Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 531 - Kabanata 540

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 531 - Kabanata 540

2505 Kabanata

Kabanata 531

Ngumiti si Selena. Napuno ng kasiyahan ang kanyang puso pagkatapos niyang matanggap ang pagkilala ng kanyang lolo at ang pagtanggap sa kanila ng Taylor family. Tumango si Old Master Taylor. "Pinahirapan ko kayong lahat nitong mga nakalipas na taon," ang sabi niya ng may malungkot na ekspresyon. "Pero masyado kang nagrebelde noon. Hindi ko magagawang palampasin ang ginawa mo ng hindi kita tinuturuan ng leksyon!" "Tapos na ang lahat ng yun, at oo, naging rebelde nga ako noong bata pa ako…" Tinikom ni Selena ang mapupula niyang mga labi at naglakad siya palapit kay Fane, nahihiya siyang humawak sa braso ni Fane. "Hindi ko pinagsisihan ang mga naging desisyon ko," ang sabi niya habang nakangiti. "Dahil nakahanap ako ng isang mabuting asawa. Ngayon pakiramdam ko ay tadhana namin ito!" "Sige. Basta't hindi ka na galit sakin!" Namumula ang mga mata ni Old Master Taylor. Ang ugali ni Selena ay katulad ng kanya—napakatigas ng ulo. Yung totoo, nasasaktan siya para sa apo niya nguni
Magbasa pa

Kabanata 532

Nakasalampak sa lupa si Michael, hindi siya makagalaw sa sobrang takot. Noong marinig niya iyon, muntik na siyang maihi sa pantalon niya. Tumagaktak ang malamig na pawis sa kanyang katawan. Kahit na nagsalita din ng hindi maganda si Ivan at Neil tungkol sa kanya, si Michael ang may pinakamasamang pinagsasabi at sumayaw pa siya sa harap ni Lana upang insultuhin siya. Mukhang ginalit talaga niya ng husto ang Goddess of War. "Goddess of War, Pl-please, maawa ka sakin. Hindi ko alam na isa kang Goddess of War. Ako ay…" Lumuhod sa lupa si Michael at humingi siya ng tawad sa kanya, ngunit tila may naisip siya agad at itinuro niya si Ivan. "Nakinig lang ako kay Ivan at sa iba pa. Sinabi nila na nakikipagrelasyon daw si Fane sa isang mayamang babae," ang sabi niya. "Sila ang nagtulak sakin na gawin yun! Inosente ako!" Hindi inakala ni Ivan na susubukan siyang hilahin pababa ni Michael. Bigla siyang nilamon ng galit at pagkataranta. Nagngitngit ang kanyang mga ngipin at humakbang siya
Magbasa pa

Kabanata 533

Ngunit hindi niya inakala na magsasalita pa si Fane pagkatapos niyang manahimik ng ilang sandali. "Ayos lang sakin yung siniraan mo ang pangalan ko. Isa lang naman akong bodyguard na nagtatrabaho para sa Drake family. Kaso, nilapastangan mo ang pangalan at dangal ng Goddess of War. Hindi ka dapat patawarin ng ganun kadali sa ginawa mo. Wala pa ngang asawa ang Goddess of War namin, tapos kung anu-ano ang pinagsasabi mo tungkol sa kanya…"Kinausap ni Fane si Ivan. "Young Master Ivan, inakusahan ka din ng tabachoy na 'to na siniraan mo din daw ang Goddess of War. Hindi ba't paninira rin yun sa pangalan at dangal mo?" "Tama yun. Siniraan din niya ang pangalan at dangal ko. Ginagalang at hinahangaan ko ang Goddess of War. Walang bahid ng kawalan ng respeto sakin. Sa mga mata ko, si Ms. Lana ang pinakamalakas sa siyam na mga God of War. Tsaka, alam ng lahat na hindi madali para sa isang babae na maging isang God of War!"Tumango-tango si Ivan habang sumasang-ayon siya sa mga sinabi ni Fa
Magbasa pa

