Home / Urban / Realistic / Nagkakamali kayo ng Inapi / Chapter 2041 - Chapter 2050

All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 2041 - Chapter 2050

4945 Chapters

Kabanata 2041

Sa gabi. May dalang dokumento si Otis Kye nang kumatok siya sa pinto ng second branch office ng Mordu Police Station. Pagkatapos ay pumasok siya pagkatapos itulak ang pinto. Nakitang may dalang dokumento si Zeke Smith nang makita niyang pumasok si Otis. Nang hindi man lang binibigyan si Otis ng pagkakataong magsalita, malamig siyang nagsabi, "Anong ginagawa mo rito?" "Sinusubukan mo bang depensahan si Harvey York?"Sasabihin ko sa'yo. Tinawagan ko na si Benjamin Lynch ng sampung beses! "Imposible mo nang mailigtas si Harvey ngayon!"Maraming mga mata ang nakatingin sa'kin ngayon! Kapag inabuso ko ang kapangyarihan ko, tuluyan nang masisira ang reputasyon ng pamahalaan ng Mordu! Parehong mawawala sa'tin si Benjamin at ang posisyon ko, lalo na ang sa'yo!"Kaya umalis ka na!" Tinuro ni Zeke ang pinto nang may malamig na ekspresyon sa mukha niya. Ngumiti lang si Otis. "Mr. Smith, hindi ako nagpunta rito para magmakaawa. May hindi nagpakilalang tao ang nagpadala ng matibay
Read more

Kabanata 2042

Sa first branch ng Mordu Police Station. Pagkatapos ubusin ang pork chop rice na maingat na inihanda nina Kait Walker at ng iba pa, tapos na ang proseso ng pagpapalaya kay Harvey York. Magalang na sinamahan nina Kait si Harvey papunta sa pintuan ng police station habang nagpapakita ng kakaibang ekspresyon sa mga mukha nila. Hindi inakala ng lahat na mapapawalang-bisa ang lhat ng ebidensya laban kay Harvey pagkatapos ng dalawang araw niyang pananatili roon. Baka magsagawa pa ng press conference ang pulisya para ayusin ang sitwasyon, kasabay ng paglilinis sa matinding kalat na naiwan sa likod ng eksena. Pero kahit na anong mangyari, kumpirmado nang walang sala si Harvey. Maswerte talaga sina Kait at ang iba pa na hindi nila binastos si Harvey. Isang Porsche 918 ang huminto sa harapan ni Harvey. Nang bumaba ang bintana nito, nakita mula sa loob ang magandang mukha ni Yvonne Xavier. Napuno siya ng inggit at galit nang makita niya sina Kait at ang iba pa. Bumaba ng kotse si
Read more

Kabanata 2043

"Kung ganun, ang ibig mong sabihin…" May naisip si Yvonne Xavier. "Pagkatapos nating tapusin ang mga Islander at si Hector Thompson, natural na matatapos na ang problema ng Smith family." Bumuntong-hininga si Harvey York. "Pero sigurado ako na alam na nila ang tungkol dito sa ngayon kung nagawa natin tong malaman. "Iyon ang dahilan kaya hindi lang basta-basta manonood sina Hector at Sakura Miyamoto habang nakalaya ako." Mabilis na nagbago ang mga ekspresyon nina Harvey at Yvonne. Diniinan ni Harvey ang hita ni Yvonne. Bago niya maramdaman ito, ang kaninang nakahintong Porsche sa tapat ng traffic light ay dumiretso sa kalsada. Bang!Isang bala ang bumasag sa bintana ng kotse at kumalat ang bubog sa upuan sa likuran. Kung nahuli kang nang kaunti si Harvey, malamang ay napuruhan na siya o namatay. “Sniper!”Kasing lamig ng yelo ang tingin ni Harvey. Hindi niya inasahan na magpapadala si Hector ng sniper. Wala nang pakialam si Hector sa batas ng Country H. Naging se
Read more

