All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 71 - Chapter 80

2513 Chapters

Kabanata 71

Sa dormitoryo ng mga babae. Napatingin si Alice kay Gerald na lumabas sa video call at biglang naramdaman noya ang kanyang puso na kumikirot at humihigpit. Kahit na cool ang ekspresyon ng kanyang mukha, medyo kinakabahan pa rin siya sa oras na ito. Maraming bagay na ang nangyari sa pagitan nina Alice at Gerald sa panahong ito. Hindi pa napansin ni Alice si Gerald noon hanggang sa gabi ng opening ceremony sa Grand Marshall Restaurant ni Quinton. Iyon ang panahon na nagsimula siyang maghinala na si Gerald ay sa katunayan ang mayaman at makapangyarihang Mr. Crawford na pinag-uusapan ng lahat. Hindi magawa ni Alice na matanggap ang katunayan na ito. Hindi siya makapaniwala na ang parehong tao na minamaliit at kinaiinisan niya ay talagang isang second generation rich kod na may kilalang pagkakakilanlan! Iyon ay magiging isang napakalakas na sampal sa kanyang mukha. Gayunpaman, tila kumikilos si Gerald na parang wala siyang kinalaman sa dakilang tao na iyon na si Mr. Crawfo
Read more

Kabanata 72

Ngumiti si Harper nang kausapin niya si Gerald. Sa katunayan, si Gerald lang ang nasa dormitory nila na nagkaroon ng relasyon pagpasok nila sa unibersidad. Bukod dito, nakasama pa niya si Xavia, ang isang babae na hindi naman talaga nasiyahan. Alam ni Harper na si Gerald ay bumili ng maraming mga regalo para kay Xavia dati, at marami siyang karanasan sa lugar na ito. Samakatuwid, nagpasya siyang yayain si Gerald na pumunta sa gift shop. Siyempre, pumayag si Gerald nang walang pag-aatubili man lang. Naging interesado na siya kaagad nang banggitin ni Harper ang gift shop. Kagabi, naka-pasiya na si Gerald. Hindi mahalaga kung magtagumpay siya o hindi, nagpasya siyang subukang ligawan si Mila. Siyempre, kailangan niyang bumili ng regalo kung gusto niyang ligawan ang isang babae. Si Gerald at Harper ay nagtungo sa isang mid-range na gify shop na matatagpuan sa harap ng unibersidad. Bagaman hindi lahat ng mga mamahaling produkto ay nandito, mayroon ding ilang mga produktong h
Read more

Kabanata 73

Na-agrabyado si Xavia dahil sa insidente na nangyari noon. Lalo na dahil bumili si Gerald ng mamahaling bag para sa ibang babae. Napahiya dahil dito sila Xavia at Yuri! Iyon ang dahilan kung bakit dinuro ni Xavia si Gerald habang nagmumura siya sa kanya, gusto niyang maliitin at mapahiya siya. “Hello, mga kapwa estudyante. Ito ay isang pampublikong lugar, sana 'wag kayong mag-ingay dito!" Isang salesgirl ang lumakad habang ngumingiti siya kay Xavia. Ito ay dahil sa malakas na pagsasalita ni Xavia na nakakagambala sa iba pang mga customer sa gift shop noong panahong iyon. "Anong sinasabi mo? Sinusubukan mo ba akong palayasin palabas ng shop mp? Hindi mo ba mabuksan ang iyong mga mata at makita kung gaano karaming mga bagay ang binili ko sa iyong gift shop ngayon? Siya ang dapat mong itaboy! " Pagkatapos ay nagpatuloy si Xavia, "Papuntahin mo ang manager mo dito! Itataboy mo ba ang iyong pinaka kilalang mga customer na kayang bumili ng mga damit sa shop na ito, o hahayaan mo
Read more

