All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 2701 - Chapter 2710

4849 Chapters

Kabanata 2701

Ang lalaki ay nakasuot ng balabal mula sa Nanyang at may aura na napakaelegante. Naghalukipkip siya at tinitigan nang masama ang paligid niya. "Baliin mo ang isa sa mga braso mo at umalis ka na rito. Kapag ginawa mo yun, hahayaan kitang mabuhay," sambit niya nang may tonong kasing lamig ng yelo. Siya ay walang iba kundi ang Nanyang God of War, si Dean Cobb!“Dean Cobb?!”Nanginig ng ilang panauhin mula sa Hong Kong pagkatapos makita ang matandang lalaki. 'Ang maalamat na Nanyang God of War?''Bakit siya nandito?''Base sa itsura niya, mukhang bumalik na siya sa dati niyang lakas!' 'Talagang nandito ang napakalakas na God of War ng timog-silangang karagatan… Hindi ako makapaniwala...!'Ang mga pamilyar sa kanya ay hindi makapaniwala. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. "Si Dean Cobb? Ang Nanyang God of War?" Malamig na tumawa si Mitchell, hindi siya natatakot. "Naaalala ko na! Ikaw ang imbalidong yun, tama?""Ang lakas ng loob ng isang imbalido na ipagtanggol
Read more

Kabanata 2702

Kinamumuhian ni Daito ang mga tao mula sa Nanyang nang buong puso. Kahit na may titulo ng God of War si Dean, hindi naniwala si Daito na ang matanda at baldadong lalaking ito ay espesyal. Gayunpaman, malumanay na ngumiti si Dean. "Mukhang pagkatapos kong magtago ng sampung taon, nakalimutan na ng lahat kung ano ang kinakatawan ng Nanyang God of War." Booooom!Humakbang paharap si Dean. Pagkatapos nang isang gabi ng pahinga, nanumbalik ang dati niyang lakas. Sa isang sandali lang, isang malakas na aura na mas nakakatakot pa kaysa sa Sword Saint ang nagmula mula sa katawan niya. Kaagad na lumitaw sa kapag ang mga bitak na parang sapot ng gagamba. Sa madaling salita, sobrang nakakatakot ng eksenang ito. Marami ang nagbago kaagad ang ekspresyon pagkatapos makita ang nangyari. May narinig na malakas na tunog ng tubig, at ang onmyoji na lumulutang sa ere ay sumuka ng dugo sa sandaling naramdaman niya ang bigat ng aura. Isang segundo ang lumipas, hinimatay siya at bumagsak
Read more

Kabanata 2703

"P-Patawad, God of War!" Natatarantang sumagot si Daito. "Patawad at nagalit kita ngayong araw! Sana patawarin niyo ko, sa ngalan ng Shinkage Way!" "Aalis na kami ngayon din! Oo, ngayon din!" Desperadong sinubukan ni Daito na pasayahin si Dean. Noong una, akala niya ay mabangis lang sa panlabas ang imbalidong God of War… Pero ngayong nakatayo na siya sa harapan ni Dean, napansin niya na nasa ibang lebel siya maski sa ibang mga God of War. Tanging ang ama lang ni Daito ang makakalaban kay Dean… Matindi ang haharapin ni Daito kung lalabanan niya si Dean. Kamatayan lang ang naghihintay sa kanya. Mayabang si Daito, pero hindi siya tanga. Hindi siya gagawa ng ganito kapusok na bagay. "Hindi ba medyo huli na para magmakaawa?" Malamig na suminghal si Dean bago humakbang paharap. Crackle!Kaagad na lumipad ang mga bato sa lapag. Isa itong mala-bangungot na eksena! Pew, pew, pew!Ang lahat ng mga eksperto ng Shinkage Way ay bumagsak sa sarili nilang dugo. Wala sa kanil
Read more

