Lahat ng Kabanata ng Isa pala akong rich kid?!: Kabanata 611 - Kabanata 620

2513 Kabanata

Kabanata 611

Habang nangyayari iyon... "Mr. Long, pasensya na pero nabigo ako!" "Ano? Bakit ka nabigo, Scorpion? Hindi mo ba kayang patumbahin ang isang tao na tulad ni Gerald?" Sabi ni Yunus tinatawagan niya si Scorpion. Nasa banyo siya nang matanggap niya tawag. "Pasensya na talaga, pero may expert na tumulong sa kanya upang makatakas! Kung hindi ko binawi ang braso ko sa tamang oras, malamang bali na ito ngayon!" sagot ni Scorpion habang hawak ang cellphone gamit ang kanyang maayos na kamay. Tumatawag siya mula sa loob ng kotse. Nakalagay ang braso ni Scorpion sa isang patag na surface at ang mga litid nito ngayon ay tumitibok habang makikita na namamaga pa ito. Ito ay tila katulad ng sariwang bulate na natakpan ang kanyang buong braso. Sa oras na ito, hindi niya ito magalaw. Binalot ang kanyang noo sa malamig na pawis at naramdaman niya na nanghihina na siya. "P*tang ina! Sobrang swerte ng g*go na iyon! Pero kahit pa ganoon, maganda na ang sinimulan natin! Kapag ito ay nasa headline
Magbasa pa

Kabanata 612

Masungit ang tono ng pananalita ni Mr. Leach nang sinabi niya iyon. "Makatarungan at tama ba ang sinasabi mo? Kalokohan! Mula sa nakuha naming impormasyon, ang iyong mga tauhan ay naghihintay sa kanilang mga sasakyan sa loob ng hindi bababa sa dalawang oras bago pa man maganap ang insidente! Sinasabi mo ba na alam na nila ang insidente bago pa man mangyari ito?" "Maayos naman sa ibang lugar ang surveillance system pero hindi ito maayos pagdating sa hotel! Maging totoo tayo sa isa't isa, Mr. Leach. Sigurado akong mas marami ka pang alam tungkol sa insidente ngayon kaysa sa akin, tama ba?" tanong ni Gerald. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nai-frame si Gerald. Nauna nang sinabi sa kanya ng kanyang kapatid na ang paggawa ng negosyo ay isang pagsubok at isang pagkakataon para sa kanya na makakuha ng karanasan. Hindi naramdaman ni Gerald ang bigat ng kanyang mga sinabi bago pa mangyari ito, ngunit napagtanto niya kung totoo pala ang sinabi ng kanyang ate ngayon. Tumanggi si Mr
Magbasa pa

Kabanata 613

"Iyon ba ang... mga tauhan ni Mr. Long?" Makikita sa video ang isang bahay sa village at sa loob nito ay limang lalaking naka-black suit ang sabay-sabay na itinali at binugbog. Namamaga ang lahat ng kanilang mukha sa oras na tumigil ang mga tauhan ni Gerald at nagsimula silang magbantay sa mga nadakip nila. Totoo ang nasa video. Ang mga nakatali na lalaki ay mga tauhan ni Mr. Long. "Mr. Leach, Si Yunus ay isang napakasamang tao. Natatakot siyang babawiin mo ang iyong mga sinabi kaya iniutos niya na kunin ng kanyang mga tauhan ang iyong anak ngayong hapon! Masuwerte ka na nauna ang mga tauhan ko doon!" nakangiting sinabi ni Zack. Pinagsama-sama ni Mr. Leach ang mga pangyayari sa buong insidente nang marinig niya ang mga paliwanag ni Zack. “Yun-Yunus! Demonyo ang lalaking iyon! Muntikan na niya akong maloko! Malaki ang pagkakamali ko sayo pagkakataong ito, Mr. Crawford!" sabi ni Mr. Leach habang paulit-ulit siyang yumuko ay nanghingi ng tawad sa harap ni Gerald. Taos-puso ang
Magbasa pa

