Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2291 - Chapter 2300

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2291 - Chapter 2300

2505 Chapters

Kabanata 2291

Matagal na tinitigan ni Fane ang nanginginig na demonyo, at sa wakas ay namatay na ang Illusory Wind Demon! Habang gulat na gulat na nakatingin ang iba, biglang sumabog ang demonyo, at naging kulay pink na liwanag ito.Palakas ng palakas ang liwanag, sa sobrang liwanag nito at nagsimulang sumakit ang kanilang mga mata. Paglipas ng ilang oras, naglaho ang kulay pink na liwanag. Isang bilog na pill ang lumitaw sa harap nilang tatlo! Mayroong malakas na amoy ang pill, at halatang hindi ito isang pangkaraniwang pill!Tinaas ni Fane ang kanyang kilay, ginamit niya ang kanyang divine senses. Pagkatapos nito, nalaman niya na ang pill ay isang seventh-grade na pill. Ang tanging bagay na hindi niya alam ay kung ano ang pangalan o epekto ng pill na ito.Subalit, anuman ang nangyari, siya ang nakapatay sa demonyo, at sa kanya dapat mapunta ang pill. Hindi na niya gaanong inisip ang tungkol dito at nilabas niya ang isang kahon mula sa Mustard Seed, nilagay niya ang pill sa loob at tinabi niya a
Read more

Kabanata 2292

Higit sa isang daan at walumpung tao ang pumunta sa Secret Place for Resources. Sa mga taong iyon, sinong makakaalam kung gaano karami sa kanila ang may Woods sa kanilang pangalan. Higit pa dito, masyadong misteryoso ang taong ‘yun, maaaring isang simpleng palayaw lang ang Woods.Habang iniisip niya iyon, bumuntong hininga siya, inalis siya ang mga bagay na iyon sa kanyang isipan. Nagbago ang ugali ni Samson pagkatapos siyang iligtas ni Fane, trinato niya ng maigi si Fane.Balak ni Fane na maglakbay ng mag-isa. Kung sabagay, espesyal ang kanyang pagkatao, at mas magiging madali ito para sa kanya. Subalit, minsan ay nakakadagdag sa panganib ang paglalakbay ng mag-isa.Matutulungan pa rin ng tatlo ang isa’t isa kapag may nangyaring hindi maganda. Higit pa dito, base sa kung gaano atendido si Samson, hindi madaling makakaalis si Fane. Bumuo silang apat ng isang maliit na alyansa.Higit na mas tapat ang alyansa sa pagitan nilang apat kaysa sa alyansa ni Fane sa lima bago siya pumasok s
Read more

Kabanata 2293

Sa mga puso nila, lahat sila ay nag-iisip kung sino ang makakapasa. Inisip nila kung sino ang makakarating sa paanan ng Netherworld Mountain, bilang ang taong nakapasa sa ninth stage. Tanging ang taong iyon lang ang makakatayo sa tuktok ng Divine Void Slope. Ang tanging magagawa nila ay tumingin at humanga.Mayroong nag-aalinlangang tingin sa mga mata ni Samson, “Hindi ko alam. Baka yung lalaki mula sa Corpse Pavilion. Posible ring si Graham, o ang isa pa nating senior, na si Fane.”Bahagyang napukaw ang damdamin ni Fane noong tinawag siyang senior ni Samson. Huli na noong pumasok siya sa Dual Sovereign Pavilion, at kamakailan lang siya naging disipulo ng isang Elder. Kadalasan ay tinatawag siyang junior ng nakararami.Ngunit, sa pinakita niyang lakas sa Divine Void Slope, tinanggap ng lahat na higit na mas malakas si Fane kaysa sa halos lahat ng nandito, kaya isa na siyang senior ngayon.Noong natapos sa pagsasalita si Samson, bigla siyang lumingon at tumingin kay Isaiah, “Mula sa
Read more

