All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 4111 - Chapter 4120

4832 Chapters

Kabanata 4114

’Tumawag ako ng kahit na sinong gusto ko?’Halos masuka ng dugo si Kellan Ruiz pagkatapos marinig ang mga saligang iyon. Siya ang madalas na magsasabi ng ganito bago niya tapak-tapakan ang suporta ng iba. Talagang sariwa ang pakiramdam na ito…Hindi niya inasahang babaliktad ang sitwasyon nang ganito. Napuno ng matinding poot si Kellan. Siya ang lalaking may hawak sa Newgate Chamber of Commerce, pero sa wakas ay nakahanap na siya ng katapat. Sobra siyang napoot. Pahiyang-pahiya siya. Gusto niyang magsalita para mabawi ang dangal niya…Pero alam niyang mapapahiya lang siya lalo kapag nagpasya siyang gawin iyon. Mabubugbog lang siya lalo. “Maghintay ka lang, bata! Hindi ko kailangan ang Heaven's Gate para tapusin ka!” malamig na sigaw ni Kellan. “Ang organisasyon ay may daan-daang brothers at isang dosenang eksperto!“Madali ka nilang mapapatumba!”Nagsimulang tumawag si Kellan sa sandaling ito. Natural na handa siyang tawagin ang buong organisasyon. Nahimasmas
Read more

Kabanata 4115

Kaagad na nanumbalik ang tapang ni Kellan Ruiz pagkatapos makita ang suporta niya. Natural na mga talentadong personalidad ang mga taong iyon mula sa organisasyon na madalas lumalaban para palawakin ang teritoryo nila. Kumaway si Kellan hindi nagsasalita. Isa itong mabangis na eksena. “Sugod! Lumpuhin niyo ang h*yop na'to!” malamig niyang sigaw habang nakaturo kay Harvey York. “Ako ang aako ng responsibilidad kapag namatay siya!”Hindi nagsayang ng oras ang isandaang tao na kaladkarin ang mga bakal na tubo sa lapag habang sumugod sila kay Harvey. Bumuntong-hininga si Harvey. Tinawagan na niya sana sina Rachel Hardy o si Trey Bierstadt para tumulong kung alam niya lang na mangyayari ito.Lalo na't baduy para sa kanya na iligpit ang ilang mahihinang nilalang. Nagpakita ng pagkaawa si Harvey nang humakbang siya paharap bago inihampas ang likod ng kamay niya. Pak!Tumilapon si Kellan bago bumangga sa ilang dosenang tao sa likuran niya. Hindi nagtagal, sumigaw siya ulit sa
Read more

Kabanata 4116

May naisip si Kellan Ruiz…‘Bilis lang ang paraan para magtagumpay!‘Masyado bang mabilis ang lalaking to na kaya niyang kalimutan ang bawat isang patakaran ng martial arts?!‘Imposible yun!‘Masyado pa siyang bata! Imposibleng may ganitong klase na siya ng kaalaman!‘Ang lahat ng mga taong nakagawa na nito ay mga God of War!‘At hindi rin ganito kabata ang mga God of War sa Country H!’Nag-isip sandali si Kellan bago naisip na baka isang King of Arms si Harvey York at mahihirapan niya siyang tapusin. Palihim niyang binunot ang phone niya para tumawag ng iba pang tao.‘Kung isa talaga siyang King of Arms, walang magagawa ang mga taong to!’Gulat na gulat sina Westin Miller at ang iba pa nang nakita nila ang eksena. Sa isipan nila, napalibutan at nabugbog na dapat si Harvey kahit na hindi siya mamatay. Hindi inasahan ng kahit na sino na ganito kagaling si Harvey. Natalo na niya halos kalahati sa mga tauhan rito nang wala mang masyadong hirap!Nakakatakot!“Paanong nan
Read more

