Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Chapter 551 - Chapter 560

All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 551 - Chapter 560

2513 Chapters

Kabanata 551

Nakialam si Gerald dahil hindi niya matiis na pinapanood sina Jarvis at Yolanda na patuloy na inaabuso ang kanyang kapangyarihan. Bukod pa dito, sa wakas ay naalala ni Gerald kung sino si Blake Wadford. Siya ang nag-ayos ng birthday party para kay Elena Larson. Si Gerald ay kasama si Lilian sa panahon ng celebration, kaya naka-usap niya si Blake noon. Nag-usap lang sila ng saglit doon. Gayunpaman, malinaw na sumosobra na sina Jarvis at Yolanda kahit na gusto niyang panatilihin ang pagiging low profile. Kung sila ang kanyang matalik na kaibigan, hahayaan niya lamang ito. Gayunpaman, ang dalawang ito ay mga nobodies. ‘Bakit ako mananatiling tahimik at hahayaan ang mga bobo na ito na gawin ang gusto nila sa mga tauhan nila?’ Naisip ni Gerald sa kanyang sarili. “M-Mr. Crawford? Nandito ka pala?" Alam ni Blake na yari na siya sa oras na makita niya si Gerald. Para bang bumagsak ang puso niya hanggang sa tiyan. Nagalit siya matapos marinig na ang kanyang minamahal na anak na babae
Read more

Kabanata 552

“Teka lang Gerald! Ipaliwanag mo ang iyong sarili!" sabi ni Queeny habang nagmamadaling lumapit sa kanya. Namumutla ang mukha niya at parang napailing siya. Tulad ng iba pa, hindi niya alam kung paano naging napakadali kay Gerald na baguhin ang sitwasyon. Kanina pa niya minamaliit ni Gerald. Sa sandaling matagumpay na nakialam si Gerald, naramdaman ni Queeny na parang siya ay dinurog ng isang malaking bato. Sa kanyang isipan, patuloy niyang hinahangad na ito ay ibang tao na makapangyarihan. Kahit sino ay pwede na. Kahit sino maliban kay Gerald. 'Bakit tinawag niya si Gerald bilang Mr. Crawford?' 'Hindi ba siya ay isang talunan na low-life? Bakit, oh bakit…’ Ito ang mga kaisipang bumabaha sa isip ni Queeny. Nakaramdam siya ng sobrang pagkabalisa. "Anong kailangan mo?" paalis na tinanong ni Gerald. 'Kung hindi dahil kay Mr. Winters, hindi ko sasayangin ang oras kong lokohin ang sarili ko sa mga tao,' naisip ni Gerald sa kanyang sarili. "Ipaliwanag mo ang iyong sarili nang t
Read more

Kabanata 553

“P*ta! Queeny? Binigyan ko na kayo ng sagot!" sigaw ni Gerald sabay talon. Hindi niya inaasahan na hahabulin siya ng babaeng ito. "Anong meron sayo? Nag-aalala lang ako...! Sabihin na nating nanalo ka sa lotto o ano kahit na hindi ako sigurado kung magkano ang nakuha mo, hindi ba parang ang babaw mo para umasta ng ganito? Kakainin ka ng totoong mundo kung ganoon! Gaano man kalaki ang iyong nakuha, mag-ingat at huwag malinlang o baka tumira ka sa kalye sa susunod!" ‘Yeah… Totoo iyon. Si Gerald ay dapat na nag-invest siguro sa attraction gamit ang pera sa lotto.’ Ito lamang ang makatwirang konklusyon na maaari niyang mabuo sa sandaling iyon. Naging magulo ang kanyang damdamin at pakiramdam niya ay sobrang nababagabag sa biglaang pagbabago ng lakas. Matapos sabihin kung ano ang kailangan niya para mapakalma ang kanyang sarili, kaagad na umalis si Queenie sa opisina habang namumula ang pisngi niya. “Hah. Ang batang babae na ito... Kung nalaman niya ang tungkol sa aking totoong pagkat
Read more

