Lahat ng Kabanata ng Isa pala akong rich kid?!: Kabanata 1741 - Kabanata 1750

2513 Kabanata

Kabanata 1741

"Ikaw naman, Mr. Crawford!" sabi ni Xanry sabay lingon kay Gerald nang matapos siya. Nagsimula na ang second round at alam ni Gerald na hindi niya kayang makakuha ng zero marks muli dahil magiging masyadong malaki ang agwat sa pagitan ng score niya at ni Xanry para manalo siya. Dahil dito ay kinuha ni Gerald ang bowling ball bago siya dahan-dahang naglakad patungo sa lane. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang posisyon, narinig ni Gerald si Xanry na sumigaw mula sa kanyang likuran, “Lakasan mo lang ang loob mong ihagis ito, Mr. Crawford! Okay lang kung wala kang natamaan, gawin mo lang ito para makapag-practice ka! Kung tutuusin, kailangan mo ng mas marami pa para malabanan mo pa ako!" Pumikit na lang si Gerald habang sinasabi niya ito... bago dahan-dahan niya itong binuksan muli. Naglakad siya ng isang hakbang pasulong at inihagis ni Gerald ang bowling ball! Sa halip na lumiko sa gilid, ito ay gumulong papunta sa mga pin at pansamantalang nagulat sila Xanry at ang iba pa na
Magbasa pa

Kabanata 1742

Napagtanto ni Xanry na nagkamali siya ng calculation nang tumama ang bola sa lane bago ito lumiko papunta sa gutter! Dahil dito ay walang nakuhang points si Xanry sa round na iyon. Biglang sumimangot si Xanry nang makita niya iyon. Hindi niya inasahan na magkakamali sa pinakaimportanteng round! Nakakainis! Hindi palalampasin ni Gerald ang pagkakataong ito na kutyain si Xanry. Dahil dito ay tumawa siya ng malakas bago niya sinimulang mangasar, “Mukhang nagkamali ka sa tamang panahon para maabutan kita, Monitor! Maraming salamat sayo!” Sobrang nainis si Xanry nang marinig niya ito, pero kailangan niyang manatiling tahimik. Kung tutuusin, totoo nga naman na naging pabaya siya. Pilit na tumawa si Xanry bago siya sumagot, “…Tama ka! Mukhang may pagkakataon ka na ngayon!" Tahimik na napaisip si Gerald, ‘Magpanggap ka lang! Nagpapanggap ka pa rin kahit na binigyan na kita ng pagkakataong umamin, ha?’ Pagkakataon na ni Gerald na tumira kaya naisip niya na kailangan niyang simulang
Magbasa pa

Kabanata 1743

Tumango si Gerald bago niya kinuha ang isa pang bowling ball at halos walang pakialam niya itong ibinato. Gayunpaman, naka-strike na naman siya! Nakakamangha! “Pasensya na, monitor! Mukhang natamaan ko na naman ang lahat ng bowling pins! Kabisado ko na yata ang bowling!" sagot ni Gerald habang nakangiti na nakatingin kay Xanry. Kahit pa nangunguna si Xanry dahil siya ay may thirty six points, apat na puntos lamang ang kalamangan niya ngayon kay Gerald. Tatlong round na lang ang natitira at malapit nang matapos ang kompetisyon. Sino kaya ang mananalo sa kanila? “…Medyo maaga pa para magdiwang, hindi ba, Mr. Crawford? Kung tutuusin, mayroon pa tayong tatlong round para malaman kung sino ang mananalo!” sabi ni Xanry habang pumipili ng isa pang bowling ball para simulan ang fifth round. Matapos iposisyon ang kanyang sarili, tumutok si Xanry sa mga pin bago niya mabilis na inihagis ang bola! Pagkatapos niyang ihagis ang bowling ball, ang ruta kung saan napunta ang bola ang magpapa
Magbasa pa

Kabanata 1744

Sa kasamaang palad para sa kanya, hindi siya hahayaan ni Gerald na makuha ang pagkakataon na ito. Mabilis niyang pinulot ang bowling ball, saka naglakad si Gerald patungo sa lane... Hindi siya tumingin kung saan niya ito ibinabato at confident naman itong itinapon ni Gerald patungo sa mga pin. Darating ang panahon kung kailan matatauhan ang mga tao at pagkakataon na ni Gerald na tawanan siya. Kung tutuusin, ginagawa lang niya ang parehong bagay na ginawa sa kanya ni Xanry noong unang round. Tulad ng inaasahan, walang mga pin na nananatiling nakatayo at ipinapakita lamang nito na naka-strike muli si Gerald. Ang score niya ngayon ay fifty-two versus forty-nine, sa wakas ay nalampasan ng iskor ni Gerald ang kay Xanry... Pagkatapos nito, nagsimula na ang seventh o last round... Sa puntong ito, alam ni Xanry na hindi na siya pwedeng magpatumpik-tumpik pa. Kung hindi siya magse-seryoso, paniguradong matatalo siya kay Gerald! Nag-aalala rin siya na baka maka-strike na naman ang la
Magbasa pa

Kabanata 1745

Dahil doon, kinuha ni Xanry ang kanyang wallet bago niya kinuha ang one hundred fifty dollars para ibigay kay Gerald. Malamang hindi tatanggi si Gerald sa pera. Pagkatapos ng lahat, karapat-dapat lamang niyang makuha ang pera na ito at hindi siya nahihiyang kunin ang pera. Ngayong tapos na ang laro, kumaway si Gerald kay Xanry bago siya bumalik sa tabi ni Juno. Nakita ni Juno na bumalik na si Gerald kaya nagtanong siya, "Bakit ang tagal mo?" “Naglaro lang ako saglit. Medyo napagod ako kaya bumalik ako ngayon!" paliwanag ni Gerald sabay ngiti. Natural lamang para sa kanila na maniwala sa mga sinabi ni Gerald. Kung tutuusin, hindi niya rin naman malalaman ang tungkol sa laro nila ni Xanry. Pero sa malamang ay wala siyang pakialam kung mangyari ito. Paniguradong iisipin niya pa na tama lang para kay Gerald na turuan siya ng leksyon. Pagkaraan ng ilang sandali, pareho nilang nakita si Xanry na naglalakad palapit sa kanila na may dalang ilang bote ng alak at parang may hawak pa
Magbasa pa

Kabanata 1746

Sinimulan na ng dalawa na alugin ang kanilang dice sa loob ng ilang segundo... Nang huminto ang dalawa, agad na ngumiti si Xanry habang sinasabi, “Hulaan mo na, Mr. Crawford!" Pagkatapos nito ay sinabi ni Gerald, “Tatlong six!” "Okay! Apat na six!" sigaw ni Xanry. Base sa narinig ni Gerald, alam niyang may anim na six si Xanry. Si Gerald ay may dalawang sixes at ito ang dahilan kung bakit hindi niya ito mabuksan. Ang tanging paraan para maayos niyang talunin si Xanry ay kung pasadya siyang magpapatalo sa kanya sa loob ng ilang round. Magiging mas masaya ang kanyang tagumpay kung hahayaan niyang manalo ng ilang rounds si Xanry! Dahil doon, sumigaw si Gerald, “Five fives!” Nang marinig iyon, biglang napangiti si Xanry habang sinasabing, "Open!" Dahil pinili ni Xanry na buksan ang dice ni Gerald, natural na kailangang itong gawin ni Gerald. Kung makikita ang resulta, ang mga puntos ng dice ay hindi umabot ng five fives. Sa halip, tatlo lang ang lima at ang ibig sabihin l
Magbasa pa

Kabanata 1747

Huminto ng sandali si Gerald bago niya sinabi, "Five fours!" “Buksan!” mabilis na sumigaw si Xanry. Natuwa naman si Gerald dahil pinili ni Xanry na buksan ang dice. Kung tutuusin, kanina pa niya hinihintay si Xanry na gawin ito at ito ay naaayon sa kanyang plano... Pagkatapos nito ay ipinahayag ni Gerald ang kanyang dice para makita ito ni Xanry. Nakita niyang nanalo muli siya at pagkatapos nito ay sarcastic na nanghingi ng tawad si Xanry, “Sorry, Mr. Crawford, pero mukhang natalo ka na naman! Mukhang maglalabas ka na naman ng pera sa akin!" Makikita ng kahit sino na lasing na sa kapangyarihan si Xanry dahil iniisip niya na walang laban si Gerald sa larong ito. "May pagkakataon talaga na mananalo at matatalo ka!" kaswal na sinabi ni Gerald habang inaabot ang isa pang seventy-five dollars kay Xanry. Bigla namang nag-alala si Juno para kay Gerald nang makita niyang natalo na ito ng one hundred fifty dollars, "Gerald, huwag ka nang maglaro at umalis na tayo...!" Maliit na
Magbasa pa

