Pagkatapos lumipad ng halos isang dosenang metro, bumagsak sa lapag ang sniper pagkatapos bumangga sa pader. Pfft!Sumirit ang dugo mula sa bibig niya. Wala na siyang lakas na lumaban. Napunit din ang damit niya at nakita ang isang tato sa ibabang parte ng katawan niya. Bahagyang kumunot ang noo ni Harvey nang may nag-aalalang ekspresyon sa kanyang mukha. 'Ang Shindan Way?!' ***Dalawang oras ang lumipas, sa isang villa sa tuktok ng bundok sa labas ng siyudad sa Mordu. Isa ito sa mga lugar na nahanap nina Tyson Woods at ng iba pa para magpahinga. Kahit na mukha itong medyo luma na, liblib at tahimik ang lugar. Habang ininom ni Harvey ang tsaa niya pagkatapos niyang kumain ng merienda sa hatinggabi, lumabas si Aiden Bauer mula sa likod-bahay habang pinagkikiskis ang mga kamay niya. "Branch Leader, nagsalita na ang Islander," maikling ulat ni Aiden. "Noriko Yamaguchi ang pangalan niya, isa sa mga assassin mula sa Shindan Way ng Island Nations. Bihasa siya sa paggamit
Nang hindi nagdadalawang-isip, kalmadong nagsalita Harvey York, "Sabihan mo si Rachel Hardy na tumulong sa'yo sa Mordu."Tanungin mo pa ang sniper na yun. Tignan mo kung may mahahanap ka pang impormasyon at tao sa likod ng insidenteng to. "Kailangan mo ring kumilos nang mabilis." "Masusunod!" Seryoso ang ekspresyon ni Aiden Bauer. Kahit na hindi niya alam kung anong nasa isip ni Harvey, kailangan niya lang tuparin ang trabaho niya dahil inutos sa kanya ito ni Harvey. Pagkatapos ng insidenteng ito, kailangang maging mas maingat ni Harvey sa mga Islander. Kahit na si Benjamin Lynch, ang Longmen, o ang insidente ng Smith family, nasa likod nito ang mga bakas ng Shindan Way ng Island Nations. Kung wala nang iba pang impormasyong nakuha para malaman ang plano ng Shindan Way, baka malaki ang mawala kina Harvey sa hinaharap. Nang nagbibigay pa rin si Harvey ng utos sa iba, narinig ang malakas na tunog ng makina sa labas. Isang Toyota Prado and kaagad na nagpabagsak sa bakal n
Bahagyang napahinto si Aiden Bauer pagkatapos makita ang eksena. "Alam kong magaling si Brother Tyson Woods, Branch Leader. "Pero daan-daan sila! "Mas lamang ang dalawa kesa sa isa! Wala siyang laban sa ganito karaming tao! "Kahit na gaano siya kalakas, imposibleng mapigilan niya ang lahat ng taong to!" Alam ni Aiden kung gaano kalakas si Tyson kung lalaban siya sa isa. Mukhang napakayabang ni Taichi Maruyama. Malamang ay hindi niya mapoprotektahan ang sarili niya laban sa isang atake ni Tyson. Kahit ang isang dosenang tao ay hindi dapat para labanan si Tyson. Pero malulunod siya sa ilan daang tao kung inatake siya ng lahat ng yun. Ang lumaban sa ganito karaming tao ay hindi naiiba sa pagpapakamatay. Kahit si King Leonidas ay muntik mamatay nang ilang beses sa laban ng Thermopylae. Sabay-sabay na aatakihin ng mga Islander na yun si Tyson nang walang kahit na anong moralidad. "Kalma ka lang. Wala lang talaga to," kalmadong sabi ni Harvey. "Matagal ko nang kasama si
Walang naglakas-loob na magtanong kung anong nangyari habang nagsasagutan sila. Si Aiden Bauer na nakakita sa nangyayari sa tapat ng pinto, ay nanigas saglit. Tumakbo siya pabalik at tinitigan si Tyson Woods nang gulat na gulat. "Branch Leader, bakit hindi na lang tayo makipagdigmaan laban sa Shindan Way?" "Ang dami na nating napatay sa kanila." "Kapag ginamit natin ang pagkakataong ito, tuluyan na nating mabubura ang Shindan Way sa Mordu." Pinagsalikop ni Tyson ang kanyang kamay. "CEO York, kapag ibinigay mo ang utos, tatapusin ko ang buhay ni Sakura Miyamoto." Nagsalin ng tsaa si Harvey York para kay Tyson. "Hindi lang sa ganito matatapos ang insidenteng ito," kalmadong sinabi ni Harvey. "Pero hindi natin kailangang magmadaling pumatay. "Tapusin mo muna ang tatlong bagay. "Una, pigilan ang mga taong ito. "Pangalawa, kumuha pa ng impormasyon mula kay Noriko Yamaguchi. "Pangatlo, sabihin kay Taro na kailangan kong malaman ang lahat tungkol sa Shindan Way. "N