Kabanata 554

“... Ay oo nga pala. Sharon, bakit ka naghahanap ng trabaho ngayon? Kumusta naman si Hayward?" tanong ni Gerald. Kahit na dati ay may crush siya sa kanya, wala na talaga siyang nararamdaman para kay Sharon. "Ah, well, matapos malaman ni Hayward na ikaw si Mr. Crawford, laking gulat niya kaya umalis siya sa kanyang bahay nang maraming araw. Bukod pa dito, alam niya ang tungkol sa ating nakaraang relasyon, kaya…” Tumigil doon si Sharon at iniwan na nakasabit ang kanyang mga salita. ‘… Ah, kaya pala naghahanap ng trabaho si Sharon, dahil pala ito sa akin!” Napaisip si Gerald sa kanyang sarili. Si Gerald ay nagpakita ng isang awkward na ngiti bago niya sinabi, "Pero alam mo, na-flatter pa rin ako, haha! Naaalala mo ba noong high school? Ang pinakamasayang birthday na meron ako noon ay noong nasa canteen tayo!" Nang marinig iyon, pareho sila Sharon at Xella nagsimulang mag-isip tungkol sa nakaraan. Noong high school, halos lahat ay tumanggi na makasama si Gerald at ang kahit noon
Read more

Kabanata 555

"Pasensya ka na, Gerald..." sabay na sinabi nilang dalawa. Ang dalawang babae ay nagbigay ng mga expression na puno ng kahihiyan at panghihinayang. "Tama na iyan!" sagot ni Gerald habang nagpakita ng gentle na ngiti. Kahit na siya ay naging mabait pa rin sa kanila, alam nilang tatlo na ang kanilang pagkakaibigan ay hindi talaga maayos. Ang nangyari ay tapos na at hindi na sila makakabalik sa nakaraan. Itatrato lamang sila ni Gerald bilang mga kakilala ngayon. Wala nang hihigit pa. Parehong naintindihan nila Sharon at Xella ang ipinahihiwatig ni Gerald. Alam ng dalawa na hindi nila mai-rewind ang oras para ayusin ang lahat ng kanilang mga pagkakamali at naramdaman nila na ang kanilang puso ay tinusok ng libu-libong mga karayom. Kung sila ay magkaibigan pa rin, ang muling pagsasama na ito ay maaaring maging mas mahusay. Ayaw nang pahabain pa ang awkwardness sa pagitan nila, nagpasya si Gerald na umuwi na dahil late na rin. Para sa kaalaman niya, ang psycho na iyon na si Queeny ay m
Read more

Kabanata 556

Habang nagmamaneho siya, may napansin si Gerald na kakaiba. Para bang dumami ang mga mamahaling kotse sa bayan. Karamihan sa kanila ay nakaparada sa labas ng mga hotel. Kahit na ito ay medyo kakaiba, hindi ito masyadong iniisip ni Gerald. Sa sandaling iyon, nagsimulang mag-ring ang cellphone ni Gerald. Nakita niya na ito ay isang tawag mula kay Mrs. Winters. "Anong problema, Mrs Winters?" nakangiting tinanong ni Gerald matapos sagutin ang tawag. “Gerald? Nasaan ka? Nakita ko si Queeny ay nagmamaneho nang mag-isa kanina. Mukha siyang medyo stressed. Nakipagtalo ba kayong dalawa? Iniwan ka ba niya doon ng mag-isa?” Tinanong si Mrs. Winters, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. "Huwag mag-alala, nagmamaneho ako ngayon gamit ang kotse ng kaibigan ko!" Walang nagawa si Gerald kundi sabihin iyon para hindi mag-overthink ni Mrs. Winters sa sitwasyon. "Naintindihan ko! Mabuti naman... Nga pala Gerald, makakakuha ka ba ng isang bag ng bigas sa bayan kapag pabalik ka na? Sa ganoo
Read more

Kabanata 557

Sa sandaling iyon, may dalawang mag-asawa at isang binata ang lumabas ng hotel. Lahat sila ay nagkataong nakita si Leila na kausap si Gerald. Ang middle-aged lalaki ay tumawag sa kanila ilang segundo lamang ang nakalipas at naglakad ito patungo sa dalawa. Mukhang siya ang leader ng grupo at siya ay walang iba kundi si Willie mismo. “Anong ginagawa mo dito, pa? Tinutulungan ko lang si Gerald na bumili ng kung ano!" Reklamo ni Leila. "Ano? Bibili ka pa rin ng mga bagay para sa kanya? Mahusay! Wala akong ibibigay sa kanya! Kahit na itapon ko pa ito!" Kaagad pagkatapos niyang sabihin iyon, inagaw niya ang cable mula sa kamay ni Gerald at itinapon ito sa lupa. Bago mangyari iro, sobrang natuwa si Willie dahil handa siyang makiusap kay Gerald na gamitin ang kanyang mga koneksyon para matulungan siya. Gayunpaman, sa huli, hindi lang siya pinansin ni Gerald. Sobrang nagalit at nabigo si Willie dahil dito. "Hindi ba sinabi ko sayo na wala ka nang kinalaman sa kanya, Leila? Bakit h
Read more