Kabanata 614

Bumuntong hininga si Gerald sa kanyang sarili. 'Pupuntahan ko na lang siya at ipapaliwanag ito sa kanya... sasabihin ko kanya kung anong uri ng tao si Yunus!' "Okay sige, pupunta na ako ngayon!" sabi ni Gerald. Six o’clock na ngayon ng gabi at hindi umalis ng mag-isa si Gerald. Sinundan siya ng Drake & Tyson duo hanggang sa bahay ni Giya. Pagdating nila sa front gate, naghintay ang duo sa labas at pumasok si Gerald. "Giya... huwag ka nang malungkot... Kahit na hindi ako sigurado kung ano ang nangyari sa pagitan ninyong dalawa, ito pa rin ang araw na natanggap mo ang award na most outstanding student recommendation na maipasok sa university... Ito ay isang araw para magdiwang tayo, hindi ba?” kinumbinsi siya ni Tammy. "At saka, baka balang araw ay mapagtanto ni Gerald kung gaano ka kagaling!" Ngumisi lang si Giya nang marinig iyon. "Huwag mo nang subukang na patahanin ako, Tammy. Hindi simple ang nangyari sa pagitan namin ni Gerald... Sa totoo lang, kalimutan mo na ito.
Magbasa pa

Kabanata 615

Ang bagay na iyon ay ang jade bracelet na ibinigay sa kanya ni Gerald dati. "Mula ngayon, wala na tayong kinalaman sa isa’t isa! Hmph! Iningatan ko pa ang jade bracelet na ito hanggang ngayon... Naisip ko noong una na magiging isang magandang alaala na manatili sa akin ang bracelet dahil wala naman tayong gagawing masama sa bawat isa! Ngunit hindi na kailangan ang mga mementos dahil hindi na ito kailangan! Pwede mo na itong kunin!” masungit na sinabi Giya habang inaabot niya ang bracelet kay Gerald. "Okay lang sa akin!" "Gerald, inaasahan kong tatanggalin mo ang contact number ko pagkatapos nito. Manatili ka sa Mila mo at mananatili ako kay Yunus. Wala na tayong dahilan para makita o makipag-usap muli sa isa't isa pagkatapos nito!" "Sige!" Wala nang masabi si Gerald. Matapos kunin ang pulseras, tumango lang siya kay Tammy at sa iba pang mga babae bago siya umalis sa lugar na iyon. "…Ano? Bakit... Bakit hinayaan ka lang niya ng ganoon, Giya? Ano nga ba ang nangyari sa inyong
Magbasa pa

Kabanata 616

"Hindi ako komportable sa sitwasyon na ito, Mr. Long. Dapat alam mo na dahil sayo ay hindi lang ako nagkasala kay Mr. Crawford, kundi pati na rin sa pamilyang Owen. Alam mo ba na hinahanap ako ng mga tauhan ni Mr. Crawford sa buong Mayberry City kahapon. Tapos na ako ung talagang nag-desisyon si Miss Rosalie na imbestigahan ang kaso sa hinaharap!” Nagpatuloy siya, "Tinalikuran ko na ang lahat para matulungan ka lang sa oras na ito, kaya ibigay mo na ang pera sa lalong madaling panahon. Mas mabuti kung makakaalis agad ako sa lugar na ito. Hindi imposible na malalaman ng pamilyang Owen kung sino talaga ang gumalaw kay Miss Rosalie. Kung mangyari man ito, sigurado na magkakaroon ng malaking kaguluhan. Kung sabagay, ang Long at ang Owen ay merong maraming business transactions!" “P*tang ina naman, Harry! Binabantaan mo ba ako?" mapahamak na sinabi ni Yunus. Si Yunus ang nag-set up kay Rosalie at Gerald sa hotel. Bahagi ito ng kanyang plano na tipunin ang may kakayahang allies para tu
Magbasa pa

Kabanata 617

Habang nangyayari ang lahat ng ito, ang mga kaibigan ni Giya ay kasama pa rin niya sa villa ng pamilyang Quarrington. Ang mga babae ay sama-samang nag-iinuman at kumakanta. Sa totoo lang, pinipilit nilang lahat na pasayahin si Giya upang makalimutan niya ang lahat ng lungkot na naramdaman niya kay Gerald. Pumayag sila Tammy at ang iba pang mga babae na manatili na kasama niya ngayong gabi para makasama siya dahil ang mga magulang ni Giya ay nauna nang umalis papunta sa Yanken."Tammy, kailangan kong gumamit ng banyo... Sasamahan mo ba ako?" tanong ni Giya. "Sige!" Magkasama silang pumunta sa banyo Gayunpaman, bigla nilang narinig ang sigaw na nagmula sa itaas! Nagulat sila at agad na sumugod ang lahat patungo sa pinanggalingan ng hiyawan. Gayunpaman, wala na sila Tammy at Giya sa sandaling makarating sila sa banyo. “Tammy? Giya?! Ti-tigilan niyo ang pakikipag-lokohan niyo sa amin! Asan na kayong dalawa?" Ang mga babae ay nagsimulang sumigaw habang hinahanap nila ang da
Magbasa pa