"Linawin mo sa akin! Anong nangyari?!" Kasinlamig ng yelo ang mukha ni Sakura Miyamoto."Kailangan kong malaman ang buong nangyari."Kumirot nang husto ang mga mata ni Kristan Duncan. "Kanina ko pa sinusundan si Harvey York mula nang makaalis siya ng police station. Sinundan ko siya sa isang maliit na villa sa labas. "Nandoon silang lahat. Hindi lalagpas sa sampu ang mga tao doon. Sigurado ako dito. "Noong nagpadala ako ng balita kay Taichi Maruyama, sumugod siya sa lugar na 'yun nang wala pang dalawang oras. Binuksan niya ang mga pinto ng villa bago tuluyang napaligiran ng tatlong daang tao ang lugar. “Nagdemanda pa si Taichi kay Harvey na pakawalan kaagad si Noriko Yamaguchi.“Pero hindi kumibo si Harvey.“May nakita akong lumabas habang may dalang spada mula sa malayo. Mga sigaw na lamang ang narinig ko pagkatapos noon.” “Hindi ako magtatapang na lumapit dahil baka makita ako, kaya napagpasyahan kong tumingin pagkatapos tumahimik ulit. Pero pagkatapos, dumating ang i
Nauunawaan ni Harvey York ang inaasal ni June Lee at Hazel Malone. Ito ang dahilan kung bakit ayaw rin niyang pumasok sa villa. Ngumiti siya nang maamo at sinabi, “Aunty, Hazel, pakitawag si Yvonne Xavier para sa akin. “May kailangan akong gawin kasama siya. Hindi ko siya matawagan.” “Oh? Balak mo bang patayin si Ms. Xavier pagkatapos ni Ms. Fujihara?” sigaw ni June nang may kakaibang tono.“Sasabihin ko sa’yo ngayon na. Wala ‘yang kwenta!“Hindi ko hahayaang pumasok ang isang tulad mo sa tahanan namin!” “Tuwing pupunta ka dito, laging may nangyayaring masama!” Tumawa nang nanlulumo si Harvey. “Aunty, sisiguraduhin kong magbabayad ako para sa mga nawala sa pamilya mo…” “Magbayad?! “Paano mo balak na magbayad?! “Ibibigay mo ba sa amin ang number one villa?!” galit na tanong ni June habang tumatalon pataas at pababa. Nanigas sa pwesto si Harvey. “Binigyan ako ni Master Lynch ng isang villa, kaya hindi ko ito pwedeng basta na lang ibigay kahit kanino. Pero kung gus
Makalipas ang kalahating oras, nakarating na si Harvey York at Hazel Malone sa Bray Temple. Mukhang seryoso si Harvey nang pigilan niya ang kotse ni Hazel sa gitna ng daan bago sumugod palabas.Nagulat nang sobra si Hazel. Ito ang unang beses niyang makakita ng lalaking ganito kabastos, pinapahinto ang kanyang kotse. Ngunit wala siyang magagawa. Ang mga pink na Rolls Royce ay binili gamit ng utang, kaya kailangan niyang ihinto nang maayos ang kotse. Nakakalungkot naman kung magagasgasan ang kotse. Kasabay nito, nasa main hall na ng Bray Temple si Yvonne Xavier. Ang statuwa ng Holy Trinity ay nakabalot ng ginto, kaya ang ganda nitong tingnan. Kahit na ang relihiyosong pamumuhay na ito ay hindi maikukumpara sa Kristiyanismo, ang Bray Temple ay kilala sa buong Mordu dahil mismo kay Chief Leonard Bray. ilang malalakas na pamilya at mayayamang negosyante ang lumalabas at pumapasok sa lugar na ito.Magalang na itinaas ni Yvonne ang insenso, tapos lumuhod at bumunot. Isang kahoy
Umiling nang bahagya si Yvonne Xavier. “Ms. Asuka, tama? Hindi mo pa naipapaliwanag ang lahat. “Halimbawa, sinong nagpadala sa’yo dito?“Si Hector Thompson ba? O si Sakura Miyamoto?” Ngumiti nang maamo si Asuka. “Ang dami mong tanong. Pero dahil isa ka ring babae, may sasabihin ako sa’yo na baka maintriga ka. “Talagang isa kang magandang babae, Ms. Xavier.siguro kampante kang isipin na hindi ka sasaktan ng mga lalaki.” Nanlaki ang mata ni Yvonne. “Pero siguradong gagawin ng isang babae ang lahat para tapusin ka. “‘Wag mo kaming sisihin, Ms. Xavier. Sisihin mo ang sarili mo sa pagiging malas, nakuha mo ang atensyon ni Young Master Thompson nang ganyan!” Nakapatong ang kanang kamay ni Asuka sa hawakan ng kanyang spada habang siya ay nagsasalita.Kasabay nito, apat pang Islander na nakasuot ng damit na panligo habang hawak ang spada ng Island Nation ang lumitaw sa bakuran, at hinarangan ang lahat ng matatakasan ni Yvonne. Kumunot ang noo ni yvonne habang nakatingin s
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai