All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 61 - Chapter 70

4915 Chapters

Kabanata 61

Hindi masyadong nag-alala si Harvey sa kanila. Humarap siya kay Mandy at marahan niyang sinabi, “Tumawag ka, at ilagay ito sa speaker mode. Magtiwala ka sa akin!”Nag-ring ang telepono.Sa tunog na iyon, ang mga maiingay na Zimmer ay tumingin sa isa’t isa nang walang magawa. Pagkatapos ay nanahimik sila kaagad.Kahit si Senior Zimmer na laging pinapaboran si Zack ay nakakagulat na nagpigil sa sandaling iyon. Dahil napakahalaga ng investment funds na fifty million dollars. Kung hindi nila makuha ang investment funds na iyon, maaaring masira ang mga Zimmer.“Hello, kumusta ka? Ako ang secretary ng CEO ng York Enterprise—si Yvonne Xavier. Maaari ko bang malaman kung sino ito…” Makalipas ang ilang sandali, isang kaaya-aya ngunit malamig na tinig ang narinig.Ang magandang mukha ni Mandy ay napuno ng pag-aalala at naging awkward. Sinabi niya pagkatapos, “Miss Xavier, hello. Ako si Mandy ng mga Zimmer. Nagkita tayo kahapon...”“Oh, Ikaw pala yan Miss Zimmer!” Mas lalong nanlamig ang bo
Read more

Kabanata 62

Sa Zimmer residence.Ang mga tao sa Zimmer ay walang magawang nagkatinginan sa isa’t isa. Makalipas ang ilang sandali, karamihan sa kanila ay nakatingin kay Zack. Sa oras na iyon, nabunyag ang buong katotohanan.Ngumiti si Harvey, at bumalik sa sulok. Wala na siyang pakialam sa mga susunod na mangyayari. Kung hindi tanga ang mga Zimmer, alam na dapat nila ang gagawin.Isang sampal ang narinig.Naglakad si Senior Zimmer at lumapit kay Zack. Malakas niyang sinampal si Zack. Ngunit sa sandaling iyon, hinawakan na lamang ni Zack ang kanyang mukha at hindi na naglakas-loob na magsalita pa.“Wala kang kwenta! Labis mo akong binigo! Sayang lang ang pagpapalaki ko sayo bilang heredero. Pero ikaw…” Galit na galit si Senior Zimmer na hindi tumigil sa panginginig ang kanyang katawan.“Lolo, hindi ko sinasadyang mangyari iyon. Saglit ko lang kinausap ang babaeng receptionist. Hindi ko alam na babae siya CEO!” Sa puntong iyon, lubos na nagsisisi si Zack.“Hindi pwede ito. Kailangan nating re
Read more

Kabanata 63

“Harvey, wala ka bang kahit konting dignidad? Umaasa ka lang sa iyong pamilya. Bakit ka umaastang parang ikaw ang padre de pamilya? Sa palagay mo ba may lugar ka dito para ilabas ang opinyon mo?” Lumapit si Sean at malamig na tinitigan si Harvey.Si Harvey ang dahilan kung bakit labis na napahiya ang kanyang minamahal na anak sa harap ng maraming tao. Sa sandaling iyon, labis niyang kinamumuhian si Harvey.“Nais mong magsalita para kay Mandy? Pumayag ba siyang gawin mo iyan? Kahit pumayag siya, hindi pa nagsasalita ang mga biyenan mo. Anong karapatan mong magsalita dito? Hindi mo nga alam ang ibig sabihin ng seniority at propriety! Lumayas ka!” Tinitingan nang may paghamak ni Sean si Harvey.“Kuya, tama ang sinabi ni Harvey. Hindi pupunta si Mandy sa pagkakataong ito!” Biglang nagsalita si Lilian.“Ikaw… Anong sinasabi mo?” Inunat ni Sean ang kanyang sarili at itinuro ito kay Lilian. Galit na galit siya na maski ang kanyang daliri ay nanginginig ngayon.“Kumusta naman ikaw at ako?
Read more