Kabanata 2704

Pak! Lumapit si Dean at sinipa si Daito sa lapag, mukha siyang seryoso habang ginagawa ito. "Sabihin mo kay Akio na mula ngayon, suportado ko si Sir York!""Kapag hinawakan niya si Sir York, ako ang kinakalaban niya!" "Naintindihan mo?!" Tumulo ang malamig na pawis sa ulo ni Daito. San takot, tumakbo siya palabas. Alam niya na buhay lang siya ngayon dahil kailangan ni Dean ng mensahero. Kung hindi siya lalabas kaagad, baka magbago ang isip ni Dean at tapusin niya ang buhay ni Dean sa sandali ring iyon. Para naman sa kung paano tatapusin si Harvey, kailangan niya munang ipaliwanag ang buong sitwasyon sa ama niya. Naniniwala siya na ang ama niya, si Akio Yashiro, ay tiyak na may lakas para mabawi nila ang dignidad nila. Kasabay nito, kumuha siya ng pagkakataon para titigan nang masama si Harvey. Napuno siya ng galit sa sama ng loob na mayroon siya para kay Harvey. Nang umalis ang mga Islander, isang malaking grupo ng tao ang lumitaw sa entrance. Naroon ang mga mi
Read more

Kabanata 2705

"Sa tingin mo pwede mong gawin ang kahit na ano dahil lang mula ka sa Five Virtues Temple?!" "Palaging nakatingin ang Diyos!" Mas lalong sumama ang ekspresyon ni Scarlett. Nagsimula siyang sumigaw. "Sa huli, wala kang kinalaman dito!" "Isa kang God of War, pero mula ka sa Nanyang!" "Bakit ba nakikialam ang taga-labas na kagaya mo sa usapan ng Country H?!" "Wala akong pakialam kung ipapahiya mo ang ibang tao!" Sumigaw si Dean pabalik. "Wala rin akong pakialam kung may bugbugin ka!" "Pero kapag sinubukan mong pagbintangan at ipahiya si Harvey, tiyak na makikisali ako!" "Makikialam ka ba sa problema ko para ayusin ang problema ng Country H?!" Sigaw ni Scarlett nang nagngingitngit ang ngipin. "Talaga bang sinusubukan mong labanan ang Five Virtues Temple at ang buong bansa?!" "Masyadong malaki ang tingin mo sa sarili mo, Scarlett." "Ang mga taong nakikipagsabwatan sa pwersa ng ibang bansa para ipahiya ang isang taong mula sa bansang ito ay walang karapatan na kumataw
Read more

Kabanata 2706

"Ang kapal ng mukha mo, Harvey!" "Ang lakas ng loob mong insultuhin ang Five Virtues Temple ng ganyan!" Napuno ng galit si Scarlett. "Kung saan-saan ka sumusuot at nandaraya ka para manalo sa laban! Sa tingin mo malakas ka dahil dun?!" "Sa tingin mo walang makakatalo sa'yo?!" "Bumalik ka na lang kapag natalo mo ang God of War ng Island Nations nang patas!" Tumingin si Harvey kay Scarlett at bahagyang ngumiti. "Tanga ka ba, Scarlett?" "Sinong nagsabing pwede lang akong lumaban nang harapan?" "Sinong nagsabing hindi kakayahan ang pag-iwas?" "Kapag sumunod tayo sa sinabi mo, kapag nilagay ko ang baril na'to sa isa sa mga ulo nila, ibig sabihin hindi sila pwedeng umilag! Tama?" "Kapag ginawa nila yun, maituturing itong salamangka, tama? Tapos sa kung anong dahilan, isa tong pandaraya para sa'yo?!" "Iniinsulto mo ba ang sarili mong katalinuhan o ang sa mga Islander kapag nagsasabi ka ng mga basurang kagaya niyan?!" "Bilang kumakatawan sa Five Virtues Temple, paanon
Read more

Kabanata 2707

Maghintay ka lang, Harvey! Hindi pa tayo tapos dito!" "Babawi ang Longmen's Law Enforcement!" "Kapag iniulat ko to sa Elder Group, titiyakin namin na magbabayad ka sa pagtatraydor mo sa bansa mo!" Handa nang umalis ng mga elite at mapagmataas pa rin sila sa kabila ng pagkatalo nila. Naningkit ang mga mata ni Harvey sa kanila nang may malamig na titig. Pagkatapos ay humakbang siya paharap bago lumitaw sa harapan ni Mitchell. Nang hingi nagdadalawang-isip, ibinuwelo ni Harvey ang palad niya. Pak! Wala man lang oras si Mitchell para makakibo ay hindi niya rin naiwasan ang sampal. Nakalipas siya kaagad habang sumisigaw. "Sinabi ko ba na pwede kang umalis?" Naghalukipkip si Harvey, wala siyang pakialam. Malamig ang mukha niya. Nagpabago-bago ang emosyon sa mukha ni Mitchell. Sa huli, pinilit niyang tumayo habang nagngingitngit sa galit. "Sino ka ba sa tingin mo, Harvey?!" galit niyang sigaw. "Sa tingin mo kaya mong gawin ang kahit na anong gusto mo dahil sinusuportah
Read more