Kabanata 534

Natakot si Michael sa mga sinabi ni Xyle, nanginig ng parang jelly ang taba sa kanyang mukha. Halos magkahawig ang apelyido ni Xyle kay Michael—Xyle Walker at Michael Wilson—parehong 'W' ang umpisa ng mga apelyido nila. Ngunit, bukod sa hindi siya tinulungan ng King of War na ito, inisip pa niya na bugbugin siya? Napaisip si Michael. Sa ngayon, hindi siya makapag-isip ng maayos. Nag-iisip siyang maigi, sinusubukan niyang maghanap ng paraan kung paano siya makakaligtas. Isang King of War si Xyle. Kapag ginamit niya ang buong lakas niya, hindi na niya kailangan ng tatlong sampal—isang sampal lang ang kailangan niya para patayin si Michael. "Dalian mo, Ivan. Sampalin mo na ako. Ano pang hinihintay mo!" Sumigaw si Michael, pakiramdam niya ay sinasakal siya. Wala siyang pagpipilian kundi ang tiisin ito. Mas makakabuti sa kanya ang mabugbog kaysa sa mamatay. Isa pa, si Ivan ay isang young master na pinalaki ng may gintong kutsara sa kanyang bibig. Gaano ba siya kalakas? Tsaka, m
Magbasa pa

Kabanata 535

Iniisip ni Neil na maswerte siya, masaya siya dahil mukhang nakalimutan ng Goddess of War ang mga sinabi niya kanina. Sa isip niya, nagdadasal siya na hindi magtanim ng sama ng loob sa kanya ang Goddess of War at palampasin na lamang ang ginawa niya. Sa kasamaang-palad, bigla siyang tinawag ng Goddess of War. Posibleng siya na ang target niya ngayon. Takot na takot din ang tatay ni Neil, na si Roy Hugo. Gusto sana niyang lumapit at magmakaawa sa Goddess of War. Humakbang siya ng isang beses bago siya huminto. Hindi lang kung sino ang kaharap niya—ito ang Goddess of War. Kapag nagmakaawa siya, baka magalit si Lana sa kanya at patayin niya ang kanyang buong pamilya o mas malala pa, at ang tanging magagawa lang niya sa puntong iyon ay ang sisihin ang kamalasan niya. Kaya naman, nanatili lang siya sa kinatatayuan niya at natatakot siyang lumapit kay Lana. "God-Goddess of War, may problema ba?" Napalunok si Neil at nanginginig ang kanyang boses. "Bilangin mo ang mga sampal.
Magbasa pa

Kabanata 536

Pagkatapos niyang mag-isip ng malalim, humarap si James sa tagapagsilbi ng Taylor family na nakatayo sa tabi niya. "Medyo nalilito kami kasi medyo late na kaming nakarating. Nabanggit ba ng Goddess of War kung may posisyon sa militar si Fane?" Ang pabulong niyang tanong. "Gaya ng isang God of War?" "Ay, wala siyang nabanggit na ganun, pero sabi ni Fane na may natanggap siyang token kaso naiwala niya. Sinabi rin niya na ang perang ginamit niya para magbid sa villa na yun ay galing mismo sa kanya. "Malamang isa siyang head commander. Isang malaking tagumpay yun kung nagawa niyang panghawakan ang posisyon niyang iyon sa loob ng limang taon!" Ang sagot ng tagapagsilbi. "Bakit wala siyang nabanggit na kahit ano kung isa siyang head commander?" Nagtataka ng nagtanong si Spectre Face, na nakatayo sa may likod. "Oh, ang sabi ni Master Fane na natatakot daw siya na walang maniniwala sa kanya dahil nawala niya sa daan ang token niya. Kaya, hindi na lang niya sinabi sa iba ang tungkol dun
Magbasa pa

Kabanata 537

"Lana, Ms. Goddess of War! Ang tagal nating hindi nagkita!" Tinawag ni James si Lana, agad siyang lumapit pagkatapos bitbitin ng mga bodyguard si Michael. Tumango siya, pagkatapos ay napansin niya ang dalawang magandang babae na kasama ni James. "Sila ba ang mga legendary beauty na sila Tanya at Yvonne?" Ang nakangiting sinabi ni Lana. Nagulat si Tanya noong narinig niya ito. Hindi niya inasahan na pupurihin siya ng Goddess of War ng ganito. "Hello, Goddess of War. A-Ako si Tanya Drake. Hindi naman ako ganun kaganda, higit na mas maganda ka kaysa sakin. Bukod sa maganda ang hubog ng katawan mo, ang lakas din ng aura mo!" Agad ding nagsalita si Yvonne, "Tama yun. Hindi lahat ay may aura na gaya ng sa Goddess of War. Matagal nang mayabang at arogante si Michael. Siguradong hindi na siya makakapagyabang pagkatapos ng mga nangyari ngayon." Matatag at malinaw ang mga mata ng dalawang babae na ito. Simple lang ang suot nila. Maganda ang impresyon sa kanila ni Lana. Pagkatapos niya
Magbasa pa