Kabanata 64

Saglit na isinaalang-alang ito ni Lilian, at napagtantong medyo makatwiran iyon. Kung iyon talaga ang magiging dahilan ng ikalulugi ng mga Zimmer, mawawala ang kanyang marangyang buhay.“Okay.” Matapos isipin yon sandali, tumango si Lilian at sumang-ayon doon.“Hindi pwede!” sa wakas, si Harvey, na nakatayo sa gilid, ay muling nagsalita.Sa sandaling iyon, ang lahat ng mga Zimmer ay galit na tinitigan si Harvey, kasama na si Lilian.Tinalakay ito nang mabuti ng mga Zimmer. ‘Bakit gumagawa na naman ng gulo ang live-in son-in-law na ito? Wala ba siyang kamalayan sa sarili?’Malamig na sinabi ni Lilian, “Harvey, lumayas ka! Hindi ito lugar para maglabas ka ng opinyon mo!”“Ma, nagsasalita ako para kay Mandy! Gusto kong itama ang maling nilagay sa kanya! Sa una, siya ang nakapirma sa kontrata ng York Enterprise. Pero walang kahit anong pake ang mga Zimmer tungkol doon, direkta nilang pinalitan ang person-in-charge. Ngayong nasira na ang buong kooperasyon, gusto ng mga Zimmer na pumun
Read more

Kabanata 65

Itatalaga si Mandy bilang CEO basta makuha niya ang investment. Kumalat ang balitang iyan sa buong pamilya Zimmer.Marami sa kanila ang nagulat. Ngunit wala na sila masyadong sinabi dahil alam nilang maaaring malugi ang mga Zimmer kung hindi nila makukuha ang investment funds.Para sa karamihan sa kanila, wala silang problema kung sinong nasa kapangyarihan basta lagi nilang mapanatili ang kanilang marangya at ekstrabaganteng buhay.Sa pamilya naman ni Zack, parehong nakaharap sa isa’t isa ang ama at anak, nakatingin sa isa’t isa nang walang magawa.Mukhang mapanganib si Zack. Sinabi niya, “Dad, lahat ng tao sa pamilya ni tito ko ay puro mga talunan. Lahat sila ay mga walang utang na loob na pumanig sa isang tagalabas. Hindi lamang nila napanood at nasaksihan kung paano ako pinahiya ni Harvey, gusto pa nilang kunin ang posisyon bilang CEO dahil sa kung anumang investment na iyan. Grabe na ang pambubully nila sa atin!”Itinuon ni Sean ang kanyang atensyon at sinabing, “Tama si Senio
Read more

Kabanata 66

Ang make-up ni Wendy ay marikit, na nagpaganda sa kanya noong araw na iyon. Sa una, hindi siya nakilala ni Howard. Ngunit pagkatapos niyang tanggalin ang kanyang sunglasses, hindi nagtagal ay nanginig si Howard sa kanyang kaibuturan. Namutla rin ang kanyang mukha.Siya ang diyosa na hindi niya nagawang makuha ang kanyang contact. Hindi lamang siya nagtatrabaho bilang isang supervisor sa York Enterprise, nagmamaneho din siya ng Porsche. Samantala, isa lamang siyang security guard doon…Medyo napatigil si Howard, at hirap na hirap siyang lumunok.Habang nakatayo sa tabi nila, walang naramdaman si Harvey. Naglakad siya palapit kay Wendy, ngumiti at sinabi sa kanya, “Medyo makitid ang naiwang parking space. Bakit hindi mo kunin iyong akin?”Nagulat si Wendy. ‘Lumapit si Mr. York at kinausap ako!’Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at lumabas. Pagkatapos ay sinabi niya, Okay lang. Pumarada ka na lang diyan.”Nang sinabi niya iyon, tiningnan niya ang parking space na iyon. Di n
Read more

Kabanata 67

Umiling si Wendy at sinabi, “Sinabi sa amin ng CEO na wala siyang oras para tumanggap ng bisita. Ngunit patungkol sa insidente ng mga Zimmer, inutusan ako ng CEO na maging in-charge dito. Kaya’t kung meron kang kahit anong request, sa akin mo na lang sabihin nang direkta.”Naglabas ng ilang dokumento si Mandy at inabot ang mga ito kay Wendy. Pagkatapos ay mahina niyang sinabi, “Kung gayon, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Miss Sorrell, ang shopping center project ng mga Zimmer ay talagang isang pambihirang asset. Bagaman dalawang beses niyo na kaming tinanggihan, nais pa rin naming makipag-usap para sa investment.”Mabusising binasa ni Wendy ang mga dokumento. Pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, “Miss Zimmer, dahil personal kang pumunta ngayon, hindi na kita papahirapan pa. Makakapag-invest kami sa shopping center ng mga Zimmer…”“Talaga?” Mukhang naguguluhan si Mandy. Akala niya pahihiparan siya, pero hindi niya sukat akalaing ganito kadali iyon.“Huwag kang mag-alala. Paking
Read more