Kabanata 2294

Suminghal si Fane nang walang magawa. Walang mas nakakaalam bukod sa kanya kung paano niya narating kung nasaan siya ngayon. Alam niya kung saan naguguluhan si Isaiah, at ngumiti na lamang siya, gustong makita ang paliwanag ni Isaiah.Makalipas ang ilang sandali, naiinip na sila Hayden at Samson nang marahang sabihin ni Isaiah, “Si Fane ay dating isang informal disciple, isang karaniwang informal disciple. Sobrang bilis niyang lumakas.” Natulala sila Hayden at Samdon na para bang may narinig silang hindi kapani-paniwala. Tumingin sila kay Isaiah nang nagdududa.Mukha silang nagbibintang kay Isaiah sa kanilang tingin. Ang tingin nila ay parang nagsasabing hindi na dapat siya nagbanggit ng kalokohan kahit na ayaw niyang sabihin ang totoo. Suminghal si Isaiah nang makita niya ang mukha nila, “Hindi talaga ako nagsisinungaling. Kung ayaw niyong maniwala sa akin, pwede niyong tanungin ang kahit sino sa clan namin. Malalaman mo pagkatapos nito, hindi talaga ito isang lihim sa clan nami
Read more

Kabanata 2295

Pakiramdam ni Samson nasobrahan sila sa kalokohan. Hindi sumali si Fane sa usapan, parang isang malungkot na tao. Sinabi niya, “Woods, ano sa tingin mo?”Tumaas ang kilay ni Fane, nag-isip nang maigi sandali, “Tingin ko makakapasa ang lalaking nakamaskara, at pati rin si Fane.”Hanggang dito lamang ang sinabi niya, na nagbunyag ng naiisip ni Fane. Tingin niya hindi makakapasa si Graham. Sa makatuwid, pati ang tatlo ay wala rin masyadong tiwalang makakapasa si Graham.Ngunit hindi ito sinabi nang diretso ng tatlo. Medyo nainis si Hayden, “Woods, mukhang kampante ka sa hula mo na parang siguradong mangyayari ito.”Malinaw na may laman ang sinabi niya. Hindi tanga si Fane, natutukoy niyang medyo galit rin si Hayden. Ngunit wala siyang pakialam dito at hindi niya sinagot si Hayden.Kahit na sinagip ni Fane ang tatlo, may sama pa rin ng loob si Hayden kay Fane. Pakiramdam niya ang duwag ni Fane na tinatago niya nang ganito ang katayuan niya.Lalong nagalit si Hayden sa hindi pagsagot
Read more

Kabanata 2296

Sa may burol, dalawang panig ang naghahandang lumaban. Anim silang lahat—tatlo mula sa Thousand Leaves Pavilion, at ang tatlo naman ay mula sa Corpse Pavilion. Si Byron ang nangunguna sa Thousand Leaves Pavilion, naalala niya na si Byron ay isang mahusay na disipulo ng Thousand Leaves Pavilion at mataas ang ranggo nito sa angkan. Ang impresyon lamang ni Fane kay Zamian ay mula sa dati nilang away. Mula sa nalaman niya, isa lamang siyang sipsip, laging umaaligid sa lalaking nakamaskara, hinahalikan at pinupunasan ang pwet nito.Siguro kailangan mong maging malakas para maging sipsip ng lalaking nakamaskara. Ang mga disipulo ng Corpse Pavilion na nasa ilalim ng pamumuno ng lalaking nakamaskara sa mga oras na iyon ay magalang kay Zamian. Kahit na si Zamian ay hindi isa sa mga chosen disciple, ang posisyon niya sa internal disciple ay mataas pa rin.Inisip ni Fane sa kanyang sarili at lumingon siya kay Hayden, “Kilala niyo ba si Zamian Ness?”Nang marinig ito, sabay-sabay na tumigil a
Read more

Kabanata 2297

Huminga nang malalim si Hayden. Tumalon siya at sumugod sa likuran ng burol sa harapan. “Sundan niyo ako!” lumingon siya at nag-utos habang tumatalon. Lumitaw siya sa harapan ni Byron sa isang iglap, si Zamian at ang kanyang tauhan ay nabigla sa biglang paglitaw nito at napaatras. Malapit si Hayden sa mga taong ito. Siguradong nag-alinlangan ang dalawa ngunit kalaunan ay sumunod ito sa kanya. Dahil wala na si Isaiah at Hayden, nakakahiya naman kung magpaiwan sila.Suminghal sila nang nanlulumo at sumunod. Nang makita si Hayden, napasigaw si Byron na parang nakita na niya ang kanyang tagapagligtas, “Junior Hayden!”Tumango si Hayden at naglakad sa tabi ni Byron nang hindi nagsasalita. Dumiretso ito nang tayo at tumayo sa tabi ni Byron, malinaw na nandito siya para tumulong. Sumimangot si Zamian dahil talagang hindi niya inakala ang pagdating ni Hayden. Ayos lang sana kung si Hayden lang, pero may tatlo itong kasama. Siguradong lugi sila ngayong may apat nang tutulong kay Byron.
Read more