Kabanata 4117

Kalmadong humakbang si Harvey York paharap bago inihampas ang palad niya sa mga lalaking sumusugod sa kanya. Hindi kasing bangis ng mga sipa ang mga sampal, pero tumalsik pa rin ang mga tao sa kung saan-saan. Narinig ang mga nasasaktang sigaw sa buong lugar. Sa isang kurap, mabilis na napatumba ni Harvey ang mga natitirang tao. Nakahiga sa likuran niya ang mga tambak ng katawan. Nang sinampal ni Harvey ang huling tao, wala nang natirang nakatayo sa kanila. Sumenyas si Harvey gamit ng daliri niya sa harapan ni Kellan Ruiz nang mukha siyang nakakain ng ampalaya. “Halika pala. Pakitaan mo pa ako.”Sumuko kaagad si Kellan. “Wag… Wag kang lalapit!“Sugod! Kayong lahat!”Umatras si Kellan habang nanginginig nang matindi. Puno ng gulat, poot, at kawalan ng pag-asa ang ekspresyon niya. Sayang lang at hindi na siya kayang protektahan ng mga tauhan niya. Ang ilan sa kanila ay nawalan ng malay, pero mas marami sa kanila ang nawalan ng lakas ng loob na lumaban. Lalo na't
Read more

Kabanata 4118

Hindi man lang alam ni Westin Miller kung anong mararamdaman niya sa sandaling ito. Binalak niyang gamitin ang lakas ni Kellan Ruiz para tapak-tapakan ang live-in son-in-law na nang-agaw sa babae niya…Hindi lang pumalpak ang planong iyon, sobra ring napahiya si Kellan. ‘Ako ang anak ng chairman ng Deepsky Corporation!‘Paanong nagkaganito ang lahat?! Pumasok ang poot sa isipan niya habang nagngitngit ang ngipin niya. “Ano naman kung kaya mong lumaban?!“Sa tingin mo kaya mong labanan ang isang billion-dollar corporation sa pamamagitan lang ng pakikipaglaban?!“Hindi mahalaga kung kaya mong lumaban! Hindi mo kayang manalo sa baril!”Pumihit ang sikmura ni Westin habang lalo niyang sinubukang pakalmahin ang sarili niya. Punong-puno ng paghanga at respeto ang mga babae nang tumingin sila kay Harvey York. Naramdaman ni Westin na kumirot ang puso niya at tuluyang siyang nadurog. “Hindi! Imposible to!” bulong niya sa sarili niya. Tinapakan ni Harvey ang mukha ni Kellan sa
Read more

Kabanata 4119

Alas dose ng tanghali.Sa loob ng CEO office ng Newgate Chamber of Commence. Umupo si Harvey nang magkapatong ang binti sa kanyang upuan. Kalmado siyang uminom ng tsaa habang nakatingin sa paligid.Magaling pumili si Kellan Ruiz…Medyo makaluma ang lugar, pero mukhang mamahalin rin ito. Hindi naman ito pangit tingnan. Ilang magagandang mga sekretarya ng organisasyon ang nasa harapan ni Harvey, nagtitimpla ng tsaa habang pinapaypayan siya. Kung hindi tumanggi si Harvey, pinadalhan na sana siya ng mensahe nito. Higit sa lahat, nakita nilang lahat ang nangyari sa labas. Napuno sila ng inis at panghahamak nang makita nila si Harvey, ngunit pagkatapos makitang magmakaawa si Kellan habang inaapakan ang mukha nito…Nabigla sila nang sobra.Walang-hanggang paghanga at respeto ang makikita sa mga mata niya.Kapag sinabi ni Harvey, handa silang maghubad doon mismo.Sayang lang at hindi siya interesado sa mga ito. Nagtataka siyang tumingin sa salamin sa gitna ng bulwagan.Antigo
Read more

Kabanata 4120

”Anong ibig-sabihin nito?” seryosong tanong ni Harvey York habang umiinom ng tsaa.“Kasalanan namin kaya kailangan mong magpunta para ayusin ang utang namin!” magalang na sagot ni Kellan Ruiz.“Kaya gusto naming bumawi nang maayos sa iyo!“Hindi mo kailangang mag-alala sa kahit ano dito!“Hindi lamang namin aayusin kaagad ang mga utang namin, magbabayad rin kami kaagad ng para sa tatlong proyekto!“Heto ang mga pondo sa unang taon!“Sana bigyan mo kami ng pagkakataon.“Higit sa lahat, may mga medical supplies at makinarya kaming kailangan. Mayroon nito ang Zimmer Enterprise.”“Ang Zimmer family lamang ang handang makipagtulungan sa amin saa Golden Sands.”Inilabas ni Kellan ang isa pang forty-four million-dollar check bago ito ilapag sa harapan ni Harvey.Naningkit ang mata ni Harvey. Alam niyang hindi masyadong madali kausap si Kellan, ngunit hindi siya natakot dito.Higit sa lahat, dudurugin lang niya ito kaagad kapag gumawa na naman ito ng kalokohan.“Sige. Kukunin ko an
Read more