Kabanata 1748

Gusto na ni Gerald na ipagpatuloy ang laro dahil hindi na pinipigilan ni Xanry ang kanyang sarili. Hindi nagtaka si Xanry na lalong naging interesado si Gerald sa laro at sinabi niya, “Oo naman magpapatuloy tayo! Tutal, ilang rounds pa lang ang laro natin! Hindi ako magiging mabait sayo pagkatapos nito, Mr. Crawford!" Lalo rin naging focused si Gerald pagkatapos itong sabihin ni Xanry. Masyadong confident si Xanry para sa kanyang kapakanan. Gayunpaman, lalong lumalakas ang loob niya sa tuwing confident siya sa kanyang mga aksyon at kapag nangyari iyon, alam ni Gerald na hindi magiging maganda ang kanyang katapusan. Dahil dito ay mabilis nilang pinagulong ang kanilang mga dice. Habang inaalog ni Gerald ang kanyang dice sa loob ng humigit-kumulang dalawang segundo, si Xanry ay nagpatuloy sa pag-alog ng kanyang sariling dice nang mas matagal. Gayunpaman, madali pa ring nalaman ni Gerald kung ano ang mga dice ni Xanry. Kahit pa matagal niyang alugin ang kanyang dice, hindi makakata
Magbasa pa

Kabanata 1749

“...Syempre magpapatuloy tayo sa paglalaro! Hindi ba one hundred fifty dollars lang ang nawala sa akin? Siguradong mapapanalunan ko ang perang iton mamaya!" confident na sinabi ni Xanry. Nang marinig iyon, agad na natuwa si Gerald habang iniisip niya, ‘Talagang sinusubukan niya pa rin akong takutin! Dahil ganyan ka, huawg mo akong sisihin kung uubusin ko ang pera mo!' May mga tao talaga na kailangang basagin ang bungo para lang maturuan sila ng leksyon. Pagkatapos nito ay nagsimula na silang dalawa sa susunod na round. Nakatutok si Xanry kay Gerald habang inaalog nila ang mga dice. Nainis siya dahil wala siyang nakitang nakatagong trick kay Gerald. Gayunpaman, ni Xanry na iba si Gerald, pero hindi niya alam kung ano ang espesyal kay Gerald... Dumating ang punto kung saan tumigil silang dalawa sa pag-alog ng kanilang dice. Sa pagkakataong ito, may apat na two at may isang one si Gerald. Sa mga termino ng laro, ang ganitong resulta ay kilala bilang 'leopard' dahil napakaramin
Magbasa pa

Kabanata 1750

Habang puno siya ng sama ng loob, nanatili pa rin ang katotohanan na siya ay natalo kaya hindi niya kayang sumabog sa sobrang galit. Kung magagalit siya ngayon, nag-aalala si Xanry na baka sabihin ng iba na wala siyang sapat na pera para maglaro at iyon ay isang kahihiyan na ayaw niyang maranasan. Two hundred twenty five dollars lang naman ang nawala sa kanya. Pwede pa rin siyang magpatuloy dahil hindi ito malaking halaga para sa kanya…! Alam ni Gerald na ayaw nang magpatuloy ni Xanry dahil marami na siyang pagkatalo, kaya tumingin siya sa kanya bago siya nagtanong, “Maglalaro ka pa ba, monitor?” “Oo naman! Ipagpatuloy natin!" deklara ni Xanry. Makikita sa ugali ni Xanry na siya ay may ugali ng isang sugarol. Hindi mapapanatag ang loob niya hangga’t hindi siya nananalo laban kay Gerald. Hindi naman nagrereklamo dito si Gerald. Gusto niyang makita kung magkano pa ang kayang itaya ni Xanry. “Kung ‘yan ang gusto mo, monitor! Dahil ikaw ang nag-suggest ng unang laro, bakit hindi
Magbasa pa
PREV
1
...
173174175176177
...
252
DMCA.com Protection Status