All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 1561 - Chapter 1570

2513 Chapters

Kabanata 1563

"Magaling! Tapusin natin ito bukas!" sabi ni Gerald bago siya umalis. Ilang segundo nang umalis si Gerald, dalawang figure ang biglang tumabi kay Daryl... “Sobra mo siyang pinahahalagahan, master! Gagamitin mo ang great dragon extermination spell sa kanya… Hindi ba parang masyadong mataas ang tingin mo sa kanya?" "Tama iyan! Kahit pa siya ang King of the North at isang Chakra King na tulad mo, maliwanag na hindi pa rin siya skillful kung ikukumpara sayo! Hindi ka nga tinamaan ni Gerald sa mga atake niya!" Malinaw na ang mga lalaki ay mga Eighth-rank Masters at napakalapit nila kay Daryl. Pero bago pa sila makapagsalita, biglang bumulwak ang dugo sa bibig ni Daryl at napaluhod siya makalipas ang ilang segundo! “…A-ano? M-Master!” gulat na sumigaw ang dalawa. Bago pa nila siya matulungang makatayo, biglang sumigaw si Daryl habang puno ng pawis ang kanyang noo at siya ay kasalukuyang nanginginig rin, “Huwag mo akong hawakan! Ilan sa mga ugat ko ang nasira ng essential qi ni
Read more

Kabanata 1564

Malamang alam ng King of Judgement Portal ang isa o dalawang bagay tungkol sa lahat ng ito... Sigurado si Gerald na karamihan sa mga puwersang iyon ay magiging napakalakas. Baka nga meron pang isang taong kasing lakas niya! Gayunpaman, alam ni Gerald na kailangan pa niyang iligtas si Mila at ang kanyang pamilya kinabukasan. Dahil doon, pumikit si Gerald at sinubukan niyang magpahinga at magnilay. Dahil dito, hindi na niya alam kung anong oras na... Maya-maya pa nang bumulong ang isang malakas na boses, “Humph! Paano na ang isang malaking manor na tulad nito ay walang laman na tao?" “Oo nga! Hindi ba ito ang isa sa mga main manor ng Yanam? Sa totoo lang, inaasahan kong makakakita ng maraming celebrity dito!" dagdag ng isa pang tao. Kasunod nito, nakita ang ilang kabataan at ang ilang iba pang Western masters ang pumasok sa venue sa isang grupo. Kilalang-kilala ang mga hot spring ng manor kaya madalas na bumibisita ang mga residenta ng Yanam at ito siguro ang dahilan kung baki
Read more

Kabanata 1565

Matapos makilala si John, naging maayos ang buhay niya at medyo napalawak ni Leila ang kanyang pananaw. Kung tutuusin, ang magandang halimbawa dito ay si Leila ay isang maliit na paru-paro na lumilipad lamang sa paligid ng mga lokal na taniman, ngunit biglang tumubo ng malalaking pakpak niya na tumulong sa kanya na lumipad sa mas mataas na kalangitan... Nakita niya ngayon ang mga foreign views, halimuyak at sounds... Isa itong paraiso para kay Leila sa hindi inaasahan na pagkakataon. Dahil doon, hindi na nahirapan si Leila na mag-move on kay Gerald. Ngunit inaamin niya na si Gerald talaga ang pinaka-katangi-tanging tao sa taniman na madalas niyang puntahan at ito rin ang dahilan kung bakit maraming paru-paro ang nahuhulog sa kanya, pero nakakatawa na lamang sa kanya ito pagkatapos niyang maranasan ang magandang paraiso. “Nakakahiya talaga na hindi natin alam kung nasaan ang dragon tower... Kahit pa malaman natin ito, hindi rin tayo makakapasok sa loob! Isang mahusay na labanan
Read more