Kabanata 4121

Matagal nang ayos ang kalagayan ni Kellan Ruiz mula noong nakikipaglaban siya at pumapatay ng tao sa underworld, laging ipinapakita ang kagustuhan niyang pumatay.Kung hindi dahil dito, maraming beses na siyang namatay mula noon.“Mamamatay ako?!Nanigas si Kellan bago kusang mapatingin sa salamin sa likuran niya.“Binili ko ito sa antique market para lang magyabang, Sir York!“Ilang daang dolyar lang ang halaga niyan! Anong problema dito?”Sa tunay na lakas lamang naniniwala ang isang sanggano na tulad ni Kellan.Hindi siya mahihilig sa ganitong mga pamahiin.Ito ang dahilan kung bakit hindi siya naniwala sa mga sinabi ni Harvey.Higit sa lahat, wala nang may kailangang mag-away kapag may mga ganitong bagay. Ang lahat ay pwedeng basta na lang umasa sa mga bagay na tulad ng geomancy arts.Tingin niya pinaglalaruan lamang siya ni Harvey sa sandaling ito.Kung hindi dahil sa katotohanang talagang dinurog siya ni Harvey, iisipin niya ssi Harvey ay isa lamang manloloko.“Hindi
Read more

Kabanata 4122

”Tama na!“Puro ka na lang kain!“Wala nang natitirang upuan para sa kanya! Hindi pa nga sapat para sa ating lahat ang mga pagkain!“Manahimik ka at kumain, tapos umalis ka na dito!”Mukhang masama ang tingin ni Xynthia Zimmer.“Kukuha na lang tayo ng isa pang upuan! Pamilya naman tayo kahit anong mangyari…”“Pamilya? Hindi siya pamilya sa amin!“Binibigyan ko na siya ng paggalang sa pagpapatuloy ko sa kanya dito!“Higit pa rito, kulang pa nga ang mayroon ang baby boy ko!“Walang pagkain para sa mga basurang tulad niya!”Walang-tigil na ininsulto ni Lilian Yates si Harvey York habang nakatitig ito nang masama.“Mas mabuti pa ang turing mo sa akin kaysa sa sarili kong ina!” sigaw ni Gabriel.“Paano mo nalamang marami ako kumain?“Ang lahat ng nasa lamesa ay kulang na sa akin pa lang!”Mukhang walang magawa si Xynthia.“Akala ko napag-usapan na nating para kay Harvey ang chicken stew…”“Manahimik ka!Nagalit nang sobra si Lilian nang marinig niyang sumasagot si Xynthia.
Read more

Kabanata 4123

Bam!“Heto ang utang ng Newgate Chamber of Commerce!Bam!“Heto ang kanilang five-year contract!Bam!“Heto ang forty-four million dollars, ang collaboration fees para sa taong ito!“Magbabayad sila nang mas maaga bawat taon!“Kung wala ito, pwede mong bawiin ang kontrata anumang oras.Ngumiti nang bahagya si Harvey York habang nakatingin kay Lilian Yates.“Hindi ko lamang nabawi ang pera, nakakuha pa ako ng isang five-year contract at maagang bayad para sa atin.“Pwede na bang manahimik ang pamilyang ito?Pagkatapos, basta na lang dinampot ni Harvey ang isang plato bago ito ibagsak sa harapan ni Gabriel Lee.“Heto oh. Huwag mong kalimutang humigop ng sabaw kasi baka mabulunan ka.”“Ano?”Nabigla ang buong pamilya nang makitang ilabas ni Harvey ang lahat ng iyon. Hindi sila makapaniwala.Hindi lamang naayos ni Harvey ang utang, nakakuha pa siya ng kontrata kasama ang isang buong taon na maagang bayad.Walang karaniwang tao ang makakagawa ng ganitong bagay!“Hindi! Impo
Read more
PREV
1
...
410411412413414
...
484
DMCA.com Protection Status