"Hindi siya maswerte. Sadyang may itsura lang siya, sapat na para maging alagain." Puno ng inis ang mukha ni Vince. "May nasagap akong balita mula sa Nanyang Gang. Sinusubukan ng taong ito na kumapit sa Cobb family!" "Tingin ko magaling si Harvey sa pagsipsip kay Dean, napili siya bilang susunod na head ng pamilya!" "Ang lalaking iyon ay isinilang para maging alagain!" "Tingnan mo. Si Yoana, Leslie, Irene… napakaramjng babae sa Hong Kong ang baliw na baliw sa kanya, handa pa silang kalabanin ako!" "Sayang lang at ang mga alagaing tulad niya ay kailanman hindi mauunawaan kung paano gamitin ang kapangyarihan." "Kailangan niyang magbayad sa pagbebenta ng kanyang katawan!" Pagkatapos marinig ang mga panlalait ni Vince kay Harvey, gumaan na ang pakiramdam ni Scarlett. Para naman kay Vince, mayroong panghahamak sa kanyang mga mata nang tingnan niya si Scarlett. Kung talagang si Harvey ay isa lamang alagaing yao, imposibleng marating niya ang puntong ito. Sayang at hindi
Nitong alas tres ng madaling-araw, habang natutulog pa ang lahat… Ilang mga Tesla X ang huminto nang tahimik sa tapat ng Three Seasons Hotel. Mga babae at lalaking nakasuot ng itim ang nasa loob ng kotse habang walang emosyon. Nakaupo sila nang diretso habang ang titig nila ay napakalamig. Si Scarlett ang nangunguna sa kanila. Sinadya niyang magsuot ng madilim na damit noong gabing iyon, malinaw na naipapakita ang nakakaakit niyang katawan. Sayang at nakatuon ang pansin ng mga tao niya sa pagpatay. Wala silang pakialam sa kanyang kagandahan. Pagkatapos suminghal, naglabas si Scarlett ng isang laptop at tiningnan ang datos sa loob. Bukod sa hardin sa itaas ng bubong, ang presidential suite lamang ang nasa itaas ng Three Seasons Hotel. Habang sinusundan niya ang pamamalakad ni Yoana, ang buong lugar ay puno ng mga elite ng Dragon Palace. Nakabantay sila doon para panatilihing ligtas si Harvey. Si Harvey na kagagaling lamang sa isang matinding laban sa isang Sword Saint,
Nilabas ng tauhan ang kanyang phone habang nagsasalita. Marami ang laman nito. Hindi lamang nakunan ang pagbili ng Harvey ng pagkain, makikita pang nakahiga siya sa kwarto nang hindi sinasara ang bintana. Makikita rin ang mga dinadaanan ng mga elite, malinaw na makikita ang kanilang posisyon. "Magaling! Napakagaling!" "Tingin mo ang galing galing mo na Harvey?" "Diba tinalo mo ang Sword Saint at naagaw mo ang pwesto ni Head Bauer?" "Bakit mukhang pagod na pagod ka ngayon?!" "Kung wala ang tulong ni Dean, gusto kong makita kung paano ka pa makakapagpanggap!" Muling humudyat si Scarlett at kaagad na lumabas ng kotse ang mga tao. Tinuro ni Scarlett ang dalawang pinuno ng grupo. "Number One, magsama ka ng ilang tao para pumasok sa mga fire exit. Siguraduhin mong mababantayan mo sila." "Number Two, dalhin mo ang mga tao mo at bantayan mo ang elevator. Walang makakapasok o makakalabas." "Ang mga matitira, samahan niyo ako sa rooftop garden para itumba ang mga elite!"
