Share

Kabanata 2294

Author: Moneto
last update Last Updated: 2023-06-26 19:00:00
Suminghal si Fane nang walang magawa. Walang mas nakakaalam bukod sa kanya kung paano niya narating kung nasaan siya ngayon. Alam niya kung saan naguguluhan si Isaiah, at ngumiti na lamang siya, gustong makita ang paliwanag ni Isaiah.

Makalipas ang ilang sandali, naiinip na sila Hayden at Samson nang marahang sabihin ni Isaiah, “Si Fane ay dating isang informal disciple, isang karaniwang informal disciple. Sobrang bilis niyang lumakas.”

Natulala sila Hayden at Samdon na para bang may narinig silang hindi kapani-paniwala. Tumingin sila kay Isaiah nang nagdududa.

Mukha silang nagbibintang kay Isaiah sa kanilang tingin. Ang tingin nila ay parang nagsasabing hindi na dapat siya nagbanggit ng kalokohan kahit na ayaw niyang sabihin ang totoo.

Suminghal si Isaiah nang makita niya ang mukha nila, “Hindi talaga ako nagsisinungaling. Kung ayaw niyong maniwala sa akin, pwede niyong tanungin ang kahit sino sa clan namin. Malalaman mo pagkatapos nito, hindi talaga ito isang lihim sa clan nami
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2295

    Pakiramdam ni Samson nasobrahan sila sa kalokohan. Hindi sumali si Fane sa usapan, parang isang malungkot na tao. Sinabi niya, “Woods, ano sa tingin mo?”Tumaas ang kilay ni Fane, nag-isip nang maigi sandali, “Tingin ko makakapasa ang lalaking nakamaskara, at pati rin si Fane.”Hanggang dito lamang ang sinabi niya, na nagbunyag ng naiisip ni Fane. Tingin niya hindi makakapasa si Graham. Sa makatuwid, pati ang tatlo ay wala rin masyadong tiwalang makakapasa si Graham.Ngunit hindi ito sinabi nang diretso ng tatlo. Medyo nainis si Hayden, “Woods, mukhang kampante ka sa hula mo na parang siguradong mangyayari ito.”Malinaw na may laman ang sinabi niya. Hindi tanga si Fane, natutukoy niyang medyo galit rin si Hayden. Ngunit wala siyang pakialam dito at hindi niya sinagot si Hayden.Kahit na sinagip ni Fane ang tatlo, may sama pa rin ng loob si Hayden kay Fane. Pakiramdam niya ang duwag ni Fane na tinatago niya nang ganito ang katayuan niya.Lalong nagalit si Hayden sa hindi pagsagot

    Last Updated : 2023-06-27
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2296

    Sa may burol, dalawang panig ang naghahandang lumaban. Anim silang lahat—tatlo mula sa Thousand Leaves Pavilion, at ang tatlo naman ay mula sa Corpse Pavilion. Si Byron ang nangunguna sa Thousand Leaves Pavilion, naalala niya na si Byron ay isang mahusay na disipulo ng Thousand Leaves Pavilion at mataas ang ranggo nito sa angkan. Ang impresyon lamang ni Fane kay Zamian ay mula sa dati nilang away. Mula sa nalaman niya, isa lamang siyang sipsip, laging umaaligid sa lalaking nakamaskara, hinahalikan at pinupunasan ang pwet nito.Siguro kailangan mong maging malakas para maging sipsip ng lalaking nakamaskara. Ang mga disipulo ng Corpse Pavilion na nasa ilalim ng pamumuno ng lalaking nakamaskara sa mga oras na iyon ay magalang kay Zamian. Kahit na si Zamian ay hindi isa sa mga chosen disciple, ang posisyon niya sa internal disciple ay mataas pa rin.Inisip ni Fane sa kanyang sarili at lumingon siya kay Hayden, “Kilala niyo ba si Zamian Ness?”Nang marinig ito, sabay-sabay na tumigil a