Kabanata 618

Mukhang may tiwala si Tammy sa kanyang mga sinabi. "Ayaw ko nang makita ang g*go na iyon!" sagot ni Giya. “Hoy, hoy! Tapos na ba kayong magsalita? Hostage kayo kung hindi niyo alam! Nagpapanggap ba kayo na wala ako ngayon? Ha?!" galit na sinabi ni Harry. Takot na takot si Tammy nang marinig niya iyon kaya agad siyang tumahimik. Kinusot ni Harry ang kanyang ilong at pagkatapos ay kinuha niya ang cellphone ni Giya. "Wala akong pakialam kung sinong mayamang tagapagmana ang pinag-uusapan niyo, gusto ko lang makuha ang makuha ang p*tang inang pera ko!" Nagreklamo si Harry habang tinitingnan ang contacts ni Giya para hanapin si Yunus. “Giya? Bakit bigla mo akong tinawagan?" tinanong ni Yunus sa isang mapagmahal na tono sa oras na sagutin niya ang tawag ni Harry. “Itigil mo ang kalokohan mo! Hawak ko si Giya ngayon. Kung ayaw mong 'maaksidente' ang minamahal mong Giya, ibigay mo agad sa akin ang pera ko! Papalayain ko sila pagkatapos nito!" nagalit si Harry sa kabilang linya.
Magbasa pa

Kabanata 619

"Sa palagay ko wala namang problema kapag sinabi ko ang totoo sa puntong ito. Sa tingin ko mas makakabuti sayo na malaman kung anong klaseng tao si Mr. Long dahil magiging asawa mo siya. Pero totoo na masyadong pabaya si Mr. Crawford. Wala siyang mga guwardya na naghahatid sa kanya saan man siya magpunta! Alam ito ni Mr. Long kaya isang araw ay lumapit siya sa akin at sinabi niya na meron siyang kailangang sabihin...” Ang puso ni Giya ay mabilis na tumibok pagkatapos niyang marinig ang kwento ni Harry. “Inosente si Gerald! Ikaw ang may kagagawan nito! Bakit mo siya kailangang i-set up?!" sumigaw si Giya habang namumula ang kanyang mga mata. Nararamdaman niya ang malaking agos ng emosyon sa kanyang puso. Bakit siya nagpakatanga? Medyo matagal na niyang kilala si Gerald. Bakit naman siya magiging ang tipo ng tao na pinagbibintangan ni Yunus? Sinubukan pa ni Gerald na ipagtanggol ang kanyang sarili at sinabi niya na hindi siya ang gumawa ng bagay na iyon. Sinubukan siguro ni G
Magbasa pa

Kabanata 620

Walang nararamdaman na galit si Gerald kay Giya kahit na hindi siya pinagkatiwalaan nito sa kabila ng katotohanan na tinulungan niya ito ng sobra noon. Sa katunayan, ayaw na ni Gerald na masaktan pa si Giya. Tiningnan niya ito sa paraan na dahil wala na siyang kinalaman kay Gerald, hindi na kailangang maghirap ni Giya dahil sa kanya. "Yan ang gusto kong marinig! Alam mo, masaya ako dahil nadawit ka namin sa krimen na iyon... Ang lokasyon ko ay nasa…" Binaba agad nila ang tawag matapos sabihin ni Harry ang kanyang lokasyon at idetalye ang ilan pang mga bagay. May pumatak na luha sa pisngi ni Giya. "Hindi… Hindi siya galit sa akin! Handa pa rin siyang isakripisyo ang buhay niya at sumugod sa peligro dahil sa akin!" sabi ni Giya sa kanyang sarili nang maramdaman niyang natunaw ang kanyang puso. Kasalukuyan naman ngayon kay Gerald, inabisuhan niya sina Drake at Tyson tungkol sa ilang mga bagay bago personal na magmaneho sa lokasyon na ibinigay sa kanya. Hindi nagtagal bago si
Magbasa pa
PREV
1
...
6061626364
...
252
DMCA.com Protection Status