All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 1551 - Chapter 1560

2513 Chapters

Kabanata 1553

Makikita ang mapanlait na tingin sa mukha ng pitong lalaki nang bigla silang yumuko na parang mga mababangis na wolf na gustong sugurin si Gerald! Nakakatakot ang kanilang mga itsura kaya takot na takot ang lahat nang makita sila! "Jusko, mukhang pinupuwesto nila ang kanilang mga sarili para patayin ang walang kaalam-alam na lalaking ito!" “Humph! Kasalanan niya ito dahil hinayaan niyang mangyari ito! Pero iniisip ko kung hindi niya alam ang kapangyarihan ng pamilyang Turnbull sa Yanam. Ang lakas ng loob niyang saktan si Young Master Turnbull sa lahat ng tao! Pagkatapos siyang patayon, paniguradong susunod na ang mga miyembro ng pamilya niya!" Karamihan sa mga tao sa labas ng stage ay nangangasar kay Gerald, pero kasalukuyan namang hindi mapalagay si Sia. Lumingon siya sa gilid niya at nagmakaawa, “Young Master Jenks! Fia! Bilisan niyo at gumawa ng paraan para iligtas siya! Gamitin niyo ang kapangyarihan ng inyong pamilya o kung ano pa man! Gusto lang naman niyang iligtas ang
Read more

Kabanata 1554

Pinakita ni Gerald ang kanyang mapahamak na ngiti at hiniwa niya ang hangin gamit ang kanyang blade of light sa kamay! Lumipad ito patungo kay Baelfire at sinubukan ni Lenox na pigilan ito. Gayunpaman, nanatili siya sa kanyang kinatatayuan niyang mapagtanto niya ang lakas ng blade na ito. Walang makakapigil sa pwersang ito!“Y-young master…!” takot na takot na sumigaw si Lenox habang pinagmamasdan niya si Baelfire na hiniwa ng walong piraso! Naging mahigpit ang pakiramdam sa paligid pagkatapos mapanood ng mga tao ang kanyang pagkamatay... Si Lenox naman ay napahinto dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari... Hindi siya masisisi sa naging reaksyon niya. Ngayon lang niya nasaksihan ang nakakakilabot na pagkamatay ng nag-iisang anak ng pinakamayamang tao sa Yanam! Kontrolado ng lalaking iyon ang kalahati ng ekonomiya doon! Pagkatapos mangyari ang lahat ng ito, nahihirapan na si Lenox na isipin kung ano ang mangyayari kaya nagpanting ang kanyang mga tainga. Ang maputlang muk
Read more

Kabanata 1555

Ang iba naman ay nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala nang mapagtanto nila na ang tao na nasa stage ay walang iba kundi ang nag-iisang Mr. Crawford ng Sacrasolis Palace! Nang pansamantalang nabigla ang lahat, binasag ni Carlos ang katahimikan habang sinasabi, “Mr. Crawford, ano ang dapat nating gawin sa taong ito?” Maririnig na walang pakialam si Carlos sa mga kahihinatnan pagkatapos niyang sabihin ito at ganoon din para sa iba pang mga tauhan ni Gerald na nasa entablado. Nag-alangan lang si Yeshua dahil plano niyang payuhan si Gerald na huwag pakialaman ang pamilyang Turnbull. Pagkatapos ng lahat, sila ay isang nangungunang pamilya na nagmamay-ari ng higit sa kalahati ng kayamanan ng Yanam! Ang mga miyembro ng pamilyang Turnbull ay mga kamag-anak din ng Hari ng Yanam! Sa madaling salita, ang pamilyang iyon ay may malalim na roots sa kanilang posisyon... Naghihintay ang isang malaking kapahamakan para kay Gerald pagkatapos niyang patayin ang nag-iisang anak na lalaki ng p
Read more

