/ Urban / Numero Unong Mandirigma / 챕터 871 - 챕터 880

Numero Unong Mandirigma의 모든 챕터: 챕터 871 - 챕터 880

2505 챕터

Kabanata 871

"Saan yung lugar na sinasabi mo?" Kumislap ang mga mata ni Ivan at ng iba pa at agad silang nagtanong. Ngumiti ang matandang lalaki bago siya nagsalita, "Kung lalakarin natin ang direksyong ito, may makikita kayong lawa sa gitna ng kahubatan. May maliit na isla sa gitna ng lawa at may nag-iisang tulay na kahoy na nakadugtong sa isla na yun. Haha, hindi ba sigurado na ang kamatayan ni Fane kapag pumunta siya sa isla na yun? Basta may magbabantay sa dulo ng tulay, imposibleng makatakas siya kahit na malaman pa niya ang binabalak natin!"“Ayos, napaganda ng lugar na ‘to. Sa tingin ko hindi natin kailangang pumunta sa siyudad ngayon. Magpahinga na muna tayo dito at maghintay. Magtatago tayo sa isla pag-alis ni Fane sa siyudad. Madali na lang siyang patayin. Bukod dun, kapag hindi tayo pumunta sa siyudad, hindi malalaman ng mga God of War kahit na mamatay pa si Fane!" Tumango ang matandang lalaki na pangalawa sa listahan. "Sige, hindi naman problema yun. Ganito na lang, gagawin namin a
더 보기

Kabanata 872

”Haha, ang tapang mo!” Tumawa si Neil. Pinag-isipan niya ang sitwasyon at muli siyang nagsalita. “Oo nga pala, hindi magiging madali na palabasin si Fane. Bakit naman siya maniniwala satin ng walang magandang dahilan?”Tumango din si Ken. “Lahat tayo dito ay nagkaroon ng alitan kay Fane. Sa ngayon, siguradong galit satin yung lalaking yun at hindi natin siya basta na lang mayayaya na magtsaa, di ba?”Napasimangot si Ivan noong marinig niya ang mga sinabi nila Ken at Neil. Talagang napakahirap nitong gawin. Matalinong tao si Fane, bakit naman siya maniniwala sa kanila ng walang magandang dahilan?Pinag-isipan niya itong maigi at di nagtagal ay kumislap ang kanyang mga mata. “May naisip akong paraan, pero kailangan nating mag-ipon ng pera para dun!”“Ano?!” Nagulat sila Ken at Neil noong narinig nila na kailangan nanaman nilang mag-ipon ng pera. Pinaghirapan nilang buuhin ang 6 billion na binayad nila sa mga assassin at magiging mas mahirap para sa kanila na makaipon ulit ng pera nga
더 보기

Kabanata 873

"Hinahanap nila ako?" Sumimangot si Fane. Bakit hindi sila nagpunta dito kung gusto nila siyang makita? Bakit kailangan pa nilang magpakamisteryoso kung nakarating naman na sila sa kabilang kalye? Kahit na nagtataka siya kung anong nangyayari, tumango pa rin si Fane at nagpunta siya sa cafe. Di nagtagal, nakarating si Fane sa 2nd floor ng Confidante Cafe. Pagdating ni Fane sa 2nd floor, nakita niya ang ilang lalaki na nakasuot ng itim na suit na nakahelera sa harap niya. Naglakad paharap ang isa sa kanila at tumango sila noong nakita nila si Fane. "Young Master Fane, please come in. Kanina ka pa namin hinihintay!" "Young Master Fane?" Nagdilim ang mukha ni Fane. Pagkatapos niyang manahimik ng ilang sandali, sinundan niya ang lalaki at naglakad siya papasok sa private roon na nasa harap nila. Halatang inupahan ng taong ito ang buong 2nd floor ng cafe at bukod sa taong nasa loob ng silid na ito, wala nang iba pang tao dito. Binuksan ni Fane ang pinto at pumasok siya sa priv
더 보기

Kabanata 874

Pagkaalis ni Fane, isang magandang dalaga na naka suot ng puting damit ang lumabas mula sa kabilang silid. "Miss, anong dapat nating gawin? Narinig mo ang naging pag-uusap namin kanina. Magiging mahirap kumbinsihin ang young master!" Agad na sumaludo ang matandang lalaki at kinausap niya ang binibining nasa harap niya. Mahinahong ngumiti ang babae. "Normal lang yun. Lalo na pinalayas silang mag-ina mula noong malaman ng Woods family ang tungkol sa kanila. Pagkalipas ng ilang taon, wala siyang natanggap na aruga mula sa Woods family. Mas mabuti sana kung nakita natin siya ng mas maaga!" Ngumiti ng mapait ang babae bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Ganun din ang mararamdaman ko kung ako ang nasa posisyon niya at alam ko na hinanap lang ako ng pamilya ko dahil nalaman nila na naging exclusive doctor ako ng Nine Great Gods of War!" Tumango din ang matandang lalaki at sinabing, "Pero, hindi natin natapos ang gusto nating sabihin bago siya umalis. Hayy, hindi tayo pwedeng sumuko ag
더 보기

Kabanata 875

Agad na tumango ang lalaki. "Haha, napakabait mo. May taong sinubukang makipagnegosasyon tungkol sa presyo kanina. Hindi kami nakikipagnegosasyon!" Masaya si Fiona at agad niyang inabot ang isang piraso ng papel sa lalaki. "Heto ang mga detalye ng bank account at pwede mo nang ipadala ang pera. Huwag kang mag-alala, mahusay ang son-in-law ko. Kapag hindi niya nagamot ang asawa mo, siguradong ibabalik niya ang pera mo!" Agad na pinadala ng lalaki ang pera sa account ni Fane at dinala niya si Fane sa labas ng siyudad. "Lalabas tayo ng Middle Province?" Nagulat si Fane at tinanong niya ang lalaki na nagmamaneho ng sasakyan noong nakita niya na lumabas sila ng siyudad. "Haha, miracle-working doctor Fane, huwag kang mag-alala. Nasa Middle Province pa rin tayo. Gusto lang namin ng asawa ko na mamuhay ng tahimik kaya gumawa kami ng maliit na bahay sa labas ng siyudad. Mahilig kaming mangisda sa may lawa kapag wala kaming ginagawa!" Masayang nagpaliwanag ang lalaki. Di kalaunan, pina
더 보기

Kabanata 876

Nagkibit-balikat si Fane at nagsalita, “Nagkataon na hindi maganda ang timpla ko nitong mga nakaraang araw. Tutal nagpapakamatay kayong lahat, huwag niyo akong sisihin sa kamatayan niyo!”Ngumiti si Fane. Tumalon mula sa mga puno sa paligid niya ang nasa sandosenang tao noong sandaling matapos siya sa pagsasalita, at pinalibutan nila si Fane.“Haha, bata, matalino ka pala talaga para malaman mo na nandito kami para patayin ka!” Ang nakangiting sinabi ng isang matandang lalaki. “Pero, sa tingin ko hindi maganda na masyado kang kampante dahil marami kami dito !”Clap! Clap!Kasunod ng mga palakpak, naglakad mula sa mga halamanan sila Neil at Ken.“Fane, hindi mo alam ‘to, di ba? Siguradong katapusan mo na ngayon!” Ngumiti ng masama si Ken. Abala si Ivan sa kumpanya niya at nanghihinayang siya na hindi niya masasaksihan ang kamatayan ni Fane.Subalit, nangako si Ken na magpapadala siya agad ng larawan na patay na si Fane upang makasali si Ivan sa kasiyahan nila.“Ngayon alam ko na,
더 보기

Kabanata 877

"Diyos ko, isang kayamanan ang singsing na yun! May narinig akong balita na may mga singsing na pwedeng paglagyan ng kahit ano at mga kayamanan ang mga singsing na ito! Siguradong isang kayamanan ang singsing ng lalaking ito!" Hindi mapigilang magsisigaw ng matandang lalaki na pangalawa sa killer list at namula ang kanyang mga mata. Sinugod niya si Fane gamit ang espada niya pagkatapos niyang magsalita na para bang natatakot siya na maunahan siya ng iba na makuha ang singsing. "Haha, isa nga 'tong kayamanan pero kinalulungkot ko na hindi mo na magagamit 'to!" Ngumiti si Fane at kumilos. Naglaho siya sa sobrang bilis niya. Swoosh!Noong biglang lumitaw si Fane, nasa tabi na siya ng matandang lalaki, at nabasag ng espada niya ang espada ng matandang lalaki. "Ano!" Nagulat ang matandang lalaki at sumigaw siya. Mabilis kumilos si Fane at hindi isang ordinaryong espada ang nasa kamay niya. Ang espada ay isang pambihirang kayamanan na napakatalim at kaya nitong putulin ang bakal ng
더 보기

Kabanata 878

Ang mga assassin na ito, na napakalakas at marami nang napatay na tao ay takot na takot sa mga sandaling ito.Kung sabagay, ang lakas ng isang assassin na pangalawa sa listahan ay hindi isang biro. Subalit, madaling pinatay ni Fane ang taong iyon.Swoosh! Swoosh!Sa muling paghawi ni Fane ng espada ng dalawang beses, namatay ang dalawang lalaki na nasa mas mababang ranggo sa killer list. "Sabay-sabay tayong umatake!" Muling sinugod ng lalaking may masi si Fane. Swoosh!Sa pagkakataong ito, hindi binigyan ni Fane ng pagkakataong umatake ang lalaking may maso. Naglaho siya sa kanilang paningin at bigla siyang lumitaw sa likod ng lalaki, inatake niya ang lalaki gamit ng espada niya. Nakakita lang ng liwanag ang lalaki sa harap niya at naglaho si Fane. Kasunod ng paglalaho ni Fane, nakaramdam ng matinding takot at pangamba ang lalaki, na nagpamanhid sa kanyang katawan. Gusto niyang lumingon at lumaban ngunit huli na ang lahat. Dumaan ang espada at bumulagta sa lupa ang lalaki.
더 보기

Kabanata 879

Kinumpas ni Fane ang kanyang kamay at tinago niya ang mga karayom sa kamay niya habang pinagmamasdan niya ang mga bangkay ng kalaban niya na nakabulagta sa lupa. Pinagbabalakan siya ng masama nila Ken at Neil. Ilang beses na niya silang binigyan ng pagkakataon ngunit nagpatuloy pa rin sila sa panggugulo sa kanya kaya hindi nila siya pwedeng sisihin. Mabuting pinatay na niya ang mga taong 'to dahil masisiguro nito na magkakaroon siya ng mapayapang buhay. Subalit, nagtataka siya kung bakit hindi sumama sila Ivan at Xena. Mas mabuti sana kung pumunta rin silang dalawa dahil wala na siyang aalalahanin kapag pinatay niya din sila. Lalo na si Xena, na sinubukan siyang lasunin. Kung nandito siya, hindi siya papakitaan ng awa ni Fane. Sa mga sandaling ito, nakangiti ang isang matandang lalaki sa loob ng isang courtyard house at binati niya si Joan. "Greetings my lady, ako ang butler ng Woods family. Inimbitahan ka namin ngayon sa pag-asang babalik kayo ng young master sa Woods family.
더 보기

Kabanata 880

"Madam, hindi mo masisisi ang master dahil may pinagdadaanan din siya noong mga panahong iyon. Bilang master ng Woods family, kailangan niyang isipin ang mas makakabuti sa buong pamilya! Bukod dun, inutos niya na bigyan kayo ng 1 million taun-taon at walang sinuman dito ang nakakaalam sa insidente na lumuhod ang anak mo sa labas ng mansyon buong gabi!" Naiinis na nagsalita ang matandang lalaki. "Kaya malamang, si Lily Lagorio ang nag-utos sa isang tauhan niya na magsinungaling sa inyo, para magkaroon ng malaking di-pagkakaunawaan sa pagitan natin!" Pinag-isipan ito ng babae at nagsalita siya, "Auntie, ayos lang kung ayaw mong patawarin ang master. Pero, mamamatay na ang master at sana dalawin niyo siya ng young master. Isipin niyo na lang na ito na ang huling pagkakataon na makikita niyo ang master. Araw-araw na binabanggit ng master ang pangalan niyo. Naniniwala ako na pupuntahan ng master si Young Master Fane kung kaya lang niyang kumilos ngayon!""Masama ba talaga ang lagay niya?
더 보기
이전
1
...
8687888990
...
251
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status