    Last Updated : 2023-06-27
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2297

    Huminga nang malalim si Hayden. Tumalon siya at sumugod sa likuran ng burol sa harapan. “Sundan niyo ako!” lumingon siya at nag-utos habang tumatalon. Lumitaw siya sa harapan ni Byron sa isang iglap, si Zamian at ang kanyang tauhan ay nabigla sa biglang paglitaw nito at napaatras. Malapit si Hayden sa mga taong ito. Siguradong nag-alinlangan ang dalawa ngunit kalaunan ay sumunod ito sa kanya. Dahil wala na si Isaiah at Hayden, nakakahiya naman kung magpaiwan sila.Suminghal sila nang nanlulumo at sumunod. Nang makita si Hayden, napasigaw si Byron na parang nakita na niya ang kanyang tagapagligtas, “Junior Hayden!”Tumango si Hayden at naglakad sa tabi ni Byron nang hindi nagsasalita. Dumiretso ito nang tayo at tumayo sa tabi ni Byron, malinaw na nandito siya para tumulong. Sumimangot si Zamian dahil talagang hindi niya inakala ang pagdating ni Hayden. Ayos lang sana kung si Hayden lang, pero may tatlo itong kasama. Siguradong lugi sila ngayong may apat nang tutulong kay Byron.

    Last Updated : 2023-06-27
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2298

    Lumapit si Fane kay Hayden nang mahina ang boses, “Sino si Rufus? Anong posisyon niya sa Corpse Pavilion?”Kaunti lamang ang alam ni Fane sa Corpse Pavilion. Kaunti lamang ang kilala niyang mula sa Corpse Pavilion, at hanggang dito lamang ang alam niya. At sa kung ano naman ang nangyayari sa Corpse Pavilion, wala siyang alam dito.Bukod sa ilang tao sa harapan, ang nakilala lamang niya ay ang lalaking nakamaskara at ang lalaking pangalan ay Lennon. Talo si Lennon sa lalaking nakamaskara, at siguro mahusay ri si Rufus.Kung hindi, hindi igagalang ni Zamian si Rufus, na para bang kumakawag ang buntot nito para dito. Tumingin si Hayden kay Fane na para bang naiirita siya sa paulit-ulit na pagtatanong ni Fane.Ngunit maliit na grupo pa rin sila, at sa huli, pinakalma niya ang kanyang sarili nang sumagot siya, “Si Rufus ay isang Chosen Disciple ng Corpse Pavilion, at mas mahina lang nang kaunti kay Lennon.”Medyo seryoso ang tono ni Hayden. Tumingin siya kay Rufus na para bang isa iton

    Last Updated : 2023-06-28
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2299

    Napakabastos ng kanyang tono. Maging si Fane ay nagalit sa pakikinig sa kanya, lalo na ang iba.Nanginginig na sa galit ang kamay ni Byron. Ang kanyang kanang kamay ay tumikom nang mahigpit, at ang kanyang kaliwang kamay ay kumuha na ng sandata mula sa kanyang storage ring. Muling bumigat ang ihip ng hangin at anumang oras ay maaaring magkaroon ng labanan.Nanlulumong suminghal si Samson, napilitan siyang bumulong, “Hindi magiging madali kalabanin si Rufus. Kasunod lamang siya ni Lennon sa husay sa Corpse Pavilion, at si Lennon ay nasa top five kanina.”Maaaring hindi na makakausad si Lennon mula sa ikaanim na bahagi hanggang sa ika-siyam, ngunit talagang napatunayan niya ang kanyang husay. Walang magdududa sa kung gaano kalakas si Lennon. Kaya, para maging kasunod ni Lennon, siguradong malakas rin ito.Malinaw na dehado sila, at sugatan na si Byron. Kapag nagsimula silang maglaban, magiging mahirap na makakuha sila ng kahit na ano, at baka mabawasan pa sila. Siguro si Samson ang p

    Last Updated : 2023-06-28
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2300