Kabanata 2708

Bang!Bumigay ang mga binti ni Mitchell at bumagsak ang tuhod niya sa lapag. Kalmadong lumapit si Harvey sa kanya bago dinampot ang phone na nasa harapan niya. Pagkatapos ay tinapik niya siya sa mukha. "Mukhang hindi ka makakakuha ng backup." "Bilang head ng Longmen's Law Enforcement, magagawa ko nang ipataw ang husga ko bago ang lahat. Lalo na't may espesyal akong permiso." "Mamamatay ka rito." Hinawakan ni Harvey ang leeg ni Mitchell gamit ng kanan niyang kamay. Ito ang huling paggalang niya kay Mitchell: ang panatilihing buo ang bangkay niya. …Nagpunta si Mitchell sa Hong akong kasama ng Sword Saint ng Shinkage Way para maghiganti. Gayunpaman, tahimik na natapos ang insidente at umarte ang lahat na parang walang nangyari. Pagkatapos makontrol ang Longmen's Law Enforcement, kaagad na nagbago ang organisasyon sa utos ni Harvey. Kahit na nasa Hong Kong pa rin siya, sapat na ang isang tawag para ipadala ang mga pinakapinagkakatiwalaan niyang tauhan mula sa Longmen
Read more

Kabanata 2709

"Bahala na ang iba, maging ang mga Sword Saint ng Island Nations ay napatay niya!" "Sa ganitong sitwasyon, kailangan nating kumalma para magtagumpay." "Kahit paano natin siya banggain, kailangan may plano tayo." "Kung hindi, magkakamali tayo at makakatakas siya…" "Baka makahanap pa siya ng pagkakataong gumawa ng gulo!" Pagkatapos ang maraming laban, pamilyar na si Vince sa mga taktika ni Harvey. Kahit na gustong-gustong patayin ni Scarlett si Harvey, umaasa pa rin si Vince na makakakalma ito. Sinigurado niyang siya mismo ay kalmado sa kabila ng lahat. Huminga nang malalim si Scarlett at nahimasmasan. Pagkatapos, sinabi niya nang mahina, "Kapag hindi natin siya maitumba nang palihim, itutumba na lang natin siya sa harap ng marami" "Parehong pagmamay-ari ng mga York ang Hong Kong at Las Vegas. Sigurado akong ang isang hayop na mula ng Country H ay hindi mahirap patayin!" "Siguradong matutumba mo siya, Vince!" "Kapag hindi mo nagawa, kukuha na lang tayo ng mga eksper
Read more

Kabanata 2710

"Hindi siya maswerte. Sadyang may itsura lang siya, sapat na para maging alagain." Puno ng inis ang mukha ni Vince. "May nasagap akong balita mula sa Nanyang Gang. Sinusubukan ng taong ito na kumapit sa Cobb family!" "Tingin ko magaling si Harvey sa pagsipsip kay Dean, napili siya bilang susunod na head ng pamilya!" "Ang lalaking iyon ay isinilang para maging alagain!" "Tingnan mo. Si Yoana, Leslie, Irene… napakaramjng babae sa Hong Kong ang baliw na baliw sa kanya, handa pa silang kalabanin ako!" "Sayang lang at ang mga alagaing tulad niya ay kailanman hindi mauunawaan kung paano gamitin ang kapangyarihan." "Kailangan niyang magbayad sa pagbebenta ng kanyang katawan!" Pagkatapos marinig ang mga panlalait ni Vince kay Harvey, gumaan na ang pakiramdam ni Scarlett. Para naman kay Vince, mayroong panghahamak sa kanyang mga mata nang tingnan niya si Scarlett. Kung talagang si Harvey ay isa lamang alagaing yao, imposibleng marating niya ang puntong ito. Sayang at hindi
Read more
PREV
1
...
269270271272273
...
485
DMCA.com Protection Status