Kabanata 68

“Alright, Mr. York!” Tumango si Yvonne. Sa parehong oras, naawa siya para sa mga Zimmer. Paano nila nagawang apihin ang asawa ng CEO? Hindi talaga alam ng mga Zimmer kung paano ayusin ang mga ugali nila."Oo nga pala, kausapin mo si Tyson na pumunta at makipagkita sa akin mamayang hapon." Biglang may ibang taong sumagi sa isip si Harvey.Nagulat si Yvonne. Si Tyson ay isang gangster sa Niumhi, at medyo maganda ang pamumuhay niya. Wala siyang kahit anong pakikipag-ugnay sa York Enterprise. Bakit ang CEO...“Sabihan mo siyang pumunta.” Nagsalita ulit si Harvey.Parang may nasa isip ni Yvonne. Ngunit magalang siyang tumango bago umalis ng opisina. Pagkatapos ng lahat, kailangang sundin ang bawat utos ni Harvey at gawin sa York Enterprise ano pang mangyari. Kailangan lang niyang gampanan ang kanyang gawain, at hindi niya na kailangan pang magtanong ng dahilan.…Dumating si Tyson. Hindi ito sukat akalain ni Yvonne. Si Tyson ay kilala bilang isang nakakatakot at makapangyarihang tao s
Read more

Kabanata 69

May isa pang magandang babae sa tabi ni Mandy. Nakakagulat na si Cecilia iyon. Sobrang sexy ng kanyang body figure. Sa sandaling iyon, nakasuot siya ng napakaikling palda, at mukhang kaakit-akit.Magkatabing nakatayo ang dalawang magandang babae, at nagtataglay sila ng dalawang magkaibang aura. Talagang maraming tao ang lumingon at tumingin sa kanila nang dumaan sila.Nang makita si Harvey, sumimangot si Cecilia. Naging awkward din siya. Ngayon lang ulit sila nagkita ni Harvey matapos ang insidente sa eight hundred thousand dollars. Naisip niya ang insidente kung saan tumaya sila at maya-maya ay nag-blush siya.Ngunit hindi pinansin ni Harvey si Cecilia. Naglakad siya palapit kay Mandy na walang pakialam. Ngumiti siya saka sinabi, "Mahal, narito ako!"Nainis si Cecilia dahil dito. ‘Nagsuot ako ng nakaka-akit. Siguradong mabibighani ang sinumang makakakita sa akin dahil meron akong magandang hugis at hitsura. Pero bakit ang arrogante mo! Ni hindi mo man ako tiningnan direkta. Gusto
Read more

Kabanata 70

Pero kung malaman ni Cecilia na ang bata at gwapong CEO ay tinutulugan siyang hawakan ang bag niya ngayon, ano kayang iisipin niya?Seryosong tiningnan ni Mandy si Cecilia. Matapos ang ilang sandali, tumango siya at sinabi, “Oo, malaki ang tsansa mo. Ngunit may problema. Marami kang karibal ... ”“Eh?”“Bagaman hindi ko pa nakikita ang CEO, nakita ko na ang iba. Ang kanyang secretary, manager, maging ang babaeng receptionist ay sexy at kaakit-akit. Malapit sila sa kanya, kaya may mas malaki silang tsansa doon. Eh ikaw? Kung pupunta ka sa kumpanya at tumulong sa paglilinis doon, pwede ring mong linisan ag desk ng CEO araw-araw. Kung hindi, wala kang tsansa!” Sabi ni Mandy.“Magandang ideya! Tulad ng inaasahan ko, kilalang kilala mo talaga ako. Pupunta ako para mag-apply ng trabaho bukas…”Masayang nagtawanan ang dalawang babae. Ngayon, naging magandang imahe sila sa kalye, at maging si Harvey na nakatayo sa likuran nila ay hindi rin pinansin.Sa kanila pag-gagala, narating nila an
Read more
PREV
1
...
56789
...
492
DMCA.com Protection Status