Kabanata 1556

Nagulat ang babae at sumigaw nang makita niyang hinawakan ni Gerald ang kanyang kamay, "Ikaw...! Bakit mo ako hinawakan…?!” Pagkatapos nito, makikita sa kanyang braso ang isang layer ng draconic scales na kumikinang ng scarlet red! Habang lumalakas ang liwanag, naramdaman ni Gerald lalong uminit ang kanyang palad at ito ang nag-udyok sa kanya na bitawan ang kanyang pagkakahawak bago siya umatras ng dalawang hakbang. Galit na galit na tumingin ang babae kay Gerald at ang kanyang kaakit-akit na mukha ngayon ay namumula sa galit habang siya ay nakasimangot, "Bakit napakamanyak mo?!" Tiningnan ng maigi ni Gerald ang kanyang mukha at huminga siya ng mabilis at makikita na mas emosyonal kaysa dati! 'Kaboses at kamukha mo rin siya! Masasabi ko na sa wakas ay natagpuan na kita, Mila...!' "Pakiusap, tingnan mo ako nang matagal, Mila! Nakalimutan mo na ba talaga kung sino ako? Ako si Gerald! Walang sawa kitang hinanap sa loob ng apat na taon mula nang mawala ka sa excursion na iyon!"
Read more

Kabanata 1557

Naistorbo siya sa kanyang iniisip nang biglang may tumawag sa kanya, “Xoie? Xylina! Saan kayo pumunta?" Nang marinig iyon, mabilis namang sumagot si Xylina, “Ah! Mila! Pumunta kami sa-" Nakahinga ng maluwag si Xoie nang maalala ni Xylina ang kanilang naunang pangako nang pigilan niya ang kanyang bibig. Mabilis na siniko ni Xoie si Xyline kaya mabilis siyang natauhan habang nagpapatuloy siya, “…Pumunta kami dito para… tumingin sa paligid! Hindi ba ang ganda ng dagat ngayong gabi?" Ngumiti lang si Mila habang tumatango bago siya sumagot, "Mahirap makipag-negotiate sa King in the North, pero ang ating adoptive father ang nag-utos sa atin na gawin ito. Nakakainip talaga ang ginagawa natin ngayon, pero kailangan nating sundin si papa hangga’t maaari at huwag sana tayong gumala!" “Alam namin Mila... Dala ko na pala ang gamot na inutos ko sa ilang subordinates ko na kunin para sayo. Parang sobrang lala ng headache mo tuwing gabi kaya naisip kong kumuha ka ng isang bagay na makakatul
Read more

Kabanata 1558

Ang pamilyang Turnbull ay isang pamilya na nabubuhay sa loob ng daan-daang taon, mayroong maraming katangi-tangi at makapangyarihang mga tao sa loob ng pamilyang iyon na may influential backgrounds. Dahil doon, palagi silang walang ingat dahil alam nilang walang makakalaban sa kanila. Dahil doon, hindi kailanman naisip ni Hooper na ang kanyang anak na lalaki ay magkakaroon ng masakit na kamatayan. Yakap niya ngayon ang mga piraso ng bangkay ng kanyang anak, kaya naramdaman ni Hooper ang kalungkutan at poot sa kanyang puso... Nang makita ang kanyang reaksyon, lahat ng may tamang pag-iisip ay agad na napaatras ng ilang hakbang. Nanginginig pa rin si Hooper nang tumingin siya kay Lenox habang sinasabi, "...Sino... Sino ang pumatay sa anak ko...?!" Nanginginig sa takot si Lenox nang sumagot siya, “A-ang taong gumawa nito... ay ang taong matagal nang hinahanap ng pamilya ko! Si Gerald ang may kagagawan nito!" "…Ano?! Si Gerald?!” sigaw ni Hooper habang ang kanyang mga mata ngayon
Read more

Kabanata 1559

“Ano iyon, master? Hindi mo inasahan na siya ay napakalakas?" tanong ni Greyson. “Oo, hindi ko ito inaasahan. Humph. Masyado kong minaliit ang kapangyarihan ng Herculean Primordial Spirit na kaya pala nitong magdulot ng matinding pagbabago sa mga tao... Nakapasok na si Gerald sa Rune Realm sa loob lang ng ilang taon! Masasabi ko na kapantay na ng lakas ko ang training level niya! Imposible itong makamit ng isang ordinaryong tao!" "Ang nakakainis sa lahat ay masyadong pinapalakas ng taong sumusuporta kay Gerald ang kanyang kakayahan! Kung hindi dahil sa kanya, hindi rin magde-develop si Gerald hanggang sa punto na hindi ko na siya makontrol! Dahil doon, kailangan kong magtago para lang masubaybayan siya!" paliwanag ni Daryl. Nang marinig iyon, parehong napabuntong-hininga sina Hooper at Greyson. "Ang pitong pinakamakapangyarihang tao mula sa Ringmasters of Obliteration ang nangunguna sa lahat... Kung si Gerald ay napakalakas tulad ng sinabi mo, ang ibig sabihin ba nito ay kapant
Read more

