Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Chapter 1761 - Chapter 1770

All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 1761 - Chapter 1770

2513 Chapters

Kabanata 1761

Hindi nagtagal bago muling tumahimik ang buong lugar... Dahil wala nang arrow na bumabaril, naisip ng lahat na ang machine na nagpapagana nito ay natapos na... Nakahinga ng maluwag si Lech bago niya takot na takot na sinabi, "Mukhang maraming death traps dito, Mr. Crawford...!" Hindi ito inasahan ng kahit sinuman… pero hindi pa rin mawawala ang katotohanan na ang tauhan ni Lech ang nagpasimula nito. Ang salarin ay tinamaan ng dose-dosenang mga arrows at kasalukuyang nakahandusay sa kanyang mga dugo na dahan-dahang umaagos... Ito ang napakasamang paraan para mamatay... Gayunpaman, nangyari ito dahil random na hinawakan ng mga tao ang mga bagay dito. Dahil doon, tiningnan ng masama ni Lech ang kanyang mga tauhan bago niya sinabi, “Makinig kayo! Kayong lahat ay hindi pinapayagang gumalaw hangga't hindi ko sinasabi!" Nang marinig iyon, lahat ng mga tauhan ni Lech ay tumango lang at nanatiling nakatayo sa kanilang kinaroroonan... Kahit sinuman sa kanila ay hindi naglakas-loob na h
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 1762

“Wow! May underground palace! Mas malaki ito kumpara sa kaninang palasyo!" sigaw ni Ray. “Mag-ingat po kayong lahat! At huwag kang gagawa ng kalokohan!" babala ni Gerald, umaasa siya na matututo na ang lahat mula sa kaninang pagkakamali. “Masusunod! Ano ang mga bagay na iyon, Mr. Crawford...? Mukhang luxurious ang mga iyon!" tanong ni Ray habang naglalakad patungo sa isa sa mga platform para mas makita ito ng mabuti. “Iyan ay mga Treasure Glaze Platform. Ginagamit ang mga ito para sindihan ang mga kandila na ginagamit para sa mga sacrifice rituals. Ang apoy mula dito ay kayang tumagal magpakailanman!" paliwanag ni Old Flint nang makita niyang hindi sumagot si Gerald. Nagulat si Ray nang marinig niya iyon. May mahiwagang bagay pala na makikita sa mundong ito... Naputol ang kanyang pagkamangha nang biglang marinig ng lahat ang isa sa mga tauhan ni Lech na sumisigaw na parang hirap na hirap siya! Nang lumingon sila, nakita nila na nasusunog na ang buong katawan niya! Ang kanya
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 1763

“…Salamat sa Diyos na dinala mo ang babaeng ito, si Gerald…! Kung hindi, malamang patay na tayong lahat…!” takot na takot pa rin na si Lech habang nagpapasalamat siya kina Juno at Gerald. Kung hindi lang dinala ni Juno ang insecticide na iyon, paniguradong namatay sila ngayon... Kasunod nito, binasag ni Gerald ang lata bago pinahiran ng liquid nito sa loob ng kanyang damit. “Ipahid mo sa katawan mo ang liquid na ito! Sana kahit papaano ay lalayo ang mga gagamba kapag naamoy nila ito!" bilin ni Gerald. Nang marinig iyon, ginawa ng lahat ang kanyang utos at siniguro nila na maipapahid nila ang napakaraming insecticide hangga't maaari sa kanilang mga damit at sapatos. Umaasa sila na iiwasan na sila ng mga gagamba... Ngayong tapos na ang krisis, biglang may binahagi si Old Flint, “...Sa tingin ko ang mga bampira ang nagpalaki ng mga gagambang iyon. Kung tama ang aking obserbasyon, anumang dugo na sinipsip ng mga gagamba ay makukuha ng mga bampira para maging pagkain nila…” “Nap
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 1764