"Tawagin niyo si Head York ngayon na!" "Dali! Tumawag kayo ng pulis!" Pumasok sa loob ang mga elite. Nang makita ito ni Scarlett, ngumisi siya. 'Wala talagang kwenta si Harvey!' 'Maging ang mga guwardiya niya ay mga duwag! Hindi sila mismo lumabas, pero napili pa nilang tumawag ng pulis?' 'Gaano sila kawalang kwenta para sabihin ito?' Hindi nagsayang ng oras si Scarlett at hinawi ang hawak niyang spada. Makikita ang isang malamig na ngiti sa kanyang labi. "Sugod!" Nasa tatlompung tao ang naglabas ng kanilang mga spada mula sa kanilang baywang bago sumunggab paharap. Ang presidential suite na makikita sa itaas ng Three Seasons Hotel, ay nasa 1,600 square feet ang laki. Kaagad na napaligiran nila Scarlett ang lugar. Sa sandaling ito, pakiramdam niya si Harvey ay parang isa lamang isda. Ngunit pagkatapos matalo nang maraming beses, hindi nasta nagpabaya si Scarlett. Hinudyatan niya ang iba na ilabas ang kanilang mga baril, bago ilabas ang sarili niyang baril. Pagka
Isang Shadow Guard ang hinawi ang kanyang spada paharap nang buong-lakas. Klang! Hindi sinubukan ni Edwin na umiwas. Ginamit niya ang dalawa niyang kamay para ihampas ang kanyang spada. Habang ginagawa niya ito, isang malakas na ikaw na parang liwanag na buwan ang lumabas sa hangin. Nahati sa dalawa ang spada ng Shadow Guard. Sa isang iglap, kumalat ang dugo sa kanyang lalamunan. Napalunok ang iba sa nakakatakot na eksenang ito. Kusa silang naapatras at ginamit ang kanilang mga baril. Bang, bang, bang!Walang emosyong humiwa paharap si Edwin. Hindi nagkaroon ng pagkakataong tumakas ang mga Shadow Guard kahit may baril sila. Ang bawat isa sa kanila ay napahawak sa kanilang leeg habang mukhang hindi makapaniwala bago bumagsak sa sahig. Napakalakas ni Edwin. Ang itumba ang ganito karaming eksperto nang ganito kadali ay isang bagay na magagawa ng isang karaniwang King of Arms. Sa sandaling ito, nakarating na si Edwin sa pwesto ng isang God of War. Pagkatapos itumba ang
Isang walang kwentang alagain lamang ang tingin ni Scarlett kay Harvey. Kaya akala niya na may pagkakataon siyang gumanti kapag napaghiwalay niya si Harvey at Yoana. Natawa si Harvey, natutuwa sa nangyayari. "Akala mo ba talaga may mapapala ka kapag ginalit mo ako sa mga salitang 'yan?" kalmado niyang tanong. "Kung gusto kitang patayin, patay ka na sana ngayon. Bakit kita paghihintayin?" "Ano pa bang gusto mo?!" Nagbago nang bahagya ang ekspresyon ni Scarlett. "Simple lang. Sabihin mo sa akin kung sinong nag-utos sa'yo na patayin ako. Kailangan kong makausap kung sinuman 'yan." Ngumiti si Harvey. "Alam kong malamang pakana ito ng tangang Vince na 'yun…" "Pero kung gusto mong ibaling ang sisi sa Five Virtues Temple, ayos lang din sa akin." "Higit sa lahat, matagal ko nang balak na dalawin sila." Mukhang kalmado si Harvey. Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Scarlett. "Balak mong saktan si Vince?!" Tumawa ulit si Harvey. "Bakit ka nagugulat? Ang tagal na n
Ng dumating si Yoana kasama ang kanyang mga tauhan sa hotel, ang lugar ay nalinis na. Kahit ang dugo sa pagitan ng mga tiles ng sahig ay wala na.Mga air freshener ang nahalo sa ere kasama ang amoy ng araw, tinatakpan ang kaunti ng kagustuhang pumatay at dugo na nasa ere.Sa may hardin, mahabang lamesa na puno ng mga pastry ang nasa harapan ni Harvey. Amoy pa lang ay nakakagutom at mabango.Walang gana kumain si Harvey, pero siya ay kalmadong umiinom ng kanyang black tea.Sumenyas siya kay Yoana na umupo matapos makita ang kanyang pagdating.Si Harvey ay nakakita ng maraming babae pareho sa Hong Kong at Las Vegas. Si Zina, Leslie, Irene at marami pang iba…Pero bawat isa sa kanila, tanging si Yoana lang ang maikukunsidera na pinaka pinagkakatiwalaan niyang kakampi.Si Yoana ay tiyak sa mga kanyang kilos. Hinahangaan ni Harvey ang katotohanang ito.Ito din ang dahilan ang mga tao ng branch ng Dragon Palace ay nagpakita para tumulong.Naniniwala si Harvey na si Yoana ay magagawa
”Tapos na tayo kay Mitchell, pero pagdating kay Scarlett…”Alam ni Yoana na si Harvey ay may paraan para ayusin ito, pero kailangan niya pa din sabihin ito.“Alam ng lahat na si Vince ay kasama dito,” Kalmadong sinabi ni Harvey.“Pero walang punto sa paghahanap sa kanya gamit ang bangkay na ito.”“Base mula sa alam namin sa kanya, siya ay siguradong mababaw na lalaki na sinasabi ang lahat ng magbebenepisyo sa kanya. Hindi siya aamin.”“Pwede pa niyang baliktarin ito at isisi sa ating lahat. Mas magiging malaki ang problema kapag nangyari iyan.”“Ibig mong sabihin…”Sumimangot si Yoana nanginginig ang kanyang mata.Napagtanto niya kung ano ang gustong gawin ni Harvey, pero ang kaalamang ito ay gumulat sa kanya.Pinitik ni Harvey ang isang USB mula sa kanyang kamay papunta sa bangkay ni Scarlett. “Kahit na ang surveillance system ay tuluyang nasira, ang isa sa amin ay nagawang kuhanan ng video na nagpapatunay na nagpakamatay si Scarlett.”“Ipapadala ko ang bangkay sa Five Virtu
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai