Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Chapter 561 - Chapter 570

All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 561 - Chapter 570

2513 Chapters

Kabanata 561

"Lolita?" sabi ni Gerald at hindi niya mapigilang ngumiti. Tinatrato niya ang babae tulad ng isang nakababatang kapatid na babae. Si Lolita ay lumaki kasama sila Gerald at Xeno. Medyo may kaugnayan din siya sa pamilya ni Xeno. Hindi tulad nila Gerald at Xeno, si Lolita ay mayroong magandang background ng pamilya. Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang shop sa bayan na eksperto sa paggawa ng mga cake at merienda. Dahil dito, siya ay karaniwang nakatira sa bayan at bihira siyang umuwi. Dahil sila Gerald at Xeno ay mga mahirap noon at hindi nila kayang bayaran ang anumang magagandang damit noon, bihirang makasama ni Lolita silang dalawa. Hindi rin siya masyadong nakikipag-usap sa kanila, kahit na lahat sila ay mga kamag-aral mula sa parehong elementary. Sa madaling salita, wala gaanong pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawang lalaki at kay Lolita. Maaaring masabi na ito ay katulad ng relasyon ni Gerald kay Queeny. Gayunpaman, hindi siya katulad ni Queeny, nagsimula silang
Read more

Kabanata 562

"Oh? Busy ka ba o ano? Oh! Huwag kang mag alala, libre ito ni Chase ngayon! Kahit na kailangan nating bayaran ang aming sariling mga bills, susuportahan kita, okay?" sabi ni Lolita habang inaako ang mga alalahanin ni Gerald. Naturally, hindi ito tungkol sa mga isyu sa pera. Kailangan lang mag-celebrate ni Gerald ang kanyang sariling birthday ngayon! Kahit na tinanggihan ni Gerald ang kanyang imbitasyon, hindi na mahalaga iyon kay Lolita. Gayunpaman, dahil alam ni Gerald na dadalo rin si Mr. Weiss, hindi niya maiwasang maramdaman na napabayaan niya ang dating teacher kung hindi siya sumali sa gathering. "Hindi, hindi ito tungkol sa pera... Sa totoo lang, pinaplano ko sana na yayain ka na i-celebrate ang birthday ko ngayon! Peri dahil nabanggit mo si Mr. Weiss, bakit hindi na lang ganito? Sasabay na lang ako sayo para makausap ko lang siya ng saglit. Pagkatapos nito, babalik ako sa sarili kong birthday celebration!" sagot ni Gerald. “… Oh? Birthday mo ngayon? Nakakahiya naman at
Read more

Kabanata 563

Nang sa wakas ay malapit na si Gerald, binati siya ng kanyang mga kamag-aral at lumapit ang mga ito para kamustahin siya. Nakita rin niya si Sherry at hindi mapigilan ni Gerald na medyo mahiya. Kung sabagay, nag-date sila noon. Bagaman hindi talaga sila tunay na nag-date, ang relasyon na ibinahagi nila noon ay katulad ng pakikipag-date. Sa madaling salita, nagkaroon sila ng hindi siguradong relasyon. Si Sherry din ang naging dahilan kung bakit mainit sa paningin ni Yale, ang bully ng paaralan, si Gerald. Alam ng lahat ang sumunod na nangyari. Sa huli, nagkaroon ng relasyon sila Sherry at Yale. Kanina pa nagtataka si Gerald kung nandito siya sa gathering. Ito ay magiging mahirap at nakakahiya para makita siya ngayon. Kung sabagay, kinaiinisan siya nito. Galit na galit siya sa kanya. Bagaman nagawa na ni Xeno at Gerald ang lahat dahil sa kanya, nagpasya pa rin siyang makasama ang kanilang karibal. Nawala ang oportunidad ni Xeno na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang
Read more

Kabanata 564

May sasabihin pa sana si Gerald nang agad na sumabad ang isang lalaki na malakas magsalita. Si Chase ang tao na iyon. “Wow! Napakaraming mga kaklase natin ang nandito ngayon! Lahat kayo ay talagang dumalo para sa akin! Nagawa ko na ang lahat ng kinakailangang arrangement ngayon kaya pumasok muna kayo at magpatuloy sa pakikipag-usap sa bawat isa sa loob." Habang sinusuri niya ang mga tao, nakita niya sina Mr. Weiss at Kristen. Nakangiti siya na lumapit sa kanilang dalawa bago sinabi, “Mr. Weiss! Miss Yahn! Welcome, pumasok na tayo at umupo muna! Eh? Nandito ka rin Gerald? Ayos! Sabay na tayong pumasok! " Mesyo nagulat si Chase nang makita si Gerald kaya binati niya na lang ito. “Sherry, halika dito. Hindi mo ba nakikita na nandito na ang teacher natin noon?" tinawag ni Chase si Sherry nang makita niya ito. Sa sandaling tumayo siya sa tabi ni Chase, agad na kinabit ni Chase ang kamay niya sa kamay ni Sherry. Karamihan sa kanilang mga kamag-aral ay nagulat nang makita ito at k
Read more

Kabanata 565

"Oh? Isa pang kaklase ang nagce-celebrate din ng birthday nila ngayon din? " tanong ni Chase habang nakangiti na may isang nakataas na kilay. "Tama yan! Ngayon din ang birthday ni Kirk! Nang sinabi ko kay Xeno ang tungkol sa celebration, sinabi sa akin ni Xeno na wala siyang oras para dumalo ngayon!" Si Kirk ay isa pa sa kanilang mga kaklase nila noong junior high. Kahit na siya ay isang matapat o prangka na tao at matalino pa siya sa academics, palagi siyang nasa dulo ng klase. Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang cement factory at dahil napagtanto niya na hindi siya mahusay sa kanyang pag-aaral, kaagad siyang nagsimulang magtrabaho para sa kanyang pamilya pagkatapos niya sa junior high school. Nakatingin ang lahat kay Kirk. “P*ta! Bakit hindi mo sinabi sa amin na ngayon din ang birthday mo, Kirk? Nakakahiya naman ito! Hahaha!" sabi ni Chase. "Ngayon din pala ang birthday mo! Kayong lahat, idagdag natin si Kirk sa WeChat para mabigyan natin siya ng isang pulang sob
Read more

Kabanata 566

Pagkatapos nito, tumingin si Gerald kay Lolita at tumango bago siya nagpaalam kay Mr. Weiss. "Ano? Aalis na talaga sila? Pumunta lang ba talaga sila dito para bisitahin si Mr. Weiss? Napakalaking kalokohan! Pano naman tayo? Wala ba tayo sa kanila?" Sabi ng ilan sa mga babae at kitang-kita na naguguluhan sila. "Tama diba? May galit ka ba sa amin dahil lamang hindi ka namin binati sa birthday mo?" "Gerald, magiging prangka ako. Hindi sa ayaw kong batiin ka ng happy birthday gamit ang Line, pero talagang ayaw kong ilagay ang number mo sa cellphone ko noong umpisa pa lang! Hahaha!" “D*mn! Burn!" Kaagad pagkatapos nito, nagsimulang tumawa ang lahat. Ang pagtawa kay Gerald ang kanilang paboritong anyo ng libangan kung tutuusin. Nanahimik lang si Gerald. Alam niya na hindi mahirap na pakainin sa kanila ang mga salita nila. Gayunpaman, nagpasya siyang maging mas malaking tao at umalis na lang kasama si Lolita. Ang pagkakaroon ng unang reaksyon sa panunuya ng kanyang mga kamag-aral
Read more

Kabanata 567

Matapos sunduin ang lahat, mayroong apat na tao sa kotse habang papunta sila sa Fuenti. Tumagal ng halos twenty minutes bago sila makarating sa Sunny Springs. Talagang hindi inaasahan ni Gerald na makakita ng napakaraming tao. Ang mga luxurious na kotse ay patuloy na pumapasok ng sunod-sunod at maraming mga lawin ang nagtipon sa pasukan ni Sunny Springs. Kung tutuusin, ito ang kanilang pangunahing pagkakataon upang kumita mula sa maraming mga tao na ito. Sa halip na isang pagdiriwang ng kaarawan, mukha itong isang buong festival. Buhay na buhay!’ Napaisip si Gerald sa kanyang sarili. Ang isang pulang carpet ay inilatag mula sa pasukan hanggang sa hotel at dose-dosenang mga empleyado ang nagmamadali, abala sa pagtanggap sa sinumang mga honored na bisita na nakikita nila. Kung hindi dahil kay Zack, talagang hindi naisip ni Gerald na mag-host ng isang event na napakalaki. Hindi niya naramdaman na ang kaganapan ay para ipagdiwang ang kanyang kaarawan. "Hala, ang dami ng mga tao d
Read more

Kabanata 568

"Tumigil na, birthday ngayon ni Gerald at sinabi niya na ililibre niya kami ng hapunan. Dahil lahat kayo ay walang maayos na gagawin, ipagdiwang natin nang sama-sama ang kanyang birthday! Ipakita mo sa amin ang restaurant, Gerald!" Sabi ni Mr. Winters. "Ano? Busy kami tatay. Alam mo, maghahapunan tayo kasama ang ilang mga kaibigan ni Boss. Bakit hindi ka sumama sa amin?" tanong ng unang hipag. Humarap siya kay Francis bago sinabi, “Fran, Jazz, pareho kayong pwede nang umalis ngayon. Hindi mo na kailangang mag-aksaya ng anumang oras dito at tandaan na magkaroon ng maayos na ugali pagdating ng leader!" Tumango agad si Francis at ang kanyang mga kasamahan. Alam nila kung gaano kahalaga ang kaganapan. Matapos masulyapan si Gerald sa huling pagkakataon, umalis si Francis kasama ang kanyang mga kasamahan. Para naman kay Queeny, tahimik niyang pinagmamasdan si Gerald sa buong oras na nandoon sila. Kanina lang, binibiro ng lahat si Gerald. Ang ilan ay lantarang ininsulto siya. Gayunp
Read more

Kabanata 569

Ang mga taong ito ay ang pamilyang Jung. Tuwang-tuwa si Willie sa kaganapan. Gayunpaman, pagkakita niya kay Gerald ay agad na nagdilim ang kanyang paningin. Si Gerald ay kinilabutan nang makita sila. Dati, babatiin pa rin niya sila dahil gusto niyang maging magalang. Gayunpaman, ang kagandahang-loob na ito ay hindi na kinakailangan. "Oh my god, tingnan mo! Maraming mga mamahaling kotse!” "Talaga? Saan? Oh wow, tama ka!" Maririnig ang mga hiyawan mula sa loob habang dumadaan ang mga kotse. Tinitiyak ng crowd ng mga tao na humilay para payagan ang mga kotse na dumaan. Habang ginagawa nila ito, hinanda ng mga empleyado ang kanilang sarili na tanggapin ang kanilang mga bagong panauhin. Isang mag-asawang nasa edad na ang lumabas mula sa unang sasakyan nang magkahawak-kamay. "Welcome, Mr. Edwin at Mrs. Jennifer Edwards!" Pagkakita pa lang ng mga empleyado sa mag-asawa, lahat ay agad na yumuko. "Oh my god, ang mga Edwards iyon! Si Mr. Edward ang nangungunang philanthropist sa
Read more

Kabanata 570

Doon nalaman ng pamilyang Winters na ang pagdiriwang ay gaganapin para sa isang napakalakas na tao. Si Gerald naman ay nakapisil sa loob ng crowd ng mga tao at medyo nabigla siya. Hindi niya inaasahan na magiging sobra ang preparasyon ni Zack sa pagdiriwang at hindi niya rin naisip na maraming mga tanyag na kilalang tao ang inimbitahan. Tinansya niya lang na thirty katao lamang ang dadalo sa kanyang birthday at malinaw na higit pa rito ang inakala niya! “Teka! Guys, tingnan mo! Hindi ba siya si Mr. Zebriel na mula sa Sunnydale?" "Oh f*ck, siya nga! Kahit si Mr. Zebriel ay nandito rin!" Ang crowd ng mga tao ay patuloy na nabigla sa mga main guests sa kaganapan. "Ma, aalis ako para kumuha ng ilang mga picture at pwede niyo bang bantayan ang mga gamit ko? Okay guys, tara na!" sabi ni Francis sa isang seryosong tono at siya ay sumugod habang hawak ang kanyang camera. Sunod-sunod na pumunta sa eksena ang mga kilalang tao, walang makapagpigil sa ingay na ginagawa ng crowd ng mg
Read more
PREV
1
...
5556575859
...
252
DMCA.com Protection Status