Kabanata 2044

Malamig ang ekspresyon ni Harvey York. Hindi siya galit dahil sa kayabangan ng kalaban. Patuloy siyang umilag sa mga bala habang pinili niya ang pinakamabilis na daan papunta sa abandonadong office building. "Ganun pala. Magaling!" Bumulong ang sniper na may mahabang trench coat sa tuktok ng building. Base sa boses, isa itong babae. Hinubad ng sniper ang maskara niya, nakita ang isang napakasimpleng mukha na para bang medyo nabigla. Ngunit hindi nagsimulang umalis ng building ang sniper. Nilagyan niya ng bala ang rifle at nilipat ang rifle stand papunta sa kung saan dapat dadaan si Harvey para umakyat ng building, handa na niyang iputok ang huli niyang bala. Pagkatapos ng ilang segundo, biglang nagpaputok ang sniper. Kusa niyang pinagalaw ang daliri niya. Bang!Napilitang umatras si Harvey dahil sa bala pagkatapos niyang isilip ang ulo niya. Nadurog ang mga bato sa ulunan niya. Muntik na siyang mabaril sa mukha. Pagkatapos magmintis ang isa na namang bala, nagpakita ng s
Read more

Kabanata 2045

Pinagkrus ni Harvey York ang mga kamay niya at humakbang paharap. Kahit na mukhang hindi mabilis ang kilos niya, napakalayo ng bawat isang hakbang niya. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng sniper pagkatapos humakbang ni Harvey nang tatlong beses. Malayo ang nilakbay ni Harvey sa pagitan niya at ng sniper sa ilang simpleng hakbang lang. Sa ganito kaikling distansya, pumalpak na ang pagpatay ng sniper. "Talo ka na." Malamig ang ekspresyon ni Harvey at wala itong kahit na anong emosyon. "Kapag hinayaan ng sniper na makalapit sa kanya ang target niya, ibig sabihin nito ay malapit na sa kanila ang kamatayan. Kung ako sa'yo, ibababa ko na ang baril at magmamakaawa. "Pagkatapos, siguro di kita papatayin. Ipapadala ka sa court of war. Sa ganun, baka mabuhay ka pa." Nag-alinlangan ang sniper pagkatapos makita ang ngiti ni Harvey. Malakas niyang binato ang baril sa lapag. Sa mismong sandaling bumagsak ang rifle sa lapag, kinumpas ng sniper ang kamay niya at naglabas ng patalim. Pa
Read more

Kabanata 2046

Pagkatapos lumipad ng halos isang dosenang metro, bumagsak sa lapag ang sniper pagkatapos bumangga sa pader. Pfft!Sumirit ang dugo mula sa bibig niya. Wala na siyang lakas na lumaban. Napunit din ang damit niya at nakita ang isang tato sa ibabang parte ng katawan niya. Bahagyang kumunot ang noo ni Harvey nang may nag-aalalang ekspresyon sa kanyang mukha. 'Ang Shindan Way?!' ***Dalawang oras ang lumipas, sa isang villa sa tuktok ng bundok sa labas ng siyudad sa Mordu. Isa ito sa mga lugar na nahanap nina Tyson Woods at ng iba pa para magpahinga. Kahit na mukha itong medyo luma na, liblib at tahimik ang lugar. Habang ininom ni Harvey ang tsaa niya pagkatapos niyang kumain ng merienda sa hatinggabi, lumabas si Aiden Bauer mula sa likod-bahay habang pinagkikiskis ang mga kamay niya. "Branch Leader, nagsalita na ang Islander," maikling ulat ni Aiden. "Noriko Yamaguchi ang pangalan niya, isa sa mga assassin mula sa Shindan Way ng Island Nations. Bihasa siya sa paggamit
Read more

Kabanata 2047

Nang hindi nagdadalawang-isip, kalmadong nagsalita Harvey York, "Sabihan mo si Rachel Hardy na tumulong sa'yo sa Mordu."Tanungin mo pa ang sniper na yun. Tignan mo kung may mahahanap ka pang impormasyon at tao sa likod ng insidenteng to. "Kailangan mo ring kumilos nang mabilis." "Masusunod!" Seryoso ang ekspresyon ni Aiden Bauer. Kahit na hindi niya alam kung anong nasa isip ni Harvey, kailangan niya lang tuparin ang trabaho niya dahil inutos sa kanya ito ni Harvey. Pagkatapos ng insidenteng ito, kailangang maging mas maingat ni Harvey sa mga Islander. Kahit na si Benjamin Lynch, ang Longmen, o ang insidente ng Smith family, nasa likod nito ang mga bakas ng Shindan Way ng Island Nations. Kung wala nang iba pang impormasyong nakuha para malaman ang plano ng Shindan Way, baka malaki ang mawala kina Harvey sa hinaharap. Nang nagbibigay pa rin si Harvey ng utos sa iba, narinig ang malakas na tunog ng makina sa labas. Isang Toyota Prado and kaagad na nagpabagsak sa bakal n
Read more