    Para sa kanila, walang mangyayaring maganda kung haharapin nila ang pitong ito.Ngunit mula nang makarating sila sa lugar na ito, lubos na silang pinapahiya. Paano nila magagawang lunukin na lamang ang kanilang galit at umalis?Nagdilim na nang sobra sa galit ang mukha ni Byron. Para mapatay ang halimaw kanina, ibinuhos niya ang kanyang lakas. Walang makakatiis na mapahiya nang ganito nang sugatan.Nang gusto na sanang magpumilit muli ni Byron, narinig niya ang isang malinaw na boses sa tabi niya, “Ayaw ko sanang kumilos, pero hindi ko na ito matiis. Ikaw si Rufus? Ikaw ang pinakamahirap kalabanin?”Nakuha ng mga salitang iyon ang pansin ng lahat ng nandoon. Nakatuon ang atensyon ng Corpse Pavilion at Thousand Leaves Pavilion kay Fane.Lumapit si Fane nang ilang hakbang, at ang kanyang mata ay nakatuon kay Rufus. Ngumiti si Rufus, malinaw na hindi nakikilala si Fane.Upang maitago ang kanyang pagkatao, ginamit pa ni Fane ang kanyang true energy upang mapigilan ang kanyang lakas.

    Last Updated : 2023-06-28
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2301

    Kung titingnan ang sitwasyon, tila wala nang paraan para pigilan ito. Tumingin si Samson kay Fane na may takot na ekspresyon, "Woods, nababaliw ka na ba? Kung lalabanan mo siya ng mag-isa, mamamatay ka!"Bahagyang umiling si Fane, hindi niya pinansin ang lahat ng sinabi ni Samson. Tumawa ng malakas si Zamian habang tinuturo si Fane, "Nababaliw ka na! Hindi mo talaga alam kung saan ka lulugar. Rufus, hinahamon ka ng batang ito, kaya siguraduhin mo na hindi ka magpapakita ng awa sa kanya. Ipakita mo sa kanya kung ano ang ibig sabihin paghamon sa’yo!"Kumilos si Rufus na parang binabalewala niya ang mga sinasabi ni Zamian, ngunit matagumpay na nadagdagan ng mga salitang ito ang galit ni Rufus kay Fane. Ang hamunin siya ng isang hamak na bata ng ganun na lang, kung hindi tuturuan ni Rufus si Fane ng leksyon, ibig sabihin ay hindi sapat ang kakayahan niya.Habang iniisip niya iyon, hindi niya pinansin ang lahat ng nasa paligid at sumugod siya habang hawak ang isang espada. Sinugod niya s

    Last Updated : 2023-06-29
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2302

    Talagang walang laban si Fane kay Rufus! Kanina, natural na narinig din ni Fane ang mga pagmamayabang ni Zamian. Bahagyang ngumiti si Fane, Earth level elementary skills?Maaaring ito ay isang bagay na hindi maabot ng mga naroroon, ngunit madali lang ito para kay Fane!Tatlumpu't limang Soul Sword ang nagtipon sa loob ng itim na espada. Isang maningning na itim na liwanag ang nagmula sa talim nito! Habang dumadagundong ang espada ni Rufus, pinakawalan din ni Fane ang kanyang atake!Nakarinig ang lahat ng napakalakas na pagsabog, ang Soul Frost at Destroying the Void ay nagsalpukan ng malakas. Biglang binalot ng madilim na liwanag ang malamig na asul na liwanag.Nagsagupaan silang dalawa sa himpapawid, at sa ilang sandali lang ay maririnig na ang tunog ng salpukan ng kanilang mga espada.Ang malamig na asul na liwanag ay nabasag at naging maliliit na piraso ng niyebe. Tinangay ang mga ito ng hangin nang bumagsak ang mga ito sa lupa. Hindi nagpatalo ang Destroying the Void ni Fane.

    Last Updated : 2023-06-29

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

DMCA.com Protection Status