Kabanata 74

Ngumiti si Gerald nang magsalita siya. Simula palang ay ayaw nang tanggapin ni Harper ang alok ni Gerald. Kung tutuusin, masyadong mahal ang mga damit. Ayaw niya na gumastos ng sobra si Gerald sa shop. Ipinagpalagay din ni Harper na malamang na ginastos ni Gerald ang karamihan ng pera na napanalunan niya mula sa lotto. Sa huli, nang makita ni Harper ang paninindigan sa mukha ni Gerald, alam niyang hindi nagbibiro si Gerald sa oras na ito. Samakatuwid, simpleng tumango lamang siya bilang tugon. Sa isang iglap, napili na nina Gerald at Harper ang dalawang pinakamahal na damit sa gitna ng limang pirasong damit. "Ha, kakayanin mo pa bang bilhin ito?!" Si Xavia ay hindi talaga kumbinsido. Pagkatapos nito, tiningnan ni Xavia si Yuri bago niya sinabi, "Brother Yuri, gusto ko ring bumili ng isa!" "Ang taong ito ay hindi makakayang bumili ng mga damit na iyan! Nagmamayabang lang siya ngayon! Xavia, wala na akong sobrang pera na pwedeng gastusin sa buwan na ito!" Si Yuri ay bigla
Read more

Kabanata 75

Sa sandaling iyon, isang matamis na tinig ang biglang tumunog sa gift shop. Ang mid-range na gift shop ay medyo katulad ng isang malaking mall, at ang tindahan ng damit na ito ay isa lamang sa mga tindahan sa loob. Sa oras na ito, isang bata at magandang dalaga ang nagsimulang maglakad papunta sa kanila. Mabilis na yumuko ang mga salesgirls pagkakita nila sa kanyang pagdating sa shop. "Oh my god. Napakaganda niya!" “Napakaganda niya, para siyang isang immortal na dyosa! Siya ay sobrang ganda talaga." “Siya ba ang may-ari ng shop na ito? Bakit lahat may respeto at magalang sa kanya?" Maraming mga binata sa lugar na iyon ay nakatingin sa kanya sa oras na ito. Tumalikod si Gerald upang tignan ang dalaga habang tinaas ang kanyang mga kilay nang bahagya sa pagtataka. "Elena?" Sa totoo lang, napakalalim ng impression sa kanya ni Gerald. Ang marahas at agresibong babaeng ito ay halos nag-iba ang anyo niya noong huli nilang pagkikita. Gayunpaman, sa huli, pinarusahan ni
Read more

Kabanata 76

"Sige kung ganon, Mr. Crawford. Sasamahan na kita..." Matapos magsalita si Elena, hinawakan niya ng mahinahon ang braso ni Gerald habang pareho silang naglalakad sa hagdan na magkakasama sa harap ng maraming tao. "Ah, ano… ano ..." nababalisa si Xavia sa oras na ito. Ano ang tawag sa kanya ng babaeng iyon? Mr. Crawford? Bukod pa dito, sinabi pa ni Gerald na ang kanyang minimum limit sa kanyang withdrawal ay hindi bababa sa thirty thousand dollars! Pinatunayan nito na marami pa ring pera si Gerald! Sigurado si Xavia tungkol doon. Si Gerald ay mayroong higit pa sa thirty thousand dollars. Sigurado na mas malaki pa ang pera ni Gerald kaysa doon! Ang dalawang damit na iyon lamang ay nagkakahalaga ng higit sa fifteen thousand dollars! Biglang naramdaman ni Xavia na si Gerald ay talagang nababalot ng misteryo. Mas awkward at nakakahiya pa para kay Yuri na tumayo dito sa oras na ito, at gusto niyang hilahin si Xavia. “Sir, nakabalot na ang dalawang damit na napili mo kanina.
Read more

Kabanata 77

Binaba na ni Gerald ang cellphone. Sa halip na bumalik sa dormitoryo, dumiretso siya sa driving school. Sa kanyang mga kamay, hawak niya ang bagong damit na binili niya para kay Mila. Maingat na nakabalot ang damit sa isang marangyang kahon. Plano ni Gerald na ibigay ito kay Mila kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. Madali para sa kanya na harapin ang mga babae na tulad nina Xavia at Quinn na palaging sinasabi sa kanilang mga kaibigan na gusto nila ang pagtanggap ng mga regalo. Gayunpaman, pagdating kay Mila, hindi inisip ni Gerald na magandang ideya na gawin ito. Maaari rin na maging maling ideya ito. Ano man ang mangyari, nag-usisa si Gerald tungkol sa kung sino ang nais ipakilala sa kanya ni Mila. Ngunit habang nakatayo si Gerald sa harap ng driving school, kinabahan siya nang makita ang eksena sa harapan niya. Nandoon si Mila, nakaupo sa isang mahabang bangko sa labas ng driving school, nakaharap palayo kay Gerald. Ang nagpakaba kay Gerald ay ang lalaking nakaupo mala
Read more