Kabanata 1566

Ang ilan sa mga kalalakihan ang naka-recover palang sa kanilang paglabigla habang ang iba ay nakatingin sa kanya ng may pagnanasa habang sinasabi nila, "Anong ginagawa niya dito sa Yanam? At bakit ang erotic ng kanyang suot?" Si Yelena ay kilala bilang ang pinakamagandang babae sa Asia. Dahil dito, siya ay parang isang diyosa sa mga kalalakihan na ito. Dahil sa kanyang kagandahan, hindi mabilang na mayayamang lalaki ang gustong manligaw sa kanya mula nang sumikat siya. Ang ibig sabihin lang nito ay mas maraming malalakas na pwersa ang sumusuporta sa kanya, ngunit wala sa mga humahabol sa kanya ang nagtagumpay na makuha ang puso niya. Nakita siya ni Frederick at inaamin nito na napakaganda niya talaga. Kahit si Leila ay nainggit sa kanyang kagandahan. Sa puntong ito, napagtanto ni Yelena na tinititigan siya ng maraming tao. Paglingon niya sa grupo ng mga taong nakatitig sa kanya, bigla siyang namula at nabigla sa kanyang mga manonood. Nandito lang si Yelena dahil sinabihan siy
Read more

Kabanata 1567

Nakita niya ang walang laman na bote, kaya ngumisi siya bago niya ito itinapon sa lupa! May mga bubog na nakakalat na ngayon sa kanyang mga paa kaya tiningnan niya ng masama si Gerald dahil gusto niyang makita kung ano ang sasabihin niya doon. Makikita ang nakakatakot na itsura sa mukha ni Yelena. Kung tutuusin, alam na alam niya kung sino ang taong ito! “… Hangal!” sigaw ni Gerald. Nilagay ni Gerald ang puting towel sa kanyang mukha at pagkatapos nito ay nagsimula siyang mag-enjoy sa hot spring. Nainis siya pagkatapos siyang gambalain ng walang kwentang tao na ito. “Ikaw... Anong kalokohan ang sinabi mo?! Hindi mo yata alam kung sino ako?! Para sa kaalaman mo, may koneksyon ang tatay ko sa royal family sa Saudi!” galit na galit na sinabi ni Frederick. Katahimikan lang ang naging sagot ni Gerald. Kung tutuusin, narinig na niya ang maraming yabag na papalapit sa kanya... at sa loob ng ilang segundo, mahigit sampung lalaki ang nakapalibot sa kanya! May isang middle-aged na
Read more

Kabanata 1568

Ilang taon nang hindi nagkita ang dalawa... "...Gerald... Kilala mo ba ang taong ito...?" natatarantang tinanong ni Leila. Paano ito nangyari? Ang lahat ng mga taong ito ay mga kilalang international dignitaries! Hindi ba imposible na makilala nila si Gerald? "Sila? Masasabi mo iyan...” medyo walang pakialam na sinabi ni Gerald habang nakatingin kay Chairman Chac. “H-huwag kang mag-alala, Mr. Crawford! Paniguradong hindi ko siya hahayaan ng napakadali! Tuturuan ko siya ng magandang leksyon pagkatapos ka niyang guluhin!" nauutal na sabi ng middle-aged na lalaki habang basang-basa ng pawis ang kanyang noo habang nakaturo kay Frederick. “Subukan mo! Hinahamon kita!" takot na takot na sinabi ni Frederick nang mapagtanto niya ang dami ng guwardiya na makikita sa lugar na iyon. Lumingion muli si Gerald para tingnan si Leila bago niya sinabi, “…Hahayaan ko siyang umalis ngayon dahil kaibigan ko siya noon. Pero hindi na ito mangyayari sa susunod na pagkakataon! Umalis ka na bago pa
Read more

Kabanata 1569

Ayaw mamatay ni Frederick, kaya sumunod na lang siya at ang iba pa. Kaawa-awa niyang sinimulan ang pag-inom ng tubig sa hot spring habang makikita naman ang isang nakakatakot na ngiti sa mukha ni Carlos... Kinabukasan, ilang tao ang makikitang nagkukumpulan malapit sa thousand years old dragon tower ng Yanam. Makikita sa ibabaw ng matibay at tatlong-daang metrong taas na gusali na umaabot sa langit ang maraming tao na nakatali... Gaya ng inaasahan, sila ay mga miyembro ng pamilya ni Gerald... Bukod sa kanila, nandoon din si Mila ngunit siya ay nakatali sa isang stone pillar. Sa buong panahon ng kanyang pagkabihag, sinabi ni Daryl kay Mila ang lahat. Kahit pa walang alaala si Mila, alam talaga niya na may isang taong matiyagang naghahanap sa kanya sa nakalipas na ilang taon... Dahil doon ay sabik siyang makita kung ang kalaban ni Daryl ay ang taong sinusubukang alalahanin ng kanyang puso mula nang mawala ang kanyang alaala... Isang kilalang marangal na tao si Dylan, ngunit n
Read more