Gayunpaman, hindi nagtagal bago napansin ni Gerald at ng iba na may isang problema; ang malaking pinto ng bahay ay naka-lock. Mabilis na nag-utos si Lech nang makita niya iyon, "Buksan niyo ang pinto mga kalalakihan!" Nang marinig iyon, mabilis na kinuha ng isang espesyalista mula sa team ni Lech ang ilang tool mula sa kanyang fanny pack at sinimulan niya ang kanyang trabaho... Hindi nagtagal, isang kalampag ang maririnig at pinapahiwatig lamang nito na nagtagumpay siya! Dahil doon, tinulak ni Lech ang pinto at pinasunod niya sa kanyang likuran ang iba. Nang makapasok sila, mabilis nilang napagtanto na ang loob ay walang laman bukod sa isang malaking disc sa gitna ng bahay na napapalibutan ng apat na pillars... “Ano kaya iyon…” curious na sinabi ni Gerald. Sumagot naman si Old Flint, “…Dito siguro nililinang ng mga bampira ang kanilang sarili. Base sa itsura ng disc, malakas ang kutob ko na ang pinuno lamang ng mga bampira ang pinapayagang umupo doon!" Habang tumatango si
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 1765

Kinailangan ni Gerald na ulitin ang sinabi ni Old Flint para lang bigyang-diin kung gaano kadelikado kahit pa hawakan lang ang kayamanan sa lugar na ito. Walang limitasyon ang kasakiman sa puso ng mga tao, kaya ang pagpigil sa sarili ang susi para makapag-survive sila sa kanilang kasalukuyang sitwasyon... Pagkatapos ng halos kalahating oras ng paglilipat ng lahat ng uri ng kayamanan palabas ng lugar na iyon, si Lech at ang kanyang mga tauhan ay nakaipon ng sapat na kayamanan para mapuno ang hindi bababa sa dalawang malalaking sasakyan... Nang makita kung gaano karaming kayamanan ang naroroon, hindi na nakapagtataka ang dahilan kung bakit si Lech at ang kanyang mga tauhan ay naakit sa lugar na ito... Sa huling pagkakataon na pumasok si Lech na lugar na iyon, nakangiti siyang lumapit kay Gerald bago niya sinabing, “Ito ang mga yaman na nakuha natin sa secret room na iyon, Gerald! Dahil malaki ang naiambag ng dalawang grupo natin para makarating dito, handa akong ibahagi sayo ang ilan
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 1766

"Sinasabi mo ba na susugurin lamang ng mga gagamba ang may hawak ng mga kayamanan?" tanong ni Gerald. Nagulat si Gerald at ang kanyang grupo nang makita nilang tumango si Old Flint. Ang mga gagambang ito ay pumipili ng kanilang biktima… Samantala, si Lech at ang kanyang natitirang mga miyembro ay nilamon ng buhay ng mga dambuhalang gagamba! Nakakatakot makita ang buong eksenang ito… Si Lech ay nagmamakaawang nakatingin kay Gerald habang nakatayo siya malapit sa may pintuan, “B-Brother Crawford...! Pakiusap, iligtas mo kami…!” “Tu-Tulong! Tulungan niyo kami!” sigaw din ng iba pang nahihirapang mga miyembro ng team ni Lech. Gayunpaman, walang magawa si Gerald. Kinuha nilang lahat ang mga kayamanang may sumpa dahil sa kanilang matinding kasakiman. Sa madaling salita, dinala ang kanilang sarili sa sitwasyon na ito. Dahil doon, walang magawa si Gerald habang patuloy silang sumisigaw at kinakain ng mga gagamba… Si Lech naman ay napunit sa kalahati bago siya itinapon sa kalaliman.
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 1767

Hindi nagtagal, bumalik si Gerald at ang iba pa sa chamber... Gayunpaman, pagpasok nila sa loob, bigla silang sinalubong ng kakaibang mga katok... Biglang naging maingat si Ray at napatingin siya kay Gerald habang nagtatanong, “…Naririnig mo ba iyon, brother Gerald?” Tumango si Gerald, saka sumagot ng, “Oo.” Dahil dito, sinimulang hanapin ng lima ang pinanggalingan ng tunog... hanggang sa kalaunan ay napagtanto ni Gerald na ito ay nagmumula sa pinakasentro ng round platform sa chamber... “… Doon nanggagaling ang tunog!” sabi ni Gerald habang nakaturo sa platform. Nang marinig iyon, nagtipon ang lahat palibot ng plataporma bago nila idiniin ang kanilang mga tainga dito... Tama ang kanyang sinabi dahil naging malinaw ang tunog ng pagkatok nang makalapit sila dito! Kung susuriin ito ng maigi, ang katok ay may partikular na rhythm. “…Sa tingin mo ba ay may nakakulong sa loob nito, Gerald…?” tanong ni Ray. “…Baka nga! Mukhang totoo ito base sa rhythm ng katok.” sagot ni Gera
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 1768

