol sa bagay na ito. Alam niya na magiging mahirap para sa kanya na kausapin si Ava ngayon, kaya siguro magiging mas mainam na gawin ito sa tulong ni Madeline. Subalit, nang maalala niya ang eksena nang mga oras na iyon, meron pa rin nararamdaman na matinding pagsisisi si Raegan sa kanyang damdamin. Nakita ni Madeline ang paghihirap at pagsisisi sa mga mata ni Raegan. Matapos niyang mag-isip sandali, binuka niya ang kanyang bibig at nagtanong, “Kagabi, sinabi sa akin ni Ava habang umiiyak na inamin niyo na sadya niyo siyang iniwan noon. Ngunit pakiramdam ko ay hindi talaga ganun ang nangyari.” Nang marinig niya ito, malungkot na napa-buntong hininga si Raegan bago siya nagsimulang nagsalita, “Tama si Ava. Totoo na sadya ko siyang inwan noon sa kalsada. Nakatayo pa nga ako sa isang sulok habang pinagmamasdan siya. Umalis na lang ako ng hindi man lang lumilingon.” Nagulat si Madeline sa sagot n
Read more
Kabanata 2329
Kaagad na naging panatag ang kalooban ni Raegan, at lubos ang kanyang pasasalamat kay Madeline dahil sa pagmamahal nito para kay Ava. Sa may kumpanya, gustong pagtuunan ng pansin ni Ava ang kanyang disenyo ngunit wala siya sa sarili. Pagkatapos niyang makita si Ava na malungkot, nagdesisyon si Maisie na bilhan si Ava ng milk tea. Kapag ang isang babae ay malungkot, ang pag-inom ng milk tea ay kaagad na nagpapabago ng mood nito. Ito ay isang uri ng metapisika. Pinag-iisipan pa lang ito ni Maisie at magpapadeliber na sana, ngunit ng buksan niya ang kanyang phone, biglang may dalawang order na ng milk tea ang nasa kanyang lamesa. Nagulat siya ng tumingin siya sa kanyang likuran at nakita si Tom na ngumiti. “Ito ay ang tsaa mo para sa tanghali. Bigyan mo ang katrabaho mo.” Binuka ni Maisie ang kanyang bibig at nag-alangan. Meron lang dalawang baso dito, kaya paano niya babahagian ang mga katrabaho niya? Malinaw na para lang ito sa kanila ni Ava, tama? Para bang kaya niy
Read more
Kabanata 2330
Meron talaga siyang gustong itanong sa kanya, ngunit ngayon na nakaupo na siya sa kotse nito, hindi alam ni Ava kung paano sisimulan ang usapan. Tinignan niya ang mga sasakyan na lumilitaw sa bintana. Bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan sa kanyang puso. “Kung tama ang hula ko, pumayag ka na sumakay sa kotse ko dahil may gusto kang itanong sa akin, tama?” Ng bigla, binasag ni Tom ang katahimikan sa loob ng kotse. Bumalik ang ulirat ni Ava at tinignan niya ang lalakeng nagmamaneho. Nagpalinga-linga si Tom ng nakangiti ng bahagya. Mukha siyang maginoo at mabait. Tumango si Ava ng hindi tumatanggi. “Tama, meron akong gustong itanong sayo.” “Tungkol ba to kay Dr. Long?” diretsong tanong ni Tom. Bakas ang gulat sa mga mata ni Ava. Para bang nagulat siya dahil nabasa ni Tom ang kanyang isipan. “Hula ko lang naman.” Binuka ni Tom ang kanyang bibig para sabihin ito bago nagpatuloy. “Nakasalubong ko si Dr. Long noong pumunta ako sa apartment mo malapit sa kumpanya. Nang
Read more
PREV
1
...
231232233234235
...
248
DMCA.com Protection Status