Kabanata 1570

Mabilis na tinapakan ng malakas ni Gerald ang lapag at agad siyang lumipad sa hangin! Saanman dumaan ang elongated staff, sumusunod dito ang malalakas na pagsabog at nagdudulot ito ng kaguluhan sa buong lugar. Mabilis na nabasag ang mga stone pillars hanggang sa maging pira-piraso na lamang ang mga ito at mabilis na iwinagayway ni Daryl ang kanyang kamay para dalhin ang staff papunta kay Gerald! Parang may mga mata ang staff na ito! Maririnig ang malalakas na pagsabog habang ikinakaway ni Gerald ang kanyang kamay para harangin ang pag-atake! Nakangiti si Gerald bago niya pinitik ang kanyang mga daliri sa staff... at sa loob ng ilang segundo, ang mga nagyeyelong staff ay nagsimulang mabasag ng napakalakas! Nagkapira-piraso na ang tip ng staff, ngunit ang napakalawak na qi ni Gerald ay hindi tumigil doon. Ang excess qi ay mabilis na bumalik papunta kay Daryl! Sa gulat, nagulat si Daryl sa oras na iyon para lumipad siya sa lupa! Makalipas ang halos isang segundo, nakita niya n
Read more

Kabanata 1571

Parang may mabigat na bagay sa dibdib ni Julian nang makita niya ang dambuhalang berdeng dragon na ilang pulgada na lamang ang layo kay Gerald! Gayunpaman, hindi inasahan ng lahat ang isang golden arc light ang biglang lumitaw at tuluyang bumalot kay Gerald! Nang mahawakan ng dragon ang arc light, mabilis naman itong napaatras! Mukhang nakuryente ang dragon mula nang mahawakan niya ito! "Diyos ko! Anong tactic ang ginagamit niya?!" gulat na gulat na sinabi ni Carlos habang nakatuon ang buong atensyon niya sa kanilang laban. Kahit si Daryl ay nagulat din. Kung tutuusin, siya ang mas nakakaalam kung gaano kalakas ang Double-dragon spell. Maliwanag sa kanya na inilabas lamang ni Gerald ang golden arc light dahil kailangan niya ng proteksyon mula sa atake ni Daryl, ngunit hindi alam ni Daryl kung ano talaga ang kakayahan ng golden arc light. Hindi ito pwedeng maging isang magic weapon dahil hindi nito kayang labanan ang Double-dragon spell... Ang arc ay malamang na hindi rin gi
Read more

Kabanata 1572

Pagkatapos ng lahat, ang huling bagay na nakita nila ay isang nakakasilaw na liwanag mula sa itaas ng tore at ito ang dahilan kung bakit napilitan silang ipikit ang kanilang mga mata... Nang mag-adjust ang kanilang mga mata, si Daryl Crawford, ang legendary King of South Asia ay nakahandusay na sa lupa! "…Ano?" sabi ng isang boses. Masyadong mahusay ang laban na nagaganap kaya natural lang na ang mga mula sa ibang pamilyang Crawford ay naroroon din sa dragon tower. Ang nagsalita ay mukhang isang uri ng young master at pinagmasdan niya ang lahat sa pamamagitan ng kanyang mapahamak na mga mata mula nang magsimula ang labanan. Gayunpaman, hindi niya talaga inaasahan na magiging ganito ang pangyayari. 'Hindi ba kayang labanan ni lolo si Gerald...?' Samantala, sina Carlos at Julian ay lubos na namangha sa kanilang nasaksihan... Ito ay isang labanan na hindi maikukumpara sa mga napanood nila noon... "…. Natutunan mo kaya ang lahat ng kakaibang technique mula kay Liemis...? Kung i
Read more
PREV
1
...
155156157158159
...
252
DMCA.com Protection Status