Kabanata 2298

Lumapit si Fane kay Hayden nang mahina ang boses, “Sino si Rufus? Anong posisyon niya sa Corpse Pavilion?”Kaunti lamang ang alam ni Fane sa Corpse Pavilion. Kaunti lamang ang kilala niyang mula sa Corpse Pavilion, at hanggang dito lamang ang alam niya. At sa kung ano naman ang nangyayari sa Corpse Pavilion, wala siyang alam dito.Bukod sa ilang tao sa harapan, ang nakilala lamang niya ay ang lalaking nakamaskara at ang lalaking pangalan ay Lennon. Talo si Lennon sa lalaking nakamaskara, at siguro mahusay ri si Rufus.Kung hindi, hindi igagalang ni Zamian si Rufus, na para bang kumakawag ang buntot nito para dito. Tumingin si Hayden kay Fane na para bang naiirita siya sa paulit-ulit na pagtatanong ni Fane.Ngunit maliit na grupo pa rin sila, at sa huli, pinakalma niya ang kanyang sarili nang sumagot siya, “Si Rufus ay isang Chosen Disciple ng Corpse Pavilion, at mas mahina lang nang kaunti kay Lennon.”Medyo seryoso ang tono ni Hayden. Tumingin siya kay Rufus na para bang isa iton
Read more

Kabanata 2299

Napakabastos ng kanyang tono. Maging si Fane ay nagalit sa pakikinig sa kanya, lalo na ang iba.Nanginginig na sa galit ang kamay ni Byron. Ang kanyang kanang kamay ay tumikom nang mahigpit, at ang kanyang kaliwang kamay ay kumuha na ng sandata mula sa kanyang storage ring. Muling bumigat ang ihip ng hangin at anumang oras ay maaaring magkaroon ng labanan.Nanlulumong suminghal si Samson, napilitan siyang bumulong, “Hindi magiging madali kalabanin si Rufus. Kasunod lamang siya ni Lennon sa husay sa Corpse Pavilion, at si Lennon ay nasa top five kanina.”Maaaring hindi na makakausad si Lennon mula sa ikaanim na bahagi hanggang sa ika-siyam, ngunit talagang napatunayan niya ang kanyang husay. Walang magdududa sa kung gaano kalakas si Lennon. Kaya, para maging kasunod ni Lennon, siguradong malakas rin ito.Malinaw na dehado sila, at sugatan na si Byron. Kapag nagsimula silang maglaban, magiging mahirap na makakuha sila ng kahit na ano, at baka mabawasan pa sila. Siguro si Samson ang p
Read more

Kabanata 2300

Para sa kanila, walang mangyayaring maganda kung haharapin nila ang pitong ito.Ngunit mula nang makarating sila sa lugar na ito, lubos na silang pinapahiya. Paano nila magagawang lunukin na lamang ang kanilang galit at umalis?Nagdilim na nang sobra sa galit ang mukha ni Byron. Para mapatay ang halimaw kanina, ibinuhos niya ang kanyang lakas. Walang makakatiis na mapahiya nang ganito nang sugatan.Nang gusto na sanang magpumilit muli ni Byron, narinig niya ang isang malinaw na boses sa tabi niya, “Ayaw ko sanang kumilos, pero hindi ko na ito matiis. Ikaw si Rufus? Ikaw ang pinakamahirap kalabanin?”Nakuha ng mga salitang iyon ang pansin ng lahat ng nandoon. Nakatuon ang atensyon ng Corpse Pavilion at Thousand Leaves Pavilion kay Fane.Lumapit si Fane nang ilang hakbang, at ang kanyang mata ay nakatuon kay Rufus. Ngumiti si Rufus, malinaw na hindi nakikilala si Fane.Upang maitago ang kanyang pagkatao, ginamit pa ni Fane ang kanyang true energy upang mapigilan ang kanyang lakas.
Read more
PREV
1
...
228229230231232
...
251
DMCA.com Protection Status