Kabanata 1560

Kahit na si Gerald ay nasa level na ng isang Chakra King, ang ibig sabihin lang nito ay nasa tuktok na siya ng mundo at marami pa ring bagay na ikinakagulat niya. Una sa lahat, hindi sumagi sa isip niya na lalakas si Mila sa kanyang pagkawala. Itinaas niya ang kanyang kamay, tinitigan niya ang kanyang sunog na palad... Ang nagbabagang aura mula sa katawan ni Mila ay kinayang basagin ang kanyang thunder essential qi nang napakadali... Nang biglang nagpakawala ng mahabang buntong-hininga si Gerald, mahigit sampung ghostly ships ang mabilis na lumitaw sa kanyang harapan, hinaraoan ang kanyang dinadaanan sa ilang segundo... Pagkatapos nito, hindi nagtagal ay napansin din ni Master Ghost, Carlos, at ng iba pa ang kanilang presensya. May isang tao na naglakad para tumayo sa likuran ni Gerald habang nakatitig siya sa barko at ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang likuran. Nakita naman ng iba pa ang isang matandang lalaki kasama ang ilang middle-aged na lalaking tumalon sa barko kung s
Read more

Kabanata 1561

“Napakagandang balita! Mula ngayon, makikilala siya ng mga mula sa cultivation realm sa buong mundo bilang King of the North!" Excited na sinabi ni Carlos at ng iba pa. Ngunit si Gerald ay parang walang pakialam dito. Hindi talaga mahalaga sa kanya ang karangalan o fame. Saglit na tumahimik si Priest Jenkin bago niya sinabing, “May isa pang bagay na ipinagkatiwala sa akin ng isa sa mga Ringmaster of Obliteration na sabihin sayo… Pero hindi ako sigurado kung gusto mo itong marinig…” Tumango si Gerald saka siya sumagot, “Sabihin mo ito sa akin, leading priest!” “Buweno... Nabalitaan ko mula sa King of South Asia na may problema sayo si Daryl... Gaya ng nasabi ko kanina, ang mga Ringmaster ng Obliterasyon ay may rule na huwag makisali sa mundong ibabaw... Alam mo naman kung ano ang sinusubukan kong sabihin, pero ang love-hate relationship niyo ni Daryl ay umabot sa point na pinatay mo talaga ang young master ng pamilyang Turnbull! Sinabihan nila akong payuhan kayong dalawa na pag-
Read more

Kabanata 1562

"Tulad ng sinabi mo, hindi na ako ang dating Gerald! Alam ko na alam mo ang rason kung bakit ako nandito ngayon. Palayain mo ang pamilya ko sa sandaling ito! Wala silang kinalaman sa mga nangyayari sa pagitan natin!" kaswal na sinabi ni Gerald. “Pakawalan ko sila? Sige ba! Palalayain ko si Dylan at ang iba pa! Syempre, kasama na rin diyan si Mila!” nginisian ni Daryl. "…Ano? Nahuli... Nahuli mo si Mila?" sagot ni Gerald habang nakatulala. "Tama iyan! Hindi siya namatay kahit na kinuha siya ng Sun League! May nangyari pagkatapos noon, pero nakuha ko siya habang nire-represent niya ang Jaellatra nang papunta siya ng mundo! Alam ko na gusto mong makita ang pamilya mo, Gerald, kaya ginagawan kita ng pabor sa pamamagitan ng pagsasama-sama niyo nila Dylan at ng iba pa!" mapangasar na sinabi ni Daryl. “Napakasama mo…!” galit na galit na sinabi ni Gerald nang bigla siyang gumawa ng sword finger gesture! Makalipas ang ilang segundo, isang malakas na kidlat ang humampas patungo sa dire
Read more
PREV
1
...
154155156157158
...
252
DMCA.com Protection Status