Kabanata 2048

Bahagyang napahinto si Aiden Bauer pagkatapos makita ang eksena. "Alam kong magaling si Brother Tyson Woods, Branch Leader. "Pero daan-daan sila! "Mas lamang ang dalawa kesa sa isa! Wala siyang laban sa ganito karaming tao! "Kahit na gaano siya kalakas, imposibleng mapigilan niya ang lahat ng taong to!" Alam ni Aiden kung gaano kalakas si Tyson kung lalaban siya sa isa. Mukhang napakayabang ni Taichi Maruyama. Malamang ay hindi niya mapoprotektahan ang sarili niya laban sa isang atake ni Tyson. Kahit ang isang dosenang tao ay hindi dapat para labanan si Tyson. Pero malulunod siya sa ilan daang tao kung inatake siya ng lahat ng yun. Ang lumaban sa ganito karaming tao ay hindi naiiba sa pagpapakamatay. Kahit si King Leonidas ay muntik mamatay nang ilang beses sa laban ng Thermopylae. Sabay-sabay na aatakihin ng mga Islander na yun si Tyson nang walang kahit na anong moralidad. "Kalma ka lang. Wala lang talaga to," kalmadong sabi ni Harvey. "Matagal ko nang kasama si
Read more

Kabanata 2049

Walang naglakas-loob na magtanong kung anong nangyari habang nagsasagutan sila. Si Aiden Bauer na nakakita sa nangyayari sa tapat ng pinto, ay nanigas saglit. Tumakbo siya pabalik at tinitigan si Tyson Woods nang gulat na gulat. "Branch Leader, bakit hindi na lang tayo makipagdigmaan laban sa Shindan Way?" "Ang dami na nating napatay sa kanila." "Kapag ginamit natin ang pagkakataong ito, tuluyan na nating mabubura ang Shindan Way sa Mordu." Pinagsalikop ni Tyson ang kanyang kamay. "CEO York, kapag ibinigay mo ang utos, tatapusin ko ang buhay ni Sakura Miyamoto." Nagsalin ng tsaa si Harvey York para kay Tyson. "Hindi lang sa ganito matatapos ang insidenteng ito," kalmadong sinabi ni Harvey. "Pero hindi natin kailangang magmadaling pumatay. "Tapusin mo muna ang tatlong bagay. "Una, pigilan ang mga taong ito. "Pangalawa, kumuha pa ng impormasyon mula kay Noriko Yamaguchi. "Pangatlo, sabihin kay Taro na kailangan kong malaman ang lahat tungkol sa Shindan Way. "N
Read more

Kabanata 2050

"Linawin mo sa akin! Anong nangyari?!" Kasinlamig ng yelo ang mukha ni Sakura Miyamoto."Kailangan kong malaman ang buong nangyari."Kumirot nang husto ang mga mata ni Kristan Duncan. "Kanina ko pa sinusundan si Harvey York mula nang makaalis siya ng police station. Sinundan ko siya sa isang maliit na villa sa labas. "Nandoon silang lahat. Hindi lalagpas sa sampu ang mga tao doon. Sigurado ako dito. "Noong nagpadala ako ng balita kay Taichi Maruyama, sumugod siya sa lugar na 'yun nang wala pang dalawang oras. Binuksan niya ang mga pinto ng villa bago tuluyang napaligiran ng tatlong daang tao ang lugar. “Nagdemanda pa si Taichi kay Harvey na pakawalan kaagad si Noriko Yamaguchi.“Pero hindi kumibo si Harvey.“May nakita akong lumabas habang may dalang spada mula sa malayo. Mga sigaw na lamang ang narinig ko pagkatapos noon.” “Hindi ako magtatapang na lumapit dahil baka makita ako, kaya napagpasyahan kong tumingin pagkatapos tumahimik ulit. Pero pagkatapos, dumating ang i
Read more
PREV
1
...
203204205206207
...
495
DMCA.com Protection Status