Nakakulong sa ibaba ang isang malakas at mahabang buhok na parang unggoy na nilalang... “…Anong meron diyan, Brother Gerald?” pabulong na tinanong ni Ray. Pagtingin sa kanila, tahimik na sumenyas si Gerald na lumapit sila para tingnan kung ano ang nasa loob. Nang makita iyon, gumapang ang ibang miyembro ng grupo ni Gerald bago sumilip sa loob. Tumingin si Gerald kay Old Flint bago niya sinabi, “…Alam mo ba kung ano iyon, Old Flint…?” Nag-isip ng sandali si Old Flint bago siya sumagot, “...Kung hindi ako dinadaya ng mga mata ko, iyon ay isang black gibbon. Naaalala ko ang isang kwento tungkol sa mga bampira ay palihim na nagpapalaki ng black gibbon at ginagamit nila ito upang tulungan silang manghuli ng mga tao... Siguro ito ang nilalang na iyon!" Habang nanlalaki ang mga mata ni Gerald, mabilis namang sinabi ni Ray, “Ang ibig sabihin lamang nito ay... ang black gibbon na ito ay isang mabangis na hayop! Mas mabuti kung papanatilihing naka-lock ito sa loob ng platform!" Tot
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 1769

“Oo. Maraming mga tao na ang nagtangkang hanapin ang kabaong ng unang ninuno ng bampira para makuha ang vampiric pearl sa loob nito…” sagot ni Old Flint pagkatapos niyang tumango. “Ang vampiric pearl? Pumunta ka dito para hanapin ‘yan, tama ba?" tanong ni Gerald. "Ang vampiric pearl ay isang kayamanan ng mga bampira na pwedeng makapagbigay sa kanila ng bagong katawan!" paliwanag ni Old Flint. Tumango lang si Gerald nang marinig niya iyon. Hindi siya masyadong interesado dito kahit na nakakaintriga malaman ang tungkol sa nasabing kayamanan. Kung tutuusin, pumunta lang siya dito para tulungan si Old Flint. Pagkatapos itong suriin ni Gerald ay sinabi niya, “…Mukha naman safe ito. Buksan natin ang kabaong!" Tumango si Old Flint nang marinig niya iyon dahil nasasabik siyang mahawakan na sa wakas ang vampiric pearl. Dahil hindi tumutol si Old Flint, humarap si Gerald kina Juno at Nori at sinabi niya, “Lumayo kayong dalawa! Tumakbo kayo kapag may nakita kayong mali, okay?" Mabil
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 1770

Walang pagda-dalawang-isip na sumunod sila Juno, Nori at Ray. Habang mabilis nilang inaayos ang kanilang mga gamit para maghanda silang umalis, bigla namang napansin ni Ray na nakatayo pa rin si Old Flint sa parehong sulok at siya ngayon sa hindi malamang dahilan... Naramdaman ni Ray na kakaiba ito kaya sinabi niya, "Old Flint, aalis na tayo!" Gayunpaman, pagkatapos niyang magsalita, nanlaki ang mga mata ni Ray nang makita niyang tinititigan siya ni Old Flint habang ang kanyang mga mata ay pulang-pula... Nanginig sa sobrang takot si Ray habang sinasabi niya, “Um, G-Gerald? Parang may mali kay Old Flint…!” Mabilis na lumingon si Gerald para tingnan ang matanda at bigla siyang nagulat nang makita niya ang kalagayan ni Old Flint. “… Old Flint…? Anong nangyari sayo?” seryosong tinanong ni Gerald habang nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Sa kasamaang palad para sa kanila, hindi na ito ang Old Flint na nakilala nila noon. Walang pinagbago ang kanyang mukha, ngunit ang pulang-
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
PREV
1
...
175176177178179
...
252
DMCA.com Protection Status