Kabanata 78

Binawi ni Gerald ang kanyang kamay at sinabi, "Okay lang!"Sa totoo lang, bagaman medyo nainis si Gerald nang minaliit siya ni Kyle Smith, wala siyang magawa tungkol dito. Bakit? Dahil naramdaman ni Gerald na parang tumigil ang buong mundo nang mapagkamalan niyang boyfriend siya ni Mila. At nang malaman niya na hindi siya boyfriend ni Mila, ang buhawi ng kanyang emosyon ay hindi na nagawang magalit sa kanya. "Ay oo nga pala, Gerald!" Ang magagandang kumikinang na mga mata ni Mila ay tumingin kay Gerald na may pag-aalala. “Namumutla ka kanina. Ano ang nangyayari?" Bagaman naging abala si Mila na ipakilala ang pinsan niya kay Gerald, napansin niya pa rin ang pagbabago sa mood ni Gerald. "Wala naman. Naisip ko lang kanina na boyfriend mo siya! " Sagot ni Gerald na may nakangiti. “Pfft! Ano?! Akala mo boyfriend ko ang pinsan ko? Haha! " Tumawa ng malakas si Mila. "Paano nangyari yun! Sa totoo lang, hindi pa ako nakakapasok sa isang relasyon. Siguro mataas ang standard ko pagda
Read more

Kabanata 79

Bibisitahin namin siya mamaya. Sumama ka kung gusto mo.” Ibinaba ni Whitney ang tawag pagkatapos. Nagsisimula pa lamang isiwalat ni Gerald ang kanyang financial capacity. Hanggang ngayon, wala pang ideya si Whitney kung magkano ang nasa kamay niya. Sa kadahilanang ito, hindi siya gaanong masama kay Gerald ngayon kapag kausap niya ito. Gayunpaman, mababa pa rin ang tingin ni Whitney kanya kahit na nanalo siya ng dalawang milyong loterya. Siya ay isang bagong pera pa lamang. Paano siya maikukumpara sa isang second generation rich kid na tulad ni Victor? Nagpasya si Gerald na huwag sumama sa kanila. Bukod pa dito, sinabi na ni Victor na ang kanyang sasakyan ay puno na. Samakatuwid, binigyan lamang ni Whitney si Gerald ng address, at sumakay si Gerald ng taxi doon pagkatapos bumili ng ilang mga prutas at regalo. Halos dalawang linggo nang nakilala ni Gerald si Mila, at tila maayos ang kanilang pagsasama. Sa kanya, siya ay tulad ni Naomi, isa sa matalik na kaibigan niyang baba
Read more

Kabanata 80

“Manahimik ka, Kyle!" Galit na galit na inihagis ni Mila ang unan sa kanyang mga kamay kay Kyle. “Kalokohan! Oo, nanalo si Gerald sa lotto. Pero, naiinggit ka ba sa kanya? " Halos sumama ang pakiramdam ni Mila nang marinig ang mga mapanunuyang salita ni Kyle kay Gerald. Sinabi pa niya na binigyan ni Gerald ang kanyang dating girlfriend nh condom. Napaka-kadiri naman. Malinaw na nilalait niya si Gerald, hindi ba?! Naisip ni Mila si Gerald ang kanyang mabuting kaibigan. "Ano ang sinasabi mo, Sister? Sinasabi mo ba na ang sinasabi ko ay kalokohan lang?" Lalo siyang kinutya ni Kyle habang tumatawa. "Kung hindi ka naniniwala sa sinabi ko, maaari mong tanungin si Victor Wright, ang vice president ng student union, siya rin ang kanyang coursemate. Kahit na si Whitney ay may alam tungkol dito. Talagang may sinunod siyang utos na magpadala sa dati niyang girlfriend ng ilang condom para lang sa ten dollars!" Nakasimangot si Mila, at ang paraan ng pagtingin sa kanya ng mga magulang
Read more
PREV
1
...
678910
...
252
DMCA.com Protection Status