Kabanata 538

"Sino ang binastos niya? Hindi na mahalaga kung sino—hindi ko hahayaan na mabuhay pa siya!" Sumigaw si Master Wilson. Nanggagalaiti siya at halos sumabog na siya sa galit. Subalit, bigla siyang napahinto pagkatapos niyang sabihin yun. "Teka lang. Sino kamo ang binastos niya? Binastos niya ang Goddess of War?" "Tama yun, Master. Binastos niya ang Goddess of War na si Lana Zechs!" Ang paliwanag ng bodyguard. "Katapusan na natin, Master. Masyadong makapangyarihan ang binangga niya ngayon. Isang himala na na hindi niya pinatay ang buong pamilya natin!" Nagdilim ang ekspresyon ng caretaker ng Wilson family, agad niyang tinanggap ang kapalaran nila. "I-Imposible. Talaga bang binastos niya ang isang God of War?" Napalunok si Master Wilson. Biglang naglaho ang matinding galit na nararamdaman niya kanina. Napalitan ito ng takot. Isa iyong Goddess of War. Hayaan mo na ang mga makapangyarihang tao sa Middle Province—kahit ang mga makapangyarihang tao sa ibang malalaking siyudad, na ga
Magbasa pa

Kabanata 539

"Fane? Kakabalik lang niya galing sa militar, pero may lakas na siya ng loob na kalaban in ang pamilya natin at gawan ng masama ang anak ko? Hmph! Ako, si David Wilson, ay sisiguraduhin na pagsisisihan niya ang ginawa niya!" Agad na binaling ni David ang lahat ng galit niya kay Fane dahil sa sinabi ng bodyguard. "Tama yun. Napakasama ni Fane, Master. Wala ring pagpipilian si Ivan. maraming tao doon, at nanonood ang Goddess of War kaya kailangan niyang gamitin ang lahat ng lakas niya. Kung hindi, sasabihin nila na hindi bilang ang sampal na yun at kakailanganin niyang umulit sa simula. Kaya…"Alam ng bodyguard na maganda ang samahan nila Michael at Ivan. Alam niya na ayaw nila kay Fane, kaya pinaganda niya ang imahe ni Ivan. "Sige. Naiintindihan ko!" Tumango si David. "Siguro nga nailigtas ni Fane ang buhay ng Goddess of War, pero binigyan niya siya ng luminous pearl na nagkakahalaga ng 5 billion, at pinagmalaki pa siya ng Goddess of War sa birthday party ni Old Master Taylor.
Magbasa pa

Kabanata 540

"Sige. Hahayaan muna nating mabuhay si Fane sa ngayon!" Ngumiti lang si Quil. Pinag-isipan muna itong maigi ni Quil bago siya nagsalita ulit. "Heh. Napansin ko na napakaganda ng asawa niya. Ayos lang ba kung makipaglaro ako sa kanya pagkatapos mong patayin si Fane?" Nagbago ang ekspresyon ng lalaki, nawalan ng emosyon ang kanyang mukha. Tumingin siya kay Quil na nasa tabi niya, "Problema mo na yun. Wala yang kinalaman sakin. Ang gusto ko lang ay patayin ang lalaking yun!" Pagkatapos niyang sabihin yun, tumalikod ang lalaki at umalis. Naghintay muna si Quil na makaalis ang lalaki bago siya nagsalita ulit. "Bwisit. Head commander ka lang. Ang lakas ng loob mo na magmalaki sakin araw-araw habang naghihintay ka ng pagkain at inumin na maihain sayo. At sinampal mo pa ako. Shit. Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo." Kakaiba ang ekspresyon ng mga bodyguard na nakapaligid sa kanya. Wala silang masasabi tungkol dito. Kahit na isang head commander lang ang lalaking iyon, hindi
Magbasa pa
PREV
1
...
5253545556
...
251
DMCA.com Protection Status