Kabanata 558

"Hmph! Huwag mo na siyang pag-usapan pa!" malamig na nagsalita si Willie. Samantala, nakarating na si Gerald sa bahay. Ang kanyang galit kay Willie ay naging mas maliit sa kanilang paglalakbay. Mukhang maraming mga kotse ang nakaparada sa harap ng bahay ni Mr. Winters. Pagdilat ng kanyang mga mata, napagtanto ni Gerald na ito ay mga kotse ng kanilang panganay, pangalawa, at pangatlong anak na lalaki. Dahil dito, pinindot ni Gerald ang horn ng kanyang kotse na nagsasabi na manghingi ng tulong para ilipat ang ilan sa mga grocery. May ilang mga tao ay nakatayo sa patio sa oras na iyon. Nang marinig at makita nila ang Audi na nakaparada sa harap ng bahay, hindi nila maiwasang ma-curious at lumabas para tumingin. Sinundan din sila nila Mr. at Mra. Winters sa labas. Nang buksan ni Gerald ang pinto ng kotse at lumabas, nagulat ang lahat ng naroroon. “Gerald? Nagmamaneho ka ng Audi?" tanong ng asawa ng panganay na anak at malinaw na nabigla sila. Kung ito ang kotseng minamaneho ni
Read more

Kabanata 559

"Alam mo, bukas ang aking birthday at hindi ko ito ipagdiriwang sa bahay sa pagkakataon na ito. Nag-book na ako ng hotel para dito. Meron ba sa inyo ang may oras para dumalo?” tanong ni Gerald. Sa mga nakaraang taon, palaging si Mr. at Mrs. Winters ang laging nagdiriwang ng kaarawan ni Gerald kasama niya. Ang taong ito ay hindi magiging exception. Gayunpaman, dahil nandito ang lahat, natural na naramdaman ni Gerald na obligadong siyang mag-imbita sa kanilang lahat sa kanyang birthday. Ang pangatlong hipag ay umubo bago sinabi, "Parang may oras kaming pumunta doon. Si Francis at ang iba pa ay magtatrabaho bukas. Wala kaming panahon para ipagdiwang ang birthday mo." "Tama iyan. At saka, kung ipinagdiriwang mo ang iyong birthday, hindi ba dapat kumain ka na lang sa bahay? Bakit ka nag-book ng isang hotel? Nakalimutan mo ba ang iyong pinagmulan dahil lamang may pera ka ngayon?" malamig na sinabi ng pangalawang hipag. Si Gerald ay talagang mahirap noon at ang lahat ay sanay na mal
Read more

Kabanata 560

Sa oras na ito, tumawag sa kanya si Giya. "Birthday mo bukas di ba, Gerald?" tanong ni Giya. "Hmm..." "Hmoh! Bakit hindi mo ako niyaya na magdiwang kasama mo? Naghihintay ako buong araw na tawagan mo ako! Late na ngayon at hindi mo pa ako niyayaya... Nakalimutan mo na ba ako?" "Hindi. Kaya lang simula nang bumalik ako sa bayan ko, balak ko lang magkaroon ng isang simpleng birthday celebration!" paliwanag ni Gerald. Sa katunayan, talagang hindi balak ni Gerald na imbitahan si Giya. Bagaman napakabait ni Giya sa kanya, gusto lang ni Gerald na makasama ngayon si Mila. Ayaw niyang mapalapit sa ibang mga babae. Samakatuwid, ang patuloy na pagkakaroon ng isang masalimuot na relasyon kay Giya ay hindi magandang tingnan. At saka, naging magulo ang sitwasyon noong nandito si Giya kasama niya sa huling pagkakataon. Nahiya si Gerald na imbitahan pa siyang lumapit ulit. "Imbitahan mo man ako o hindi, pupunta ako sa bahay mo para hanapin ka bukas. Maliban na lang kung… hindi mo ako
Read more
PREV
1
...
5455565758
...
252
DMCA.com Protection Status